Share

Episode 23: Covenant

Wala akong nagawa nang hablutin nito ang telepono mula sa mahigpit na pagkakahawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwalang sinundan niya ako.

Pailalim niya akong tiningnan matapos niyang tipanin ang telepono. “Who called you? Besides, this is Alliyah's," anito na sinundan ng kaniyang pag-igting ng panga.

Humugot ako ng malalim na paghinga nang tibayan ko ang loob para tapatan ang mga tinging iyon. “W-Wala ‘yan, hindi ko nga alam ku–" naputol ang pagsasalita ko nang ibato nito ang telepono sa fountain na nasa harapan namin.

Nanlaki ang mga mata ko habang pinagmamasdan ang mabilis na paglubog ng bagay na iyon sa tubig. Ipinagkrus ko ang aking mga braso nang maibalik ang tingin sa kaniya.

Ang kaninang takot na bumabagabag sa aking kalooban ay napalitan ng pagkamuhi sa ginawa niya. “Bakit mo naman ginawa ‘yon? Trevino, ‘yong cellphone! Ang mahal no'n tapos ibabato mo lang?" kompronta ko habang itinuturo pa kung saan niya itinapon ang bagay na nagmistulang basura sa kaniya.

Hindi naman talaga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status