Maagang dumating si Sunny sa bahay ni Sebastian. Hindi dahil mahilig siyang gumising nang maaga, kundi dahil inatasan siyang tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ni Dahlia.Personal na birthday party iyon ng anak ng CEO, pero dahil may ilang empleyadong naatasang tumulong sa pag-aasikaso, kasama siya sa listahan.Pagdating niya sa malaking bahay, saglit siyang natigilan sa harap ng gate.“Grabe. Bahay ba ito o resort?”Napanganga siya sa lawak ng bakuran. May mga makukulay na lobo, malalaking dekorasyon, at isang malaking tent na may temang prinsesa. Sa gitna ng garden ay may inflatable castle at ilang palaruan para sa mga bata.“Good morning, Ms. Alcazar.”Napalingon siya sa isang babaeng lumapit.“Good morning po. Ako po si Sunny. Pinapunta po ako ni Trina.”“Yes, we've been expecting you. I'm Elena, Dahlia's nanny. Come with me.”Sumunod si Sunny sa babae. Habang naglalakad sila, napansin niyang halos lahat ay abala sa paghahanda. May nag-aayos ng mesa, may naglalagay ng dekoras
Last Updated : 2026-11-05 Read more