LOGINSKY
Matagal akong nakatayo sa harap ng kotse ni Zach, nakatitig sa kanya habang kumakabog ang dibdib ko. Gusto kong tumanggi, gusto kong tumalikod at iwasan siya pero nang marinig ko ang paraan ng pagkakasabi niya ng please, parang natunaw ang lahat ng depensa ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumakay. Tahimik lang kami sa loob. Rinig ko lang ang mahinang ugong ng makina at ang malalim niyang paghinga. Hindi ko alam kung anong sasabihin, kaya mas pinili ko na lamang na tumingin sa labas ng bintana.
“Sky…” basag niya sa katahimikan. “About what happened earlier… tungkol sa amin ni Loraine..."
Napapikit ako. Eto na naman.
“Wala ‘yon, Zach. Wala ka namang dapat na ipaliwanag."
"Meron dahil alam kong narinig mo kami kanina sa opisina. At...nakita mo rin ang paghalik ni Loraine."
"Well, it's normal. Gustong makipagbalikan sa yo 'yong tao." Gumagaralgal ang boses ko kahit anong pilit kong kontrolin, ang hirap talaga.
Lumingon siya sa akin saka nagpakawala ng malalim na buntung-hininga.
Nagkaroon ng katahimikan hanggang sa makarating kami ng bahay, at kahit nu'ng kumakain kami, wala pa rin kaming imikan. Binilisan ko na lang na matapos kaagad ako, para makaakyat na sa kwarto.
********
Kinabukasan, sa opisina, nakatanggap ako ng tawag ni Zach sa intercom.
"Hello, Sky, we'll be meeting a client at ten. I already sent you the revision of proposal on your desk. Paki-review na lang."
"Sasama ako?"
"Yes, kasi ikaw ang magpe-presinta ng proposal. Actually, tayong tatlo ni Loraine, kasi siya ang gumawa ng revision."
Saglit akong natahimik. Bakit kasama pa ako? Nandyan naman 'yong EA niya?
"Sky, are you with me?" untag niya sa kabilang linya.
"Uhm. Y-yes s-sir."
“Good,” malamig pero pormal niyang tugon. “Prepare the documents. I’ll meet you both at the lobby in thirty minutes.”
Pagkababa ng tawag, napasandal ako sa upuan. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ko, pero hindi ko alam kung dahil sa presentation o dahil sa ideyang makakasama ko ulit si Loraine at si Zach. Napatingin ako sa dokumento na nasa ibabaw ng mesa at binuklat 'yon.
“Uy, girl, bakit parang kabado ka?” tanong ni Rica habang umiinom ng kape.
"May client meeting daw kami eh. Bakit pa naman ako isasama, eh nandyan naman ang EA niya?" nakasimangot kong sabi.
"Baka, gusto lang talaga ni sir Zach na makasama ka girl," panunukso naman ni Maye.
"Hmm. Parang hindi naman client meeting ang dating. Parang love triangle," nakangisi namang turan ni Rica.
“Tumigil ka nga,” iritado kong sagot habang inaayos ang mga folder. “Work lang ‘to, okay? Walang personalan.”
“Sure ka?” singit ni Maye na halatang pinipigilan ang tawa. “Eh kasi obvious talaga girl eh. May feelings ka dyan sa stepbrother mo."
“Hindi totoo ‘yan,” tanggi ko, kahit ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.
Pagkaraan ng ilang minuto, bumaba ako sa lobby dala ang laptop at mga dokumento. Naroon na si Loraine—elegante, composed, at may ngiting parang sinadya para asarin ako.
“Oh, hi, Sky,” bati niya na may halong lamig sa boses. “I hope you reviewed my revisions well. Ayokong magmukhang incompetent ang ZV Cybertech sa harap ng client.”
Ngumiti ako, pilit pero magalang. “Of course, Ma’am. I made sure everything was aligned with your notes.”
“Good. At least nagkakaintindihan tayo,” aniya sabay ngumiti ng sarcastic.
Mayamaya, dumating si Zach, suot ang paborito niyang gray suit. Halos lahat ng babae sa lobby napalingon sa kanya. Hindi ko rin napigilang mapatitig saglit pero agad ko ring inalis ang tingin ko nang magtama ang mga mata namin.
“Ready?” tanong niya, at pareho kaming tumango ni Loraine.
Habang nasa biyahe, nasa likod ako ng kotse at sila naman sa harap. Tahimik lang akong nakikinig sa usapan nilang dalawa. Minsan, napapangiti si Zach sa mga biro ni Loraine at kahit ayokong aminin, parang may kung anong sumundot sa dibdib ko.
Pagdating sa hotel kung saan gaganapin ang meeting, naglakad kami papunta sa conference room. Ilang beses kong kinailangang huminga nang malalim para itago ang kaba.
Mayamaya, pumasok ang isang matangkad at makisig na lalaki na nakasuot ng blue suit. Bahagya akong nagulat nang makilala kong si Jeric 'yon, ang masugid kong manliligaw noong College, pero binasted ko dahil kay Jonathan, ang ex-boyfriend kong manloloko.
Nang magtama ang aming paningin, bahagya siyang nagulat ngunit ngumiti naman kaagad.
"Good morning," aniya. "Hi, Sky. It's good to see you again. It's been a while."
Tumango lang ako at pormal na bumati. "Good morning, Mr. de Silva."
"So I guess, magkakilala na kayo," wika ni Zach. "Anyway, this is Loraine Evangelista, my Executive Assistant, and this one is Sky Ramirez, the Head Marketing Specialist."
"This is Jeric de Silva, the Manager of PC Express."
Ngumiti si Jeric sa akin, saka nakipagkamay.
“Sky, you can now set up the presentation," utos ni Loraine.
"Yes Ma'am."
Habang inaayos ko ang projector, napapansin ko ang panaka-nakang pagtingin sa akin ni Jeric. Si Zach naman, tahimik lang pero napakaseryoso ng mukha. May mga sandaling tumitingin sa direksyon ko ngunit hindi ko nalang pinapansin at itinuon na lang ang atensyon sa laptop.
Pagkatapos ng ilang minuto, nagsimula ang presentation. Maayos ang lahat hanggang sa biglang nagloko ang projector.
“Sky, what’s happening?” tanong ni Loraine, halatang naiinis.
“I—I’ll fix it, Ma’am,” sabi ko agad, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, dumulas ang wire at muntik na akong matumba. Buti na lang, mabilis na nahawakan ni Zach ang braso ko.
“Careful,” mahina niyang sabi, malapit sa tenga ko.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang init ng palad niya sa balat ko. Tumigil ang oras sa pagitan namin. Pero ilang segundo lang ‘yon dahil napansin kong bahagyang umangat ang isang kilay ni Loraine.
"Thank you, sir." Sabi ko at muling itinuon ang paningin sa presentation.
Sa wakas, natapos na rin ako. Pumalakpak si Jeric at nakangiting nakipagkamay sa akin.
"Well done, Sky. I am impressed."
"Salamat, sir." Mahina kong sabi.
Ilang sandali ang lumipas at nai-close na namin ang deal. Matapos akong magligpit, tumayo na ako bitbit ang laptop at folder.
"Sky, wait..." tawag ni Jeric. "Can I invite you for lunch?"
"Tayo rin, babe. Nagugutom na ako eh," sabat ni Loraine na sinadya pang palambingin ang boses.
"Okay let's go together," sagot ni Zach.
"No, babe. Hayaan na natin sila. I think, they have personal things to discuss. Let's go on our own," tanggi ni Loraine sabay hila sa braso ng lalaki.
Mas lalo naman akong nainis sa paraan ng paghawak ni Loraine kay Zach, parang pag-aari na niya ito. Sarap sabunutan!
"So, Sky shall we go?" tanong ni Jeric.
Tumango lang ako sabay ngiti sa kanya. Hindi ko na nagawa pang tingnan si Zach at nauna na kami ni Jeric.
Hindi ko naman akalain na nakasunod lang pala sila sa amin at pumasok din sa restaurant ng hotel. Nasa kabilang mesa sila, medyo malapit sa kinaroroonan namin. Nakakainis, parang nananadya talaga 'tong Zach na 'to.
Habang kumakain kami ni Jeric, pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Pero paano nga naman ako kakalma kung bawat pag-angat ko ng tingin, naroon siya—nakaupo sa tapat ni Loraine, ngunit ang mga mata niya ay tahimik na nakatingin sa amin. O mas tama siguro kung sasabihin kong sa akin.
“Sky,” tawag ni Jeric, bahagyang nakangiti. “Hindi ko talaga akalaing dito tayo magkikita ulit. You look different—more mature, more beautiful.”
Napatawa ako ng pilit. “At nambola ka pa talaga sir ha. Hindi ka pa rin nagbabago.”
"Sir? Just call me Jeric. Para namang hindi tayo magkakilala niyan."
Muli akong napangiti. Wala naman akong problema kay Jeric. Talaga nga lang wala akong romantic feelings sa kanya kahit noon pa.
"Yes? ba't ganyan ka naman makatingin?" tanong ko.
"Wala lang...Gusto ko lang malaman mo na wala pa ring nagbabago, Sky."
"Don't tell me, balak mo na namang pormahan ako?"
“Maybe,” sagot niya, nakatitig pa rin sa akin. “Pero this time, I mean it.”
Nang marinig ko ‘yon, mabilis kong iniiwas ang tingin ko sa kanya at dumiretso sa mesa ni Zach. At doon ko siya naabutang matalim na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung tama ako, pero parang hindi niya nagustuhan nang makitang nakahawak sa kamay ko si Jeric.
“Sky, okay ka lang?” tanong ni Jeric.
“Ha? Oo naman.” mabilis kong sagot, sabay hila sa kamay ko.
Muli akong napasulyap sa kinaroroonan ni Zach. Ngunit mas lalo akong kinain ng selos nang mapansin ko ang mapanuksong ngiti ni Loraine habang bumubulong sa kanya. At kahit hindi ko alam ang pinag-usapan nila, pero halatang nilalandi nito ang lalaki.
SKY"Hmm...At kanino naman galing ang mga pulang rosas na 'yan at abot tenga ang ngiti mo, girl?" tanong ni Maye habang inaayos ko ang mga bulaklak sa flower vase. "Oo nga naman girl. I've never seen you like this before, kahit noong kayo pa ng walanghiya mong boyfriend, hindi kita nakitang ganito kasaya. Meron ka talagang tinatago sa amin, sure na yan." Sabat naman ni Rica."Naku, kayo talagang dalawa, napakausyusera niyo noh?""Eh kasi naman, wala kang sinasabi sa amin, kaya panay ang tanong namin sa 'yo," nakangusong saad naman ni Rica."Basta. Saka ko nalang sasabihin sa inyo 'pag okay na," nakangiti kong sabi saka kumindat sa kanila.Napailing na lang ang dalawa at muling nagconcentrate sa kani-kanilang ginagawa.Nagiging magaan ang bawat oras na lumilipas dahil sa kaligayahang nararamdaman ko. Sa simpleng pagpapadala ni Zach sa akin ng bulaklak, I feel how special I am. Just a simple sweetness from him makes my heart skip a beat. Mas lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Kaya la
SKYKinabukasan, sama-sama kaming apat na kumakain ng almusal. Para talaga kaming tunay na magkakapamilya kaya mas lalo kaming nahihirapan kami ni Zach na sabihin sa mga magulang namin ang totoo."Sky, anak. Okay ka lang ba?" untag ni Mama. "Ba't ang tahimik mo?""Uhm. wala naman po, Ma. Iniisip ko lang ang report na gagawin ko sa opisina." Pagsisinungaling ko."Bakit binibigyan ka ba ng maraming trabaho nitong kapatid mo, Sky?" sabat naman ni Tito Nick.Kapatid? Diyos ko. Magkapatid talaga ang tingin nila sa amin. Wika ko sa aking isipan."Hindi naman, Dad. Tama lang naman, di ba, Sky?" nakangiting saad ni Zach habang nakatingin sa akin.Tumango lang ako at bahagyang ngumiti. "Pero nakakatakot pa rin po 'tong boss ko Tito," pabiro kong sabi, pilit na pinapakalma ang sarili ko.Sabay na nagtawanan sina Mama at Tito Nick."Bakit naman, iha?""Masyado po siyang mahigpit at napaka-perfectionist." Mas lalong napabungisngis sina Mama. "Oh really?" natatawang sambit ni Tito Nick.Napakuno
SKY"Mama!" masiglang tawag ko nang matanaw ko na sila ni Tito Nick sa arrival area ng NAIA terminal 2. Agad ko silang sinalubong at yumakap ako kay Mama. At pagkatapos kay Tito Nick. Sumunod naman si Zach at bumati din sa kanila."Ma, I missed you.""I missed you too, iha." At bumaling ito kay Zach. "Kumusta kayo rito, iho?""Okay lang naman po, Tita.""How's the company, iho?" tanong naman ni Tito Nick."Maayos naman, Dad. Marami kaming na close na deal dahil sa mga marketing strategy na ginawa ni Sky." Nakangiting saad naman ni Zach."Glad to hear that, iho. Pero, Sky. Hindi ka naman ba pinapahirapan ni Zach sa trabaho? Baka masyado siyang mahigpit sa 'yo, sabihin mo lang.""Naku, hindi naman po, Tito." Masyado nga lang seloso. Bulong ng aking isipan."O sya, sa bahay na natin ipagpatuloy 'tong kwentuhan natin," wika ni Mama. Pagdating namin sa sasakyan, ako ang naupo sa likod kasama si Mama habang sina Zach at Tito Nick ang nasa unahan. Habang nasa biyahe, inuubos ko ang lakas n
SKYMuling sumiklab ang init sa pagitan namin nang maglapat ang aming mga balat sa maligamgam na tubig sa bathtub. Ang mga halik ni Zach ay parang apoy na gumagapang sa katawan ko—nakaka-adik na parang hinahanap-hanap ko sa bawat minutong lumilipas.Pero saglit akong napatigil nang maisip na posibleng magbunga ang ginagawa namin."Zach, kailangan tayong maging maingat. We really have to use contraceptives. Remember, hindi pa ito alam ng lahat lalo na ng mga magulang natin."Narinig ko ang mahinang pagtawa niya, mababa at parang nang-aakit habang hinahaplos ang aking beywang sa ilalim ng tubig.“Baby, don’t worry,” bulong niya, malapit sa aking tenga. “I know what I’m doing.”Napapikit ako nang bahagya nang bumaba ang labi niya sa aking leeg.“Seryoso ako, Zach,” pinilit kong lumayo ng bahagya, kahit tumitibok nang mabilis ang puso ko. “For now, I am safe, pero paano sa ibang araw?"Umangat ang tingin niya, at seryosong tumitig sa akin.“Kung mangyari man 'yan, pananagutan kita."Napalu
SKYHuminga muna ako ng malalim bago ako kumatok sa pintuan ng opisina ni Zach."Yes come in." Pagkapasok ko ng opisina, bumungad sa akin ang malagkit niyang tingin. Ngumiti siya na parang may ibig sabihin. Pinandilatan ko siya ng mata, habang humakbang papalapit sa kanya."S-sir, nandito na po 'yong hinihingi niyong reports," nanginginig kong wika at inabot sa kanya ang folder.Mayamaya, bumukas ang pinto at pumasok si Loraine. "G-good morning, Ma'am." Magalang kong bati at bahagyang yumuko.Nilagpasan lang niya ako at dumiretso sa kinauupuan ni Zach. Sumulak naman ang dugo ko nang mapansin ang magpapa-cute niya kay Zach."Uhm babe, tungkol sa bagong campaign, maybe we could discuss this later, over coffee?"Naikuyom ko ang aking mga kamao. "Calm down, Sky. Hindi ka dapat magselos. Professional setting ‘to." Bulong ko sa aking isipan.Si Zach na nakahalata sa reaksyon ko, hindi sumagot sa inalok ni Loraine, sa halip iba ang sinabi niya."Uhm, Loraine. Here's the monthly report from
SKYKinabukasan, nagising ako na nakaunan pa rin sa braso ni Zach. Pareho kaming walang saplot at tanging kumot lang ang tumatakip sa aming katawan. Mahimbing pa siyang natutulog at hindi man lang nagising sa tunog ng alarm clock.Nang magsink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi, bigla akong nakaramdam ng guilt sa puso. Ano ang mukhang maihaharap ko kina Mama at Tito Nick?Iginalaw ko ang aking katawan, ngunit bahagya akong napangiwi sa sakit na parang may napunit sa kailaliman ko. Maingat akong bumangon at tumambad sa aking paningin ang pulang mantsa sa bedsheet. Dahan-dahan akong tumayo ngunit biglang nagising si Zach at marahan niyang hinila ang kamay ko kaya napahiga ako sa dibdib niya.""Good morning, baby," nakangiting bati niya sa akin at dinampian ako ng halik sa labi. "Ba't ang aga mo namang nagising?""Hoy, alas singko na kaya, maaga pa ba 'yon sa 'yo? May trabaho ngayon baka nakalimutan mo.""Okay lang naman 'yon, kahit late na tayong pumunta ng opisina," nakangiti







