Share

Episode 24: Failure

Parehas na kaming nakabagsak sa sahig nang pasadahan ko ito ng tingin. “Tama na!" bulyaw ko atsaka ito nilapitan.

Mabibigat na paghinga ang ibinubuga ng bibig ko kasabay ng mga luhang pumapaligo sa buong mukha ko.

“Please, no!" huling bulyaw ko nang makarinig pa ng iilang putok ng baril. Pinagmasdan ko lamang ito habang nakaratay sa harapan ko, naliligo ng dugo at magmistulang lantang gulay ang katawan. “H-Hindi ka pwedeng mamatay, hindi!" bulalas ko habamg tinatapik-tapik ang mukha nito.

“G-go ka. . ." saad nito habang pilit na humuhugot ng hininga. Mahigpit ang pagkakapit nito sa aking braso na animo'y punong-puno ng galit at pighati.

Wala akong nagawa kundi bigyan ng sampal ang mukhang kanina pa bugbog sa mga pananakit. “S-Sabihin mo kung sino ang mga magulang ko, please! T-Tulungan mo naman ako," pagmamakaawa ko.

Napansin kong umiling-iling ito nang bahagya atsaka ngumiti nang patagilid bago pa siya tuluyang malagutan ng hininga.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status