แชร์

kabanata 22

ผู้เขียน: Bluemoon22
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-11-13 20:05:39

KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINE

Malakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.

“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.

Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.

“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.

Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”

Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Owned by His name   kabanata 22

    KABANATA 22 — ANG HULING HAKBANG NI CELESTINEMalakas ang sigawan. Ang tunog ng tambol at palakpak ay umaalingawngaw sa buong arena. Sa bawat rally ng bola, parang pumipintig din ang puso ko. Ang scoreboard ay halos dikit na dikit—23-23—isang pagkakamali lang at puwedeng tapos na ang set.“Focus, girls! Isa na lang, isa!” sigaw ni Coach Martinez mula sa gilid. Pawis na pawis siya, pero kitang-kita sa mata niya ang apoy ng pag-asa.Tiningnan ko ang paligid. Ang mga ilaw ng arena ay nakakasilaw, pero hindi ko alintana. Ang mga mata ng libu-libong manonood ay nakatuon sa amin—sa bawat hakbang, bawat paghinga, bawat dampi ng bola sa kamay. Ramdam ko ang bigat ng moment.“Celestine, ready ka?” tanong ni Regina, ang setter namin. Nakataas ang isang kilay niya, pero alam kong iyon ay para itago ang kaba.Ngumiti ako. “Paliparin mo ‘yan. Ako na bahala.”Tumunog ang pito ng referee. Tumalon ang kalaban para sa serve. Mabilis, matalim, at may halong pwersa—ang bola ay lumipad na parang kidlat.

  • Owned by His name   kabanata 21

    KABANATA — SEMI-FINALS NG VOLLEYBALLMainit ang hangin sa loob ng arena, hindi lang dahil sa aircon na halos hindi nakakaabot sa bawat sulok, kundi dahil sa tensyon at excitement ng mga nanonood. Halos lahat ng tao sa paligid ay nakapikit sa laro, mga mata’y nakasaksak sa bawat galaw ng mga manlalaro, bawat palo, bawat spike na tumatama sa court. Ang sigawan, hiyawan, at palakpak ay halos magkasabay, parang musika ng kabataan at passion.“Ay, grabe talaga si Celestine!” sigaw ng isang tagahanga mula sa gilid, hawak ang bandera at sombrero. “Ang bilis ng reflex niya!”Pumaloob sa isip ko ang lahat ng training na ginawa namin sa gym—ang tuwing puyat kami, ang bawat pag-ikot ng bola sa aming mga kamay, at ang walang katapusang drills. Ngayon, ang lahat ng iyon ay nasa court na, at bawat kilos ay tila eksaktong tugma sa mabilis na ritmo ng laro.Mabilis akong bumalik sa court matapos malampasan ang kalaban sa huling rally. Nararamdaman ko ang adrenaline sa bawat hakbang. Sinalo ko ang bol

  • Owned by His name   kabanata 20

    KABANATA — SA BAHAY NG ABUELO (LUCAS POV)Wala talaga akong balak dumalo sa pagpupulong ng pamilya ngayong gabi. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pang nasa gym ngayon, nanonood ng laban ni Celestine. Semifinals na iyon, at alam kong matagal na niyang pinaghirapan ang pagkakataong ito. Pero siya mismo ang nagsabi sa akin kaninang umaga habang nag-aalmusal kami, “Okay lang, Lucas. Mas importante ‘yang meeting niyo. Focus ka muna sa pamilya mo. Ako na ang bahala rito.”Napabuntong-hininga ako habang nagmamaneho papunta sa bahay ng abuelo ko. Paulit-ulit kong tinanong ang sarili ko kung tama bang pumunta ako rito. Gusto kong nando’n para sa kanya, pero ayokong biguin ang pamilya ko—lalo na’t ang Abuelo ko pa ang tumawag ng pagpupulong.Pagdating ko sa lumang bahay, agad akong sinalubong ng malamlam na liwanag mula sa veranda. Ang malawak na hardin ay maayos pa rin, may mga tanim na rosas na inaalagaan ng mga hardinero mula noon pa. Sa bawat pagyapak ko sa graba ng daan, tila bumabalik ako

  • Owned by His name   kabanata 19

    KABANATA — SA SEMIFINALS (TIN POV)“Tin, ayos ka lang ba?” tanong ng kaibigan ko at kasamahan sa team na si Regina, habang pinupunasan nito ang pawis sa leeg gamit ang maliit na tuwalya.“Ah?” napalingon ako sa kanya, tila nagulat pa. Nasa locker room kami ng gym—dalawa na lang kaming naiwan dahil halos lahat ay nasa labas na para mag-ayos at magpainit bago magsimula ang laban namin sa semifinals ng volleyball.“May sakit ka ba? Tila wala ka sa sarili mo. Ilang araw na kitang napapansin, may problema ba?” sunod-sunod nitong tanong sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa.Umiling ako ng marahan, pilit na ngumingiti. “Wala akong problema, wala rin akong sakit. Okay lang din kami ni Lucas,” mahinang tugon ko, sabay ayos ng buhok ko sa harap ng salamin.“Hmm…” nakataas ang kilay ni Regina, halatang hindi naniniwala. “Kung wala ka namang problema, bakit para kang lutang? Para kang may iniisip na napakalalim. Halos ilang beses na kitang tinawag kanina, di mo pa rin ako sinasa

  • Owned by His name   kabanata 18

    ---Ang Umagang May HalikMataas na ang araw nang magising ako. Hindi ko agad namalayan na nakatulog pala ako nang gano’n ka­payapa kagabi. Matagal na rin mula nang huli kong maramdaman na ligtas ako—na parang kahit anong mangyari, may balikat akong masasandalan.Pagmulat ng aking mga mata, una kong nakita ang puting kisame na may mga simpleng molding na may disenyong dahon. Ilang segundo pa bago ko napagtanto kung nasaan ako—ang guest room sa bahay ng mga magulang ni Lucas.At doon ko lang naramdaman ang init ng kamay na nakahawak sa akin.Halos maluwa ang mga mata ko nang makita kong sa tabi ko pala si Lucas, payapang natutulog at nakaunan ako sa braso nito. Hindi ako agad nakagalaw. Parang biglang humigpit ang paligid, at ang tanging maririnig ko ay ang marahang tibok ng puso naming dalawa.Ang dibdib niya ay bahagyang tumatama sa balikat ko sa bawat paghinga niya. Mainit. Kalma. Totoo.Pumikit ako sandali, sinusubukang pigilan ang pagngiti.“Diyos ko, Celestine, anong ginagawa mo?

  • Owned by His name   kabanata 17

    Kabanata: Sa Loob ng Bahay, Sa Loob ng PusoMasaya at magaan ang naging hapon ni Celestine kasama ang pamilya ni Lucas. Masigla ang mga kwentuhan habang nagkakainan sa hardin, tawa nang tawa ang mga pinsan at pamangkin ni Lucas habang naglalaro sa likod-bahay, at ang mga matatanda nama’y abala sa mas seryosong pag-uusap ukol sa negosyo, pamilya, at buhay-buhay.Hindi na ganoon kabigat ang nararamdaman niya. Kung noong una ay parang may harang sa pagitan nila ng pamilya ng kanyang asawa, ngayon ay tila isa na rin siyang bahagi ng mundong iyon. Lalo na nang mahuli niyang nakatitig sa kanya si Lucas, bahagyang nakangiti, parang sinasabi ng mga mata nitong, “Sabi ko sa’yo, kayang-kaya mo.”Pagkatapos ng hapunan, abala silang lahat sa sala—relaxing mood, may soft jazz na tumutugtog sa background at malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa malalaking bintana ng bahay. Ang ilan ay naka-recline sa sofa, may hawak na wine glass o kape, habang ang iba nama’y nakaupo sa sahig na may throw pil

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status