Home / Romance / Owned by Mr. Billionare! / Episode 3: Silhouette

Share

Episode 3: Silhouette

Author: DÁRKVLADIMIR
last update Last Updated: 2022-12-03 16:39:06

Naguguluhan ang isip ko nang marahan kong ibinalik ang paningin sa monitor at matamang pinagmasdan ang mga lalaking hayok na hayok sa laman.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga nang nagmistulang blangkong papel ang isipan ko. Hindi manlang ako nakapagsalita na animo'y tinakasan na naman ng boses.

Delikado. Alam kong posibleng mangyari ito sa akin kung tatanggapin ko ang inaalok nito ngunit natatakot din naman ako sa kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag umuwi akong walang napala.

“Hoy, bruha ka! Huwag mong sayangin ang oras ko dahil kahit pa kinausap na ako ng tiyahin mo patungkol dito ay gusto kong sa ‘yo mismo manggaling ang desisyon. Mahirap na, madumi pa naman ang isip ng tiyahin mong si bruhilda!"

Nakapameywang pa ito nang tapunan ko ito ng tingin atsaka mataray na hinawi ang buhok.

Mariin na naman akong napalunok nang makita ang malalaking halaga ng perang ipinapamaypay niya sa sarili. Nagniningning ito sa aking paningin na kasing-tulad ng bituwin sa kalawakan.

Hindi ko pa rin maialis sa sarili ang pagkakaba. Pineke ko ang pag-ngiti rito, “Sige ho, tinatanggap ko na." saad ko.

Nakataas naman ang isa sa kilay ni Natasia nang tapunan ko ito ng tingin. Ipinanatili ko naman ang ngiti sa aking labi.

“Hmm, na-stress ang hair ko sa ‘yo, ha. Sige, magsimula ka na ngayon. Gusto kong makita ang performance mo. " saad nito. Tumango na lamang ako.

Alam ng diyos kung gaano ko isinusuka ang trabahong ito ngunit alam kong mas alam niya ang pinagdadaanan ko ngayon. Kinakailangan kong kumita ng pera at ito lang ang gusto nilang gawin ko para mangyari iyon.

Nakita ko pa itong tumang-tangoo nang mapatitig kay Natasia atsaka isinuksok na ang pera sa hawak na bag matapos ay nagsimula nang maglakad papalayo sa amin.

“Uulitin ko, ayoko nang tatanga-tanga rito, ha?"

Muli akong tumango ng marinig ang boses lalaki nitong tinig na animo'y naghahamon ng suntukan.

Napangiwi na lamang ako nang umiling-iling ang matalik kong kaibigan matapos kong ibaling ang tingin dito. “Nasisiraan ka na nga talaga ng bait," bulong pa nito. Napatiim na lamang ako dahil doon.

“Aray ko, teka nga't bitawan mo ako," angal ko nang bigla niya akong hiklatin sa braso. Ramdam ko ang pagbaon ng matutulis niyang kuko sa akin.

Alam kong ayaw niya akong pumasok sa ganitong trabaho dahil delikado at pinoprotektahan niya ang pagkababae ko ngunit buo na ang desisyon ko. Hindi na niya ito kailan pa mababago.

“Buo na ang desisyon ko, okay? Papatayin na nila ako kapag hindi ko pa ito tinanggap kaya pwede ba?" dagdag ko pa. Binawi ko ang braso ko mula sa kaniya.

Mabuti na nga lang din at inutusan akong magsimula ngayong gabi dahil alam kong masasaktan na naman ako kung pipilitin kong umuwi kahit pa nasunod ko na ang kanilang gusto. Mas mabuti na rin dito kaysa makita ang mga lasinggerong kutong-lupa.

Umiling na lamang ito sa akin at mas piniling hindi na kumibo. Alam niyang wala nang magagawa ang pagbubunganga niya dahil natanggap na ako.

“Oh siya," saad niya atsaka napahawak sa sintido. “Halikana't nang maayusan ka na." dagdag pa niya.

Ngumiti naman ako sa sinabi niya. Naupo na ako sa harapan ng malaking salamin at bahagyang hinawakan ang wig na nakasampay sa mannequin.

Ilang minuto na ang nakalipas nang mabalot ng katahimikan ang buong silid. Naglalangoy ang isip ko sa problema at habang siya naman ay abala sa paga-ayos ng make up ko.

Kinapalan na lang niya ito dahil kanina pa ako nakapag-ayos. Tumanggi na nga akong magpaayos ng make up dahil baka kumapal lang at magmukhang katawa-tawa ngunit ang sabi niya'y kailangan daw na makapal ito. Stage make up nga raw kumbaga.

Naririnig ko ang ga hiyawan na animo'y nagwawala sayang mga tao sa labas ng dressing room na ito habang tahimik na pinagmamasdan ang sarili sa salamin.

Hindi ko maiwasan ang hindi pagtitig sa monitor. Gusto kong pagmasdan ang mga babaeng ngayo'y abot langit na ang mga ngiti dahil sa mga perang nagkalat sa paligid ng mga ito.

Nakamamangha ang angking kagandahan ng mfa ito at nasisiguro kong ito din ang dahilan kung bakit nagmistulang aso ang mga nanonood dahil sa paglalaway sa kanila.

Bumuga ako ng hininga. “Just one night, Isabelle." bulong ko sa sarili.

Kung kikita ako ng maraming pera ngayong gabi katulad nila ay nasisiguro kong maipagpatuloy ko na ang paga-aral sa kolehiyo.

Nabasag katahimikan nang muli kong marinig ang boses niya. “Ano na namang nangyari?" tanong niya.

Alam kong mukha ko ang tinutukoy niya. Inihanda ko ang sarili para magpaliwanag sa kaniya.

“Kanina kasi, nasunog ko ‘yung adobong ipinaluluto ni Tiyo Brando. Ayon, napagalitan na naman ako," ani ko.

“Talaga nga namang inutil pala talaga ‘yan. Ano, sa ‘yo lahat iaasa? Sinaktan ka niya nang dahil lang doon? Naku, huwag ko lang talaga makikita ‘yan!" aniya.

Napangiti na lamang ako. Dati ay gwapong-gwapo siya roon ngunit nang malaman niyang asal demonyo ay lagi na niyang pinaaambunan ng lait.

Ipinagpatuloy na niya ang paga-ayos ng make up sa mukha ko. Ini-spray-an niya ito ng kung ano. “Umalis ka na kaya doon? Kung tutuusin, kaya mo naman ang sarili mo," nahinto ako sa sinabi niya.

“Kung pwede nga lang ay matagal ko na sanang ginawa pero alam mo naman na kailangan ko sila para mahanap ang tuna–" awtomatiko akong napahinto nang may maulinigang tinig mula sa pintuan.

“Hoy p*****a, talagang inuuna niyo pa ang chika? Bilisan ninyo d'yan at susunod na ‘yang babaeng kire na ‘yan!"

Napakunot ako ng noo sa matabil niyang bunganga. Kanina pa ang baklang ulikba na ‘yan. Nakakainis!

Ganoon din naman ang bumakas sa mukha ni Natasia nang mapatingin ako rito. “Magbihis ka na. Magmumukha na namang halimaw ‘yan kapag nagalit," saad nito at pabirong umirap.

Ngumiti na lamang ako't minadali ang sariling lumakad papasok sa dressing room. Mabilis ko lamang naisuot ang damit na ipinahiram niya sa akin.

“Huwag mo nang piliting ibaba ‘yan dahil baka masira pa."

Napatigil ako ng makita sa tabi ng dressing room ang baklang ulikba este si Boss Mira.

Hinihila ko kasi pababa ang croptop na umabot sa aking pusod na ibinigay sa akin ni Natasia para isuot. Hindi ako komportable sa ganito.

Kumunot ang noo ko nang panandaliang nakita ang repleksyon sa salamin. Nagmukha kong clown. Bwisit!

“Hindi talaga ako nagkakamali," saad nito. Napatingin naman ako sa kaniya sa huling pagkakataon.

“Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Nagkamali ako sa inaasahang makakukuha ng sagot sa kaniya dahil umiling lang ito sa akin.

Pinantayan niya ako ng tingin. “Halika na't mahuhuli ka pa," saad niya matapos iluwa ang chewing na kanina pa niya sinasapal sa maliit na trashcan.

Nakabibinging hiyawan kasabay ng malakas na pagkabog ng tugtog ang tumambad sa akin matapos kong makalabas ng pintuan. Iba't-ibang kulay ng ilaw ang sumusubok na bulagin ako ang namayadpad sa buong lugar.

Ngunit iisa lang ang hinahanap ko; iyon ay si Natasia. Nasaan na kaya siya?

Ang iba sa mga ito'y umiindayog kasabay nang malakas na kalabog ng kanta habang ang iba naman ay nakaupo lang habang pinapasaya ng mga babaeng pinapanood ko kanina sa monitor.

Nakatutuwa lamang dahil handa silang sayangin ang pera para lamang sa isang gabing kasiyahan.

Awtomatiko akong napahinto sa paglalakad nang maramdman ang mahinang paghila sa aking braso na nagsanhi ng dilim sa aking pagmumukha.

“Utang na loob, ngumiti ka. Nakasimbakol ‘yang mukha mo, hindi ka naman sana ipinaglihi sa sama ng loob."

Sa kabila ng pagkainis ay mas pinili kong tumango at sundin siya. Susubukan kong habaan ang pasensya ko ngayong gabi kahit pa gusto ko ng sumabog sa mga litanya niya kanina pa.

Binundol ng kaba ang dibdib ko nang marinig ang boses niya. Nakatayo na ito ngayon sa entablado at kasabay rin ng pag-senyas niya ang paghinto ng musika.

Sa sandali ring iyon ay tuluyan akong nawala sa aking sarili nang maramdaman ang pag-angkin ng kung sino sa beywang ko. Sapat na ang higpit ng hawak noon para mapatumba ako sa kinatatayuan at mapaupo sa hita nito.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako! Bastos ka, bastos!" angal ko habang pinapasadahan ito ng sampal sa mukha't dibdib.

Damang-dama ko rin ang pagkalalaki nito na nagsanhi ng pagtaas ng mga balahibo ko sa katawan.

Kahit pa pilit kong minumukhaan ang lalaking ito ay hindi ko magawa dahil sa pagdilím ng ilaw sa buong lugar.

“Sabi ko, bitawan mo ako!"

Nabitawan lamang ako nito nang tumayo ako at itulak ito sa sobrang pagka-poot. Hindi sumagi sa aking isipan na masisira ang gabi ko dahil dito.

Napaatras ako nang mayroong humila sa braso ko. “Ano ba? Tumigil ka nga sa kahihiyaw," bulyaw ni Mira mula sa hindi kalayuan. Kumunot ang noo ko nang mapatitig dito.

“Hindi ka ba nahihiya? Nakatingin na sa ‘yo ang lahat nang tao. Hindi mo ba kilala ang binabangga mo? Impaktita ka, manang-mana ka sa tiyahin mo!" dagdag pa niya.

“Wala akong pakielam kung sino pa ‘yang lalaki na ‘yan. Binastos ako, e!" ani ko.

Marahan akong umatras para suntukin kung sino man ang hayop na nasa harapan ko. Naramdaman kong tumama ang kamao ko sa paniguradong makapal na pagmumukha nito.

“Tama na! Nasisiraan ka na ba ng ulo, Isabelle?" segunda naman ng matalik kong kaibigan.

Nawala ako sa balanse nang itulak niya ako papalayo na nagsanhi ng pagbuhos ng mga luha ko. Napakagat ako sa labi, hindi ko inaasahang gagawin niya ‘yon.

“A-Anong ibig sabihin nito?"

“Look, you ruined everything! Ang laki ng gulong ginawa mo!" bulyaw nito sa akin.

Nabalot ako ng kahihiyan ng magsimula kong marinig ang mga tawanan sa paligid ko. Ang iba pa nga sa mga ito ay sumisigaw pa.

“N-Natasia..."

“I'm sorry for that. Papalitan na lang po namin ang lahat ng nasira. Please, forgive her, hindi niya alam ang ginagawa niya." saad niya.

Huminto ang mundo ko nang nasinagan ng ilaw ang nanlilisik na mga mata nang lalaki. Nalaglag ang panga ko, hindi ko alam kung saan ko ito nakita pero pamilyar ang mukha nito.

Halos bumukas na ang impyerno sa pagkakatitig nito sa akin. Nakapanlalambot itong pagmasdan kahit sa maikling segundo.

“You'll be rot in fucking hell." bulong nito.

Mahahalata sa kaniyang boses ang panggagalaiti. Tumatak sa isipan ko ang malalim at may pagkamalat na boses niya.

Ilang saglit pa'y nakarinig ako ng mga bulungan sa paligid. Napapikit ako. Paano ko ba tatakasan ang kahihiyang ito?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 40: Drunkard

    NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 39: Bail

    “The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 38: Hearing

    “Ano ba? Bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako. Huwag mo akong pigilan, pwede ba? Kung hindi mo kaya at naduduwag ka, ako na lang!" saad ko sa mataas na tono ng boses. Tinabanan niya ang dalawang braso ko, ramdam na ramdam ko ang gigil mula sa mga kuko niyang bumabaon sa balat ko. Tumiim ang tingin nito sa akin, dala nito ang ang panganib. Umirap naman ako sa kaniya ngunit ang totoo ay pasimple lamang akong umiwas ng tingin dahil halos malusaw na ako sa mga mata niyang bitag para sa ‘kin.“Are you out of your f—cking mind? Today is my hearing, don't ruin this day. Besides, do you wanna be in danger again, huh? Now, let's go!" aniya sabay diin ng mga daliri sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Hindi manlang ako makawala sa pagkahawak niya sa akin at kahit anong piglas ko ay mas lalo lang humihigpit ang kamay niya na mistulang ngipin.Hinampas ko nang paulit-ulit ang kamay niya gamit ang natitirang lakas sa aking palad. “Sige, ipakita mong gan'yan ka! Sinasabi ko sa ‘yo, hinding-

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 37: Conversation

    Nang makatayo sa upuan, hindi na ako nag-atubili pa at nalakad patungo sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Tanda ngunit sigurado akong importante ang lahat ng ‘yon.Naibaba ko ang mabibigat na talukap ng mga mata at napasandal sa pader. “Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi siya gan'yan!" ani ko sa sarili at marahang naidausdos ang likod pababa sa pader. Nahanap ko ang sariling nakatalungko, mabuti na lang at walang tao.“Ayos ka lang, Hija? Kailangan mo ba ng tulong?"Napahinto ako sa kaiisip at nagmistulang kabayong kumawala sa kulungan ang mga iniisp ko. Marahan kong ibinukas ang mga mata, binuking ng paningin ko ibabang bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mula sa tindig nito, paakyat sa kaniyang beywang ay paniguradong isa ito sa mga preso. Idagdag pa na orange ang suot nito hanggang binti. Marahan kong sinubaybayan ang bahagyang paggalaw nito at nang manakaw ang lakas ng loob na siyang tumakas sa akin ay iniangat ko ang ulo para s

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 36: Nightmare

    Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito. Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian. “Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis. Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!“Andito

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 35: Freak out

    “K-Kung ganoon, bakit naman po sa tingin ninyo ginagawa niya ang lahat?" utal ko. Gamit ang hintuturo ay pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis.Muli niyang iniayos ang sinturon, patagilid nitong tiningnan ang nasa likuran nang marinig ang marahang pagsara ng pintuan. “That clearly means that someone is looking after you, you have to trust him." sagot niya.Inilapat ko ang magkabilang palad sa mga braso atsaka kiniskis ang mga ito dahil nakaramdam ako ng panlalamig kasabay nang paggala ng paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Para bang may camera na nakatutok sa akin dahilan para marahan ang paghinga ko.Alam ko ay ligtas naman ako dito dahil hindi naman niya ako dadalhin sa makasasakit sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang kaba. Nakatutok na ito sa screen ng kaniyang telepono nang pwersahin ko ang sarili para ibalik sa kaniya ang tingin. Seryoso na ang pagmumukha niya, nakanguso pa nga ito habang pinipindot ang hawak.“We need to follow him, start the car, I'll be there," Nagsalubo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status