SKY POV
“Zach?” halos pasigaw kong sambit, pero agad niyang hinawakan ang braso ko at marahang hinila palayo sa mesa. Ramdam ko ang bigat at lalim ng tingin niya sa akin—mahigpit, seryoso, at halatang pinipigil ang galit.
“Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong pumunta rito? Akala ko nasa bahay ka na. Yon, pala...pagdating ko, wala ka roon,” madiin niyang sabi habang matamang nakatitig sa akin. “At naglasing ka pa!"
Napansin ko ang pag-igting ng panga niya saka tinapunan ng masamang tingin sina Rica at Maye. Tahimik lang ang dalawa habang nakayuko.
“Hindi ako lasing,” depensa ko, pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko. “Nag-eenjoy lang kami. Hindi naman ako bata, Zach.”
“Talaga? Kasi sa nakikita ko, para kang batang hindi alam na delikado itong lugar na pinupuntahan ninyo.” Hinila niya ulit ang kamay ko. “Uuwi na tayo.”
“Bitawan mo nga ako! Wala kang karapatang diktahan kung anong gusto kong gawin!” singhal ko.
"Responsibilidad kita, Sky kaya sa ayaw at sa gusto mo, uuwi na tayo," mariin niyang wika saka mabilis akong binuhat at humakbang papalayo. Ngunit saglit itong lumingon sa mga kaibigan ko at nagwika. "At kayo, umuwi na rin kayo. Baka nakalimutan n'yong may trabaho bukas?"
"Y-yes, s-sir." Sabay-sabay na saad ng dalawa.
Paglabas namin, sinalubong kami ng malamig na hangin. Binuksan niya ang pinto ng kotse at pinaupo ako sa passenger seat. Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung sa sobrang inis o hiya, pero ramdam ko ang matinding tensyon sa pagitan naming dalawa.
Pagpasok niya sa driver’s seat, ilang sandali muna siyang tahimik saka malalim na bumuntung-hininga.
“Sky, ano bang iniisip mo? Alam mo bang delikado para sa isang babae na pumunta sa ganitong lugar?”
“Hindi ako nag-iisa. Kasama ko sina Maye at Rica,” pangangatwiran ko.
“Hindi sapat ‘yon.” Napasandal siya, at napahawak sa sentido, halatang nagpipigil ng emosyon. “Hindi mo alam kung anong pwedeng mangyari sa ‘yo.”
“Kaya ko naman ang sarili ko."
"Sky, hindi gawain ng matinong babae ang pumapasok sa bar at uminom ng beer. Ano bang problema mo?"
"Kailangan bang may problema, para uminom ng alak?"
"H'wag ka ngang pilosopo!" tiim-bagang na wika niya sabay hampas ng kamay sa manibela.
Tumigil ako sa pagsasalita nang makita kong naninigas na ang panga niya at namumula ang pisngi sa inis.
“Hindi mo lang alam kung gaano ako natakot nang hindi kita ma-contact kanina.”
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kung dahil sa pagkalasing o sa mismong mga salita niya, pero parang biglang naging mabagal ang paligid.
“Zach…” mahina kong sambit.
Saglit siyang napatingin sa mga labi ko, at bago ko pa maunawaan, dahan-dahan siyang lumapit. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa pagitan naming dalawa.
Pero bago pa tuluyang magdikit ang aming mga labi, mabilis siyang umatras. Huminga siya nang malalim, saka muling inayos ang pagkakaupo.
“Seatbelt, Sky,” aniya sa malamig na tono.
Matapos akong makapagseatbelt, pinaandar na niya ang sasakyan. Tahimik lang ako habang nakasandal sa upuan. Pinakiramdaman ko lang si Zach pero tahimik lang din siya habang nakatuon ang paningin sa kalsada.
Nang makarating na kami ng bahay, muli na naman niya akong binuhat.
“Zach, ibaba mo nga ako! Kaya ko namang maglakad,” protesta ko.
Pero parang bingi siya sa mga sinasabi ko. Diretso lang siyang umakyat ng hagdan hanggang sa makarating kami sa kwarto ko.
Maingat niya akong ibinaba sa kama, pero dahil sa pagmamadali o siguro sa sobrang lapit namin, pareho kaming nawalan ng balanse at sabay na bumagsak sa kama. Biglang uminit ang pakiramdam ko, lalo na nang magkatitigan kaming dalawa.
"Sorry," paumanhin niya at dali-daling umalis sa pagkakadagan sa akin. "Take a rest now."
Tatalikod na sana siya, ngunit hindi ko alam at parang may kung anong pwersa naman ang nag-utos sa akin, para pigilan siya.
"Zach..."
Napalingon siya sa akin, ngunit agad din siyang nag-iwas ng tingin. Tumayo ako at mariin siyang hinalikan habang nakakapit ang mga kamay ko sa batok niya. Marahil epekto na rin ng beer na nainom ko, parang nawala akong bigla sa katinuan.
"Sky, stop it." Saway niya saka hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Hindi tama 'to." Marahan niya akong inilalayo sa kanya.
"I think, kailangan mo ng magpahinga." Muli niyang wika at pagkatapos, dali-daling lumabas ng kwarto.
Pagkalipas ng ilang minuto, narinig ko ang marahan niyang pagsara ng pinto. Naiwan akong nakatulala. At nang magsink-in sa utak ko ang ginawa kong paghalik sa kanya, bigla akong nakaramdam ng sobrang pagkapahiya.
Bakit ko siya hinalikan? Ano bang pumasok sa isip ko?
Napasinghap ako, saka tinakpan ng unan ang mukha ko. “Oh my God, Sky…” bulong ko sa aking sarili.
Hindi tama ’to. Sigaw ng isang bahagi ng aking utak. Kailangan ko itong pigilan habang may panahon pa.
********
Kinabukasan...
Nagising ako sa tunog ng alarm clock. Naka-set na kasi talaga ito sa phone ko tuwing alas singko ng umaga para matiyak na hindi talaga ako mahuhuli sa pagpasok sa trabaho.
Bumangon ako ngunit agad ko namang naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Nagtungo ako sa medicine cabinet at kumuha ng pain reliever.
Nang humupa na ang naramdaman kong pananakit, mabilis akong naligo at nag-ayos, pero habang nagsusuklay sa salamin, hindi ko maiwasang mapahinto.
Paano ko siya haharapin ngayon?
Pagbaba ko ng kusina, nadatnan ko si Zach at nagtitimpla ng kape. Tahimik lang siya, walang ekspresyon. Pero nang mapansin niya ako, saglit siyang napalingon.
“Gising ka na pala,” aniya. "Mabuti naman at ng makakain na tayo."
Tumango lang ako at humila ng upuan.
"Uhm, kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka lang ba? I mean, no hangover?"
"Ayos lang ako. Uminom na rin ako ng gamot kanina."
"Mabuti naman. So, you mean papasok ka sa trabaho?"
"Yep. Maraming gagawin sa opisina eh," mahina kong sagot.
Nagkaroon ng sandaling katahimikan nang magsimula kaming kumain. Nararamdaman ko pa rin ang sobrang hiya dahil sa ginawa kong paghalik sa kanya kagabi, ni hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
“Uhm. About that kiss, I initiated… I'm sorry.” Sa wakas, nagawa ko na ring magsalita.
Saglit siyang natigilan, saka dahan-dahang tumingin sa akin.
“Kalimutan na natin ‘yon,” mahina niyang sabi.
Tumango lang ako, kahit na alam kong hindi gano’n kadaling kalimutan.
“Zach, salamat sa pagsundo mo sa akin kagabi sa bar at sorry dahil pinag-alala kita."
Bahagya siyang ngumiti—isang tipid na ngiti na hindi ko madalas makita sa kanya.
“Next time, sabihin mo sa akin kung saan ka pupunta at kung ano ang gagawin mo, okay?"
Marahan lang akong tumango at nagpatuloy sa pagkain.
********
Habang nakasakay ako sa SUV, papunta ng opisina, hindi pa rin maalis sa isip ko ang ginawa kong paghalik kay Zach kagabi.
Hindi na 'yon mauulit. Promise. Sabi ko sa aking isipan.
"Uhm, Sky. Gusto kong makilala ang boyfriend mo," biglang sabi niya.
Hindi agad ako nakasagot. Wala naman talaga akong boyfriend, sino bang ipapakilala ko? Akala ko nakalimutan na niya ang tungkol doon, bakit tinatanong pa rin niya?
"Sky?" untag niya sa akin.
"Ha? Ah... Ang totoo, Zach, wala naman talaga akong boyfriend. Noon yon, pero mula nang lokohin niya ako, hindi na ako nagkagusto pa sa isang lalaki. Ayaw ko ng masaktan ulit."
"Oh, I'm sorry to hear that. Sana nga lang nakamove-on ka na sa past relationship mo. He doesn't deserve you. Anyway, bata ka pa naman. Darating din yong tamang lalaki para sa 'yo."
Nagkibit-balikat lang ako, kung p'wede ko lang sanang sabihin, na sana siya nalang ang para sa akin. Pero, hindi maari. Hindi p'wede. Sa mata ng batas, magkapatid kaming dalawa.
SKY POV“Zach?” halos pasigaw kong sambit, pero agad niyang hinawakan ang braso ko at marahang hinila palayo sa mesa. Ramdam ko ang bigat at lalim ng tingin niya sa akin—mahigpit, seryoso, at halatang pinipigil ang galit.“Anong pumasok sa utak mo at naisipan mong pumunta rito? Akala ko nasa bahay ka na. Yon, pala...pagdating ko, wala ka roon,” madiin niyang sabi habang matamang nakatitig sa akin. “At naglasing ka pa!"Napansin ko ang pag-igting ng panga niya saka tinapunan ng masamang tingin sina Rica at Maye. Tahimik lang ang dalawa habang nakayuko.“Hindi ako lasing,” depensa ko, pilit na inaalis ang kamay niya sa braso ko. “Nag-eenjoy lang kami. Hindi naman ako bata, Zach.”“Talaga? Kasi sa nakikita ko, para kang batang hindi alam na delikado itong lugar na pinupuntahan ninyo.” Hinila niya ulit ang kamay ko. “Uuwi na tayo.”“Bitawan mo nga ako! Wala kang karapatang diktahan kung anong gusto kong gawin!” singhal ko. "Responsibilidad kita, Sky kaya sa ayaw at sa gusto mo, uuwi na t
SKY POV“Ayoko nang paulit-ulit, Sky. Bumaba ka na.” Malamig niyang sabi habang nakasandal sa hamba ng pintuan, naka-cross arms, at nakatingin nang diretso sa akin. Hindi ko naman kayang makipagtitigan sa kanya. “Zach, hindi naman ako gutom—”Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil marahan siyang lumapit, hanggang sa halos maramdaman ko na ang init ng hininga niya sa balat ko. Nakatayo ako sa tabi ng vanity mirror, nakabalot pa ng tuwalya ang katawan ko, at pakiramdam ko, hindi ako makakatakas sa kanya.“Sky…” aniya sa mababang boses. “Let's eat."Ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko. Hindi dahil sa takot. Kundi dahil sa kung anong hindi ko maipaliwanag na tensyon sa pagitan naming dalawa. Hindi ito katulad ng dati. May kung anong kakaiba ngayong kami lang sa bahay. Walang Mama. Walang Tito Nick. “Fine,” bulong ko. “I’ll go.”Bahagyang gumuhit ang ngiti sa labi niya, ‘yong tipid pero may bahid ng kapilyuhan. “Good girl,” aniya bago siya lumingon at bumaba ng hagdan. Naiwan akon
SKY POVUnang araw ng pag-alis nina Mama at Tito Nick papuntang France. Habang nasa trabaho ako, hindi ko maiwasang isipin na kami lang ni Zach sa bahay. May mga katulong naman pero, ngayon pa lang nararamdaman ko na ang matinding tensyon."Sky, ba't ang lalim naman ng iniisip mo?" untag ng kaibigan kong si Maye, na isa ding Marketing Specialist."Oo nga gurl, anong problema?" sabat naman ni Rica, ang kasamahan kong bakla.Magkakatabi lang mga office cubicles namin kaya nakakapag-usap kami, lalo na kapag breaktime."Uhm...may nakalap akong balita," aniya at ngumiti sa akin. "Oy, ano naman 'yon? Kaw talagang bakla ka, hindi ka talaga nahuhuli sa balita kahit kailan," wika naman ni Maye.Actually, narinig ko lang naman ito kanina sa reception. Bigla naman akong na-curious sa sasabihin niya kaya saglit akong tumigil sa pagtipa ng keyboard ng computer."Sabihin mo na 'yan, bakla. Masyado ka namang pa-thrilling dyan," nakangusong saad ni Maye."Uhm..stepbrother mo raw si sir Zach? I mean
SKY POVKinabukasan, matapos magtanghalian, sinundo kami ng family driver ng mga Villanueva. Sakto namang nakapag-impake na kami kaya matapos maikarga ang iilang maleta at kahon ng mga gamit namin, nilisan na namin ang Gaviola subdivision. Buti nalang din at Linggo ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho.Habang nasa loob ng sasakyan, paulit-ulit kong iniisip kung paano ko haharapin si Zach. Hindi ko alam kung paano magpanggap na normal lang, lalo na’t bawat titig niya kagabi ay parang may ibang kahulugan para sa akin. Pero kailangan na talagang matigil 'tong kakaibang nararamdaman ko sa kanya. Sa ilalim ng batas, 'magkapatid' na kami, kaya pamilya ko na sila ni Tito Nick. Pagdating namin sa malaking gate ng mansion, halos mapanganga ako. Ang lawak ng bahay. Moderno ang disenyo, mataas ang bubong at may malawak na bakuran. Sa gitna, naroon ang swimming pool na parihaba ang hugis. Agad naman kaming sinalubong ng mga kasambahay para kunin ang mga gamit namin sa sasakyan.Samantalang n
SKY POV"OHHHHHHH.." Isang mahinang ungol ang kumawala sa aking bibig habang napakagat ako sa aking labi.Mabilis na nahubad ni Zach ang saplot ko sa katawan, at mayamaya pa'y naramdaman ko na lamang ang matigas na pagkakalalaki niya sa aking kaselanan."Harder, please....aaahhh..." muli kong ungol.Ngunit bigla akong napatikwas nang marinig ko ang tunog ng alarm clock. Hingal na hingal ako habang tumatagaktak ang pawis sa aking noo. Namamasa na ang pagitan ng aking mga hita, epekto ng panaginip na masyadong totoo sa pakiramdam."OMG, I had a wet dream....with Zach Villanueva, my boss sa ZV Cybertech," usal ko sa sarili.Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang pumalit siya bilang bagong CEO ng kumpanya. Actually, ang pamilya ni Zach ang may-ari ng Cybertech, kaya ZV kasi it stands for Zach Villanueva.Hindi maitatangging napakagwapo niya, at malakas ang sex appeal, pero napakataas ang standard at masyadong perfectionist sa trabaho. Akala ko hindi na ako magkakagusto pa sa isang lal