Mag-log inNang makaalis si Donya Felomina, hindi pa nakakagalaw si Kiara sa kaniyang kinauupuan nang marinig ang mabilis na yabag ng maliliit na paa sa hagdan. “Mommy Kiara!” sabay na sigaw nina Kairo at Kara.Patakbong lumapit ang dalawang bata at agad na yumakap sa Mommy Kiara nila.Napapikit si Kiara habang nanginginig ang kaniyang mga balikat. Hindi niya napigilang yakapin din nang mahigpit ang dalawang bata habang inaasam-asam ang amoy at init ng mga ito. “Mommy, binalikan mo na po ba kami?” tanong ni Kara habang nakatingin sa kaniyang Mommy, may luha sa malalaking mata niya. “Sabi po ni Daddy galit ka raw po sa amin...” “Hindi, baby... Hindi ako galit sa inyo. Huwag niyong isipin 'yan,” mahinang sagot ni Kiara habang pinupunasan ang pisngi ni Kara. Lumapit din si Kairo at humawak sa kamay niya. “Mommy... mahal mo pa po ba kami ni Kara? Aalis ka po ba ulit? Iiwan mo na po ba kami kasi nagsinungaling kami sa’yo noon?”Tinitigan ni Kiara ang dalawang bata. Durog na durog ang puso niy
Ilang araw ang lumipas at nagpasya si Kiara na bumalik sa dating apartment nila ni Eiden. Ang dahilan niya sa kaniyang sarili ay may mga mahahalagang gamit at dokumento pa siyang naiwan doon. Pero sa kaibuturan ng puso niya, alam niyang naiisip niya lang talaga ang mga bata at ang simpleng buhay na binuo nila roon.Nang pumasok si Kiara sa pint0 gamit ang kaniyang ekstrang susi, laking gulat niya nang makita niyang nakakalat sa sala ang ilang mga laruan nina Kairo at Kara. Bago pa man siya makapagproseso, lumabas mula sa kusina ang isang eleganteng matandang babae na may dalang baso ng tubig — si Donya Felomina, ang ina ni Eiden. “Kiara...” mahinang bati ni Donya Felomina nang makita niya ito.“N-Nanay—I mean, Ma'am Felomina...” gulat at naiilang na wika ni Kiara. “Nandito po pala kayo? Nasaan po ang mga bata?”“Nasa taas sila sa kuwarto, naglalaro. Papatulugin ko dapat kanina pa pero ayaw pa raw nilang matulog at hinihintay ka nila,” sagot ni Donya Felomina habang itinuturo niya an
Sa loob ng dating silid ni Eiden sa mansyon ng mga Fierro, nakahiga lang siya sa malaking kama. Binalot ng kadiliman ang buong kuwarto dahil nakasara ang mga kurtina. Wala pa halos siyang tulog. Ni hindi pa rin siya kumakain, at wala siyang anumang ganang kumilos o bumangon. Nakatitig lang siya sa kisame, tulala at dinudurog ng matinding pagsisisi. Iyon ang naging cycle ni Eiden sa ilang araw na pamamalagi niya sa mansyon.Biglang dahan-dahang bumukas ang pinto ng silid. Pumasok sina Kairo at Kara, dala-dala ang kanilang mga laruan. Nang makita nilang nakahiga pa rin ang kanilang ama kahit tanghaling-tapat na, agad na tumakbo ang dalawang bata patungo sa kama at umakyat sa gilid ni Eiden. “Daddy! Bangon na po riyan!” pagpupumilit ni Kara habang kinakalabit at hinihila ang braso ng kaniyang ama.n“Uwi na po tayo sa bahay natin!” “Oo nga po, Daddy,” dagdag ni Kairo na nakatayo sa ibabaw ng kama.n“Nakahanda na po 'yong mga bag natin. Gusto na po naming makita at makasama si Mommy Kiar
Kinabukasan, pagkamulat pa lang ng mga mata ni Kiara sa maliit na silid ng apartment ni Anna, agad na bumuhos ang kaniyang mga luha. Nasanay siyang tuwing umaga ay ginigising niya ang mga bata o 'di kaya ay sila ang gumigising sa kaniya. Namimiss niya ang mga tawa ng kambal habang nag-aagawan sa almusal, at ang malalambing nilang boses na tumatawag sa kaniya ng "Mommy."Napayakap si Kiara sa kaniyang mga tuhod habang pilit na ginagapang ng matinding pangungulila ang kaniyang dibdib. Miss na miss na niya ang mga bata. Kahit kailan ay hindi niya inisip na iba sila sa kaniya. Anak ang trato niya sa mga ito. “Kiara...” Mabilis na pumasok si Anna sa silid dala ang isang tasang mainit na kape nang marinig niya ang patagong hikbi ng kaniyang kaibigan. Agad siyang tumabi sa kama matapos niyang ipatong sa ibabaw ng bedside drawer ang tasa, pagkatapos ay hinawakan niya ang balikat ni Kiara.“Miss na miss ko na ang mga bata, Anna...” basag na basag ang boses na usal ni Kiara habang nakasandal
Bitbit ang luggage, pilit na itinataguyod ni Kiara ang kaniyang sarili sa kabila ng matinding panghihina. Nagtungo siya sa maliit na apartment ng pinakamatalik niyang kaibigan na si Anna. Pagkarating sa tapat ng pinto, nanginginig ang mga daliri ni Kiara habang dahan-dahan siyang kumakatok. Mabilis namang bumukas ang pinto at sinilip ni Anna ang kaniyang mukha. “Kiara? Bakit ka nandito—” Napatigil si Anna nang makita niya ang hitsura ng kaniyang kaibigan. Nakatayo si Kiara habang hawak nito ang malaking bagahe. Namumula at namamaga ang mga mata nito dahil sa pag-iyak, at halos hindi na ito makahinga dahil sa matinding paninikip ng dibdib nito. “A-Anna...” pautal-utal na usal ni Kiara, at bago pa man niya matapos ang kaniyang sasabihin ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang mga luha.“Diyos ko, Kiara!” Mabilis na binitiwan ni Anna ang hawak niyang doorknob at agad na nilapitan ang kaniyang kaibigan. Ipinasok niya si Kiara sa loob ng apartment. Ibinaba niya ang dala nitong bagahe, at
Umakyat si Kiara sa kanilang silid habang tuluy-tuloy ang agos ng kaniyang mga luha. Nanginginig ang kaniyang mga kamay habang kinukuha mula sa closet ang isang malaking luggage bag at padabog itong ibinagsak sa ibabaw ng kama. Walang pinalampas na oras si Kiara. Isinilid niya roon ang kaniyang mga damit at mga personal na gamit. Sa bawat basang kamiseta at gamit na naipasok niya sa bag, paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang mga alaala — ang mga gabing magkasama sila ni Eiden, ang mga sandaling akala niya ay simpleng buhay lang ang binuo nila kasama ang kambal. “Kasinungalingan lang pala ang lahat,” bulong ni Kiara sa sarili habang buong lakas na isinara ang zipper ng luggage.Pagkababa ni Kiara sa hagdan, nakita pa rin niya si Eiden na nakatayo sa may pintuan. Kitang-kita ang matinding takot sa mga mata nito. “Kiara, please... pakiusap...” nagmamakaawang wika muli ni Eiden habang sinusubukang humakbang palapit sa kaniya. Hindi man lang siya nilingon nang diretso ni Kiara. S
Pagod na sumandal si Eiden sa back seat ng kaniyang marangyang SUV habang tinatahak ang kahabaan ng kalsada mula sa paliparan. Kakalapag lang ng kanilang eroplano mula sa limang taong pananatili sa Amerika kung saan niya pansamantalang pinalaki ang kambal.Sa tabi ni Eiden ay tahimik na naglalaro s
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n




![Cover your eyes baby [Series 1]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)


