Isabella stared blankly at the white ceiling of her room, the silence only interrupted by the hum of the electric fan. Nakauwi na sila from Bulacan and tumuloy pa rin siya sa tinitirahan niya rito sa Guadalupe. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata, lagi at laging bumabalik ang imahe ni Aidan na pawisan, payat, nakaupo sa gilid doon sa loob ng selda.
Wala man itong sinabi, pero alam niya. Aidan had given up.Hindi niya rin masisisi.Section 5. 1.5 grams. ₱500 marked money. Non-bailable.Buy-bust.No amount of comforting words could erase what happened. At mas lalo siyang nasasaktan dahil hindi nila agad nalaman. Hindi agad sinabi ng kumpanya. Ni walang security report. Dapat nag-skip tracing pa si Ate Reina at Ate Michelle para lang matunton si Aidan. Paano na lang pala kung nalang nila na wala na itong buhay? Nakakapanggigil.She bit her lip. Galit. Lungkot. Pagod. Guilt. Lahat ng damdamin, sabay-sabay na bumibigat sa dibdib nMonday morning.Walang kakaiba.Walang sticky note.Walang text. Walang “good morning” sa inbox.At dapat okay lang ’yon.Dapat.Pero habang tina-type ni Isabella ang weekly schedule ni Sebastian, napapahinto siya kada ilang minuto. Baka may message na pumasok. Baka biglang dumaan sa glass wall. Baka biglang—“Miss Isabella,” bati ng isang staff sa labas ng suite.She snapped out of it. “Yes? Ay, sorry. Ano ’yon?”“Pa-acknowledge po ng delivery.”She nodded quickly, shook her head slightly, and stood up. Hindi na rin niya natapos agad ang report. Kahit anong gawin niya, nag-e-echo pa rin sa isip niya ang mga huling sandali nila ni Sebastian sa retreat.Nang hinawakan siya nito sa kamay. Nang napatawa siya. Nang… parang wala sila sa office. Wala silang hierarchy. Wala silang boundaries.Pagbalik niya sa desk, doon niya lang napansin: may naka-slide na envelope sa ilalim ng
“Truth or Dare.”Isabella almost choked on her juice.Sa lawak ng rest house function hall, anim na team na lang ang natira. Optional participation daw, sabi sa email. Pero ayan siya ngayon, nakaupo sa bilog kasama ang iba’t ibang empleyado mula sa iba’t ibang department.And beside her, of all people, was Sebastian Hale.Yes. That Sebastian. Her boss. Yung laging tahimik, laging seryoso, pero nitong mga nakaraang araw ay bigla na lang dumadalas ang presensya sa paligid niya. May sticky note sa desk, offer ng flexible sked, at ngayon… naglalaro ng Truth or Dare.Napansin niyang bahagyang nakasandal si Sebastian sa upuan at relaxed ang postura, pero alerto ang mga mata. At kasalukuyang siya ang susunod.“Miss Isabella,” singit ng HR rep na mukhang enjoy na enjoy, “Truth or dare?”Napatingin siya kay Sebastian. Nakatingin na rin ito sa kanya. Walang ekspresyon. Cool, composed, unreadable. Pero sa sulok ng labi nito… m
Tatlong araw matapos ang retreat, balik na sa normal ang takbo ng opisina—meetings, reports, deadlines, endless na emails. Pero kahit parang walang nagbago sa paligid, si Isabella, ramdam na ramdam ang pagkakaiba.Hindi lang dahil mas bukas na si Sebastian ngayon. Hindi lang dahil sa mga ngiti, sa simpleng “kumusta,” o sa mga sticky note na napapansin niyang laging biglang sumusulpot sa desk niya. Ang totoo, siya mismo ang unti-unting nagbabago.At doon siya nagsisimulang mailang.Dati, malinaw ang hangganan nila. Boss siya, assistant siya. CEO at empleyado. Pero ngayon, parang may linya sa pagitan nila na dahan-dahang nawawala. Hindi dahil may malinaw na sinasabi, kundi dahil sa mga tingin, kilos, at bagay na hindi binabanggit—pero nararamdaman.Habang nasa desk siya noon, nag-aayos ng schedule para sa board meeting, may narinig siyang papalapit.“Isa?” Napalingon siya. Si Sebastian. Nakasimpleng d
Tahimik ang paligid ng rest house na nirentahan ng kumpanya para sa weekend retreat. Wala sa paligid kundi mga puno, damo, at simoy ng malamig na hangin. May maliit na lawa sa likod ng property, at kung makikinig kang mabuti, maririnig mo lang ang kaluskos ng mga dahon o lagaslas ng tubig sa fountain.Sobrang layo nito sa gulo ng Maynila.Walang tunog ng printer, walang humahabol na deadline, at lalong walang tension mula sa mga meeting. Dapat relaxing, di ba?Pero ewan. Parang ang bigat pa rin sa dibdib ko.Late akong dumating.Hindi naman dahil gusto kong magpahuli.Pero siguro kasi hanggang sa huling minuto, kinukuwestyon ko pa rin kung dapat ba talaga akong sumama. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko ihaharap ang sarili ko… sa kanya.Lalo na sa setting na ganito—walang lamesang pagitan, walang email, walang “per my last message” barrier.Tahimik akong naupo sa bench malapit sa mga halaman, sa may gilid lang ng function
Hindi ako sanay sa ganito.Hindi ako sanay sa ganitong vibe ni sir, sa ganitong atensyon na binibigay niya.Si Sir Sebastian Hale na kilala ko mula nang nalagay ako bilang EA eh laging seryoso, tahimik, at parang trabaho lang ang nasa isip. Pero nitong mga nakaraang araw, may nagbago sa pagitan namin, sa kung paano siya bilang boss ko.Hindi naman halata sa boses niya kasi parang cold pa rin, pero napapansin ko sa mga tingin niya, sa presensya niya, at sa mga sticky note na iniiwan niya sa desk ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang pansinin, bigyan ng meaning o huwag na lang. Empleyado lang naman ako, di ba?Biyernes ng hapon, malapit nang mag-out ang karamihan pero ako, as usual, may tinatapos pa ring revision sa presentation para sa Monday. Nasa desk ako sa labas ng opisina ni Sir Sebastian, dito sa executive suite. Tahimik, malamig ang aircon, at halos wala kang maririnig kundi tik-tak ng keyboard. Ang executive floor kasi puro mataas na posisyon ang
“May time ka ba after shift?”Natauhan lang si Isabella nang marinig ang tanong at mapansin si Sebastian sa harap ng desk niya. Kakalabas lang nila sa last meeting ngayong araw, at habang abala siyang inaayos ang mga files, bigla itong huminto sa harap niya.“Ah… sir? Depende po… bakit po?” sagot niya, medyo nagulat at nag-aalangan.Ngumiti si Sebastian, maliit pero ramdam niya. “Gusto lang kitang ilibre ng dinner. Nothing formal. Wala lang, gusto ko lang ayain ka.”“Okay po…” mabilis niyang sagot. Napakunot ang noo niya sa sarili—bakit parang ang bilis niyang pumayag?“I’ll wait sa lobby,” sabi ni Sebastian bago lumakad palayo, dala ang coat at tablet niya.Wala pang thirty minutes, bumaba na si Isabella sa lobby. Mabuti na lang at laging corporate ang suot niya sa trabaho. Kahit saan pa siya dalhin, hindi siya maiilang. Nakita agad siya ni Sebastian. Gaya niya, naka-office attire pa rin ito, pero mas relaxed ang itsura.