Share

KABANATA 6

Author: Spinel Jewel
last update Huling Na-update: 2025-10-23 23:21:03

SKY POV

"Hoy gurl, kumusta ang stepbrother mo? Natakot kami sa kanya kagabi eh," tanong kaagad ni Maye nang makapasok ako sa opisina. "Galit pa ba siya?"

"I think, hindi na," matipid kong sagot. 

“Sigurado ka?” singit ni Rica habang naglalagay ng cream sa kape niya. "Parang gusto niya kaming kainin ng buhay kagabi eh."

"Pero girl, nakakakilig 'yong ginawa niya sa 'yo. Biro mo, binuhat ka pa niya palabas ng bar, parang damsel in distress!” dagdag pang wika ni Rica kasabay ng mahinang tawa.

“Pwede ba, huwag na nating pag-usapan ang tungkol dun?” saway ko.

“Fine, fine,” ani Rica, pero hindi pa rin mapawi ang ngiti sa labi. “Pero admit it, girl, ang hot ng stepbrother mo. Kung ako ikaw—”

“Rica!” singhal ko, halos mahulog ang ballpen sa kamay ko.

“Okay, okay! Hindi na ako magsasalita.” sabay tawa ni Rica, sabay kindat kay Maye.

Pero totoo naman—hot talaga si Zach. At iyon ang mas nakakainis. Dahil habang pilit kong pinipigilan ang isipin siya, lalong bumabalik sa isip ko ang ginawa kong paghalik sa kanya kagabi. 

Nasa gitna ako ng malalim na pag-iisip nang bumukas ang pinto ng opisina.

“Good morning,” malamig pero maayos na bati ni Zach, hawak ang ilang dokumento. Nagulat ako dahil kasama niya si Loraine at may kahulugan ang ngiti nito na parang nais sabihin, "stay away from him, now that I am back."

"By the way, let me introduce to you personally, my executive assistant, Loraine Evangelista."

Hindi ako makapaniwala sa aking narinig. Dito na magtatrabaho ang ex-fiancee ni Zach at assisstant pa niya ito?

"Good morning, Ma'am." Bati ng mga kasamahan ko. Bumati rin ako ngunit, bahagya lang nakataas ang kilay niya.

"Okay, go back to work. Yon lang ang sadya ko," wika ni Zach saka lumabas ng departamento. Nakasunod naman si Loraine sa kanya, ngunit tinapunan muna niya ako ng malamig na tingin bago tuluyang tumalikod.

Nang makalabas si Zach at Loraine, halos sabay-sabay kaming napabuntong-hininga.

"Balita ko, ex-fiancee daw 'yon ni sir Zach." Unang nagsalita si Maye.

"Uhm...kung gayon posibleng magkabalikan ang dalawa gayong magkakasama na sila?" sabat naman ni Rica.

Tahimik lang ako. Ayaw kong magbigay ng komento dahil baka mahalata pa nila na bad mood ako.

"So paano 'yan girl, eh di may karibal ka na sa puso ng stepbrother mo," panunukso ni Rica.

“Ha? Anong karibal-karibal ang pinagsasasabi mo diyan?” mabilis kong tanggi, pero ramdam ko ang biglang pamumula ko.

“Uy, defensive!” sabay tawa ni Maye. “Aminin mo na kasi, may something na, ‘no?”

“Wala nga!” halos pasigaw kong sabi. “As in wala talaga, hello? Stepbrother ko si Zach! Baka nakakalimutan niyo.”

“Eh ano ngayon kung stepbrother? Hindi naman kayo magkadugo,” balik ni Rica, sabay kindat sa akin. “Besides, obvious na may tension sa inyo kagabi. Lalo na nang buhatin ka niya.”

"Tama. Pansin ko rin 'yon," pagsang-ayon naman ni Maye.

“Rica, Maye, please.” Pakiusap ko, habang pilit na inaayos ang mga papel sa mesa. “Ayokong pag-usapan natin 'yon."

Saglit silang natahimik pero ramdam ko ‘yong mga tingin nilang punong-puno ng kilig at intriga.

“Fine,” sabi ni Maye. "Pero huwag kang magugulat kung isang araw, makita naming may twist na ang life mo—‘from steps to lovers.”

Napailing ako, pero hindi ko rin napigilang mapangiti nang kaunti. Kung alam lang nila… kung gaano ko pilit nilalabanan ‘yong mga nararamdaman kong hindi ko dapat maramdaman.

Makalipas ang ilang oras, habang abala ako sa paggawa ng report, nakatanggap ako ng tawag mula kay Zach.

"Hello, Sky. Can you bring the updated proposal to my office in 10 minutes? Need to review it with Loraine.

Napahinto ako. With Loraine.

Bigla akong kinabahan, pero wala naman akong choice. Work is work.

"Uhm, y-yes s-sir."

Pagkatapos ng tawag, agad kong dinampot ang folder at lumabas ng opisina.

Pagdating ko sa office niya, bahagyang nakabukas ang pinto. Rinig ko ang malambing na boses ni Loraine.  Saglit akong napatigil nang marinig ko ang pag-uusap nila.

"Zach babe, can we not start all over again?"

"Loraine, nag-usap na tayo tungkol dito."

"But I still love you Zach. I will always love you," wika ng babae.

"Loraine please..."

"Uhm, baka naman dahil sa stepsister mo, kaya ka nagkakaganyan, Zach." Biglang nag-iba ang tono ng babae. "Akala mo ba hindi ko napansin na iba ang trato mo sa kanya? You look at her like she’s the only one that matters… and I can’t remember the last time you looked at me that way.”

"I don't know what you're talking about, she is my stepsister. And I treat her like a family."

Parang bomba 'yon na sumabog sa pandinig ko. I treat her like a family. Paulit-ulit yon sa isipan ko.

Huminga ako ng malalim at marahang kumatok sa pintuan.

"Yes, come in." Mahinang boses ni Zach.

"S-sir, excuse me. Nandito na 'yong proposal na kailangang irevise," mahina kong wika.

“Thanks, Sky,” sabi niya. “You can leave it on the desk.”

“Noted, sir.” Nilapag ko ang folder, habang iniiwas ko ang tingin kay Loraine. 

“Magaling pala siya,” anito sa malamig na tono. “No wonder you trust her.”

Ngumiti ako, pilit na pinapanatili ang pagiging propesyonal. “I’m just doing my job, Ma’am.”

Pero bago pa ako makalabas ng opisina, nagsalita ulit si Loraine—mahina pero malinaw.

“Just make sure you know your place, Sky. Hindi lahat ng bagay dapat mong panghimasukan.”

Natigilan ako. Gusto ko sanang magsalita pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Understood, Ma’am,” sagot ko na lang bago tuluyang lumabas.

Pagkalabas ko ng opisina, mabilis kong isinara ang pinto at humugot ng malalim na hininga. Ramdam ko pa rin ang kabog ng dibdib ko, at ang bawat salitang binitawan ni Zach kanina ay parang mga karayom na tumutusok sa dibdib ko.

I treat her like a family.

Ang sakit marinig pero 'yon ang katotohanan. We are a family.

Naglakad ako pabalik sa department namin, pilit pinipigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata ko. Sa hallway, sinalubong ako ni Rica at Maye na parehong may dalang kape.

“Uy, girl! Ba’t parang may dinaanan kang bagyo?” kunot-noong tanong ni Rica.

“Wala. Medyo mainit lang sa office ni sir,” sagot ko at pinilit na ngumiti.

Pero alam kong hindi sila naniniwala. Tahimik lang akong bumalik sa mesa ko at nagbukas ng computer. Ilang minuto akong nakatulala bago ko naramdaman ang pag-vibrate ng phone ko.

Isang message mula kay Zach.

Zach: “Are you okay?”

Zach: “You left too quickly.”

Napakagat ako sa labi. Gusto kong hindi mag-reply, pero may parte sa’kin na hindi makatiis.

Me: “I’m fine, sir. Just busy.”

Agad siyang nag-reply.

Zach: “You don’t look fine.”

Napapikit ako. Bakit ba ang dali niyang makabasa ng emosyon ko, pero hindi niya nakikita kung gaano kasakit ‘yong mga salitang binitawan niya kanina?

Bago pa ako makapag-reply, biglang may tumigil sa harap ng mesa ko. Si Loraine. May dala itong folder at ngumiti na halatang napipilitan lang.

“Sky, can you print the schedule for next week’s meeting? Zach asked me to coordinate it with you,” aniya sa malamig na tono.

“Sure, Ma’am,” mahinahon kong sagot.

Ngunit bago siya umalis, yumuko siya nang bahagya at bumulong,

“Alam kong type mo siya. Pero kung ako sa’yo, huwag mong sirain ang career mo para sa isang lalaking hindi ka naman kayang ipaglaban.”

Ngumiti lang ako. “Don’t worry, Ma’am. I know my boundaries.”

Pero sa loob-loob ko, hindi ko na alam kung totoo pa ‘yong sinasabi ko.

Pagkaalis ni Loraine, mabilis kong tinapos ang gawain ko at nagpaalam sa mga kasamahan ko na mauna ng umuwi.

Habang naglalakad ako palabas ng building, biglang may humintong kotse sa tapat ko. Binaba ni Zach ang bintana.

“Get in. Sabay na tayo,” malamig pero may halong pag-aalalang sabi niya.

Umiling ako. “No need, sir. Kaya ko.”

“Sky…” mahina niyang tawag, may diin ang tono nito. “Please.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 16

    SKY"Hmm...At kanino naman galing ang mga pulang rosas na 'yan at abot tenga ang ngiti mo, girl?" tanong ni Maye habang inaayos ko ang mga bulaklak sa flower vase. "Oo nga naman girl. I've never seen you like this before, kahit noong kayo pa ng walanghiya mong boyfriend, hindi kita nakitang ganito kasaya. Meron ka talagang tinatago sa amin, sure na yan." Sabat naman ni Rica."Naku, kayo talagang dalawa, napakausyusera niyo noh?""Eh kasi naman, wala kang sinasabi sa amin, kaya panay ang tanong namin sa 'yo," nakangusong saad naman ni Rica."Basta. Saka ko nalang sasabihin sa inyo 'pag okay na," nakangiti kong sabi saka kumindat sa kanila.Napailing na lang ang dalawa at muling nagconcentrate sa kani-kanilang ginagawa.Nagiging magaan ang bawat oras na lumilipas dahil sa kaligayahang nararamdaman ko. Sa simpleng pagpapadala ni Zach sa akin ng bulaklak, I feel how special I am. Just a simple sweetness from him makes my heart skip a beat. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Kaya la

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 15

    SKYKinabukasan, sama-sama kaming apat na kumakain ng almusal. Para talaga kaming tunay na magkakapamilya kaya mas lalo kaming nahihirapan kami ni Zach na sabihin sa mga magulang namin ang totoo."Sky, anak. Okay ka lang ba?" untag ni Mama. "Ba't ang tahimik mo?""Uhm. wala naman po, Ma. Iniisip ko lang ang report na gagawin ko sa opisina." Pagsisinungaling ko."Bakit binibigyan ka ba ng maraming trabaho nitong kapatid mo, Sky?" sabat naman ni Tito Nick.Kapatid? Diyos ko. Magkapatid talaga ang tingin nila sa amin. Wika ko sa aking isipan."Hindi naman, Dad. Tama lang naman, di ba, Sky?" nakangiting saad ni Zach habang nakatingin sa akin.Tumango lang ako at bahagyang ngumiti. "Pero nakakatakot pa rin po 'tong boss ko Tito," pabiro kong sabi, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Sabay na nagtawanan sina Mama at Tito Nick."Bakit naman, iha?""Masyado po siyang mahigpit at napaka-perfectionist." Mas lalong napabungisngis sina Mama. "Oh really?" natatawang sambit ni Tito Nick.Napakuno

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 14

    SKY"Mama!" masiglang tawag ko nang matanaw ko na sila ni Tito Nick sa arrival area ng NAIA terminal 2. Agad ko silang sinalubong at yumakap ako kay Mama. At pagkatapos kay Tito Nick. Sumunod naman si Zach at bumati din sa kanila."Ma, I missed you.""I missed you too, iha." At bumaling ito kay Zach. "Kumusta kayo rito, iho?""Okay lang naman po, Tita.""How's the company, iho?" tanong naman ni Tito Nick."Maayos naman, Dad. Marami kaming na close na deal dahil sa mga marketing strategy na ginawa ni Sky." Nakangiting saad naman ni Zach."Glad to hear that, iho. Pero, Sky. Hindi ka naman ba pinapahirapan ni Zach sa trabaho? Baka masyado siyang mahigpit sa 'yo, sabihin mo lang.""Naku, hindi naman po, Tito." Masyado nga lang seloso. Bulong ng aking isipan."O sya, sa bahay na natin ipagpatuloy 'tong kwentuhan natin," wika ni Mama. Pagdating namin sa sasakyan, ako ang naupo sa likod kasama si Mama habang sina Zach at Tito Nick ang nasa unahan. Habang nasa biyahe, inuubos ko ang lakas n

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 13

    SKYMuling sumiklab ang init sa pagitan namin nang maglapat ang aming mga balat sa maligamgam na tubig sa bathtub. Ang mga halik ni Zach ay parang apoy na gumagapang sa katawan ko—nakaka-adik na parang hinahanap-hanap ko sa bawat minutong lumilipas.Pero saglit akong napatigil nang maisip na posibleng magbunga ang ginagawa namin."Zach, kailangan tayong maging maingat. We really have to use contraceptives. Remember, hindi pa ito alam ng lahat lalo na ng mga magulang natin."Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, mababa at parang nang-aakit habang hinahaplos ang aking beywang sa ilalim ng tubig.“Baby, don’t worry,” bulong niya, malapit sa aking tenga. “I know what I’m doing.”Napapikit ako nang bahagya nang bumaba ang labi niya sa aking leeg.“Seryoso ako, Zach,” pinilit kong lumayo ng bahagya, kahit tumitibok nang mabilis ang puso ko. “For now, I am safe, pero paano sa ibang araw?"Umangat ang tingin niya, at seryosong tumitig sa akin.“Kung mangyari man 'yan, pananagutan kita."Napalu

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 12

    SKYHuminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pintuan ng opisina ni Zach."Yes come in." Pagkapasok ko ng opisina, bumungad sa akin ang malagkit niyang tingin. Ngumiti siya na parang may ibig sabihin. Pinandilatan ko siya ng mata, habang humakbang papalapit sa kanya."S-sir, nandito na po 'yong hinihingi niyong reports," nanginginig kong wika at inabot sa kanya ang folder.Mayamaya, bumukas ang pinto at pumasok si Loraine. "G-good morning, Ma'am." Magalang kong bati at bahagyang yumuko.Nilagpasan lang niya ako at dumiretso sa kinauupuan ni Zach. Sumulak naman ang dugo ko nang mapansin ang magpapa-cute niya kay Zach."Uhm babe, tungkol sa bagong campaign, maybe we could discuss this later, over coffee?"Naikuyom ko ang aking mga kamao. "Calm down, Sky. Hindi ka dapat magselos. Professional setting ‘to." Bulong ko sa aking isipan.Si Zach na nakahalata sa reaksyon ko, hindi sumagot sa inalok ni Loraine, sa halip iba ang sinabi niya."Uhm, Loraine. Here's the monthly report from

  • Our Sacred Betrayal   KABANATA 11

    SKYKinabukasan, nagising ako na nakaunan pa rin sa braso ni Zach. Pareho kaming walang saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa aming katawan. Mahimbing pa siyang natutulog at hindi man lang nagising sa tunog ng alarm clock.Nang magsink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi, bigla akong nakaramdam ng guilt sa puso. Ano ang mukhang maihaharap ko kina Mama at Tito Nick?Iginalaw ko ang aking katawan, ngunit bahagya akong napangiwi sa sakit na parang may napunit sa kailaliman ko. Maingat akong bumangon at tumambad sa aking paningin ang pulang mantsa sa bedsheet. Dahan-dahan akong tumayo ngunit biglang nagising si Zach at marahan niyang hinila ang kamay ko kaya napahiga ako sa dibdib niya.""Good morning, baby," nakangiting bati niya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi. "Ba't ang aga mo namang nagising?""Hoy, alas singko na kaya, maaga pa ba 'yon sa 'yo? May trabaho ngayon baka nakalimutan mo.""Okay lang naman 'yon, kahit late na tayong pumunta ng opisina," nakangiti

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status