Share

Episode 34: Guilt

“O-Okay..." awtomatikong bumilog ang bibig ko para maglabas ng salitang umaasahang magpapakalma sa kaniya. Nakasandal ang kanang bahagi ng tenga ko sa kaliwang dibdib niya dahilan para marinig ko ang ugong ng kaniyang puso.

Hinimas ko nang marahan ang kaniyang basang likuran nang yapusin ko ang katawan niya. “Papayag na ako, alam kong makatutulong ito," bulong ko sa kaniya. Iniipit ko ang hintuturo at hinlalaki ko sa makapal na tela ng kaniyang suot sa bandang likuran atsaka ito ipinagpag para mawala sa pagkakalapat sa likod niya at upang makaramdam siya ng kaunting kapreskohan.

Isinuot ko ang nagtatakang ekspresyon ng mukha nang panandaliang gamitin ang buong lakas upang makalayo sa kaniya. “Ang akala ko...isang linggo ka sa business meeting? Anong nangyari? Nakausap mo na ba ang mga investors?" hindi ko inaasahang sunod-sunod na mga tanong ang mga salitang lalabas sa aking bibig. Pinigil ko pa nga ang hininga upang mapigilan lang ang susunod na tanong na walang kasiguraduhan kung ma
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status