Share

Chapter Fifty Three: Lovers' Quarrel

"Sinasabi ko na nga ba e. Kaya ayokong umalis dito at iwan si Chanel. Umalis lang ako saglit, pinopormahan mo na kaagad ang girlfriend ko," galit na galit na sambit ni Dior habang hinihimas ang kamao niyang ipinangsuntok kay Danielle kanina.

Nang lingunin ko si Danielle, nakita kong nakasalampak na siya sa sahig habang nakahawak sa kaniyang panga. Mukhang iyon ang natamaan ng suntok ni Dior kanina. Dahan-dahan naman siyang tumayo at akmang susugurin na sana si Dior, pero naagapan ko agad iyon nang pumagitna ako sa kanilang dalawa. Ibinuka ko ang dalawang braso ko at hinarangan si Danielle sa paglapit niya sa boyfriend ko.

"Enough! Hindi magiging sagot ang bugbugan sa problema ninyo. Mag-usap kayo nang maayos," inis na sambit ko. Nilapitan ko naman si Dior, pero hinawakan lang niya ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya.

Unti-unti naman ang ginawa niyang pag hakbang palapit kay Danielle at tumigil siya sa harapan ni

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status