Home / Romance / Owned by Mr. Billionare! / Episode 4: Mysterious

Share

Episode 4: Mysterious

Author: DÁRKVLADIMIR
last update Huling Na-update: 2022-12-24 12:15:50

“Mga tarantado, magsilayas kayo rito!"

Isang malakas na tinig ang pumukaw ng atensyon ko matapos kong makababa ng sasakyan. Mariin pa akong napapikit nang bulagin ako ng mataas na sinag ng araw.

Kumunot ako ng noo at marahang tinapunan ng tingin ang kinaroroonan ng tinig. Nalaglag naman ang panga ko nang makita ang mga puto na nagkalat sa sahig.

Nasapo ko ang dibdib nang panandaliang mapatingin sa paligid, hindi maipagkaka-ila na hindi nakakuha ng atensyon ang pangyayari. Hinigpitan ko ang hawak sa bitbit na bayong atsaka kumaripas ng takbo papalapit dito.

“Okay lang ho ba kayo?" nag-aalalang tanong ko matapos itong pantayan ng upo.

Nadurog ang puso ko nang magtama ang paningin namin ng matandang babae. Nakapinta sa mukha nito ang sakit. Hindi man lang ito kumibo sa akin at sinimulan ang pagpulot sa kaniyang mga paninda.

“At ikaw na p****k ka, anong ginagawa mo rito?"

Suminghal ako nang marinig ang litanya ng babaeng unggoy sa harapan ko. Mataman kong kinilatis ang buong pagkatao nito.

Itinaas ko ang kilay, “May malasakit ho kasi ako at kahihiyan. Kayo ho, anong ginagawa ng isang unggoy sa palengke?" ani ko.

Hinimas ko ang likod ng matanda at tinulungang makatayo. Nag-presinta na rin akong pulutin ang mga natitirang kalat sa maduming sahig ng palengke para hindi na ito mahirapang yumuko.

Ilang saglit pa'y nakarinig ako ng tawanan mula sa paligid. Mas malala pa ito kaysa kagabi dahil sa mas marami ang nakasaksi ng pangyayari.

“Kahihiyan?" saad nito, “Talaga lang, ah?"

Iniikot ko ang mga mata nang tingnan ito.

Hindi maganda ang gising ko. Hindi ko alam pero puro kamalasan na lang ang nangyari magmula kagabi.

Hindi na rin naman ako umuwi sa bahay dahil kahit papaano ay may porsyento ako sa pagsasayaw ko. Sapat na para umupa ako ng isang gabi sa hotel. Hanggang ngayon nga ay nakatatak pa rin sa isipan ko ang masasakit na salita mula sa best friend ko.

Hindi ko lang din talaga natanggap na mas pinili pa niyang protektahan ang bumastos sa akin.

“Maraming salamat, hija," anang matanda.

Nakarinig pa ako ng piyok mula sa tinig nito dahil sa pagpipigil ng luha. “Pasensya ka na, ah? Nadamay ka pa." dagdag pa niya.

“Walang ano man, ho. Huwag na po ninyong isipin ang nangyari. Okay na ho ba kayo?" saad ko atsaka marahang pinunasan ang luhang umagos mula sa kaniyang mga mata.

Tumango naman ito.

Ngiti ang sumilay sa aking mga mata nang bigla ako nitong hagkan. “Kung ganoon ho, pwede ko na ho ba kayong maiwan?" saad ko.

Binilisan ko ang paglakad hanggang sa makarating sa pwesto. Ibinaba ko ang hawak na bayong sa lamesa at minadali ang sarili para ayusin ang mga panindang gulay.

Tanghali na rin kasi nang magising ako dahil sa puyat kagabi.

“Napakamalas ko talaga ngayong araw," bulong ko sa isipan.

Samu't-saring ingay at tinginan ang natatanggap ko mula sa paligid. Ang karamihan pa nga sa mga ito ay umiirap sa akin o ‘di kaya'y tinitingnan ako ng masama. Hindi ko na lang pinapansin dahil normal lang naman talaga ang mga ito sa ganitong lugar.

“OMG, siya ba ‘yon?"

Pabagsak kong binitawan ang hawak na sayote sa lamesa nang marinig ko ang litanya ng mga nagbubulungan sa harapan ko. Kanina ko pa napapansin ang nanlalait na tinginan ng mga ito sa akin.

Pinagngalit ko ang panga at pilit na ngumiti. Kailangan kong magtimpi.

Atsaka ‘yong sinasabi nilang ako? Tama, ako nga! Ako ‘yong maganda!

Bakit ngayon lang ba sila nakakita ng taong mas maayos ang pamimikas kaysa sa kanila?

Inipon ko ang buhok at marahan itong itinali ng goma. Naramdaman ko na ang pawis na umaagos pababa sa aking batok.

Kailangan kong ayusin ang sarili dahil baka walang bumili sa akin kung gagayahin ko ang pamimikas ng mga maaasim na mahadera sa harapan ko.

“Ate," anang batang musmos na tumapat sa harapan ko. Hindi naman ito ganoon kadumi ngunit mayroon itong bahid ng grasa sa kaniyang pisngi.

Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko nang mapansin ang hawak niyang boquet ng kulay pulang rosas.

“Uhm bunso, wala pa kasi akong pera pambili n'yan, e. Pasensya ka na, ah? Hayaan mo, kapag nagkapera ako ay bibilin ko ‘yan, ha?" ani ko.

Ngumiti ako at pinisil ang kaniyang malambot na pisngi.

Kahit pa gaano ko kagustohang bilhin ito ay hindi ko magawa dahil hindi rin naman ganoon kalaki ang ibinigay na kita ko kagabi. Sa akin kasi ikinaltas ang mga nasirang kagamitan kagabi matapos mangyari ang eskandalo.

“Ay, hindi po. May nagpapabigay lang po." anito atsaka humalakhak sa harapan ko.

Segundo lamang ang lumipas nang magbago ang reaksyon sa mukha ko. Nagsalubong ang mga kilay kong kinuha sa kaniya ang mga bulaklak.

“Sino raw ang nagpapabigay nito?" takang tanong ko at matamang kinilatis ang hawak.

“May lalaki pong nag-abot sa akin n'yan. Mayaman nga, e. Binigyan pa ako ng sampung libo at ang sabi niya'y iabot ko raw sa ‘yo. Mukhang manliligaw mo yata," pabirong anang bata.

Kaagad ko namang binunot ang kulay gintong sobre nang makita at marahang binuklat ito.

Nalaglag naman ang panga ko nang makita ang nakaipit na papel sa loob.

“I will hunt you."

Nag-init ang punong tenga ko nang mabasa sa isipan ang nakasulat sa papel. Napatingin ako sa batang nasa harapan ko.

Iisa lang ang taong naisip ko na pwedeng gumawa nito.

“Sinong nagpapabigay nito? Saan?" angal ko.

Itinuro naman nito ang kulay itim na kotse na nakaparada sa labas. Hindi ako nagdalawang-isip para puntahan ang kung sino mang hayop ang sumusubok na tumakot sa akin.

“Sa ‘yo na ‘yang bulaklak mo, tarantado!" bulyaw ko matapos ibalibag ang hawak sa ibabaw ng kotse nito.

“Anong I will hunt you ka pa? Halika rito, magsuntukan tayong gago ka! Matira matibay!" dagdag ko pa't hinampas ang salamin ng kotse.

Ilang beses ko pang hinampas ng tsinelas ang bintana nito bago ko ito nakitang bumukas. Lumabas naman doon ang isang lalaking pormal ang kasuotan.

Nakasalamin ito ng tingin na nagdahilan ng pag-ngiti ko ng patagilid. Mukhang gago ampota!

“Ikaw ba ‘yung nanghipo sa akin kagabi? Kingina mo, bastos ka!" bulyaw ko pa sa harapan nito matapos akong pantayan.

Sa tangkad nito'y nasa hanggang balikat lang ang taas ko ngunit wala akong pakielam.

Mabilis ko lamang naitaas ang manggas ko sa gigil at tinapunan ito ng suntok sa mukha. Ang kapal talaga ng mukha niya!

Aakma na sana ito ng suntok sa akin nang mapahawak ito sa kaliwang tenga dahilan para mapatigil ito. Mayroong itim na earphones na nakakabit sa kaniyang tenga.

Naitaas ko naman ang dalawang kilay nang tanggalin nito ang salamin. Madilim ang pagkakatitig nito sa akin ngunit mas napansin ko ang kilay nitong walang katkat.

“Want me to kill her?" estriktong anito.

Hindi ko na magawang matinag pa sa sinabi niya't natulala na lamang. Ano? Mister? Tama ba ako?

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cathy E. Valmoria
wla akong maintindihan ang gulo
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 40: Drunkard

    NOTE: SPG“Ba-Bakit mo ibinalik ang pera ni Mr. Vérmudez nang ganoon na lang? Ano bang nasa isip mo?" Ibinagsak ko ang katawan sa couch. Nang makaramdam ng pagbigat ng batok ay isinandal ko ito sa malammbot na unan na dagan-dagan ng aking likuran. Humugot ako ng malalim na hininga nang itaas ang tingin sa puting kisame. Mariin akong napapikit nang makaramdam ng paglabo ng paningin. “I don't need them." Narinig kong saad niya. Nang maibukas ko ang mga mata ay tumama ang paningin ko sa kaniya. Hinahagod ng matalim nitong mga mata ang buo kong pagkatao na para bang may ipinapahiwatig sa ‘kin. koIniayos ko ang upo nang maramdam upang nagsita asan ang iilang hibla ng buhok ko sa mga titig niyang iyon. Idiniretso ko ang likod at patagilid na tiningnan ang unan nang marahan itong bumagsak.koNagsalubong ang mga kilay kong kinilatis ang buong pagkatao niya. “Anong hindi? Sebastian, hindi man ako maalam r mga gan'yang negosyo ay alam kong kailangan mo sila. H'wag mong idinadaan sa yaman a

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 39: Bail

    “The jury decided to drop this case as a punishment. We will move the hearing next week." Nalaglag ang panga ko sa narinig. Hindi ko inaasahan na ‘yon ang maririnig ko sa babaeng tumayo sa harapan. Halos mag-apoy ang mga mata ni Sebastian nang maibalik ko ang titig rito.Katulad ng inaasahan, bumakat na naman ang kaniyang mga daliri sa braso kong kanina pa namamasa. “What do you think you're doing, huh? You shouldn't do that. Look what you've done!" saad nito. Bakas sa kaniyang pananalita ang pagkagigil sa akin.Kinagat ko ang ibabang labi nang maramdamang mas dumiin pa ito nang tangkain kong pumiglas. “Aray ko! Bakit ba ayaw mong magtiwala sa akin? Narinig ko nga ‘yan na may kausap sa lo—" Napaatras ako nang suntukin niya ang pader dahilan para mapahinto ako sa pagsasalita.“I said, enough! Amelia, you've ruined it. You shouldn't be caring about it. How many time do I have to freaking say to you that I can handle myself? Is it difficult to understand?" Mayroon nang namumuong dugo s

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 38: Hearing

    “Ano ba? Bitawan mo nga ako, nasasaktan na ako. Huwag mo akong pigilan, pwede ba? Kung hindi mo kaya at naduduwag ka, ako na lang!" saad ko sa mataas na tono ng boses. Tinabanan niya ang dalawang braso ko, ramdam na ramdam ko ang gigil mula sa mga kuko niyang bumabaon sa balat ko. Tumiim ang tingin nito sa akin, dala nito ang ang panganib. Umirap naman ako sa kaniya ngunit ang totoo ay pasimple lamang akong umiwas ng tingin dahil halos malusaw na ako sa mga mata niyang bitag para sa ‘kin.“Are you out of your f—cking mind? Today is my hearing, don't ruin this day. Besides, do you wanna be in danger again, huh? Now, let's go!" aniya sabay diin ng mga daliri sa braso ko at hinila ako papalayo sa lugar. Hindi manlang ako makawala sa pagkahawak niya sa akin at kahit anong piglas ko ay mas lalo lang humihigpit ang kamay niya na mistulang ngipin.Hinampas ko nang paulit-ulit ang kamay niya gamit ang natitirang lakas sa aking palad. “Sige, ipakita mong gan'yan ka! Sinasabi ko sa ‘yo, hinding-

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 37: Conversation

    Nang makatayo sa upuan, hindi na ako nag-atubili pa at nalakad patungo sa labas. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin niya kay Tanda ngunit sigurado akong importante ang lahat ng ‘yon.Naibaba ko ang mabibigat na talukap ng mga mata at napasandal sa pader. “Gosh! Hindi ko alam kung anong nangyayari, hindi siya gan'yan!" ani ko sa sarili at marahang naidausdos ang likod pababa sa pader. Nahanap ko ang sariling nakatalungko, mabuti na lang at walang tao.“Ayos ka lang, Hija? Kailangan mo ba ng tulong?"Napahinto ako sa kaiisip at nagmistulang kabayong kumawala sa kulungan ang mga iniisp ko. Marahan kong ibinukas ang mga mata, binuking ng paningin ko ibabang bahagi ng katawan ng lalaking nakatayo sa harapan ko.Mula sa tindig nito, paakyat sa kaniyang beywang ay paniguradong isa ito sa mga preso. Idagdag pa na orange ang suot nito hanggang binti. Marahan kong sinubaybayan ang bahagyang paggalaw nito at nang manakaw ang lakas ng loob na siyang tumakas sa akin ay iniangat ko ang ulo para s

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 36: Nightmare

    Napansin ko ang pag-iling nito na animo'y nadismaya sa sinabi ko. “Hija, katulad ng sabi ko, huwag kang magpadalos-dalos lalo sa mga binibitiwan mong mga salita." saad nito. Ipinagkrus ko na lamang ang mga braso matapos ay inilapat ang likod sa sandalan ng upuan. Kahit papaano naman, nabas-bawasan na ang pagkakaba ngunit hindi pa rin mawala sa isipan ko si Sebastian. “Kamusta na kaya siya? Ano na kayang lagay niya? Sana naman walang mangyari sa kaniyang masama," bulong ko sa isipan. Marahan ko pa ngang iniumpog ang ulo sa upuan sa pagkainis. Panandalian ko pang tinabig ang ulo sa kaliwang bahagi ng bintana upang tingnan ang mga tao sa labas. Sa rami ng iniisip ko ngayon ay para na akong naglalakbay sa gitna ng dilim. Ewan ko ba pero parang bumagal ang pagkumpas ng mga kamay ng orasan nang isipin kong muli ang dalawang araw na sinabi nito sa ‘kin.Mahihintay ko ba iyon gayong alam kong nasa panganib ang buhay niya? Kasalanan naman talaga ni Drake ang lahat. Bwisit siya, tse!“Andito

  • Owned by Mr. Billionare!   Episode 35: Freak out

    “K-Kung ganoon, bakit naman po sa tingin ninyo ginagawa niya ang lahat?" utal ko. Gamit ang hintuturo ay pinunasan ko ang tumatagaktak na pawis.Muli niyang iniayos ang sinturon, patagilid nitong tiningnan ang nasa likuran nang marinig ang marahang pagsara ng pintuan. “That clearly means that someone is looking after you, you have to trust him." sagot niya.Inilapat ko ang magkabilang palad sa mga braso atsaka kiniskis ang mga ito dahil nakaramdam ako ng panlalamig kasabay nang paggala ng paningin ko sa apat na sulok ng kwarto. Para bang may camera na nakatutok sa akin dahilan para marahan ang paghinga ko.Alam ko ay ligtas naman ako dito dahil hindi naman niya ako dadalhin sa makasasakit sa ‘kin ngunit hindi ko mapigilan ang kaba. Nakatutok na ito sa screen ng kaniyang telepono nang pwersahin ko ang sarili para ibalik sa kaniya ang tingin. Seryoso na ang pagmumukha niya, nakanguso pa nga ito habang pinipindot ang hawak.“We need to follow him, start the car, I'll be there," Nagsalubo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status