LOGINAng VIP lounge ng pinakasikat at eksklusibong underground club sa lungsod ay napapalibutan ng malakas na bass ng EDM, umiikot na neon lights, at ang amoy ng mamahaling alak. Sa gitna ng couch, nakasandal ang tinaguriang King of the Road—si Seth Axel Castillo. Hawak niya ang isang baso ng Scotch on the rocks, nakatitig sa umiikot na yelo, at walang imik. Ang karaniwang nakakahawang ngiti at pambubuwisit ng isang kilalang Playboy ay tuluyang naglaho. Para sa kanya, ang bawat salitang binitiwan ni Avery kanina sa library—“Malamang hindi... wala naman na tayong dapat pang gawin”—ay mas masakit pa kaysa sa anumang aksidente o crash sa kalsada. Pakiramdam ni Seth, gumuho ang buong mundo niya. Nakatambay sa paligid niya ang buong tropa—sina Duke, Ryker, Dwayne, Kian, Jayden, at ang kanyang twin brother na si Asher Castillo. Nakatitig silang lahat kay Seth na tuloy-tuloy ang pag-tungga ng alak na para bang tubig lang ito. "Whoa, whoa! Dahan-dahan naman sa paglaklak, Castillo!" pamba
Ang library ng university ay halos wala nang tao. Ang tanging naririnig na lang ay ang mahinang tunog ng aircon at ang pag-click ng mouse ni Reagan Avery Mendez habang nililigpit ang huling pahina ng kanilang research report. Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong "Meet the Parents/Family Friends" accident sa L’Étoile de Monteverde. Mula noong araw na 'yun, hindi na tinantanan ni Seth Axel Castillo si Avery. Kung hindi siya nagpapadala ng iced americano sa clinical duty nito, ay bigla na lang siyang susulpot sa hallway para mag-“accidental” meeting. Ginagamit niya ang lahat ng playboy tricks sa libro niya—mula sa paghihintay sa labas ng classroom, pag-offer na maghatid kahit walking distance lang, hanggang sa paggamit ng kanyang nakakabaliw na ngiti para lang mapapansin siya ni Avery. At heto sila ngayon. Tapos na ang report. Ang deadline na nagbubuklod sa kanila ay natapos na rin. "Finally," hinga ni Avery nang malalim, habang isinasara ang kanyang laptop. Ramdam niya ang p
Ang ingay ng makina ng Ducati Panigale ni Seth Axel Castillo ay tila isang dumadagundong na kulog sa gitna ng busy na kalsada ng siyudad. Sa likod nito, mahigpit na nakahawak si Reagan Avery Mendez sa bewang ng binata, hindi dahil natatakot siya sa bilis—dahil kung tutuusin, mas mabilis pa siyang magpatakbo kapag siya si Miss Phantom—kundi dahil sa kakaibang kuryenteng dumadaloy sa bawat pag-accelerate ni Seth. "Hoy, Castillo! Dahan-dahan naman! Baka mapunit 'tong uniform ko sa bilis ng hangin!" sigaw ni Avery, bagaman ang totoo, enjoy na enjoy niya ang hangin sa kanyang buhok kahit na naka-helmet siya. "Relax, Future Nurse!" balik-sigaw ni Seth, ang kanyang boses ay puno ng pilyong saya habang tinitingnan ang side mirror para masilayan ang reaksyon ng dalaga. "Enjoyin mo lang ang ride. Ang Playboy King of the Road, hindi nagpapatakbo ng mabagal, lalo na kung angkas ko ang pinakamagandang babae sa buong campus!" "Playboy ka talaga!" inis na sagot ni Avery, sabay kurot sa tagil
Matapos ang napakatamis at hindi malilimutang tanghalian sa loob ng VIP Room No. 5—kung saan literal na pinatunayan ni Seth Axel Castillo ang bilis ng tibok ng kanyang puso gamit ang stethoscope ng dalaga—dahan-dahang ibinaba ni Reagan Avery Mendez ang kanyang baso at inayos ang kanyang nursing uniform."Castillo, tapos na akong kumain," paalala ni Avery habang tinitingnan ang oras sa kanyang cellphone. "Yaya na ako... kailangan na nating bumalik sa eskwelahan. Baka ma-late pa ako sa susunod kong lecture at clinical duty.""Masusunod, my Future Nurse," swabeng sagot ni Seth habang tumatayo at maingat na inaaabot ang nursing bag ng dalaga para siya na ang magbitbit nito.Bago man tuluyang lumabas ng L’Étoile de Monteverde, idinikit muna ni Seth ang kanyang lakad patungo sa tapat ng VIP Room No. 4 para magalang na magpaalam sa kanyang mga magulang at sa buong angkan.Pagkahawi ng pinto, nakita nila ang pamilya na patuloy pa rin sa kanilang masayang kwentuhan at inuman."Mom, Dad...
Nang tuluyang mailapat ni Seth ang pinto ng VIP Room No. 5, tila ba napawi ang lahat ng ingay at gulo ng buong lungsod—pati na rin ang nakatutuloretes na bardagulan ng kanilang mga magulang sa kabilang silid.Ang silid ay napakalawak, may malamig na aircon, malalambot na velvet chairs, at isang malaking glass table na punong-puno ng mga nagmamantikang fine-dining dishes—mga steak, pasta, at mamahaling appetizers na ipinaluto mismo para sa kanila.Huminga nang malalim si Reagan Avery Mendez. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang heavy nursing bag sa katabing upuan, ibinaba ang kanyang stethoscope mula sa leeg, at agad na napasandal sa upuan habang sapo ang kanyang noo."Ginoong Diyos..." mahinang usal ni Avery, habang pinapaypayan ang kanyang namumula pa ring mukha. "Akala ko talaga katapusan ko na roon. Nakakahiya! Naka-nursing uniform ako habang nakatayo sa harap ng mga billionaire parents ninyo!"Natawa nang napakaswabe si Seth. Dahan-dahan itong lumakad patungo sa mesa, ngunit
Ang kapaligiran sa loob ng VIP Room No. 4 ay nakatutok pa rin kina Seth Axel Castillo at Reagan Avery Mendez. Si Avery, na bihasa sa mabilisang takbo sa kalsada at sa matitinding hamon sa buhay, ay kasalukuyang nakatayo sa gitna ng silid habang ang kanyang nursing bag ay hawak nang napakahigpit. Ang kanyang dalawang pisngi ay nag-aapoy sa matinding pamumula dahil sa tuloy-tuloy na kantiyawan at pambubuwisit ng mga matatanda.Sa gitna ng nakatutuloretes na asaran, dahan-dahang bumukas ang pinto at pumasok ang head waiter ng L’Étoile de Monteverde, hawak ang isang silver tablet at maingat na yumukod sa harap ng grupo."Good afternoon, Sir Seth," maingat at magalang na bati ng waiter. "Itanong ko lang po hinggil sa inyong hiwalay na reservation sa kabilang VIP Room No. 5. Nakahanda na po ang inyong ordered meals. Dadalhin po ba namin ang mga pagkain ninyo at ni Miss Avery dito sa mesa kasama ng pamilya ninyo, o sa kabilang kwarto po kayo kakain?"Bago pa man makasagot si Seth, agad na
Ang umaga sa isla ay hindi na kasing tahimik ng dati. Sa halip na huni ng mga ibon, ang gumising kay Althea ay ang malakas na pagpapatugtog ni Dylan ng "Chapel of Love" sa kanyang bitbit na Bluetooth speaker habang sumasayaw ito sa labas ng villa. "Wake up, lovebirds! The city is calling! Ang mg
Ang sikat ng araw ay marahang sumisilip sa pagitan ng mga puting kurtina ng villa, nagdadala ng gintong liwanag sa loob ng silid. Ang tunog ng mga alon sa dalampasigan ng Batangas ay tila isang oyayi na nagpapanatili sa katahimikan ng paligid. Dahan-dahang nagmulat ng mata si Althea Velasquez. An
Ang umaga ng graduation ay hindi nagsimula sa ingay ng alarm clock, kundi sa amoy ng paboritong sinangag at tuyo ni Althea na niluluto ni Maria Elena. Pero higit sa pagkain, ang namayani sa maliit na bahay nina Althea ay ang halo-halong emosyon ng kaba at nag-uumapaw na pagmamalaki. Sa loob ng ka
Ang hangin sa labas ng unibersidad ay tila naging mas presko para kay Althea. Sa wakas, ang dambuhalang tinik ng thesis defense ay nabunot na sa kanyang dibdib. Habang pababa sila ng hagdan nina Lianne, Mia, at Kaira, hindi pa rin sila makapaniwala na tapos na ang lahat. Hawak-hawak nila ang kani-k







