Share

Chapter 2: The Advice

Mababakas na agad sa mukha ni Shanael ang labis na pagkabahala pagkababa pa lang ng taxi at makita ang kalunos-lunos na lagay ng hitsura ko. Nasa may gilid na ako. Tumabi na. Kanina ay nasa may gitnang bahagi ako malapit sa mga kotseng nakaparada. Hindi niya man tahasang sabihin ay sure akong kumalat na ang make up na suot ko sa buong mukha. Bahang-baha ba naman ang luha ko. Baka nga iyon ang ikinagulat niya dahil naiiling siya na medyo natatawa pa.

“Ano bang nangyari sa'yo, Glyzel?!” lahad nito agad ng isang kamay sa akin para tulungan akong tumayo. Nakaupo kasi ako doon. “Jusko naman! Bakit mukha kang sobrang kawawa? Ano ba kasing ginagawa mo dito?” magkasunod na tanong niya na may pandidilat na ng mga mata.

Humikbi na ako ng makita ang concern sa mga mata niya. Maya-maya ay malakas na akong humagulhol ng iyak. Gusto kong sabihin ang lahat sa kanya ngunit hindi ko alam saan magsisimula.

“Sa halip na nasa bahay ka ngayon at nagsasaya kasama ng iyong pamilya ay narito ka. Mag-isa. Ngumangawa, at umiiyak na parang inagawan ka ng lollipop.” pagrereklamo pa roon ni Shanael.

Apat silang mga barkada ko. Si Hilary ang una kong tinawagan pero mukhang busy siya ngayon. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ko kahit na ilang ulit kong gawin iyon. Si Josefa naman ay out of the country at hindi pa nakakabalik ng bansa. Itong si Shanael lang talaga ang free sa kanila at mayroong time na kaagad akong puntahan dito. Sa aming apat, siya lang ang walang ka-relasyon.

“S-Shanael...” patuloy kong hikbi, nagpapakampi.

Si Hilary ang inuna ko dahil siya ang mas may malawak na pang-unawa. Sa totoo lang si Shanael ang nasa pinaka-last option ko. Hindi kasi siya mahilig mang-baby gaya ni Hilary at Josefa.

“Ano ba kasing problema—”

Mahigpit na akong yumakap sa kanya at muli pang umatungal ng iyak. Tinapik-tapik niya lang ang likod ko. Hinagod iyon na parang inaalo-alo. Mukha yatang tumalab ang pagpapaawa ko. Hindi niya na kasi ako patuloy na senermunan.

“Tell me. Sino ang umaway sa'yo at re-resbakan natin? Hindi ka niya dapat pinapaiyak. Si Glyzel ka, kaya. Ang babaeng sobrang lakas at tibay ng loob na makipag-relasyon sa class adviser niya.”

Alam kong nagbibiro lang siya. Pinapatawa ako. Ngunit hindi ko iyon pinatulan. Inignora ko lang.

“Nakipagkita sa akin iyong future mother in law ko. Akala ko ay makukuha ko ang loob niya. Mali pala ang hula ko. Sinabihan niya ba naman akong makipaghiwalay na raw sa anak niya.” sumbong ko na muli na namang bumagsak ang mga luha.

“Ano?!” pasigaw na reaction niyang bigla akong itinulak palayo sa kanya para i-klaro ang lahat. “Ulitin mo nga kung ano ang sinabi niya sa'yo!”

“Ang sabi niya hiwalayan ko raw si Niccolo.“

Sa pagitan ng patuloy na pag-iyak ay nagawa kong ikuwento kay Shanael ang lahat ng nangyari sa araw na iyon sa encounter ko sa ina nito. Hindi ito makapaniwala sa mga nalaman niya dahil na rin siguro sa kabaitan ni Niccolo. Alam kasi nila kung gaano kami magmahalan nito kahit na bawal pa iyon. Mataman siyang nakinig sa akin. Panaka-naka ang reaction niya dito. Inilabas ko ang lahat ng sama ng loob, lahat ng hinanakit.

“Hindi naman ako dapat na affected pero hindi ko pwedeng hindi pansinin. Tao rin lang naman ako.”

Hindi pa tapos ang kwento ko ay nilisan na namin ang harap ng resto kung saan ko na-meet ang ina ni Niccolo. Baka kasi kapag nagtagal pa kami rito ay maka-encounter namin ulit ito. Mahirap na dahil kasama ko ang palaban sa buhay na si Shanael. Nagtungo kami sa cafe na madalas tambayan ng aming barkada. Doon ko itinuloy ang masinsinan naming pag-uusap ni Shanael.

“Gaga ka ba, Glyzel? Wala kang isip?” pitik niya sa noo ko, mariin ko ng ipinikit doon ang mga mata.

Sobrang disappointed ang hitsura ng kaibigan.

“Alam mo ba na maaari kang makidnap ng walang kamalay-malay sa ginagawa mo? Ang reckless mo, jusmiyo ka!” may pag-irap pa ito.

Ngayon ko lang naisip ang bagay na ito. Tama nga siya, may point nga rin ang comment niya.

“Bakit hindi mo muna cheneck kung ang boyfriend mo ba talaga iyon o isang nagpapanggap lang na germs bago ka pumayag na makipagkita?”

Umiling ako. Hindi ko rin alam. Hindi na naisip pa.

“Ayan tayo eh, hindi ka nag-iisip. Paano na lang kung masamang loob pala iyon? Sangkot sa mga human trafficking. Saan ka namin hahanapin?”

“Hindi ko na nga ginawa dahil malaki naman ang tiwala ko kay Niccolo. Ang akala ko talaga ay siya dahil alam mo iyon, third anniversary din namin.”

“Kailan?”

“Ngayong araw.”

Sumubo muna ito ng slice ng cake niya.

“Oo na, naroon na tayo pero Glyzel naman! Hindi ka na bata. Alam mo rin na iba na ang panahon ngayon. Delikado na ang lahat. Wala ng ligtas.”

Hindi ako nangatwiran para banggain ang point ng kaibigan. Tama naman siya. Kung nag-check lang ako, hindi sana ako nasasaktan ngayon. Hindi ko dinadanas ang unexpected meet up sa mother ni Niccolo na hindi ko napaghandaan. Hindi ko sana na-experience masabihan na layuan siya.

“Iyon lang ba ang nag-iisang dahilan ng ina niya? Baka naman mayroon pang iba?” mas kuryuso ng tanong niya sabay simsim sa inorder niyang kape. “Bata ka pa raw, I mean menor de edad ka pa kaya ayaw niya para sa anak niya? Too shallow.”

“Iyon lang naman ang sinabi niya. Wala ng iba.”

“Ang babaw niya talaga. Kung ako iyon prinangka ko na siya kaagad. Masyadong pakialamera. Saka bakit ikaw ang pinagsasabihan niya? Bakit hindi si Sir gayong siya naman iyong mas matanda sa inyong dalawa? Ang unfair ng nanay niya ha?”

Hindi ko rin alam. Baka dahil ako ang babae?

“Ikaw ang pinupuntirya niya dahil alam niyang mahina ka at hindi mo maiisip na lumaban. Tipo na matatakot ka sa isang sabi niya lang.”

Muli na namang umikot ang mga mata niya.

“Hay naku, parents nowadays. Hindi na lang nila pabayaan at bigyan ng laya na magmahal ang mga anak nila ng taong gusto nila. Sir Niccolo is old enough to made a decision. Dapat wala na siyang say pa doon at saka isa pa ay lalake si Sir.” mahaba nitong litanya na muling nag-roll eye.

“Kaya nga, nakaka-trauma kayang experience. Tapos syempre first time meeting iyon. I did not expect na ganun ang una naming pagkikita.”

“Pasalamat siya na hindi ako ang nakaharap niya o ang gaya ni Hilary ang nasumpingan niya. Naku, ako na ang magsasabi. Mapapahiya talaga siya sa pagiging prangka namin. Soft hearted ka kasi.”

Ito ang dahilan kung bakit pinili kong huwag na lang sabihin sa kanya ang tungkol doon sa pagpapakasal di umano ni Niccolo sa first love niya. Ayokong kamuhian nila ang class adviser namin nang dahil dito. Saka isa pa ay baka mamaya ay ini-echos lang din ako ng ina ni Niccolo para mas magalit at syempre sa huli ay tuluyang makipaghiwalay sa anak niya. Iyon ang goal main goal niya kaya magaspang ang ugali.

Anuman ang mangyari, hindi ako papayag na maapektuhan. Never! Hihintayin kong si Sir ang magsabi nito sa akin bago ako magdesisyon. Alam ko namang may dahilan kung bakit hindi ko siya makontak ngayon. Susubukan ko ulit maya.

“Alam mo iyong gulat ko? I can't explain. Bigla akong natulala. Parang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko rin alam kung paano niya nakuha ang number ko. Basta nag-text at nagpanggap.”

“Malamang pinakialaman niya ang cellphone ng anak niya. Sa tingin mo ba si Sir ibibigay ang number mo sa iba para lang makipagkita ha?”

Mabilis akong umiling. Imposible na gagawin niya iyon lalo na kung ikakapahamak ko ito ng bongga.

“Hindi ba hindi? Madamot iyon si Sir Niccolo. Naku, mahirap na maging in law ang gaya niya Glyzel. Uunahan na kita para di na sumakit ang ulo mo. Ngayon pa nga lang na hindi pa kayo married ay ganyan na siya? What if sa oras na kasal na kayo? Sure ako na hindi mo iyon makakasundo dahil sa ang lahat ay papakialaman niya sa inyo. I mean iyong paggawa ng desisyon, kailangan pang sabihin sa kanya at hingin ang opinyon niya.”

Hindi ako nagsalita. May punto siya pero dahil wagas ang pagmamahal ko kay Niccolo, hindi ko na iniisip ang bagay na iyon ngayon. Wala akong pakialam basta makasama ko lang ang nobyo.

“Linawin mo ang lahat kay Sir, hindi pwede na hindi niya ito malaman Glyzel. Dapat may action siya sa ina niya. Malay mo wala siyang alam sa scheme ng mother niya. Kunin mo ang side niya. Isumbong mo. Huwag kang basta manahimik.”

Nakinig ako sa payo ni Shanael. Hindi ako umuwi ng bahay namin ng gabing iyon kahit na panay ang chat sa akin ni Mommy at Daddy. Sa condo ako dumeretso upang dito matulog. Sinabi ko na lang kay Daddy at Mommy na bukas na lang ako uuwi dahil sa nagka-ayaan kami ng mga kaibigan na dito matulog sa condo, pero ang totoo ay solo lang ako. Hindi ko ibinuntot si kahit si Shanael. Nais kong mapag-isa. Kailangan ko ‘ring mag-isip.

“Busy ka ba?” iyon ang una kong tanong nang sagutin ni Niccolo ang pang ilang daang tawag.

Kanina pa ako palakad-lakad sa may balcony at tinatanaw ang matingkad na city lights. Ang mga taong masayang naliligo sa pool na nasa ibaba ng building at panaka-nakang nagtatawanan.

“Medyo lang naman, I am sorry Baby kung hindi kita magawang e-text at magbabad sa tawag. Marami lang talagang ganap ngayong araw dito sa aming bahay. Ikaw ba? Kumusta ang simula ng unang araw mo para sa taong ito?”

Bahagya kong kinagat ang labi para magtimpi. Sa mga sandaling iyon kasi ay gusto ko ng sabihin sa kanya ang lahat ng nangyari ngayong araw. Iyon nga lang may pumipigil sa akin na gawin iyon. Baka mas lalong lumala lang ang aming sitwasyon. At nang dahil sa ginawa ay hindi ko mapigil ang pagdungaw na naman sa mata ko ng butil ng mga traydor kong luha.

“A-Ayos lang din naman. Busy din pero masaya.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status