INICIAR SESIÓNHindi naman tamad si Sunshine Alcazar. Sa katunayan, maaga siyang gumising para sa unang araw niya sa Madrigal Corporation. Maayos ang plantsadong blouse, plantsado rin ang buhok, at plantsado pati ang plano niyang huwag mapahiya sa bagong trabaho.
Ang problema, hindi lahat ng plano ay nasusunod. Pagpasok niya sa gusali, agad siyang nagtungo sa elevator. May hawak siyang kape at folder na naglalaman ng mga dokumentong kailangan sa orientation. Nang bumukas ang elevator, dali-dali siyang pumasok dahil may ilang taong naghihintay sa likuran niya. Hindi niya napansin ang lalaking palabas sana. “Aray!” Nagbanggaan sila. Tumilapon ang ilang papel mula sa folder niya, at ang kape naman ay tumapon sa puting polo ng lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Sunny. “Diyos ko! Sorry po!” Tiningnan ng lalaki ang damit niya. Pagkatapos ay dahan-dahang tumingin kay Sunny. “Do you always walk without looking?” Napakurap siya. Imbes na mag-sorry agad ulit, napatingin muna siya sa paligid. “Pasensya na po. Hindi ko naman po sinasadya. Nagmamadali lang ako.” “So am I.” “Eh di pareho po tayong nagmamadali. Hindi naman po kailangang magtaasan ng boses.” Bahagyang tumaas ang kilay ng lalaki. “I wasn't raising my voice.” “Ah, okay. Baka malakas lang talaga boses ninyo.” Napatingin ang lalaki sa kaniya na para bang hindi makapaniwalang iyon ang isinagot niya. Kumuha si Sunny ng tissue sa bag at agad na lumapit para punasan ang natapong kape. “Don't touch it.” Huli na ang lahat. Naitapal na niya ang tissue sa damit nito at lalo pang kumalat ang mantsa. Napatigil siya. “Ah. Mas lumaki.” “I can see that.” “Sorry na nga po. Hindi ko naman po intensiyong gawing kulay kape ang damit ninyo.” “Then perhaps you should be more careful.” Napakunot-noo si Sunny. Huminga siya nang malalim bago yumuko para pulutin ang mga papel. “Opo. Mag-iingat na po ako. Pero kayo rin sana, huwag kayong basta-basta huminto sa mismong labasan ng elevator.” “Excuse me?” “Doon po kasi kayo nakatayo. May mga taong palabas at papasok. Delikado rin po.” Sandaling natahimik ang lalaki. Hindi siya sanay na may empleyadong basta na lamang sumasagot sa kaniya. Kadalasan, ang mga tao sa paligid niya ay maingat sa bawat salitang binibitawan. “Are you blaming me for this?” “Hindi po. Inaako ko naman po ang natapon kong kape. Sinasabi ko lang na pareho tayong dapat mag-ingat.” Kinuha ng lalaki ang mga papel mula sa kamay niya. “Just go. You're already late.” Napatingin si Sunny sa relo niya. “Hindi pa po ako late.” “Then don't waste more time arguing.” Napanganga siya nang bahagya. Gusto pa sana niyang sumagot, pero pinili niyang pigilan ang sarili. Kailangan niya ng trabaho. Hindi niya kailangan ng away sa isang estranghero. “Fine. Sorry ulit.” Mabilis siyang pumasok sa elevator nang tuluyan itong bumukas. Naiwan ang lalaki sa lobby, nakatingin sa saradong p***o. “Interesting,” mahinang sabi nito. Hindi niya alam kung matatawa o maiinis sa babaeng iyon. Pagdating ni Sunny sa ground floor coffee shop, bumili siya ng panibagong kape. Kailangan niya ng caffeine para makalimutan ang unang aberya ng araw niya. Habang naghihintay, napansin niyang may lalaking nakatayo sa gilid ng counter. Hawak nito ang cellphone at tila may kausap tungkol sa isang meeting. “Move it to nine-thirty. I don't want another delay,” narinig niyang sabi nito. Nang matapos ang tawag, lumapit ito sa counter. “Can I get a black coffee?” Napatingin si Sunny sa pila. May dalawang tao pang naghihintay. “Excuse me po. Nasa pila tayo.” Lumingon ang lalaki. “I'm ordering.” “Opo, pero may pila.” Tumingin ito sa likuran niya, saka muling tumingin sa kaniya. “I was here before you.” Napalingon si Sunny sa paligid. Hindi niya ito napansin kanina. “Ah, hindi ko po kayo nakita.” “Clearly.” Hindi niya nagustuhan ang tono nito. “Hindi naman po kailangang sarcastic. Sinasabi ko lang na may pila.” “I don't need you to tell me how a queue works.” “Then good for you. At least pareho na tayong may alam.” Napatingin ang cashier sa kanilang dalawa. Halatang gusto nitong matawa pero pinipigilan lamang. Sa halip na patulan pa siya, umorder na lang ang lalaki. Nang matapos itong kumuha ng kape, dumaan ito sa tabi ni Sunny. “Try not to spill that one.” Napatingin siya sa hawak niyang baso. “Try not to stand in my way.” Huminto ang lalaki at lumingon sa kaniya. Muntik nang matawa ang cashier sa narinig, pero agad ding nagkunwaring abala. “Have a good day,” malamig na sabi ng lalaki. “I'm trying,” sagot ni Sunny. Nang makaalis ito, napailing siya. “Ang aga-aga, may nakilala na akong masungit.” Hindi niya alam na ang lalaking iyon din ang una niyang nakabangga. At hindi pa roon nagtatapos ang kanilang pagkikita. Paglabas niya sa coffee shop, napansin niyang may paper bag na nakapatong sa isang upuan malapit sa reception. May lalaking nakatayo sa tabi nito, abala sa cellphone. Dahil nagmamadali siyang makarating sa HR, lumapit siya. “Sir, sa reception po ba iyan?” Tumingin ang lalaki. Siya na naman. “You again?” Napapikit si Sunny. “Ah. Kayo na naman.” “This is my bag.” “Ah, okay. Akala ko po may delivery na naiwan.” “Why would I leave my belongings here?” “Hindi ko naman po alam. Kaya nga nagtatanong ako.” Kinuha nito ang paper bag at tumingin sa kaniya. “Do you have a habit of questioning strangers?” “Hindi naman po. Pero tatlong beses na tayong nagkikita ngayong umaga. Parang kailangan ko nang malaman kung bakit lagi kayong nasa dinadaanan ko.” “Maybe you're the one who keeps showing up where I am.” Napabuka ang bibig ni Sunny. “Wow. Ako pa talaga?” “Do you have somewhere to be?” “Opo. At kung hindi ninyo ako haharangin, makakarating din ako roon.” Tiningnan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa bago bahagyang tumabi. “Go ahead.” “Thank you.” Naglakad si Sunny palayo. Hindi na siya lumingon. Sapat na ang tatlong beses na pakikipagtalo sa iisang tao bago pa man siya opisyal na magsimula sa trabaho. Pagdating niya sa HR department, sinalubong siya ng babaeng may hawak na folder. “Ms. Sunshine Alcazar?” “Opo. Ako po.” “I'm Trina. Welcome to Madrigal Corporation. Let's finish your documents and orientation.” Maayos na sinunod ni Sunny ang lahat ng proseso. Pinirmahan niya ang mga kailangang papeles, nakinig sa paliwanag tungkol sa company policies, at tinanggap ang employee ID niya. “Your position is administrative assistant,” paliwanag ni Trina. “You'll be assigned to the administrative department, but there may be times when you'll handle documents for the executive office.” “Okay po. No problem.” “Good. By the way, have you met Mr. Madrigal?” Napahinto si Sunny sa pag-aayos ng ID. “Mr. Madrigal?” “Yes. Sebastian Madrigal. Our CEO.” Dahan-dahang napatingin siya kay Trina. “Sebastian?” Tumango ang babae. “Yes. Why?” Biglang bumalik sa isip niya ang lalaking nakabangga niya sa elevator. Ang lalaking sinita niya sa pila. At ang lalaking nakipagtalo sa kaniya tungkol sa paper bag. Hindi. Huwag naman sana. “Ma'am, ano pong itsura niya?” Napangiti si Trina. “Tall, usually wears a suit. Why? Did you see him?” Parang gusto nang lamunin ng sahig si Sunny. “Yung... naka-puting polo kanina?” “That's him.” Napahawak siya sa noo. “Patay.” “What's wrong?” “Wala po. May naalala lang akong kasalanan.” Natawa si Trina. “Don't worry. He's strict, but he's professional. Just do your job well.” Tumango si Sunny, pero hindi na niya halos narinig ang kasunod na paliwanag. Ang lalaking tatlong beses niyang nakaaway ay ang CEO ng kumpanyang papasukan niya. At hindi lang basta CEO. Siya ang boss niya. Sa kabilang banda, nasa executive office si Sebastian at binabasa ang listahan ng mga bagong empleyado. Habang sinusuri ang mga pangalan, napahinto siya sa isang entry. Sunshine Alcazar. Kinuha niya ang employee profile at binasa ang impormasyon nito. Nang makita niya ang litrato, agad niyang nakilala ang mukha. Ang babaeng nakabuhos ng kape sa kaniya. Ang babaeng sinita siya sa coffee shop. At ang babaeng tila walang takot na makipagtalo sa kahit sino. Napailing siya at ibinaba ang papel. “Sunshine Alcazar,” ulit niya. May kumatok sa p***o. “Come in.” Pumasok ang kaniyang assistant at nag-abot ng ilang dokumento. “Sir, the new administrative assistant has completed her orientation.” “What's her name?” “Sunshine Alcazar.” Sandaling tumingin si Sebastian sa assistant. “I know.” Hindi niya alam kung anong klaseng araw ang naghihintay sa kaniya sa susunod na mga linggo. Pero ngayon pa lang, may kutob na siyang hindi magiging tahimik ang presensiya ng bagong empleyadong iyon sa kumpanya. Samantala, nakaupo si Sunny sa bagong mesa niya, nakatitig sa employee ID na nakasabit sa leeg. “Trabaho lang,” bulong niya sa sarili. “Huwag makipagtalo sa boss. Huwag magbuhos ng kape sa boss. At higit sa lahat, huwag nang makipagkita sa boss.” Napabuntong-hininga siya. Mukhang mahirap sundin ang huling bilin. Dahil sa unang araw pa lang, tatlong beses na niyang nagawa ang kabaligtaran.“Daddy! Mommy Sunny! Dito tayo!”Halos hilahin ni Dahlia ang dalawang nakatatanda papunta sa registration booth. Halatang excited na excited ang bata habang mahigpit na hawak ang mga kamay nila.“Dahan-dahan, sweetheart,” paalala ni Baste. “Hindi naman tatakbo ang school.”“But I want to join everything!”Napangiti si Sunny.“Grabe, Dahlia. Parang ikaw ang may pinakamalaking energy dito.”“Because I'm happy!”Napatingin si Sunny kay Baste. May kakaibang gaan sa mukha ng lalaki habang pinagmamasdan ang anak.“Registration for Family Day?” tanong ng teacher sa kanila.“Yes,” sagot ni Baste.“Family name?”“Madrigal,” sagot niya.Isinulat ng teacher ang pangalan nila sa listahan at saka tumingin kay Sunny.“Mother?”Napatigil si Sunny.Bago pa siya makasagot, masayang sumingit si Dahlia.“She's Mommy Sunny!”Napangiti ang teacher.“That's sweet. Okay, Mommy Sunny, you can sign here.”Napatingin si Sunny kay Baste na halatang pinipigilan ang ngiti.“Sir, huwag kang tumawa.”“I'm not.”“Ki
“Bakit parang ang sama ng timpla mo?”Hindi man lang inangat ni Baste ang ulo mula sa laptop nang marinig ang tanong ni Alex.“I'm working.”“Alam ko. Kanina ka pa nagtatrabaho. Pero pangatlong beses mo nang binubuksan ang parehong file.”Napatingin si Baste sa screen.Tama ang kaibigan niya.“May kailangan ka ba?”“Meron. Gusto kong malaman kung bakit ka nagseselos sa girlfriend ng empleyado mo.”Matalim ang tinging ibinigay niya kay Alex.“Get out.”“Ayan! Guilty!”“Alex.”“Okay, fine. Pero pare, seryoso. May girlfriend si Sunny. At mukhang masaya sila.”“I know that.”“Then stop looking miserable.”Isinara ni Baste ang laptop.“I'm not miserable.”“Hindi nga. Mukha ka lang nawalan ng kontratang worth fifty million.”Bago pa siya makasagot, tumunog ang cellphone niya.Si Elena.Agad niya itong sinagot.“Hello?”“Sir, pasensya na po. May problema po tayo kay Dahlia.”Napatuwid siya sa pagkakaupo.“What happened?”“Wala naman pong masama sa kaniya. Ayaw lang po niyang pumasok sa schoo
“Baste, may problema ka ba?”Napatingin si Sebastian Madrigal sa kaibigang si Alex habang naglalakad sila papunta sa elevator.“Why?”“Kanina ka pa tahimik. Hindi ka naman ganito kapag kasama ako. Usually, pinagsasabihan mo akong tumahimik.”“I'm considering doing that now.”“See? Bumabalik na ang personality mo.”Napailing si Baste.Maaga silang dumating sa Madrigal Corporation dahil may business meeting silang kailangang paghandaan. May ilang dokumentong kailangan nilang tingnan bago magsimula ang araw, kaya nagpasya si Alex na samahan muna ang kaibigan sa opisina.Pagpasok nila sa elevator, may babaeng nakatayo sa loob. Maganda ito, mahaba ang buhok, maayos ang pananamit at may dalang dalawang paper bag. Sa isang kamay ay may hawak itong tray ng kape.“Good morning,” magalang na bati nito.“Good morning,” sagot ni Baste.Tumango rin si Alex.Habang umaakyat ang elevator, napansin ni Alex ang mga dala ng babae.“Looks like someone's bringing breakfast for the whole office.”Napangit
Hindi agad nawala sa isip ni Baste ang nakita niya sa birthday party ng anak. Kahit ilang beses na siyang kinausap ng mga bisita, kahit ilang litrato na ang kinunan kasama ang mga kamag-anak, paulit-ulit pa ring bumabalik sa isip niya ang mukha nina Dahlia at Sunshine. Magkahawig sila. Hindi niya alam kung bakit ngayon lang niya iyon napansin. Siguro dahil ngayon lang niya nakita ang dalawa na magkatabi, nakangiti at masayang nag-uusap. “Baste!” Napalingon siya kay Alex na kararating lamang kasama ang asawa nito. “Kanina pa kita tinatawag. Ano'ng iniisip mo?” “Nothing.” “Sinungaling. Kanina ka pa nakatingin doon.” Sinundan ni Alex ang direksiyon ng tingin niya. Nandoon sina Sunny at Dahlia, magkatabi sa maliit na mesa. Tinutulungan ni Sunny ang bata na buksan ang isang laruan habang masayang nagkukuwento si Dahlia. “Ah. Si Sunny.” “What's with her?” “Wala.” Umupo si Alex sa tabi niya at kumuha ng inumin. “Alam mo, hindi ko pa rin makalimutan ang mukha mo noong Friday nig
Maagang dumating si Sunny sa bahay ni Sebastian. Hindi dahil mahilig siyang gumising nang maaga, kundi dahil inatasan siyang tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ni Dahlia.Personal na birthday party iyon ng anak ng CEO, pero dahil may ilang empleyadong naatasang tumulong sa pag-aasikaso, kasama siya sa listahan.Pagdating niya sa malaking bahay, saglit siyang natigilan sa harap ng gate.“Grabe. Bahay ba ito o resort?”Napanganga siya sa lawak ng bakuran. May mga makukulay na lobo, malalaking dekorasyon, at isang malaking tent na may temang prinsesa. Sa gitna ng garden ay may inflatable castle at ilang palaruan para sa mga bata.“Good morning, Ms. Alcazar.”Napalingon siya sa isang babaeng lumapit.“Good morning po. Ako po si Sunny. Pinapunta po ako ni Trina.”“Yes, we've been expecting you. I'm Elena, Dahlia's nanny. Come with me.”Sumunod si Sunny sa babae. Habang naglalakad sila, napansin niyang halos lahat ay abala sa paghahanda. May nag-aayos ng mesa, may naglalagay ng dekoras
Hindi gusto ni Sunshine ang Lunes.Hindi dahil tinatamad siyang pumasok sa trabaho, kundi dahil pakiramdam niya ay masyadong maikli ang weekend para sa lahat ng kailangang gawin.At ngayong Lunes, may dagdag pa siyang problema.Ang boss niyang nakita niya sa bar noong Biyernes ng gabi.“Good morning, Sunny!”Napalingon siya kay Trina na masiglang nakangiti habang hawak ang kape.“Good morning. Bakit parang ang saya mo?”“May sahod na malapit na!”“Ah. Akala ko may nanalo ka sa lotto.”“Mas masaya kung pareho.”Napatawa si Sunny at inilapag ang bag sa mesa. Binuksan niya ang computer at inayos ang mga dokumentong kailangan nilang tapusin bago magtanghali.Ilang minuto pa lang siyang nagtatrabaho nang marinig niya ang boses ng isang lalaking ayaw niyang marinig sa ganitong kaagang oras.“Good morning.”Sabay-sabay na tumayo ang ilang empleyado.“Good morning, sir!”Napatingin si Sunny sa pintuan.Si Sebastian Madrigal.Naka-dark blue suit ito, maayos ang buhok, at may hawak na tablet.







