Share

Chapter 4: Hatred Begins

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at nilusot ang ulo ko sa siwang niyon para tingnan kung naroon ang unggoy kong bodyguard. Nang makita kong wala siya ay mabilis kong hinablot ang bag ko at tumakbo nang mabilis.

“Saan ka pupunta?” tanong ng isang tinig at bawat salita nito ay may diin, bago ako makababa ng hagdan.

“Tinatakasan ko si Di–”

Automatikong nanigas ang katawan ko at tumigil sa pagtakbo. Parang may mga kabayong tumatakbo sa d****b ko at naging malikot ang mga mata ko habang iginagala ‘yon sa paligid. Sh*t, I’m doomed!

Huminga ako nang malalim at pinakalma ang nagwawala kong d****b. Nag-ipon muna ako ng lakas ng loob at unti-unti akong lumingon sa taong nasa likuran ko. Halos tumirik ang mata ko at mawalan ng ulirat nang makita ang mukha ni Dior. Mabilis kong kinalma ang sarili at masama siyang tiningnan.

“Sinubukan mo ba akong takasan, Ms. Ganza?” tumatawang tanong niya. Imbes na yumuko ako dahil sa kahihiyan, taas-noo ko siyang tiningnan. “Baka nakakalimutan mo na pwedeng-pwede kitang i-report sa mga magulang mo ngayon.” Imbes na magmakaawa ako ay inirapan ko lang siya. Argh! He’s getting on my nerves! 

“Oo…” naglakad ako palapit sa kanya. Nang nasa harap ko na siya, nag-lean ako nang kaunti at itinapat ang labi ko sa tainga niya. “...tatakas ako sa ayaw at sa gusto mo. So you better shut your mouth if you don’t want to lose your scholarship. Isa pa rin akong Ganza and I’m more powerful than you think,” pabulong kong pagbabanta. 

Lumayo na ako sa tainga niya at hinawakan ang kwelyo ng kanyang damit at nakangiting inayos ‘yon. Tumingin ako sa mga mata niya at gano’n na lang ang inis ko nang makita naka-smirk siya at may hawak na bagay. It’s a recording device! 

Pilit kong inaabot ‘yon pero itinaas niya kaya hindi ko maabot. He’s taller than me, even though I’m 5’8!

“So, nasaan na ang pinapakita mong attitude kanina? Are you scared?” natatawang pang-aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at naglakad na pababa. Naramdaman kong sumunod siya dahil patuloy pa rin siya sa pang-aasar sa akin.

“Bakit mo ba ako tinatakasan? Ayaw mo ba sa gwapong ‘tulad ko? Ano pa ba’ng kulang sa akin?” patuloy niyang tanong habang naglalakad kami. 

Huminto ako at napapikit sa inis. Huminga ako nang malalim bago siya hinarap at masamang tiningnan. 

“You’re pissing me off! Do you know why I don’t like being with you? Dahil ayokong makita ako ng mga kaklase ko na may kasamang unggoy. Baka mapagkamalan ka pang alaga ko,” sagot ko na may halong pang-aasar. Natigilan siya sa pagsasalita at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. Sumobra ba ako? Did I offend him? Argh! Konsensya ko pa ngayon kasi nasagad ‘yong patience ko. “Get lost.” I continue walking until I reach the entertainment area.

Akmang titingnan ko sana si Dior kung nakasunod pa ba o hindi, nang may humawak sa kamay ko. Tiningnan ko kung sino ‘yon at nakita kong si Dior ang taong ‘yon.

“Sasabay na ako sa ‘yo sa pagpasok,” aniya at kinaladkad na ako paalis. Hindi na ako nakapalag dahil kung papalag pa ako ay mawawalan lang din ng silbi ‘yon kasi mas malakas siya kaysa sa akin.

Kahit labag sa loob ko ay sumama na ako sa kanya hanggang makarating kami sa labas ng bahay. Naghintay ako sa harap ng hagdan habang si Dior naman ay pumunta sa garage para kumuha ng kotseng gagamitin namin. Nang tumigil ang kotse sa harap ko ay sumakay ako roon at umalis na. Habang nasa byahe, walang may gustong magsalita dahil hindi naman kami close at hinding-hindi mangyayari ‘yon. He’s my greatest competitor.

“Saan nga ulit ang papunta sa school?” pagbasag niya sa katahimikan kaya muli kong pinaikot ang mga mata ko. Ignorante. Oo nga pala, wala siguro silang kotse o hindi sila updated sa modern technology kaya hindi niya alam ang salitang ‘Waze’. 

Sinenyasan ko siya na ibigay sa akin ang IPad at sinet up ko ‘yon sa Waze para alam na niya sa susunod.

“Sundan mo lang ‘yan hanggang makarating tayo sa school,” sabi ko. Sinuklian niya ako ng matamis niyang ngiti pero inirapan ko lang siya. Paano niya nagagawang ngitian ako pagtapos niyang ma-offend sa sinabi ko kanina? Pakitang-tao lang ba ‘to para magkaroon siya ng magandang record?

Muling bumalot ang katahimikan sa loob ng kotse hanggang makarating kami sa gate ng school. 

“Idiretso mo ako sa mismong hagdan ng main building, ayokong maglakad sa initan,” maarteng sabi ko. “‘Wag ka na ring bumaba para pagbuksan ako ng pinto at baka pagkaguluhan ka lang ng mga malalandi roon.”

Tumingin siya sa akin habang may nakakainis na namang ngisi na nakaplastar sa labi niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay at inirapan.

“Sino’ng may sabi na pagbubuksan kita ng pinto? Wala ka bang kamay?” tanong niya dahilan upang umusok na naman ang ilong ko. “Ang sabi ng parents mo, bantayan kita, hindi i-baby.”

“Whatever! Just…shut your mouth!” inis kong sagot at inirapan siya. Kaunting-kaunti na lang talaga, ipapadala ko na sa zoo ‘tong unggoy na ‘to. Quota na sa pambubwisit sa akin e.

“At saka…nagseselos ka ba, Ms. Ganza? Ano naman sa ‘yo kung pagkaguluhan ako ng mga kababaihan, wala namang magagalit dahil single ako,” aniya habang tumataas-baba ang kanan niyang kilay, dahilan upang manlaki ang mga mata ko. He got the wrong idea! Ang assuming niya sa part na nagseselos ‘kuno’ ako. 

“What I mean is...you won against me and that makes y-you p-popular! Yes, that’s right!” nauutal na sagot ko na lalong nakapagpatawa sa kanya. I composed myself again at masama siyang tiningnan. “What makes you think that I’m jealous? Ang assuming mo!” 

“Defensive,” pang-aasar niya at inirapan ko na naman siya. Ayokong makipagtalo sa mga katulad niya. It looks like I’m stooping down to his level, I’m better than him. “Hindi ka ba napapagod sa kakairap mo sa akin?” tanong niya. Bumulong ako ng ‘NO’ at tumawa lang siya na parang napakinggan pa rin ‘yon. “About your request, I cannot guarantee it.” Kunot-noo ko siyang tiningnan pero hindi na niya ako nilingon pa.

Nang makarating kami sa buildings per department, as usual, nakatingin na naman ang mga schoolmates ko sa kotse ko. Katulad ng request ko, tinigil ni Dior ang kotse sa harap ng main building. Akmang lalabas na sana siya pero sinenyasan ko siya na ‘wag na. 

Kinuha ko ang bag ko at binuksan ang pinto ng kotse. Nilapat ko ang isang paa sa lupa pero tinigil ko ‘yon at nilingon si Dior. Nakatingin din siya sa akin at kasalukuyang nababalot ng pagtataka.

“I-park mo nang maayos ‘yan mamaya. I may be the Ganza’s heir, but when it comes to law, I’m nothing.”

Tuluyan na akong bumaba at naglakad papasok. Nang makaakyat na ako ay pinahinto ako ng guard sa pagpasok. Hinanap ko sa bag ang ID ko at binigay ‘yon sa kanya. Mukhang bago siya rito kaya hindi niya ako kilala.

“Chanel!” sigaw ng isang tinig dahilan upang maantala ang akmang paghakbang ko papasok. Tumakbo siya palapit sa akin at inakbayan ako nang makalapit. Tinabig ko si Zari para maalis ang pag-akbay niya sa akin kaya bumusangot ang mukha niya.

“Get lost, Zari. Ang aga-aga, pinapainit n’yo agad ang ulo ko," sabi ko at nauna na maglakad paalis.

“Okay...Chill, Chanel.” Iminuwestra pa niya sa kamay niya na parang pinapakalma ako.

“Spill the tea.” Alam ko naman na may sasabihin na naman ‘yan sa akin.

Imbes na sagutin ang tanong ko, hinawakan niya ako sa braso at hinigit palayo sa lugar na ‘yon. 

Nang marating namin ang classroom, kumuha siya ng dalawang bangko at binigay sa akin ang isa. Pareho naming hinabol ang aming hininga hanggang sa makabawi na kami.

“Ito na nga...may transferee daw and take note, sobrang gwapo!” tumitiling kwento ni Zari. Tinakpan ko ang dalawa kong tainga para maiwasan ang pagkabasag ng eardrums ko. Oh, my poor ears.

“And so? I’m not interested. Duh! It’s normal to have new students here. School ‘to, remember?” mataray na sagot ko. 

Magsasalita pa sana si Zari pero naantala ‘yon nang dumating ang aming guro at nakangiti siyang pumasok sa classroom namin. Imbes na magandahan ako sa kanya ay mukha lang siyang plastic sa paningin ko. She’s a great pretender.

“Good morning, class,” pagbati niya at kaunti lang ang bumati sa kanya. Halos lahat kami rito ay ayaw sa kanya. “Before we start to our lesson for today, I would like to introduce your new classmate. Come in, Hijo.”

Pakiramdam ko ay bumagal ang oras mula nang bumukas ang pinto ng classroom namin. Iniluwa niyon ang lalaking naka-uniform at may magulong buhok. May bag na nakasabit sa kanang balikat at ang kaliwang kamay naman niya ay may hawak na tatlong libro. Mabagal siyang naglalakad patungo sa unahan namin. Nang makarating siya roon ay isa-isa niya kaming tiningnan. Dumako ang paningin niya sa akin at nginitian ako, pero nananatili lang akong nakatitig sa kanya.

“Hi everyone. Dior Gonzales, at your service!” pakilala niya. Sumaludo siya at ang kanang mata niya ay kumindat, dahilan upang tumili ang mga kababaihan. “Please be nice to me and treat me well. Especially you, Chanel Ganza.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status