Share

Chapter 5

last update Last Updated: 2022-11-08 08:15:06

Chapter 5

Clayton Pov

Nanginginig ang tuhod kong pinilit na tumayo. Nang makatayo ay agad akong napahawak sa mesa nang mawalan ako ng balanse. Mabilis na dumalo sa akin ang waiter na nags-serve kanina sa amin ni Lorcan. Hinawakan niya ang bisig ko upang alalayan ako. Napatingin ako sa kanya at umiling. Nais kong iparating sa kanya na kaya kong tumayo mag-isa. Tumingin ako sa kanya na nakasuit ng pinaghalong itim at puting suit na may bowtie pa talaga. Napatanong tuloy ako sa sarili ko kung magkano kaya ang pasahod sa restaurant na ito.

"Are you sure you can stand on your own, sir?" Tanong ni sa akin habang nakahawak pa rin sa bisig ko.

Inis ko siyang tinapunan ng tingin. "Oo kaya ko kaya pwede ka nang umalis." Pagkatapos kong sabihin iyon ay yumuko siya bago umalis.

Umalis si Lorcan para pumunta sa banyo at gusto ko ring pumunta ng banyo. Hindi naman ako nandidiri sa paghalik sa akin ni Lorcan (which is hindi ko inaasahan na ganito ang magiging reaksyon ko) pero nagulat ako, nabigla dahil hindi ko inaakala na ang kauna-unahang halik ko ay mapupunta sa lalaki. Buong buhay ko pinapanaginip ko na nasa babaeng gusto ko mapupunta ang unang halik ko. Hindi naman sa importante ang unang maging halik ko. Ang hindi ko lang inaasahan na sa lalaki iyon mapupunta.

Sa wakas ay nakabawi na ako sa gulat at panginginig sa tuhod ko kaya lumakad ako papunta sa banyo. Akmang pipihitin ko na ang busol. Nang bumukas iyon at iniluwa ang preskong-presko na si Lorcan na ngayon ay siyang nagmamay-ari na sa akin. Sa kontratang pinirmahan ko kanina ay parang binenta ko na rin ang buhay at kaluluwa ko sa kanya.

Hindi man lang siya nagulat nang makita niya ako. Tapos ako ay halos gusto nang tumakbo paalis.

"Move faster Mr. Perkin because I have something that need to tell you." Payak niyang saad bago umalis.

Tumango ako kay Lorcan bilang sagot tapos at nagpatuloy naman siya sa pag-alis.

Tiningnan ko ang papalayong likod ni Lorcan. Kung umasta siya ay parang wala lang sa kanya ang nangyari kanina at ako lang itong masyadong maraming iniisip. Totoo nga siguro ang sinabi niya na gusto lang niyang mag-explore. At nagkataon na ito ang gusto niyang i-explore. Siguro ay hindi ko na rin lang isipin iyong ginawa niyang paghalik sa akin dahil sa pinasok kong ito. Alam ko na may mas lala pa dito. At kinakabahan na ako para sa sarili ko.

Kagaya nang sinabi ni Lorcan ay binilisan ko ang uud kong kilos. Pagkatapos kong magbanyo ay naghugas ako ng kamay at napatingin ako sa repleksiyon ko sa salaminna nasa harap. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko kung saan dumapo ang labi kanina ni Lorcan. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang labi niya. Malambot at may pagkamatigas.

Ipinikit ko ang mata ko dahil na naman sa pumasok sa isip ko.

Pagkabalik ko ay nakita kong may kausap si Lorcan sa telepono niya at nang makita niya ako ay tinapos niya iyong tawag.

"So, let me get this straight to you Mr. Perkin. I want this contract be private just between you and me." Sabi niya saka tinapunan ng isang tingin ang enveloped sa mesa.

"H-hindi ko ba pwedeng sabihin yan... kahit kay Jer-Jason lang."

"Jason is a trustworthy employee of mine, so okay you can, but don't spill what's inside the contract." Aniya.

Dalawang beses na tango ang binigay ko sa kanya. Tumikhim ako bago binuka ang bibig ko. "K-kailan masisimulan ang kidney transplant ng mama ko, sir?" Tanong ko sa kanya.

Sumandal siya sa silyang kinauupuan niya at pinagkrus niya ang braso sa harap ng kanyang dibdib. "I already called my secretary to look for a realible person who is willing to be your mother's donor. Tomorrow we'll transfer your mother to a private hospital, I mean to LCL main hospital and I will let our family doctor to look and oversee your mother while waiting for a donor." Sagot niya sa akin. Napatango-tango habang nakikinig sa sagot niya. "And don't call me sir, just call me by my name."

Muli akong tumango sa kanya.

"Mabuti naman." Bulong ko sa sarili ko. "P-pwede na ba akong umuwi?"

Habang nakasandal siya ay tumaas ang kilay niya sa akin. "You will not go to your house anymore." Simpleng sagot niya sa akin.

Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa pagtataka. "Huh? Anong—"

"—From now on you will be staying in my house." Putol niya sa tanong ko.

"Paano kung ayaw ko? Bakit hindi pwedeng sa bahay namin na lang ako tumira?"

"Seriously, Perkin, are expecting me to let you do that. What if I want you to fuck in the middle of the night? Dawn? Morning? Noon? Evening? Do you expect me to restrain myself?" Sarkastikong pahayag niya.

"A-ano kasi... ano," hindi ako makahanap ng maaaring isagot ko sa kanya.

"It's part of the contract Perkin." Gusto kong sabihin sa kanya na hindi Perkin ang pangalan ko. Napansin ko kasi na panay ang tawag niya sa akin na Perkin.

"H-hindi ba pwedeng umuwi ako kahit... kahit ngayon lang at gusto ko ring makita ang mama ko bago siya ilipat ng ospital." Hindi ko naman alam na parte pala ng kontrata na tumira ako sa bahay niya. Hindi ko rin naman kasi binasa ang buong kontrata at basta ko nalang iyong pinirmahan dala nang bugso ng damdamin.

Umalis siya sa pagkakasandal saka nilagay ang braso sa mesa at bahagyang yumuko na parang nag-iisip. "Okay," bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. "I will let you go home for today and tomorrow, one of my bodyguard will pick you up at 1: 00 PM."

Umiling ako sa kanya ng ilang beses. "Hindi na kailangang ipakuha pa ako. Sabihin mo lang kung saan ka nakatira at ako na mismo ang pupunta doon bukas, pangako." Nag-swear pa ako.

Istriktong tumaas ang kilay niyang parang hinulma at makapal. "I'll let you from your favor and this time... ako ang masusunod ." Tiningnan niya ako ng masinsinan. "You are now my possession Perkin, it only means one thing... that you will do what I say."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya para akong napapaso sa paraan ng pagtitig ng kulay berde niyang mata. "O-okay."

Tumayo ako at bahagyang yumuko sa kanya. "Salamat at mauuna na ako." Sabi ko at humakbang na paalis.

Nalampasan ko na siya bago siya magsalita kusang napatigil ang mga paa ko sa paghakbang.

"Don't thank me, because everything that I do for you have a payment and that is your service. And always remember that the contract is only between you and me."

Ala-una na nang hapon nang makarating ako sa condo ni Jersey. Pagkaalis ko doon sa restaurant ay hindi muna ako dumiretso sa condo ni Jersey. Nagpahangin muna ako saglit dahil pakiramdam ko ay punong-puno ako sa pag-uusap namin ni Lorcan. Hindi ko aakalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Kahapon lang ay halos mabaliw ako kakaisip kung saan ako kukuha ng pera panggamot kay mama tapos ito. Parang umikot ng 360 degree ang buhay dahil lang sa simpleng pagpirma ko sa kontratang iyon. Sa simpleng papel na iyon. Simpleng papel pero doon nakasalalay ang buhay ko at ng mama ko.

Kung gusto ni Lorcan na makipag-sex sa lalaki, ano naman kaya ang ginagawa ng mga lalaki. P-papaano iyon?

Aminado ako na hindi na inosente ang mga mata at isip ko dahil nakakapanood na rin naman ako ng mga rated x na mga videos pero babae sa lalaki iyon. Kaya hindi ko alam kung papaano iyon ginagawa ng lalaki sa lalaki. Ano naman kaya ang gagawin ko? Manonood na ba ako ng mga gay porn? Magbabasa na ba ako ng mga ganoong articles, kung paano nila iyon ginagawa?

"Tanungin ko kaya si Jersey?" Tanong ko sa sarili ko habang nakaupo sa kama ni Jersey. Nilibot ko ang mata ko sa loob ng condo ni Jersey dahil baka may mga magazine siyang ganoon pero wala naman akong mahanap. Saka kung tatanungin ko si Jersey magtatanong at magtatanong iyon kung bakit ako naku-curious sa gano'n, magdududa iyon.

Hinanda ko na ang bag ko na dinala ko dito kahapon dahil uuwi ako at mag-iimpake dahil bukas dun na ako sa bahay ni Lorcan tutuloy. Umupo ulit ako sa kama nang matapos kong ihanda ang bag ko.

Tinawagan ko si Jersey.

"Hello? Clay?" Sagot ni Jersey sa kabilang linya. Akala ko ay di niya masasagot ang tawag ko dahil oras ng trabaho ngayon.

"Jersey, uuwi na ako." Ani ko.

"Uh, uuwi na ka agad-agad? Kumusta naman 'yong pag-uusap niyo ng boss ko."

Tumayo ako at pumunta sa maliit na ref ni Jersey dito sa loob ng condo niya inipit ko ang cellphone ko sa tenga at balikat ko bago kumuha ng malamig na tubig. Uminom ako bago siya sagutin.

"Okay naman Jersey." Sagot ko sa kanya. "Pero bakit hindi mo naman sinabi sa akin sa lalaki pala ang boss mo."

"Ay! Hindi mo naman tinanong sa akin kaya akala ko alam mo na."

Nilagay ko sa sink ang basong ininuman ko.

"Hmm," tumango ako na para bang nakikita niya ako.

"So, ano na?" Tanong ni Jersey sa kabilang linya.

"Ahm, ano bukas—bukas ay dun na ako sa bahay niya." Sagot ko.

"Wow! Sabi ko na nga ba papasa ka, e. Siguro dahil 'yon sa lip balm na nilagay ko sa lips mo." Tapos ay humalakhak siya.

Natahimik ako.

Napahawak tuloy ako sa labi ko at pumasok na naman sa utak ko ang simpleng pagdampi ng labi ni Lorcan sa aking labi.

"Hoy, Clay nand'yan ka pa ba!?" Nailayo ko sa tenga ko ang telepono ko dahil sa lakas ng sigaw ni Jersey.

"O-oo nandito pa. Sige na Jersey may trabaho ka pa at aalis na rin ako." Ani ko.

"Hoy! Dapat mag-celebrate tayo Clay."

Tumingala ako. Dapat bang i-celebrate ang bagay na 'to? Para sa akin ay dapat lamay ito.

"Alam mo namang wala nga akong pera sige na ba-bye na alis na ako at salamat pala sa lahat." Sabi ko at pinatay na ang tawag.

Dumiretso ako sa ospital kung saan naka-confine si Mama papasok na sana ako nang narinig kong masayang nag-uusap si Mama at 'yong attendant nurse niya.

"Hija, may boyprend ka na ba?" Rinig kong tanong ni Mama sa nurse. Na himigan ko ang sigla at saya sa boses ni Mama. Kahit na may sakit siya alam kong pinipilit niya lang na maging matatag at matapang.

"Si Ate talaga wala pa po at naghahanap pa." Bibong sagot naman ng nurse kay mama.

"Naku tamang-tama dahil may anak akong lalaki bagay na bagay kayo n'on. Kahit na walang abs iyon tamang-tama naman ang hubog n'on sa katawan." Pati ako napangiti sa sinabi ni mama. Sinali niya pa talaga ang katawan kong walang abs.

"Talaga po?" Interisadong tanong naman ng nurse kay Mama.

"Oo hija ipapakilala kita sa anak ko kung dadalaw 'yon dito."

Bumuntong hininga ako bago kumatok at pumasok. Pagpasok ko ay nakatingin sa akin si Mama at ang nurse na nag-aasikaso sa kanya.

"Anak ikaw pala yan. Halika ka dito." Aniya. Lumapit ako kay mama.

"Anak ito pala si Alli isa sa magandang nurse dito at kaibigan ko. At Alli, ito naman ang anak ko si Clayton, ang gwapo kong anak." Magiliw na pagpapakilala ni mama sa amin.

Unang inilahad ni Alli ang kamay niya sa akin kaya tinanggap ko iyon.

"Nice to finally meet you, gwapong anak ni Ate Ellen." Pabirong saad niya.

Napangiti ako dahil may naging kaibigan dito si Mama kahit papaano at hindi siya malulungkot, pero bukas din ay ililipat si Mama sa ibang ospital.

"Nice to meet you rin."

"Sige po ate alis na ako. Chika tayo sa susunod, ah." Pagpapaalam ni Alli kay Mama tapos ay tinapik niya ang balikat ko na parang barkada o tropa kami.

"Ano anak, tipo mo ba iyong si Alli?" Tanong ni Mama nang makaalis si Alli.

Nilapag ko ang bag ko sa maliit na sofa doon at umupo malapit sa hospital bed.

"Hindi 'ma." Diretsong sagot ko kay mama. "Parang tomboy naman po iyong si Alli." Komento ko at dahilan upang hampasin ni mama ang balikat ko. "Maaa."

"Anong tomboy ang ganda nga n'on, e. Kaya ka siguro hindi nagkakaroon ng nobya dahil dyan sa pagiging pihikan mo." anito.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin ni Mama.

"'Ma," tawag ko mayamaya kay Mama. "Bukas 'ma ay ililipat ka na ng ibang ospital doon sa kabilang syudad sa mas malaki at mas pribado na ospital." Pagsisimula ko at nakita ko ang pagkunot ng noo ni mama sa sinabi ko.

"Nakanap—nakahanap na po ako ng pera para panggamot sa inyo—"

"—Saan ka kumuha ng pera sa loob ng isang araw Clayton?" Takang tanong ni Mama.

"Ma—"

"—sinabi ko na sayo na h'wag kang gagawa ng ikakapahamak mo. Ayos na ako Clayton, kung hanggang dito ako wala na tayong magagawa doon. Ayaw kong pati sarili mo ay ipapasok mo sa anumang ikakapahamak mo."

Gusto kong sabihin kay Mama na huli na dahil nakapirma na ako sa kontrata.

"Ma, kung may magagawa ako para sayo gagawin ko kahit ano pa 'yan dahil ayaw ko na iwan mo akong mag-isa. Wala na nga akong Papa pati ba naman ikaw iiwan mo ako." Nagsisimula nang uminit ang mata ko dahil sa luha. Masakit sa akin na ganito si Mama na para bang tanggap na niya na malapit na siyang mawala. Masakit na masakit iyon para sa akin.

"Clayton, kaya nga ipinakilala kita dun kay Alli, e."

Umiling ako kay Mama. Wala akong panahon para d'yan. "Ma, may mayaman akong kakilala na—nakaibigan ni Jersey at katrabaho niya. Papahiramin niya ako ng pera 'ma. Kaya sana po ay magpagamot kayo—h-hindi ko naman po ipapahamak ang sarili ko. G-gusto pa kitang makasama 'ma. Kaya sana po magpagaling kayo."

"Sige, basta ipakilala mo sa akin ang taong hiniraman mo ng pera." Naitikom ko ang bibig ko. Papayag ba si Lorcan dito? O di kaya'y humanap na lang ako ng tao na magpapanggap ng kaibigan ni Jersey. Pero patong-patong na ang pagsisinungaling ko kay Mama at ayaw ko nang dagdagan pa iyon.

Susubukan ko nalang na kausapin si Lorcan bukas. Sabi ko sa sarili ko.

"S-sige ma ka—kakausapin ko po siya bukas."

Pagkatapos ay nagpaalam ako kay Mama na mag-iimpake ako ng ilang gamit niya at mag-iimpake rin ako. Hindi pa rin kumbinsido si Mama sa sinabi ko sa kanya na nanghiram ako ng pera sa kaibigan ni Jersey pero umu-oo na siya. At gusto niya talagang makilala ang taong hiniraman ko ng pera.

Kinagabihan ay tumawag si Jersey at nagpakwento kung ano ang mga pinag-usapan namin ni Lorcan kaya ayon kinuwento ko sa kanya pero syempre filtered na 'yong mga sinabi ko sa kanya. At sinabi ko rin sa kanya na dapat ay sikreto lang namin iyon lalo na kay Mama. At kinuntsaba ko rin siya sa pagsisinungaling ko kay Mama. Mabuti at pumayag din siya. Nagtanong pa siya na kung ano ba daw ang gagawin ko sa bahay ni Lorcan at bakit daw kailangan pang dun ako tumira.

Kagaya ng sinabi ni Lorcan ay may sumundo sa akin kinabukasan sa amin na bodyguard daw niya iyon. Bodyguard niya pero driver ko ngayon. Isang maleta at backpack bag lang ang dala ko. 'Yong kay Mama ay naihatid ko na sa ospital at pinakiusapan ko rin si Alli na kung pupwede ay siya 'yong sumama kay Mama sa paglilipat. Nagulat nga siya pero sabi niya ay may private na daw na doctor ang mag-aasikaso kay Mama. Hula ko ay 'yon 'yong sinabi ni Lorcan na family doctor nila.

"Ahm, malayo po ba ang bahay ni Lorcan dito?" Tanong ko sa driver na propesyonal na propesyonal ang dating habang nagmamaneho.

"Oo, Mr. Perkin dahil si Mr. Lavoisier ay nakatira sa Marcet Village." Sagot niya at lumingon sa akin saglit.

Hindi pa ako nakakapunta sa Marcet Village pero naririnig ko na iyon dahil 'yong ibang classmates ko ay doon nakatira. At kilala rin ang Village na iyon dahil puro talaga kilala ang mga nakatira doon. Kundi mga businessman ang nakatira doon mga kilalang artista, at politician ang nakatira doon. Mahigpit din kasi ang security system ng Village na iyon.

"Ako nga po pala si Clayton." Pagpapakilala ko sa kanya.

"Ako si Alfonso at ako ang kanang kamay ni Mr. Lavoisier." Tapos ay ngumiti siya sa akin. Sa hindi ko malaman nan dahilan ay nagsitayuan ang balahibo ko sa paraan ng pagngiti niya. He is Lorcan's right hand.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned By A Mafia Boss   Epilogue

    Warning: SPG!!!7 months laterClayton PovMasayang sinalubong namin ang pasko kasama sina Allison, Lorcan, Daniel, tita Hilda at tito Stevan. Kasama namin silang nagsalubong ng pasko. Si Allison ay hindi umuwi sa kanila dahil ang mga magulang niya ay nasa ibang bansa naman nagtatrabaho tapos wala naman daw siyang makakasama sa bahay nila kaya mas pinili niyang makasama kami sa pasko. Sina tita at tito naman ay nagpagdesisyonan din nila na dito na rin sa amin magpasko dahil sa katunayan daw ay hindi sila sanay na nagsi-celebrate ng pasko. Kaya nang inaya sila ni mama na dito na sa amin magpasko ay agad silang pumayag si tita at tito. Sobrang saya ko na dahil ang sa tingin ko ang laki na nang pamilya namin ni mama. Dati rati ay kami lang dalawa ang nagsi-celebrate ng pasko. Konting pancit lang, kanin, tapos adobong manok syempre hindi mawawala sa amin ni mama ang ice cream paborito ko kasi ang ice cream kahit anong flavor basta ice cream. Tapos nung sinalubong namin ang pasko ay ang i

  • Owned By A Mafia Boss   Chapter 48

    Warning: SPG!!!Clayton Pov"Does your feeling for me change too?" Tanong sa akin ni Lorcan. "Lorcan," napakahina kong bulong."Just answer me." I begged.Tinakpan ko nang kamay ko ang mukha at humagulhol ng iyak. Mahal na mahal ko pa rin siya. Kahit na sa kabila ng ginawa niya mahal ko pa rin siya. Pero iyong takot ko kinakain ako. Nakaka-trauma na kasi iyong nangyari sa amin. Nasasaktan ako ngayon na nakikita siyang umiiyak. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Gusto ko ulit sa piling niya. Iyong init niya gusto ko ulit maramdaman iyon. Gusto ko ulit na kapag gumising na nasa braso niya ako. Konti na lang bibigay na naman ako. Magiging marupok na naman ako. "Answer me babe." Saad niya at pinaglapat ang labi niya sa isa't isa.Babe pa rin siya ng babe kahit sa nangyayari ngayon. Basang basa kami pero heto kami parang hindi nilalamig. "Mahal... mahal na mahal pa rin kita Lorcan. Isa lang ang hindi nagbago mula noong nawala ka at iyon ay ang nararamdaman ko sayo. Sinubukan kong kali

  • Owned By A Mafia Boss   Chapter 47

    Clayton Pov"Lorcan, saan mo ako dinala?" tanong ko sa kanya. Nakaupo siya sa paanan ng kama. Yukong pinagsiklop niya ang kamay niya saka nakatungkod ang siko niya sa kanyang tuhod. Para bang nahihirapan siya. Para bang pagod na pagod siya. Malalim din ang pinapakawalan niyang mga hininga. Ang kanyang button down shirt ay nakabukas ang apat na butones nun. Kung kanina ay naka-rugged jeans siya ngayon ay nakapang-summer shorts na siya at nakapaa. Ako naman ay ang lagi kong suot na polo tapos jeans at wala na ang suot kong sapatos ang socks ko na lang ang sapin ng paa ko. "Ano hindi ka ba magsasalita? Yuyuko ka lang dyan?" Saad ko nang hindi siya magsalita, nang hindi niya ako kinibo.Pagkagising ko kasi ay nandito na ako sa isang silid na kulay brown ang pintura tapos walang ibang nandidito kundi ang isang kama na may side-table at ang isang sofa na kanina ay kinahihigaan ni Lorcan. Hindi siya tumabi sa akin. Nagising ako na mag-isa sa kama na malaki at siya pinagsiksikan ang katawan

  • Owned By A Mafia Boss   Chapter 46

    Clayton Pov"Babe," anang ng Lorcan na nasa harapan ko na pala. Nahulog ang baso na nasa kamay ko nang hinawakan niya ako. Sa lahat kasi ng panaginip hindi siya nagsasalita at mas lalong hindi niya ako nahahawakan.The glass fell into the granite tiling of the floor, the broken pieces of woundly glass scattered on the floor. I didn't bother to look where my foot is fixed, it unconconsciously move back on its own without breaking my eyes to the eyes of the guy in front me, whom is meter away from me. It feel surreal. He feel surreal. It feel surreal but my heart is beating irregularly. I fixed my eyes on his warmth, calloused palm that never leaves my forearms. My tears trickled on cheeks. If it's dream, I don't wanna wake up yet. I want to enjoy and cherish this moment with him. The best gift that I received so far.I swallowed the lump on my throat. I want to speak. I want to hold him but there's part of me that supressing me not to do it. Because anytime now, he will fade away. Li

  • Owned By A Mafia Boss   Chapter 45

    Clayton PovInaantok kong inabot ang telepono ko na walang tigil kakatunog sa bedside table. Nasagi ng kamay ko ang telepono ko pero hindi ko ito nahawakan at kumalabog iyon sa sahig. Napamura ako at pikit matang bumangon. Antok na antok pa talaga ako.Pilit kong binubuksan ang mata kong timitiklop dahil sa antok. Nang makita ko ang telepono ko mabilis kong sinagot ang tawag. Hindi ko nasilayan ng mabuti ang caller dahil sinagot ko na ito."Clayton?" Rinig kong saas sa kabilang linya. Bumalik ako sa kama at humiga ulit. Habang nasa tenga ko pa ang cellphone."Ohh," antok kong sagot."HOY! Hindi ka pa ba bumabangon dyan?" Naikot ko ang eyeballs ko dahil sa boses ni Harem. Nawala ang antok ko sa boses niya."Bat ka ba napatawag, huh." "Grabe, masama talaga gisingin ang tulog, 'no?" "Ibaba ko na ito Harem.""Ay! Ay! Wait, bwesit ka naman oh. Alam mo ba kung anong araw ngayon?" I hissed when I heard his useless and senseless question."Tang ina mo! Harem, iyan ba ang tinawag mo sa ak

  • Owned By A Mafia Boss   Chapter 44

    Clayton Pov"Papa, can I play with my friends?" tanong ng anak ko. Kakapasok lang nito sa kwarto ko habang nagtutupi ako ng damit ko dito sa kama. Ang tagal ko na kasing hindi nakakapagtupi ng damit ko. Nagsama na ang damit pambahay at damit panglakad ko. Hindi kasi ako komportableng pinapatupi ko sa ibang tao ang damit ko.Tumingin ako sa kanya saglit. "Saan kayo maglalaro baby?" sagot kong tanong sa kanya. Lumapit siya sa kama saka niyakap ako mula sa likuran ko. Naglalambing ang anak ko."D'yan lang sa basketball court pa. Hindi naman po ako lalabas ng village dahil dito lang din naman po ang mga kalaro ko." aniya saka kiniskis ang mukha niya sa likod ko."Sige, basta wag mong kakalimutang umuwi kapag tanghalian na." bilin ko sa kanya. "Yes!" masaya niyang sambit saka hinalikan ako aa pisngi ko. "Thank you pa.""Basta wag lalabas ng village at wag kakalimutan ang bilin ko," mahigpit kong bilin sa kanya. "Ipapahatid ba kita o gusto mong ako na ang maghatid sa inyo doon." Pahabol k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status