Share

Chapter 131

Penulis: Athena Beatrice
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-30 00:09:45

Maaliwalas ang araw nang yayain ni Leonardo si Ysabel na lumabas para bumili ng mga gamit ng kanilang magiging anak. Una ay nag-alinlangan pa si Ysabel dahil gusto niyang magpahinga, pero nang makita ang ngiti at pananabik sa mga mata ni Leonardo, hindi na siya nakatanggi.

Pagdating nila sa isang kilalang baby boutique sa mall, agad na namangha si Ysabel. “Grabe, Leo… ang dami palang klase ng gamit para sa baby. Hindi ko alam kung alin ang uunahin natin,” sambit niya, hawak ang isang maliit na lampin na may cute na prints.

Umikot si Leonardo, tinitingnan ang mga crib, stroller, at maliliit na damit. “Lahat ng kailangan mo at ng baby natin, bibilhin ko. Hindi tayo magtitipid pagdating sa kanya.”

Natigilan si Ysabel at tiningnan siya, nakaramdam ng init sa puso. Totoo, minsan ay malamig at strict si Leonardo, pero kapag tungkol sa kanya o sa kanilang anak, nagiging iba ito. Nagiging maalaga, mapagbigay, at higit sa lahat, seryoso.

“Leo, huwag lahat,” mahina niyang sabi. “Ayokong mas
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 136

    Mainit ang sikat ng araw nang umagang iyon, ngunit malamig at makulay ang loob ng malaking hardin sa Verano mansion. Pinuno ito ng mga lobo at dekorasyong kulay asul at pink, mga bulaklak na maingat na pinili ni Joanna, at isang maliit na mesa ng cupcakes na may halo ring pastel na kulay. Hindi engrande, ngunit elegante. It really feels like it's an event for an intimate family gathering. Nasa gitna ng lahat si Ysabel, nakasuot ng simpleng puting bestida na lalong nagpalitaw sa kanyang pamumukadkad. Kapansin-pansin ang bahagyang pamimilog ng kanyang tiyan, dahilan para maging sentro siya ng lahat ng atensyon. “Grabe, ang ganda mo, Ysabel!” bulalas ng isa niyang kaibigang bisita, sabay tingin kay Leonardo na nakatayo sa tabi ng asawa. “At ikaw naman, Leo, parang bodyguard na naka-full alert! Ang gwapo rin talaga ng isang Leonardo Verano!” Tumawa ang ilan, at hindi rin napigilan ni Leonardo ang nakangiti niyang reaksyon. Hawak niya ang kamay ni Ysabel, hindi halos bumibitaw kahit sag

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 135

    Kinabukasan, payapa ang umaga sa Verano mansion. Dumampi ang malambot na sikat ng araw sa kurtina, at ang mahinhing hangin ay nagbigay ng banayad na lamig sa kwarto nina Leonardo at Ysabel. Sa harap ng salamin, nakaupo si Ysabel, marahang sinusuklay ang kanyang buhok. Bahagyang namimilog na ang kanyang tiyan at sa bawat haplos niya roon, ramdam niya ang misteryosong galaw ng buhay na nabubuo sa kanya. Pumasok si Leonardo mula sa veranda, dala ang isang tray na may kape para sa kanya at mainit na gatas para kay Ysabel. “Good morning, my love,” bati niya, sabay abot ng baso. Ngumiti si Ysabel at tinanggap iyon. “Good morning din.” Uminom siya ng kaunti, saka marahang inilapag sa mesa ang baso. Saglit silang nanahimik, tila pinakikiramdaman ang isa't isa. Pero sa loob ni Ysabel, may gumugulong tanong. Ilang beses na niya itong naisip kagabi, kaya’t ngayon, hindi na niya napigilan na hindi tanungin ang kanyang asawa. Ibinaling niya ang tingin kay Leonardo, seryoso ang mukha. “Leo…”

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 134

    Halos madaling-araw na nang tuluyang natahimik ang buong mansion. Ang mga lobo at dekorasyong iniwan nila sa veranda ay nandoon pa, tila ba nakikisabay sa paghinga ng gabi. Sa loob ng kwarto, nakahiga na si Ysabel, nakatalukbong ng kumot habang nakasandal sa malalambot na unan. Pagod siya, pero hindi niya maiwasang mapangiti tuwing naaalala kung gaano ka-excited si Joanna sa paghahanda para sa kanilang baby ni Leonardo. Pumasok si Leonardo, kagagaling lang sa mabilis na trabaho sa opisina. Wala na itong suot na blazer, maluwag na lang ang polo at medyo disheveled ang buhok. Paglapit niya sa kama, tumabi siya kay Ysabel at hinagod ang buhok nito. “Pagod ka ba ngayong araw?” mahina niyang tanong. “Kaunti lang naman,” sagot ni Ysabel, nakapikit pa. “Pero masaya rin ako. Ang dami kong nagawa kanina.” Sandaling natahimik si Leonardo bago muling nagsalita, halos nag-aalangan. “Ysabel, napansin mo ba… parang sobra yata si Joanna kung tumulong sa atin? Parang mas siya pa ang excited kay

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 133

    Sa veranda ng mansion, isang mahaba at puting mesa ang nakalagay. May ilang kahon ng dekorasyon na nakabukas, mga lobo na kulay blue at pink, ribbons at ilang maliit na paper props. Si Joanna ang pinaka-abala, parang event organizer na walang kapaguran. “Ysabel, Leonardo, tingnan n’yo ito,” masiglang sabi ni Joanna habang hawak ang isang malaking balloon. “Kapag pumutok ito sa mismong araw, doon na lalabas ang kulay na magbibigay ng clue kung lalaki o babae ang magiging anak niyo. Ang exciting noon, di ba?” Nasa gilid si Ysabel, nakaupo sa isang malambot na upuan. Nakapatong ang dalawang kamay niya sa kanyang tiyan, halatang maingat sa bawat kilos. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinapanood ang kaibigan. “Joanna, baka sobra naman ‘yan. Hindi naman kailangan ng ganito karami. Kahit simpleng cake lang siguro, sapat na. Doon na lang malalaman kung babae o lalaki ang magiging baby namin.” Umiling si Joanna at agad na kumaway. “Hindi pwede! Ito ang first baby n’yo. Kailangan may k

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 132

    Isang hapon, abala si Ysabel sa pagbabasa ng pregnancy book sa veranda ng mansion. Katabi niya ang isang tasa ng mainit na gatas habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin. Sa kabila ng kanyang pagbubuntis, hindi pa rin mawala ang pagka-inip niya dahil madalas ay sa loob lang siya ng bahay. Maya-maya’y narinig niya ang pagdating ng kotse sa driveway. Bumaba mula roon si Joanna,, dala ang isang malaking paper bag. Agad siyang sinalubong ng kasambahay at pinatuloy sa loob. “Ysabel!” masiglang bati ni Joanna habang niyakap siya ng mahigpit. “Grabe, ang ganda mo kahit buntis ka. Blooming talaga. Siguro, babae ang magiging anak mo niyan. Iyon kasi ang sinasabi ng mga matatanda noon.” Napatawa si Ysabel. “Sira ka talaga. Babae? Hmm. Baka nga. Pero mas maganda kung lalaki muna ang mauuna, hindi ba? Para protektado niya agad ang kanyang kapatid. Ay, teka. Halika, umupo ka muna. Gusto mo ng juice?” “Sure,” sagot ni Joanna at inilapag ang dala niyang bag. “Pero teka, may dala ako

  • Owned By Mr. Verano   Chapter 131

    Maaliwalas ang araw nang yayain ni Leonardo si Ysabel na lumabas para bumili ng mga gamit ng kanilang magiging anak. Una ay nag-alinlangan pa si Ysabel dahil gusto niyang magpahinga, pero nang makita ang ngiti at pananabik sa mga mata ni Leonardo, hindi na siya nakatanggi. Pagdating nila sa isang kilalang baby boutique sa mall, agad na namangha si Ysabel. “Grabe, Leo… ang dami palang klase ng gamit para sa baby. Hindi ko alam kung alin ang uunahin natin,” sambit niya, hawak ang isang maliit na lampin na may cute na prints. Umikot si Leonardo, tinitingnan ang mga crib, stroller, at maliliit na damit. “Lahat ng kailangan mo at ng baby natin, bibilhin ko. Hindi tayo magtitipid pagdating sa kanya.” Natigilan si Ysabel at tiningnan siya, nakaramdam ng init sa puso. Totoo, minsan ay malamig at strict si Leonardo, pero kapag tungkol sa kanya o sa kanilang anak, nagiging iba ito. Nagiging maalaga, mapagbigay, at higit sa lahat, seryoso. “Leo, huwag lahat,” mahina niyang sabi. “Ayokong mas

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status