---KABANATA 8 – Tahimik na Linggo, Maingay ang PusoPagkatapos ng almusal, bahagyang tumahimik ang paligid. Umuugong lang ang tunog ng aircon sa sala, habang si Celestine ay tahimik na nakaupo sa sofa, may hawak na mainit na tasa ng kape. Kasalukuyang binabasa ni Lucas ang balita mula sa tablet habang naka-relax lang sa kabilang dulo ng sofa, ngunit ramdam ni Celestine na panay ang sulyap nito sa kaniya.Hindi niya alam kung bakit, pero sa bawat titig ng lalaki, pakiramdam niya ay natutunaw siya. Hindi naman ito bastos tumingin, ngunit may kung anong lalim—parang sinusuri siya, parang sinusubukang unawain ang mga iniisip niya.Habang tumatagal, mas lalo siyang nagtataka.Tahimik ang bahay.Walang maririnig na yabag ng ibang tao. Walang ingay ng kasambahay na naghuhugas ng pinggan, naglilinis ng sahig, o nag-aayos sa paligid. Nakasanayan na kasi niya noon na kahit Linggo, may isa o dalawang kasambahay ang nasa paligid. Pero ngayon, tanging sila lang dalawa ni Lucas ang nasa loob ng ma
Terakhir Diperbarui : 2025-06-14 Baca selengkapnya