"Heather— I mean... Chanel. Mag-usap tayo, please. May mga gusto lang akong itanong sa 'yo," aniya habang nananatili ang kaniyang hawak sa aking braso.
Napapikit na lang ako nang dahil sa guilt habang hindi pa rin siya nililingon. Nakokonsensiya kasi ako dahil hindi ko man lang naipagtapat sa kaniya na ako 'yung babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang masakit pa ay sa iba pa niya nalaman ang katotohanan. Ngayon, paano ko siya haharapin? Saan ako kukuha ng kapal ng mukha?
"Please, Chanel... Kausapin mo ako, gusto lang kitang makausap at marami akong gustong itanong," aniya.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at huminga ng malalim bago siya dahan-dahang nilingon. Nang makaharap ko na siya, agad akong napayuko. Hinawakan niya ang aking baba at itinaas iyon upang matingnan ko siya. Makikita sa kaniyang mga mata ang lungkot at pangungulila kaya hindi ko mapigilan na maluha.
"Huwag kang umiy
"Sinasabi ko na nga ba e. Kaya ayokong umalis dito at iwan si Chanel. Umalis lang ako saglit, pinopormahan mo na kaagad ang girlfriend ko," galit na galit na sambit ni Dior habang hinihimas ang kamao niyang ipinangsuntok kay Danielle kanina.Nang lingunin ko si Danielle, nakita kong nakasalampak na siya sa sahig habang nakahawak sa kaniyang panga. Mukhang iyon ang natamaan ng suntok ni Dior kanina. Dahan-dahan naman siyang tumayo at akmang susugurin na sana si Dior, pero naagapan ko agad iyon nang pumagitna ako sa kanilang dalawa. Ibinuka ko ang dalawang braso ko at hinarangan si Danielle sa paglapit niya sa boyfriend ko."Enough! Hindi magiging sagot ang bugbugan sa problema ninyo. Mag-usap kayo nang maayos," inis na sambit ko. Nilapitan ko naman si Dior, pero hinawakan lang niya ang braso ko at inilagay ako sa likuran niya.Unti-unti naman ang ginawa niyang pag hakbang palapit kay Danielle at tumigil siya sa harapan ni
"Babalik ka na agad sa Manila?" tanong ng isang tinig dahilan upang mapahinto kami sa pag-uusap.Sabay kaming napalingon ni Ate Daniela sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita namin si Danielle na tahimik na nakatayo roon habang nagtatakang nakatingin sa amin. Walang sumagot kahit isa sa amin kaya unti-unti siyang nag lakad palapit sa amin at tumigil siya sa mismong harap ko."Yes, I need to. Baka magulo lang kayo rito kung magtatagal pa ako. Besides, malapit na rin namang matapos ang sembreak namin. Magpapahinga na lang siguro ako sa bahay," paliwanag ko. Nang tingnan ko siya ng diretso sa kaniyang mga mata, nakita kong napapailing-iling pa siya habang nakatingin sa akin."Huwah ka munang umalis, please. Ang tagal kitang hinintay tapos aalis ka agad?" malungkot na sambit niya dahilan upang mapayuko ako. Napatingin naman ako sa aking kamay nang hawakan niya ang mga kamay ko."Hayaan mo na
Kasalukuyan na akong naghahanda para sa pag-alis namin. Kailangan naming pumunta ng maaga sa school ngayon dahil pag uusapan pa raw namin ng Dean ang tungkol sa nangyari sa akin doon sa bundok.Kagabi lang kami nakauwi ni Dior kaya pagod at antok na antok kami ngayon. Salamat sa Diyos, bago kami umalis sa Alemanya Leona ay nagkaayos na rin kami, pero hindi sila nakapag usap ni Danielle. Siguro ay hindi na kami babalik doon dahil gulo lang ang dinala namin sa probinsyang iyon."Chanel, matagal ka pa ba d'yan?" tanong ni Dior mula sa labas ng kwarto ko.Kinuha ko naman ang kwintas na binigay niya sa akin noong gabing nagkaayos kami at isinuot iyon. Hindi man kasing mahal nito ang mga alahas ko, mas gusto ko pa ring isuot ang kwintas na binigay niya dahil pinaghirapan niya iyon. Binili niya ito gamit ang perang pinag hirapan niya sa pagtatrabaho.Nang makuntento na ako sa ayos ko, lumabas na ako ng kwar
"S-son?" nauutal na tanong ko ngunit hindi ako binigyang pansin ni Mommy. Katulad ko, nanlalaki rin ang mga mata ng mga kasama namin dito sa loob ng office at hindi makapaniwalang nakatingin kay Mommy at palipat-lipat iyon sa kanila ni Dior.Imbes na pansinin kami ni Mommy, dumiretso lang siya sa pwesto ni Dior at tiningnan niya ang mga sugat nito habang may pag-aalala sa kaniyang mukha. Ilang sandali lamang ay nilihis niya ang kaniyang paningin doon at ibinaling naman kina Geo."Ikaw ba ang may kagagawan nito?" galit na sambit ni Mommy ngunit sa boses lang iyon dahil ang mukha niya ang kalmado pa rin.Hindi pa man nakakapagsalita si Geo, biglang pumagitna ang Dean sa dalawa."Mrs. Ganza, calm down. Pareho silang may kasalanan dahil pareho silang nag suntukan," sambit ng Dean.Huminga naman ng malalim si Mommy at umupo na sa katabing upuan ni Dior at gano'n din ang Mommy ni Geo n
I'm currently wearing my necklace that Dior gave to me nang biglang may kumatok sa pinto. Dali-dali ko itong isinuot at naglakad papunta sa pinto para pag buksan ang kumakatok. Pag bukas ko ng pinto, bumungad sa akin ang mukha ng isang maid."Miss Heather, ipinapatawag po kayo ni Dior. Bumaba ka na raw at aalis na kayo any minute. Kailangan niyo na pong mag madali dahil final exam niyo na raw," sambit ng maid. Tumango naman ako bilang pag sagot.Kinuha ko lang ang aking bag at sumunod na sa kaniya sa pagbaba. Nang makarating ako roon, wala akong naabutan doon kaya napagdesisyunan ko na labg na lumabas. Doon ko nakita si Dior na bored na nakasandal sa gilid ng kotse. Nang makita niya ako ay pumasok na siya sa loob at gano'n din naman ang ginawa ko.Habang nasa byahe kami papunta sa school, nabalot ang aming paligid ng katahimikan dahil walang may gustong magsalita kahit isa sa amin. Mukhang nahihiya siyang makipag-u
"I can't believe na magagawa mo ito... Miss Chanel Ganza," dismayado at hindi makapaniwalang sambit ng Dean habang hawak hawak pa rin niya ang answer sheet na nakuha sa ilalim ng desk ko.Agad nalang kumalat ang bulungan sa paligid. Nagkukwentuhan sila habang nakatingin sa akin at minsan ay itinuturo pa ako ng iba kong kaklase."Sino nga ulit ang mga nagsasabi na ako ang nagnakaw ng answer sheet?" proud na proud na tanong ni Marie. Nakataas pa ang kaniyang kilay habang isa-isang pinagmamasdan ang mga kaklase naming nanghusga sa kaniya.Ilang sandali lamang, nakarinig kami ng malakas na tinig kaya doon naman nalipat ang aming atensiyon. Nakita kong nahawi ang mga kaklase namin sa gitna at lumitaw naman doon si Dior."We all believe na hindi magagawa ni Chanel ang ibinibintang ninyo sa kaniya," pagtatanggol sa akin ni Dior. Sinenyasan ko siya nang tumingin siya sa akin ngunit tiningnan lang niya ako at
Galit na galit akong tumayo at walang pasabing tinalikuran ang Dean at lumabas ng kaniyang office. Sa 'di inaasahang pangyayari, nakasalubong ko ang mga nag tatawanang mga mean girls. Naglakad ako palapit sa kanila at walang pasabing hinila ang buhok ng leader nila.I had enough!"Aray! Ano ba?!" reklamo niya habang pilit na tinatanggal ang mahigpit na pagkakahawak ko sa kaniyang buhok.Imbes na bitawan ko ang kaniyang buhok katulad ng gusto niya, mas hinila ko iyon na naging dahilan upang medyo maluha-luha na siya. Agad naman niyang sinenyasan ang kaniyang mga kaibigan para tulungan siya. Nang akmang lalapit na sana sa akin ang mga kaibigan niya ay agad kong itinaas ang kong paa at binti para akmang sipain sila. May maganda rin palang naidulot yung pagpapaaral sa akin ni Daddy ng tungkol sa self defense."Oh my gosh! Si Chanel Ganza ba talaga 'yan?!""Jusko, katapusan na ba ng m
After the incident happened last week, I did community service as my consequence for what I did to Xyra when were young. While Xyra and her friends got expelled because of bullying.Bullying do really exist. Back then, I thought that it could only happen in movies, especially on highschool students. But when I got bullied few months ago, I realized how hard it is."And for our birthday celebrant, Jchanella Heather Ganza," narinig kong pag tawag sa akin ng isang M.C na naging dahilan para bumalik ako sa aking katinuan.Oo nga pala, bakit ba napunta na naman sa space ang isip ko? May practice nga pala kaming ginagawa ngayon for my upcoming birthday tomorrow. Actually, noong isang araw pa kami nagpa- practice at nililinis na lang namin ang mga events para wala nang maging aberya bukas.Nag lakad naman ako paakyat sa stage at nag practice kung saan pupunta, kung saan ako mag lalakad, kung paano ako mag b