Kinabukasan ay sabay na kaming pumasok ni Jonas sa Bakery dahil maaga kaming pinatawag ni Mrs. Glenda para makausap. Siguro ay baka tatanggalin na niya kami ni Jonas sa trabaho dahil sa ginawa namin kay Ysmael at nakahanda na kami doon.
Bago ako umalis ng bahay ay hindi ko muna kinausap sina Nanay at Tatay dahil masama pa rin ang loob ko sa pagtatalo nila. Ayoko na munang mapag-usapan at isipin pa iyon.Ngayon ay kaharap namin si Mrs. Glenda na may seryosong tingin sa amin at katabi naman nito si Ysmael na sobrang sama ng tingin sa amin. Napansin ko na may band aid ang parteng gilid ng labi niya at alam ko na dahil ito sa pagsuntok sa kanya ni Jonas."Jonas, why did you hurt my son? Ni hindi ko nga siya sinasaktan tapos ikaw pa ang may ganang manakit sa kanya?" Galit na sabi ni Mrs. Glenda kay Jonas."Mrs. Glenda, hindi ko po sasaktan si Ysmael kung wala siyang ginawang masama kay Mirae-""I get it. Sinabi na sa akin ng anak ko na nililigawan niya si Mirae tapos ikaw naman daw ay nagselos at nagalit dahil nililigawan mo rin si Mirae?" Sarkastiko nitong sabi na ikinagulat ko.Nang mapatingin ako kay Ysmael ay nginitian niya lang ako ng mapang-asar. Mukhang binabaliktad niya ang sitwasyon at kahit anong paliwanag siguro ang sabihin namin kay Mrs. Glenda ay hindi siya makikinig dahil mas kakampihan niya pa rin ang unico hijo niya.Napayukom ng kamao si Jonas dahil sa sinabing istorya ni Ysmael kay Mrs. Glenda kaya kaagad kong hinawakan ang isang kamay nito upang kumalma siya."Wala hong katotohanan 'yan, Mrs. Glenda. Kilala niyo po ako at hinding-hindi po ako mananakit ng isang tao kung wala ako sa katwiran." Madiing sabi ni Jonas.Bigla namang tumawa si Ysmael at humalukipkip ito. "So, you're saying that I'm lying to my own mother? You're only an employee here at wala kang karapatang saktan ako dahil lang sa nililigawan ko rin si Miraela."Kung pwede lang ay kanina pa sana nasunog ang budhi nitong si Ysmael dahil sa galing niyang magsinungaling at baliktarin ang sitwasyon. Alam niyang wala kaming laban sa kanya at sa huli ay hindi pa rin kami paniniwalaan ni Mrs. Glenda.Hindi na sumagot pa dun si Jonas at ramdam ko ang galit niya pero pinipigilan niya lang iyon.Bumuntong-hininga naman si Mrs. Glenda. "I'm so disappointed to the both of you kaya wala na akong ibang magagawa kundi ang alisin kayo sa trabaho. Saktan niyo na lahat 'wag lang si Ysmael! Naging mabait ako sa inyong dalawa, Mirae at Jonas pero binigo niyo ako." Mariing sabi ni Mrs. Glenda."Sorry po." Sabi ko nalang."Close the Bakery right now. Maghahanap na ako ng ibang ipapalit sa inyo. Ipapadala ko nalang ang huling sweldo niyo sa tauhan ko."Napailing nalang si Mrs. Glenda at kaagad na itong nagtungo sa kotse niya pagkatapos ay pumasok na ito sa loob. Ilang segundo lang ay nakaalis na ang sasakyan niya kaya kaming tatlo nalang nila Jonas at Ysmael ang naiwan dito sa Bakery.Tinignan ko ng masama si Ysmael at hindi ko na napigilan pa ang pagtulo ng luha ko."Ano, masaya ka na? Pinatanggal mo sa trabaho si Tatay tapos ngayon naman ay nawalan kami ng trabaho ni Jonas dahil sa ginawa mo sa akin? Ganyan na ba talaga kasama ang ugali mo, Ysmael?" Galit kong singhal sa kanya.Nagkunwari naman itong parang maiiyak sa sinabi ko. "Ow, I'm sorry to hear that, Mirae. Pero masyado ka kasing pakipot at palaban. It's your fault anyway kung bakit pareho kayong nawalan ng trabaho ng soon to be boyfriend mong isa rin'g dukha-"Nanlaki bigla ang mata ko ng sugurin ni Jonas si Ysmael at muli itong sinuntok sa mukha dahilan para matumba si Ysmael at mahulog ito sa sahig."What the? Gusto mo bang sirain ang mukha ko? Alam mo bang mas mahal pa sa buhay mo ang pagpapagawa sa mukha ko kung sakaling pumanget ako?" Sigaw ni Ysmael kay Jonas habang nakasapo ito sa mukha niyang nasuntok.Si Jonas naman ang tumawa sa sinabi niya. "Sabihin nalang nating 'yan ang nararapat para sa mga katulad mong ang akala e, pag-aari at kaya nang kontrolin ang lahat. Wala ka pa rin talagang pagbabago, Ysmael. Kahit noong mga bata palang tayo ay lumaki ka na talagang isang gago at sinungaling. Alam mo, hindi naman ako takot kung mayaman ka o anak ka ng isang Mayor pero kailangan ko lang talaga ng pagkakakitaan para sa pamilya ko kaya pinakikisamahan kita. Ngayong tinanggal na kami ni Mrs. Glenda sa trabaho ay hindi na ako matatakot sa'yo." Ngumisi si Jonas na mas ikinagalit pa lalo ni Ysmael.Napangiti nalang ako dahil sa ginawa niya."Nagmamalaki ka na ngayon, Jonas? Hindi mo ako kilala, lahat ng gusto ko ay nakukuha ko kaya hindi ako papayag na makuha mo sa akin si Mirae! Matakot ka na hangga't wala pa akong ginagawang masama sa'yo!" Pagbabanta naman ni Ysmael at pilit itong tumatayo mula sa pagkakabagsak niya sa sahig."Magbanta ka na hangga't kaya mo pero hindi ko hahayaang makuha mo sa akin si Mirae. Ang pagsuhol lang ba sa mga magulang ni Mirae ang kaya mo para makuha mo siya? Ayan ang klase ng galawang duwag!" Nakangising sabi ni Jonas.Hindi ako makapaniwala na kaya nang sagutin ni Jonas si Ysmael at hindi siya natatakot dito. Nakikita ko na kaya niya akong ipagtanggol sa lahat alang-alang sa kapakanan ko. Hinding-hindi ako nagsisisi na pumayag akong ligawan niya ako."Tsk! Nagmamatapang ka na ngayon? Sa ating dalawa ay ako ang hamak na mas gwapo, mas mayaman at mas makapangyarihan kaya matakot ka na kapag nakaganti na ako sa'yo. Sisiguraduhin kong madudurog ka at masisira sa lahat!" Pagbabanta pa ulit ni Ysmael.Umiling nalang si Jonas saka ito bumaling sa akin at pinunasan ang mga luha ko. "Huwag kang mag-alala, poprotektahan kita sa abot ng makakaya ko." Masuyo niyang sabi.Ngumiti nalang ako at tumango sa sinabi niya. Hinawakan niya ulit ang isang kamay ko at akmang aalis na sana kami nang biglang magsalita si Ysmael."Nagkamali ka ng binangga, Jonas. Pagsisisihan mo ang ginawa mo sa akin hayup ka!" Sigaw nito.Lumingon naman sa kanya si Jonas at nginitian niya lang ito. "Nakahanda na ako, Ysmael at hindi ako natatakot sa'yo." Saka siya muling humarap sa akin at tuluyan na naming iniwan si Ysmael na nagmumura at nagsisisigaw.Bahala na siyang magsara ng Bakery tutal ay pag-aari naman iyon ng Mommy niya."Gusto mo bang pumunta tayo sa bahay?" Tanong ni Jonas sa akin."Sige, saka ayoko pang umuwi dahil ayoko lang na marinig ulit na nagtatalo sina Nanay at Tatay." Malungkot ko namang sabi.Naikuwento ko na kay Jonas ang pagtatalo nina Nanay at Tatay at maging pati na rin ang pagkakatanggal ni Tatay sa talyer dahil sa ginawa ni Ysmael."Mirae, pasensya ka na kung natanggal sa trabaho ang Tatay mo pero kung hindi ko kasi nilabanan si Ysmael ay baka tuluyan ka na niyang maangkin. Hindi ko hahayaan na mangyari iyon sa'yo." Seryosong niyang sabi habang naglalakad kami papunta sa bahay nila."Naiintindihan ko, Jonas. Pinagtanggol mo lang ako at maraming salamat dahil kung hindi mo ginawa iyon ay baka nga tuluyan na akong napagsamantalahan ni Ysmael." Nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala pa.Ngumiti lang naman din siya sa akin hanggang sa makarating kami sa bahay nila at pumasok na kami sa loob. Simple lang ang bahay nila Jonas at hindi rin ito kaaganong kalakihan pero malinis naman.Mukhang maayos at malinis sa kagamitan si Jonas dahil kahit sa trabaho ay malinis ito at maayos tignan. Lahat na yata ng magandang katangian ay nasa kanya na kaya napapangiwi ako sa sinabi ni Ysmael kanina na mas lamang siya kay Jonas e, kung sa ugali at asal palang ang labanan ay talong-talo na siya.Pinaupo naman ako ni Jonas sa maliit nilang sofa."Si Kian ang nagbabantay kina Inay at Baby Jepoy sa Ospital ngayon. Bukas ay ako ulit ang magbabantay sa kanila at pwede na silang madischarge sa isang araw." Sabi niya.Si Kian ay alam kong nakababatang kapatid iyon ni Jonas. Mas bata lang ito kay Jonas ng dalawang taon at nag-aaral pa ng kolehiyo.Tumango ako. "Hindi ako makapaniwalang nasagot mo si Ysmael kanina. Sa sobrang takot ang mga tao sa kanya ay walang kumakalaban sa kanya, Jonas. Pero paano nalang kapag napahamak ka nang dahil sa akin?" Nag-aalala kong sabi.Hinawakan naman ni Jonas ang isang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "Kaya kong harapin ang panganib maprotektahan lang kita, Mirae. Hangga't nabubuhay ako ay hindi ko hahayaang maagaw at makuha ka niya sa akin. Ngayon lang ako naglakas ng loob na ligawan ka kaya hindi ko sasayangin ang chance na ibinigay mo sa akin." Hinaplos niya ang pisngi ko at tinitigan mula sa mga mata ko.Iyong puso ko, sobra na naman sa bilis ang pagpintig ngayon. Mahal ko na nga siya at alam kong gagawin ang lahat ni Jonas para lang maprotektahan at mabantayan niya ako laban kay Ysmael. Sobrang natutuwa ako at hindi lang ako makapaniwala na may isang lalake na kayang isugal ang lahat para sa akin.Ito na siguro ang tamang pagkakataon para sagutin ko na siya.Huminga ako ng malalim."Jonas, sinasagot na kita."Bigla ay tila napahinto at napatitig lang si Jonas sa akin dahil sa sinabi ko."Jonas, ang sabi ko ay sinasagot na kita." Pag-ulit ko pero ganon pa rin ang reaksyon niya.Napalabi naman ako. "Narinig mo ba ako? O baka ayaw mo lang-"Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong kabigin ni Jonas at hinalikan sa labi.Si Jonas. Siya ang first kiss ko!Ang akala kong ilang segundo lang na halik niya sa akin ay mas lalo pang tumagal. Bigla ay naramdaman ko nalang na gumagalaw ang labi niya kaya napabuka ako ng bibig hanggang sa sinasabayan ko ang mga halik niya.Nakikita ko lang kung paano humalik ang magpartner sa napapanood kong teleserye sa TV kaya ayon ang ginawa ko.Kumakabog ang dibdib ko at sobrang tuwa ang nararamdaman ko. Hindi ko aakalain na sasaya pa ako ng ganito. Para bang ayoko nang matapos pa ang araw na ito.Nang matapos ang ilang minuto ay biglang huminto sa paghalik si Jonas sa akin saka nito pinagdikit ang noo namin. At hindi ko inaasahan na nangilid na ang mga luha niya."Ang saya ko ngayon, Mirae dahil girlfriend na kita. Sobrang saya ko..." Nakangiti niyang sabi.Pinunasan ko naman ang nangingilid niyang luha. "Oo, girlfriend mo na ako, Jonas. Mahal na mahal kita." Nakangiting banggit ko.Tila natulala na naman siya sa sinabi ko pero 'di kalaunan ay bigla nalang siyang tumayo at sumigaw."Girlfriend ko na si Miraela Albañez at mahal niya daw ako! Yes!" Sigaw niya.Natawa nalang ako sa ginawa ni Jonas hanggang sa hinila niya ako patayo at niyakap."Mahal na mahal rin kita, Mirae. Gagawin ko ang lahat para maging isang mabuting boyfriend sa'yo. Hinding-hindi tayo maghihiwalay." Sabi niya.Niyakap ko nalang pabalik si Jonas at dinama ang higpit ng yakap niya.Mahal na mahal ko siya at kahit kailan ay hinding-hindi kami maghihiwalay.Hindi ko rin siya makakalimutan kahit ano pa man ang mangyari sa aming dalawa.-Ajai_KimNalaman na nina Nanay at Tatay na girlfriend na ako ni Jonas dahil kagabi ay inihatid ako ni Jonas sa bahay at kaagad rin niyang sinabi iyon sa mga magulang ko. Hindi naman tumutol pa si Tatay do'n dahil kung ano daw ang naisin ng puso ko ay susuportahan niya ako habang si Nanay naman ay walang imik nung malaman iyon. Hindi ko alam kung tanggap ba niya ang relasyon namin ni Jonas o hindi pero sa nakikita ko naman ay okay lang iyon sa kanya. Hindi ko na rin muna inaalala pa ang pagtatalo nila ni Tatay nung isang araw dahil masaya naman ako ngayon. Sinabi na rin namin na natanggal na kami mula sa Bakery at naiintindihan na nila kung bakit.Alam na ng Inay, Itay at mga kapatid ni Jonas na girlfriend na niya ako. Pagkatapos makalabas mula sa ospital sina Inay Rosie at Baby Jepoy ay kaagad pinaalam iyon ni Jonas sa pamilya niya. Hindi rin sila tumutol sa relasyon namin at botong-boto daw talaga sila sa akin noon pa para kay Jonas kahit hindi pa ako nito nililigawan. Alam na daw kasi kaagad
Isang linggo na ang nakakalipas simula nang maging kami ni Jonas. Maganda at maayos naman ang relasyon naming dalawa. Masaya ako dahil siya ang nakatuluyan ko at nakakatuwa lang na sobra siyang nag-eeffort para sa akin.Nang matanggal na kami sa trabaho sa Bakery ay sa kabutihang palad ay nakahanap kami ng trabaho sa isang factory ng mga noodles at pareho kaming nakuha doon. Hindi naman ito gaanong malayo sa tinitirhan namin kaya nakakatipid pa kami sa pamasahe.Ang boyfriend ko ay katrabaho ko pa rin at sabay pa kaming umaalis at umuuwi ng bahay. Masaya lang ako dahil palagi ko siyang nakikita at nakakasama. Tama nga ang sinabi ni Tatay na mas motivated ka sa trabaho mo kapag nakikita at nakakasama mo ang taong mahal mo. Nang mag 5pm na ay natapos na ang duty namin ni Jonas sa factory. Kaagad ko naman siyang hinila sa Mamang nagtitinda ng fishball na nasa labas lang ng kalsada."Mister, gusto ko nito!" Masayang sabi ko kay Jonas na itinuro ang stall ng fishball at natawa nalang ito s
Kasalukuyan kong ginagamot ang mga sugat at pasa ni Jonas at nandito na kami ngayon sa bahay. Wala pa si Tatay dahil nasa trabaho pa daw ito habang si Nanay naman ay nasa Barangay pa. Secretary kasi siya do'n at alam ko na marami pa itong inaasikaso. Baka siguro ay bukas na iyon makakauwi dahil minsan ay nag-oovernight talaga siya sa trabaho niya.Hindi tulad ng kanina ay mas maayos nang tignan si Jonas. Pinalitan ko na rin siya ng damit na pinaglumaan na ni Tatay dahil may mga bahid pa ng dugo ang t-shirt niya. Sigurado akong hindi pa muna siya makakapasok ng trabaho dahil sa kalagayan niya at ganon na rin siguro ako dahil kailangan ko siyang bantayan."Ang mas mabuti pa siguro, Jonas ay iwasan nalang muna natin si Ysmael para hindi ka na ulit mapahamak. Kung hindi pa siya tumigil sa pambubugbog sa'yo ay baka mapatay ka na niya." Nag-aalala kong sabi.Umiling naman si Jonas. "Ano ba 'yung ginawa natin kanina, Mirae? Iniwasan naman natin siya, hindi ba? Pero hinarang pa rin niya tayo
Linggo ngayon at wala kaming pasok ni Jonas sa trabaho. Mamayang hapon ay dadaan daw siya dito para sabay kaming makapagsimba. Siyempre excited din ako dahil sa bukod na magsisimba kami ay makakasama ko ulit siya.Wala yatang araw na hindi ko iniisip si Jonas. Iyong lalakeng iyon kasi, todo-todo ang ginagawang effort ngayong boyfriend ko na siya. Bukod sa gwapo ay masyado pa itong maaalalahanin at kaya akong protektahan sa lahat. Hinding-hindi ko na talaga ipagpapalit ang Mister ko na iyon!Bigla ay naalala ko na naman 'yung weirdong lalakeng nakabungguan ko sa plaza. Ang gwapo pa naman kaso ay ang creepy naman nun pero infairness ay mabait naman siya ayon nga lang ay ang weirdo niya. Hindi katulad ni Jonas ay mestizo ang lalakeng iyon, para ngang may lahing banyaga ang itsura niya, e. Teka, bakit ko ba biglang naalala ang lalakeng iyon?Habang nanonood ako ng TV sa maliit naming sala ay inabutan ako ni Nanay ng listahan na may pera at inuutusan ako nitong mamalengke. Tumango naman ak
"Jonas..."Mahinang sambit ko habang nakaupo kami ni Jonas sa isa sa mga bench dito sa parke. Kakatapos lang namin magsimba at napansin ko ang kanina pa niyang pananahimik magmula nang nakita niyang inihatid ako ni Andy sa tapat ng bahay namin.Bumuntong-hininga ako. "Siya 'yung lalakeng nakasalubong natin dito sa parke noon, 'di ba?" Tanong niya habang nakatanaw sa malayo.Tumango naman ako. "Oo. Nakita ko lang naman kasi siya kanina sa palengke tapos g-gusto niyang makipagkaibigan sa akin kaya sinamahan niya ako sa pamimili. Pagkatapos ay nagsabi siyang ihahatid nalang niya ako pauwi ng bahay." Paliwanag ko.Hindi ko kayang magsinungaling kay Jonas sa relasyon namin. Sinabi ko ang totoo dahil gusto kong maging tapat sa kanya.Napayuko naman ito. "Gwapo siya, hindi ba?" Tanong niya habang nakatingin lang sa grass ng parke."Jonas, ano bang pinagsasabi mo diyan? Bakit-" Bigla ay humarap siya sa akin habang nakangiti pero alam ko na peke lang ang ngiti niyang iyon."Gwapo siya, mayama
Ngayon ay alas kwatro na ng umaga at nag-aabang kami ngayon ni Jonas ng bus papuntang Maynila dito sa Bus Station. Hindi ko na pinaalam pa sa kanya ang nangyaring panggugulo sa akin ni Ysmael para hindi na siya mag-alala pa. Ayoko nang pag-alalahanin pa si Jonas dahil makakalayo na rin naman kami kay Ysmael.Kanina sa bahay ay umiyak pa si Nanay dahil mamimiss niya raw ako ng todo habang si Tatay naman ay tahimik lang pero alam kong mamimiss niya rin ako. Sina Nanay at Tatay talaga, parang mawawala na ako sa kanila ng matagal nung nagpaalam ako e, babalik rin naman kami kaagad ni Jonas dito sa San Alfonso kapag hindi kami nakapasa sa job interview."15 minutes pa siguro bago makarating dito ang unang bus." Sabi ni Jonas habang tinitignan ang oras sa cellphone niyang de keypad.Tumango naman ako bilang sagot.Ano ba itong kakaibang nararamdaman ko ngayon? Bakit parang kinakabahan ako sa hindi maipaliwanag na dahilan?"Jonas-"Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang may mga naka it
Nagising na lamang ako na may tumatamang ilaw na nanggagaling sa bintana. Madilim ang kwarto kung saan ngayon ay nakahiga ako sa isang puting kama.Napatingala ako dahil parang may matang nakamasid sa akin. Kaagad akong kinabahan sa klase ng mga titig niya.Mayroon siyang itim na aura at aaminin ko na napakagwapo din niya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko lang ito maalala.As in wala akong maalala. Kahit pangalan ko o kung saan ako nanggaling ay hindi ko rin matandaan.I'm clueless!"S-Sino ka?" Tanong ko sa lalaking nasa tabi ko.Sumilay ang ngiti sa mga labi niya at hinawakan ang isang kamay ko."I'm Josiah. Your husband." Sabi nito sa baritonong boses niya.Ang pangalan niya ay Josiah? At asawa ko daw siya? Nakaramdam kaagad ako ng kirot sa sentido ko dahilan para lumapit sa akin ang lalakeng nagpapakilalang asawa ko.Siguro ay kaya nga siya pamilyar sa akin ay dahil sa asawa ko siya. Napansin ko na may nakakabit din pala sa aking mga suwero at kung anong tubo sa may ulo ko na n
"Paano nga ba magmahal ang isang totoo at tapat na tao? You can love him or her unconditionally. Kahit ano man ang antas niya sa buhay ay matatanggap mo pa rin siya sa kabila ng lahat.Isa sa pinakamagandang paraan ay ang isama mo siya sa mga pangarap mo. If both of you succeed then it's good but when only one of you succeed then don't leave.The progress of being in love is to be with him or her all the times. Magmamahal ka na nga lang ay mang-iiwan ka pa? That's a total bullshit!Another thing is, loving is also sacrificing. Naranasan mo na bang bitawan ang taong mahal mo para lang mapabuti siya o matupad ang mga pangarap niya? That's brave love!"Halos mapaiyak na ako sa sinasabi ng isang love guru sa isang TV Program. Hindi ko alam pero sobra talaga akong naaapektuhan sa mga sinabi niya. Nang lingunin ko si Andy ay nakangiwi itong nakatingin sa akin habang patuloy pa rin sa pagkain ng Piattos Cheese niya."Napaiyak ka pa talaga ng tanders na 'yan? Her program sucks." Tanong niya a