Share

kabanata 24

Author: Bluemoon22
last update Last Updated: 2026-01-20 08:17:48

KABANATA 24

Paglabas ko ng banyo, hindi ko na mahagilap si Lucas. Wala na ito sa ibabaw ng kama.

“Hmm… nasaan kaya siya?” bulong ko sa sarili habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya.

Umupo ako sa harap ng salamin upang suklayin ang aking buhok. Tahimik ang silid, tanging ang mahinang ugong lang ng aircon ang maririnig.

Ngunit napatigil ako sa pagsusuklay nang makita ko, sa repleksyon ng salamin, si Lucas na papalapit mula sa veranda ng aming silid.

Hindi ko alam kung bakit tila naging eslomostion ang lakad nito at para kung ano nararamdaman ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya. May kung anong bigat sa mga mata niya hindi galit, hindi rin malamig malamlam ang titig niya tila may gusto sa bihin.

Lumapit siya sa aking likuran at marahang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.

“Hmm,” sambit niya. “Ang bango naman ng misis ko.”

Napahagikgik ako nang mahina dahil sa dampi ng maliit niyang balbas sa leeg ko.

“Lucas nakikiliti ako sa balbas mo,” sambit ko habang inilalayo ko
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Owned by His name   kabanata 25

    **KABANATA 25Isang Umagang May Pangako**Kinabukasan, nagising ako na may bahagyang ngiti sa aking mga labi.Hindi ko man namamalayan, pero parang may liwanag na dala ang umaga—hindi lang dahil sa sinag ng araw na sumisilip sa pagitan ng kurtina, kundi dahil sa mga alaala ng kagabi na paulit-ulit na naglalaro sa aking isipan.Ang mga halik ni Lucas.Ang mga yakap niya.At ang mga salitang binitiwan niya na simple pero tumimo sa puso ko.Marahan akong bumangon mula sa kama, maingat upang hindi magising si Lucas. Ngunit nang bumaling ako sa kabilang panig, napansin kong wala na siya roon. Bahagya akong napangiti—tila sanay na akong hanapin ang presensiya niya tuwing umaga.Pumasok ako sa banyo upang mag-ayos.Habang dahan-dahan akong naghihilamos at nagsisimulang maglagay ng kaunting makeup, napatingin ako sa sarili ko sa salamin. May kakaiba sa repleksiyon ko—isang ningning sa mga mata, isang ngiting hindi ko mapigilan kahit hindi ko sinasadya.Hindi ito ngiting pilit.Hindi rin ito n

  • Owned by His name   kabanata 24

    KABANATA 24 Paglabas ko ng banyo, hindi ko na mahagilap si Lucas. Wala na ito sa ibabaw ng kama.“Hmm… nasaan kaya siya?” bulong ko sa sarili habang pinapatuyo ang aking buhok gamit ang tuwalya.Umupo ako sa harap ng salamin upang suklayin ang aking buhok. Tahimik ang silid, tanging ang mahinang ugong lang ng aircon ang maririnig.Ngunit napatigil ako sa pagsusuklay nang makita ko, sa repleksyon ng salamin, si Lucas na papalapit mula sa veranda ng aming silid.Hindi ko alam kung bakit tila naging eslomostion ang lakad nito at para kung ano nararamdaman ang puso ko sa paraan ng pagtitig niya. May kung anong bigat sa mga mata niya hindi galit, hindi rin malamig malamlam ang titig niya tila may gusto sa bihin.Lumapit siya sa aking likuran at marahang ipinatong ang baba niya sa balikat ko.“Hmm,” sambit niya. “Ang bango naman ng misis ko.”Napahagikgik ako nang mahina dahil sa dampi ng maliit niyang balbas sa leeg ko.“Lucas nakikiliti ako sa balbas mo,” sambit ko habang inilalayo ko

  • Owned by His name   kabanata 23

    Kabanata 23“Ayos ka lang ba talaga?”Marahan ang boses ni Regina habang inalalayan niya akong maupo sa mahabang bench sa gilid ng court. Ramdam ko pa ang bahagyang panginginig ng mga tuhod ko hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa adrenaline na dahan-dahang humuhupa mula sa katawan ko.Katatapos lang ng interview sa akin ng reporter. Naka-off na ang mga ilaw ng camera, at ang kaninang nakakasilaw na spotlight ay napalitan na ng mapurol na ilaw ng arena. Unti-unti nang humihina ang ingay sa paligid. Ang malakas na sigawan at palakpakan ng libo-libong manonood ay napalitan ng mabababang usapan ng mga staff, ng kaluskos ng mga kagamitang nililigpit, at ng paulit-ulit na yabag ng mga taong palabas na ng venue.Ako ang tinanghal na VIP Player of the Night.Hanggang ngayon, parang hindi pa rin tuluyang nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyari.“Oo, ayos lang ako,” tugon ko, pilit na nakangiti habang pinupunasan ang pawis na patuloy pa ring bumabagsak mula sa aking noo.Napabuntong-hininga

  • Owned by His name   kabanata 22

    KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.

  • Owned by His name   kabanata 21

    KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol

  • Owned by His name   kabanata 20

    KABANATA — SA BAHAY NG ABUELO (LUCAS POV)Wala talaga akong balak dumalo sa pagpupulong ng pamilya ngayong gabi. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang nasa gym ngayon, nanonood ng laban ni Celestine. Semifinals na iyon, at alam kong matagal na niyang pinaghirapan ang pagkakataong ito. Pero siya mismo ang nagsabi sa akin kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, “Okay lang, Lucas. Mas importante ‘yang meeting niyo. Focus ka muna sa pamilya mo. Ako na ang bahala rito.”Napabuntong-hininga ako habang nagmamaneho papunta sa bahay ng abuelo ko. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung tama bang pumunta ako rito. Gusto kong nando’n para sa kanya, pero ayokong biguin ang pamilya ko—lalo na’t ang Abuelo ko pa ang tumawag ng pagpupulong.Pagdating ko sa lumang bahay, agad akong sinalubong ng malamlam na liwanag mula sa veranda. Ang malawak na hardin ay maayos pa rin, may mga tanim na rosas na inaalagaan ng mga hardinero mula noon pa. Sa bawat pagyapak ko sa graba ng daan, tila bumabalik ako

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status