LOGINNapatigil si Enzo, halatang mas lalong naguluhan at nagulat sa reaksyon ng kaniyang amo."Sir Eiden... hindi niyo po ba naaalala?" alanganing tanong ni Enzo habang dahan-dahang lumalapit para alalayan ang lalaki. "Ilang buwan po pagkapanganak sa kambal at matapos niyo silang maiuwi sa mansyon, naaksidente ang kotse niyo habang papunta kayo sa isang out-of-town meeting. Nagkaroon kayo ng matinding head trauma at na-coma nang halos dalawang linggo. Nung magising kayo... sinabi ng mga doktor na may mga nawalang detalye sa memorya niyo tungkol sa mga buwan bago ang aksidente. Pero akala namin ay walang naging problema sa memorya niyo, dahil tuloy-tuloy ang pagtatrabaho niyo pagkatapos noon. At alam niyo ring may anak kayo, at gaya nga nang sabi niyo na ‘wag uungkatin ang patungkol sa ina ng mga bata ay hindi ko rin inungkat pa. Kaya nakakapagtataka lang po na ngayon ay nagtatanong kayo patungkol d’yan. May problema po ba, Sir?”Napapikit nang mariin si Eiden habang napapahawak sa magkabil
Habang wala pa si Eiden, inilipat na si Kairo sa isang mamahalin at tahimik na Presidential Suite ng ospital. Ligtas na ang bata at kasalukuyang nahihimbing sa malaking hospital bed habang may IV fluids. Sa kabilang sofa naman ay nakatutog at nakasandal si Kara, patagong pumatak ang antok sa sobrang pagod at pag-iyak.Nakatayo si Kiara sa gilid ng kama ni Kairo, pinagmamasdan ang tahimik na mukha ng bata habang nakahawak si Anna sa kaniyang balikat.Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang Head Doctor ng departamento, hawak ang ilang folder at mga papeles. Mukhang may halong pag-aalangan at pilit na ngiti ang mukha nito.“Ma’am Kiara, magandang gabi po,” bati ng doktor habang lumalapit sa kanila.“Doc! Kumusta po? May problema po ba kay Kairo? Bakit po kayo napaparito?” nag-aalalang tanong agad ni Kiara.Lumapit ang doktor at bahagyang yumuko. “Naparito po ako para personal na humingi ng paumanhin sa inyo, Ma’am. Nagkaroon po kasi ng kaunting kaguluhan at mix-up sa laboratory kanina n
Biglang nanliit ang mga mata ni Eiden. Napaayos siya ng upo sa backseat, habang nanlamig ang buo niyang katawan.“A-Anong... anong pinagsasabi mo, Roan?” pautal-utal na tanong ni Eiden, halos mabitawan ang hawak na telepono. “Paanong magma-match ang DNA nila? Nagkakamali lang 'yang intern niyo! Baka nagkapalit ng ibang sample o nasira ang machine!”“Inulit namin ang test nang tatlong beses, Eiden! Ako mismo ang humawak sa mga bagong blood sample para makasigurado!” giit ni Roan, halos mag-panic din ang boses. “Walang mali sa machine at walang nagkapalit na sample. Ang dugong galing kay Kiara at ang dugong galing kay Kairo... biological mother and son sila! Si Kiara ang totoong ina ng anak mo!”Parang tumigil ang ikot ng mundo para kay Eiden. Nanigas ang buo niyang katawan sa backseat habang ang tanging naririnig niya ay ang sarili niyang mabilis at nanginginig na paghinga.“M-Mali... Mali 'yan, Roan...” umiling-iling si Eiden, tulala at hindi makapaniwala. “Paanong mangyayari 'yon?! H
Mabilis na inalalayan ng nurse si Kiara para kunan ng dugo. Habang itinutusok ang karayom sa kaniyang braso, wala man lang naramdamang sakit si Kiara—ang tanging nararamdaman niya lang ay ang matinding takot na baka mawala sa kaniya ang bata.Ilang oras ang lumipas matapos kunan ng dugo si Kiara. Nakaupo sila ngayon sa labas ng Operating Room. Si Kara ay nakakulong sa kandungan ni Kiara, nakayakap nang mahigpit sa leeg ng ina habang patuloy na umiiyak sa takot.“Mommy... gagaling po ba si Kairo?” pabulong at umiiyak na tanong ni Kara. “Ayaw ko pong mawala si Kairo...”Hinalikan ni Kiara ang buhok ng bata at pilit na pinatitigas ang sariling loob. “Gagaling si Kairo, baby... Malakas ang kapatid mo. Dasal lang tayo, okay? Nandito lang si Mommy.”Tumabi sa kanila si Anna dala ang dalawang baso ng tubig. Inabot niya ang isa kay Kiara. “Inom ka muna, Kiara. Nanghihina ka pa niyan pagkatapos mong magbigay ng dugo.”Kinuha ni Kiara ang baso pero inilapag lang ito sa tabi. Nakatitig lang siy
Nang dahan-dahang imulat ni Kiara ang kaniyang mga mata, ang matinding amoy ng antiseptiko at ang puting kisame ng ospital ang agad na bumungad sa kaniya. Naramdaman niya ang matinding kirot sa kaniyang ulo at mga sugat sa braso, pero bago pa man magproseso sa isip niya ang sariling sakit, mabilis na bumalik sa memorya niya ang eksena sa parking lot—ang duguang katawan ni Kairo.“Kairo!” napapabalikwas na sigaw ni Kiara habang pilit na bumabangon mula sa hospital bed.“Kiara! 'Wag ka munang gumalaw, pakiusap!” mabilis na lumapit si Anna at inalalayan ang kaibigan na nanginginig at halos matumba sa matinding panginginig ng katawan.“Anna! Si Kairo?! Nasaan ang anak ko?! Nasaan si Kairo?!” hysterikal at umiiyak na tanong ni Kiara, halos tanggalin ang dextrose na nakakabit sa kamay niya.“Kumalma ka muna, Kiara, please. Nasa Operating Room pa ang bata,” pilit na pinapakalma ni Anna ang kaibigan. “Inaayos pa ng mga doktor ang lagay niya.”Sa mismong sandaling iyon, bumukas ang pinto ng si
Bago pa man makareact ang sinuman, mabilis na tumakbo si Kairo para habulin ang gumugulong na laruan patungo sa kalsada ng parking.“Kairo, 'wag!” sigaw ni Anna nang mapansin niya bigla ang bata.Napalingon si Kiara at agad niyang naramdaman ang matinding kaba nang makita niyang papunta sa gitna ng lane ang bata. Sa mismong sandaling iyon, may isang itim na SUV ang biglang lumiko mula sa kabilang corner at mabilis na humarurot padiretso sa kinaroroonan ni Kairo. Mukhang mabilis ang takbo nito at tila hindi napansin ng driver ang maliit na bata sa gitna.“Kairo!” sigaw ni Kiara.Wala nang oras pa para mag-isip. Binitiwan ni Kiara ang lahat ng hawak niya at buong lakas siyang tumakbo patungo kay Kairo.“Kiara, 'wag!” sigaw ni Anna mula sa likod habang natataranta ring sumunod ang mga guards.Huling segundo na lang bago tumama ang sasakyan. Nakarating si Kiara kay Kairo at buong lakas niyang niyakap at itinulak ang bata para mailigtas ito sa direktang impact. Pero sa bilis ng sasakyan, h
“Kaya mo 'to, Kiara. Para sa promosyon at mas mataas na sahod!” bulong ni Kiara sa kaniyang sarili habang nakatingin siya sa mataas na gusali kung saan siya nagtatrabaho. Bumuntong hininga muna siya bago siya naglakad papasok ng mall.Makalipas ang limang taon ay walang ibang ginawa si Kiara kung h
“Dàmn it!” marahas na mura ni Eiden.Hindi makatulog si Eiden. Kanina pa siyang hindi mapakali sa kaniyang kama.“Why am I feeling this way? Bakit parang natatakot ako na kinakabahan? What the fúck is going on?" bulong ni Eiden habang nakatitig siya sa kisame ng penthouse ng Fierro Estate. May big
“Hindi ba’t sinabi ko na sa iyo na dapat pagbalik ko ay pinalaglag mo na ang batang ‘yan!” galit na galit na sigaw ni Arturo nang makita niya ang anak na si Kiara o mas kilala sa tawag na Ara dahil nabuntis ito nang hindi nito alam kung sino ang ama ng dinadala nito. Siyam na buwan nang dinadala n
‘Akala ko ba, gold digger siya?’ sa isip-isip ni Eiden. Naging malikot ang kaniyang mga mata. Medyo nalilito na siya sa tunay na katauhan ng babae.Napatitig muli kay Kiara si Eiden. Ang kaniyang mga labi ay bahagyang nakaawang ngunit walang salitang lumalabas. Sa buong buhay niya bilang isang maka







