Huminto si Giovanni sa paglalakad. Tila isinara ng katahimikan ang buong paligid.Napilitang ngumiti si Christopher, pilit inaayos ang tensyon. "Kayo naman kasi, naging magkasintahan man lang kahit isang araw."Matalim ang tingin ni Giovanni nang lingunin siya. At sa malamig na tinig, mariing winika:"Kung wala kang maayos na sasabihin, tumahimik ka na lang."Tumigil si Christopher. Walang makasagot sa tahas at matalim na pagkakasabi ni Giovanni. Kahit hindi niya tahasang inamin, ang galaw, titig, at katahimikan nito ay nagsisigaw ng isang bagay, May pinoprotektahan si Giovanni.At alam nilang lahat kung sino iyon."Galit ka ba?" tanong ni Kim habang lumalapit,
“Sakto ang katahimikan, para marinig ng lahat ang pinag-uusapan niyo,” malamig na sabi ni Luna, habang unti-unting nilingon ang grupo ng mga nagbubulungan.Parang may humigop ng hangin sa paligid ang mga bisita sa paligid ay nagsimulang mag-unahan sa pagtingin, iniunat ang mga leeg, abot-abot ang pagkamausisa.Hindi walang saysay ang titulo ni Luna bilang "Number One Lady" ng Manila. Mula noon pa'y kilala siya sa pagiging mapagtanim ng galit at kapag pinalad kang mapabilang sa kanyang listahan, wala kang ligtas.Namula ang pisngi ng mga naroroon. Halatang napahiya. Pero may isa sa kanila ang nagpakatapang.“Luna, hindi ka ba OA? Kalayaan sa pananalita ang batas dito. Anong sinabi namin na may kinalaman sa'yo?”Mabagal na iniangat ni Luna ang mga mata, malamlam pero matalim. Isang mapanuksong ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.“Tama naman. Ang sinasabi n’yo, wala akong pakialam pero kapag ako ang paksa n’yo, doon na nagkakaroon ng saysay ang pakialam ko.”“May ebidensya ka ba?” pangaha
"Ang tie clip na 'yan na may ginto’t jade hindi ‘yan basta pamigay," ani Luna, malamig ang tinig at ang bawat salita’y may bigat.Napatigil si Vergara sa pagtawa. Bahagyang nabigla, pero agad ding tumango-tango. "Oo, oo... gets ko na."Pagkasabi pa lang niya nito, bahagyang tumingala si Luna at lumingon sa paligid."Nandito ba si Zoe?"Bahagyang nangunot ang noo ni Veragara. "Nandito yata sa deck sa taas. Kasama raw ‘yung bagong manager niya."Tumigil si Luna saglit. Ang velvet off shoulder burgundy gown na suot niya ay bahagyang umalon sa ihip ng hangin habang pinakiramdaman niya ang paligid. Sa kanyang likod, si Kim ay nakabantay tahimik, pero alerto.Zoe
Pag-uwi ni Luna, humandusay agad siya sa sofa, mukhang pagod at matamlay.Lumapit ang matandang kasambahay at inalok siya ng baso ng tubig."Ano'ng nangyari sa’yo, iha? Ang sama ng itsura mo," tanong nito na may pag-aalala.Napailing si Luna at mahina lang na kumaway. "Wala ‘to okay lang ako.""Kanina pa akong umaga bumili ng paa ng baboy, pinakuluan ko na paborito mo 'yun! Gagawin ko ngayong hapunan.""Ughhhh" agad na namutla si Luna at napasubsob sa sofa, parang gusto na naman niyang isuka ang kaluluwa niya."Nakakadiri."Sa loob-loob ni Luna, hindi pa rin siya makapaniwala.P
“Lawyer Cortez?” tanong ni Ashley habang nakatingin kay Giovanni, puno ng pagtataka ang mga mata.Ngunit malamig ang tugon ni Giovanni. “May mga dapat akong asikasuhin. Wala akong oras para sa pag-ibig.”Swish—Bang!Hindi pa man natatapos ang kanyang linya, isang van ang biglang sumulpot mula sa kabilang kalsada at mabilis na bumangga papunta sa kanilang dalawa.Mabilis ang kilos ni Giovanni. Sa isang iglap, hinila niya si Luna palapit sa kanya, niyakap nang mahigpit upang iwasang tamaan ng sasakyan.Nabitawan ni Ashley ang hawak n
"So he's not just some stubborn bastard with abs," bulong ni Luna, napapailing."No," sagot ng babae, "he’s a bastard with protection. And possibly, leverage.""Does he know I’m looking into him?""If he does, he’s not showing it," sagot ng babae habang inilagay ang flash drive sa compartment sa tabi ni Luna. "But knowing men like him? He's probably letting you play, just to see how far you'll go."Tumahimik si Luna, tinitigan ang flash drive na parang granadang walang pin."That complicates everything," bulong niya. "That makes it more exciting," sagot ng babae, pilya ang ngiti. "But if you're going to play with fire, darling, make sure you have your own fire extinguisher. Or at least gasoline na mas mabango."Sa loob ng sasakyan na nakaparada sa ilalim ng lilim ng Twin tower, tahimik na bumalot ang tensyon habang pinagmamasdan ni Luna ang lipstick sa kanyang kamay.“Hindi madetalye,” mahinang tugon ng babaeng nakasuot ng pormal na suot, na ngayon ay nakaupo sa tabi niya. “Alam mo