Pagkatapos ng unexpected lunch invite ni Sebastian, hindi pa rin maka-recover si Isabella. Habang nakaupo sa desk niya, tinatapik-tapik niya ang ballpen sa maliit na notebook na puno ng schedules at meeting reminders. Pero kahit anong pilit, wala sa mga ’to ang iniisip niya.
Nandoon pa rin ang replay ng mga nangyari kanina. Ang pagkakatitig ni Sebastian habang sabay silang kumakain, ang simpleng “Eat slowly” na parang may bigat na hindi niya maipaliwanag. And most of all, the way he noticed her. Her routines. Her skipped meals. Bakit ganon? She felt… seen. Pero ilang minuto pa lang ng tahimik na kaligayahan, biglang tumunog ang cellphone niya. Ate Michelle. “Hello, ate?” mahinang sagot niya, may halong kaba. “Belle…” mahina at pabulong ang tinig ng ate niya. Yes, nickname ko yan sa bahay. “May nangyari.” Napaupo ng tuwid si Isabella. “Ano ‘yon?” “Si Aidan… basta, umuwi ka muna.” Naguluhan siya. “Ano nga yun, ‘te?” “Si Aidan… nakakulong.” Parang may sumabog na bomba sa dibdib ni Isabella. “A-ano?! Bakit? Kailan pa?!” “Ngayon lang kami ininform ng admin nila dito sa branch sa QC. T*****a, Belle. Five days na raw siyang hindi umuuwi. Hindi rin nila alam kung na saan si Aidan kaya kanina lang din agad nag-skip tracing si Ate Reina sa mga kaibigan niya sa Bulacan. Doon namin nalaman na nakakulong siya.” “Hindi man lang tayo sinabihan agad?” garalgal ang boses niya. “Hindi raw nila alam. Yung mga kaibigan naman ni Aidan doon sa Bulacan, hinihintay na may mag-chat sa kanila. T*****a talaga. Belle.. Section 5 daw ang kaso.” Namilog ang mga mata niya. Nanginginig ang boses. “Section 5…? Drugs?! Hindi! Hindi gagawin ‘yon ni Aidan!” “Alam ko,” pabulong ding sagot ni Michelle. “Alam ko, Belle. Pero sabi ng kaibigan niya, may nakuha raw na ebidensya sa kanya. Sabi pa ng kaibigan niya, nahuli sa checkpoint. Pero sabi naman ng iba may sinabay kasi siyang babae. Hindi ko alam kung buy-bust o ano.” “Impossible. Kung may magagawa man si Aidan, hindi yon. He was already trying so hard to get back on his feet,” mariing sabi niya, pinipigilan ang luha. Tumingin siya sa paligid para siguraduhing walang nakatingin, saka dinala ang cellphone at tumayo papunta sa sulok ng opisina. “Hindi siya ganon, ate. Hindi siya masamang tao. Madalas kami nagaaway non pero hindi yon ganon.” “Alam natin yon, Belle. Pero hindi lahat naniniwala. At kung hindi tayo kikilos, baka hindi na natin siya mailabas.” Dahan-dahang napaupo si Isabella. Parang biglang nag-iba ang kulay ng paligid. “Alam ko kung bakit siya napunta sa ganito,” bulong niya. “…si Papa,” sabay silang dalawa. Walang sumunod na salita. Katahimikan. Pero malinaw ang lahat. Mataas palagi ang expectations ni Papa sa kanilang magkakapatid—lalo sa mga lalaki. Dapat breadwinner. Dapat matatag. Dapat hindi umiiyak. At kapag nadapa, walang espasyong bumangon—dahil ang kapalit ay sermon, sigaw, pangungumpara, panliliit, at madalas, pananakit. Aidan was never strong in their father’s eyes. Naalala pa niya nung tinawagan siya ni Aidan isang madaling araw. Humihikbi ito. Sabi niya, hindi na raw niya kaya. Na parang inutil siya sa paningin ng pamilya. Wala raw siyang silbi. Bigo sa trabaho, bigo sa relasyon, bigo bilang anak. That night, she sent him money. Kaunti lang, pero sapat para makakain. She begged him to rest. To breathe. To keep going. At ngayon… nakakulong siya. At ngayon lang nila nalaman. Hindi niya namalayang may luha nang tumulo sa pisngi niya. Pinunasan niya agad bago may makakita. Sakto naman ang pagbalik ni Sebastian galing sa boardroom. “Isabella?” boses ng boss niya ng mapansin siya nito. “Y-yes, sir?” mabilis siyang tumayo. “Everything alright?” tanong nito, kita ang concern sa mukha. “You look pale.” “Just… just a family matter, sir. Sorry po.” Tumango si Sebastian pero hindi agad nagsalita. Tiningnan lang siya nito nang matagal. Para bang sinusuri ang pinagmumulan ng sakit sa likod ng kanyang mga mata. “You can take the rest of the day off,” malumanay na sabi nito. “I’ll handle the rest.” “Sir, I’m okay—” “I insist.” Tumango siya. Halos pabulong ang “Thank you.” Pagkaalis niya sa office, hindi siya dumiretso sa elevator. Dumaan muna siya sa rooftop access ng building. Doon, sa tuktok ng lungsod, tinitigan niya ang malalayong ilaw ng BGC—parang mga bituin na pilit bumaba sa lupa. Sa gitna ng lahat, bakit parang siya pa rin ang kailangang maging matatag? Bunso siya. Pero siya ang tinutuluyan ng lahat. Siya ang tinawagan ni Ate Michelle. Siya ang inaasahan. Siya ang hindi dapat sumuko—dahil siya ang “nakapagtapos.” Siya ang “malakas.” Siya ang “okay.” Pero… totoo ba? “Hindi ako okay,” bulong niya sa hangin, habang pinipigilan ang isa pang luha. Sa kabilang bahagi ng gusali, sa loob ng opisina ni Sebastian, hindi pa rin ito nakakabalik sa trabaho. Kanina pa niya hawak ang cellphone. Bukas ang screen sa isang encrypted app at may message mula sa taong nagngangalang Elias: “Found something about her family. Let me know if you want it.” Tinitigan niya ito. Delete? Reply? Ignore? Sebastian closed his eyes. He didn’t want to know about Isabella. He wanted Isabella to tell him herself. And for the first time in a long time… he wasn’t sure if he could wait.Tahimik ang paligid ng rest house na nirentahan ng kumpanya para sa weekend retreat. Wala sa paligid kundi mga puno, damo, at simoy ng malamig na hangin. May maliit na lawa sa likod ng property, at kung makikinig kang mabuti, maririnig mo lang ang kaluskos ng mga dahon o lagaslas ng tubig sa fountain.Sobrang layo nito sa gulo ng Maynila.Walang tunog ng printer, walang humahabol na deadline, at lalong walang tension mula sa mga meeting. Dapat relaxing, di ba?Pero ewan. Parang ang bigat pa rin sa dibdib ko.Late akong dumating.Hindi naman dahil gusto kong magpahuli.Pero siguro kasi hanggang sa huling minuto, kinukuwestyon ko pa rin kung dapat ba talaga akong sumama. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano ko ihaharap ang sarili ko… sa kanya.Lalo na sa setting na ganito—walang lamesang pagitan, walang email, walang “per my last message” barrier.Tahimik akong naupo sa bench malapit sa mga halaman, sa may gilid lang ng function
Hindi ako sanay sa ganito.Hindi ako sanay sa ganitong vibe ni sir, sa ganitong atensyon na binibigay niya.Si Sir Sebastian Hale na kilala ko mula nang nalagay ako bilang EA eh laging seryoso, tahimik, at parang trabaho lang ang nasa isip. Pero nitong mga nakaraang araw, may nagbago sa pagitan namin, sa kung paano siya bilang boss ko.Hindi naman halata sa boses niya kasi parang cold pa rin, pero napapansin ko sa mga tingin niya, sa presensya niya, at sa mga sticky note na iniiwan niya sa desk ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang pansinin, bigyan ng meaning o huwag na lang. Empleyado lang naman ako, di ba?Biyernes ng hapon, malapit nang mag-out ang karamihan pero ako, as usual, may tinatapos pa ring revision sa presentation para sa Monday. Nasa desk ako sa labas ng opisina ni Sir Sebastian, dito sa executive suite. Tahimik, malamig ang aircon, at halos wala kang maririnig kundi tik-tak ng keyboard. Ang executive floor kasi puro mataas na posisyon ang
“May time ka ba after shift?”Natauhan lang si Isabella nang marinig ang tanong at mapansin si Sebastian sa harap ng desk niya. Kakalabas lang nila sa last meeting ngayong araw, at habang abala siyang inaayos ang mga files, bigla itong huminto sa harap niya.“Ah… sir? Depende po… bakit po?” sagot niya, medyo nagulat at nag-aalangan.Ngumiti si Sebastian, maliit pero ramdam niya. “Gusto lang kitang ilibre ng dinner. Nothing formal. Wala lang, gusto ko lang ayain ka.”“Okay po…” mabilis niyang sagot. Napakunot ang noo niya sa sarili—bakit parang ang bilis niyang pumayag?“I’ll wait sa lobby,” sabi ni Sebastian bago lumakad palayo, dala ang coat at tablet niya.Wala pang thirty minutes, bumaba na si Isabella sa lobby. Mabuti na lang at laging corporate ang suot niya sa trabaho. Kahit saan pa siya dalhin, hindi siya maiilang. Nakita agad siya ni Sebastian. Gaya niya, naka-office attire pa rin ito, pero mas relaxed ang itsura.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang makausap ni Isabella si Atty. Ramirez. Wala pa ring malinaw na update mula sa presinto, pero at least ngayon, alam na nila kung anu-ano ang mga dokumentong kailangan. Unti-unti, kahit papaano, parang may direksyon na sa gitna ng madilim na phase ng buhay nila.Sa office, balik na rin siya sa usual routine like meetings, emails, revisions, schedules. Pero iba na siya ngayon. Hindi na siya yung dating tahimik lang sa isang sulok, o takot na makialam. May lakas na siyang natutunang ilabas, kahit minsan nanginginig pa rin ang tuhod niya“Miss Isabella, nga po pala, napadaan lang po ako to let you know. Updated na po yung logistics report,” sabi ng junior staff habang papalapit sandali sa desk niya. “Na-double check na rin po namin yung figures, and naka-upload na po siya sa shared folder.”“Great, paki-email na lang po sa akin before 3.”Nginitian lang ako ng staff tsaka umalis.Nagtuloy ang araw na parang normal l
Bago pa mag-alas-nwebe, nasa opisina na si Isabella. Maaga siyang pumasok, hindi para magpabibo, kundi para makaiwas muna sa mga tanong ng mga ka-opisina.Mas madali kasing huminga kapag wala pang masyadong tao, wala pang gaano tanong, at wala pang pakiramdam na kailangan mong ngumiti sa kanila kahit gusto mo nang umiyak.Nasa gilid pa rin ng monitor niya ang maliit na Post-it ni Sebastian. Hindi niya pa rin tinatanggal. Sa dami ng gumuguho sa paligid niya, isang simpleng sulat-kamay lang ang nagbibigay ng paalala sa kanya. May isang taong tahimik na alam niyang nasa tabi lang niya.Eksaktong alas-diyes, dumaan si Sebastian. Saglit ito na huminto sa tapat ng desk niya.“Isabella,” tawag nito.Napalingon siya. “Sir? Yes po?”“I had Legal arrange something. Atty. Ramirez, from our external counsel. Free consult. She’ll be at the café in the lobby at 12:30. You can take your lunch break early.”Napatingin siya sa boss niya, at h
Four days.Isabella counted them again as she stood inside the elevator of Hale & Co. Enterprises.Apat na araw mula nang nag-leave siya, apat na araw ng walang maayos na tulog, walang kapayapaan, at walang sagot.Tuloy-tuloy ang biyahe nila sa presinto, barangay, at halos lahat ng posibleng pwedeng lapitan, pero wala pa ring malinaw na direksyon.Probation. Plea bargaining. Yan lang ang mga salitang paulit-ulit na binabanggit ng mga pulis. Wala pa ring abogado. Basta alam namin Sec5 ang sinampa, hindi pa rin namin makuha ang police report kasi wala pa kami abogado. She felt like she was living in a dream where everything was moving too fast, too suddenly, and too cruelly.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator.Nasa executive floor na siya.Tila wala namang nagbago.Parehong sahig, parehong katahimikan, parehong puting ilaw na masyadong maliwanag para sa mata. Ilang staff ang bumati sa kanya nang may pag-aalangan—n