Share

Lunch

Author: Bela Ann
last update Last Updated: 2025-07-23 23:33:00

Tahimik si Isabella habang nakaupo sa maliit na table sa loob ng opisina ni Sebastian.

Ang tipikal na executive desk na dati ay never niyang nilapitan unless may ipapapirma, ngayon ay tila naging dining table ng dalawang taong parehong hindi marunong umamin.

Naunang dumating ang food from a high-end Korean fusion resto. Dalawang set ito. May kimchi rice, bulgogi, at soft tofu stew. May included na side dishes pa na parang hindi galing sa delivery, ganun ka sosyal.

“Eat,” mahinang utos ni Sebastian, habang inaayos ang chopsticks at nilalagay sa harap niya.

“Sir, di na po ako—”

“You’re eating,” putol nito sa kanya, hindi siya tiningnan habang nagsimula nang kumain.

So, she did.

Tahimik lang silang dalawa. Ang maririnig lang ay ang mahinang tunog ng chopsticks at ang air purifier sa isang sulok ng opisina. Pero habang tumatagal, mas ramdam ni Isabella yung presensya ng lalaki sa harap niya.

Hindi man ito madaldal, pero nakakatunaw yung mga sulyap ni Sebastian. Parang siniscan siya.

Nagtataka tuloy siya.

“Masarap ba?” tanong nito.

Tumango siya. “Opo. Sobra.”

Napansin niyang may isang side dish na japchae na paborito niya.. Inuna niya yon. At hindi rin niya napigilan ang sarili na mapangiti.

At napansin yon ni Sebastian.

“You like noodles,” obserba nito.

Medyo natawa siya. “Kahit anong carbs, sir.”

“You should’ve told me,” aniya, kunot ang noo. “So I could’ve ordered more of it.”

“Di naman po kailangan. I’m okay na with this. Salamat po.”

“Still,” bulong nito, habang muling tumingin sa plate niya. “Next time, I’ll remember.”

Napahinto si Isabella.

Next time?

Tumahimik ulit sila. Habang kumakain, naramdaman niyang parang may gustong sabihin si Sebastian pero hindi pa nito maamin. And oddly enough… hindi siya nainip. Gusto niyang namnamin yung bawat moment nila ngayon.

Pagkatapos kumain, siya na ang nag-ayos ng food containers, pero bago pa siya makatayo—

“Sit down,” Sebastian said.

Napatingin siya. “Sir?”

“Let’s rest for five minutes.”

Nagulat siya sa casual tone. Sebastian Hale? Magpapa-pause ng trabaho?

“Pero sir time ko na po eh.”

Tumingin ito sa wristwatch, then sa kanya. “Five minutes lang. I’ll allow it.”

Umupo siyang muli, wala naman siyang magagawa dahil utos iyon ng boss niya.

“Okay po…”

Napatingin si Sebastian sa kanya. Tahimik ulit.

“Isabella.”

“Yes, sir?”

“Kanina,” panimula nito, mababa ang boses,

“I overheard what Intern said.”

Napakunot ang noo niya. “About… the lunch po?”

“She said you were downstairs.”

Napalunok siya. “Ah… opo, pero saglit lang po yon.”

“Did you lie for me?”

Tahimik.

Napatingin siya sa kanya. Nakakunot ang noo nito, pero hindi galit. Curious lang.

“I just… didn’t want to cause drama, sir. Baka ma-misinterpret lang ng iba.”

Sebastian leaned back sa upuan. “You always do that?”

“Do what po?”

“Protect people. Even when you shouldn’t.”

Isabella froze.

Hindi siya sumagot. Kasi… totoo.

All her life, siya ang tagapagtakip ng maraming bagay. Lalo na sa pamilya nila. Siya ang laging tahimik, tagasalo, taga-intindi. Sanay siya na siya ang mag-aadjust.

Pero bakit alam ’to ni Sebastian?

Bago siya makasagot, nagsalita ito muli.

“You deserve better than that.”

Napatingin siya sa boss niya. Mahina lang ang boses nito, pero ramdam ang bigat. Parang may pinanggagalingan.

Gusto niyang magtanong, pero he looked away.

Maya-maya, tumunog ang intercom.

“Yes?” sagot ni Sebastian.

“Sir, si Ms. Amara po from PR. She’s waiting in the boardroom.”

Sebastian stood up. Tumingin sa kanya. “I’ll head out. Stay here. Don’t clean up yet.”

Nagkatinginan lang sila. Then, without another word, he left.

Tahimik.

Naiwan si Isabella sa opisina ni Sebastian at sa maraming tanong na biglang sumulpot.

Bakit siya pinaupo rito?

Bakit parang bigla siyang naging “personal” concern ni boss?

At bakit… mas gusto niyang wag pang malaman ang sagot?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned by My Cold CEO   Chapter 48

    Isabella’s POVMedyo mabigat ang talukap ng mata ko nang magising. Ramdam ko pa ang kabigatan ng iyak kagabi, pero habang unti-unti kong binubuksan ang mata, isang ngiti ang sumagi sa labi ko—naalala ko kung paano ako pinakalma ni Sebastian kagabi.“Why are you smiling?”Napagitla ako. Napaupo ako sa kama at doon ko siya nakita—si Sebastian, nakahiga sa maliit na sofa sa kwarto ko. Maliit para sa kanya, at halatang nakatulog siya roon. Napangiti lang siya nang bahagya, parang alam niya ang iniisip ko.“S-Sebastian… good morning,” mautal ko, sabay takip ng mukha ko.“Good morning, Isa.” Umupo siya saglit sa sofa at nagbigay ng maikling ngiti bago lumabas ng kwarto.Tahimik akong tumingin sa kanya habang lumalakad palabas.Paano siya nakatulog doon sa sofa? Ang laking tao niya para sa maliit na sofa na yun. Napangiti ako muli, may halong hiya at pagkabigla.Pagkatapos ko ring ayusin ang sarili, lumabas ako ng kwarto at

  • Owned by My Cold CEO   Chapter 47

    Isabella’s POVDahan-dahang bumukas ang pinto, at sa bawat paggalaw ng door knob ay lalo akong kinabahan. Pinunasan ko agad ang pisngi ko, pero alam kong huli na. Hindi ko kayang itago ang bakas ng pag-iyak, lalo na sa isang taong mabilis makabasa ng tao—si Sebastian.Narinig ko ang maingat niyang mga hakbang papasok. Mabigat ang presensya niya kahit wala siyang sinasabi. Hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako, hindi pa nga ako nakakaupo, pero ramdam ko ang malamig at sabay mainit na aura niya habang papalapit. Hindi na kailangan ng salita para magpaliwanag; alam kong alam na niya.“Isa.” Mahina lang, pero diretso ang boses niya.“You’ve been crying… Don’t even try to deny it.”Napapikit ako. Parang gusto kong magtago sa kumot at magkunwaring tulog. Pero alam kong hindi iyon uubra. Kilala niya ako—at higit sa lahat, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“I’m fine,” mahina kong sabi, pilit ang b

  • Owned by My Cold CEO   Chapter 46

    Isabella’s POVPagkatapos kong mabasa ang text ni Adrian, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinilit kong i-off ang phone, ayokong tanggapin na muling pumasok siya sa mundo ko. Pero kahit nakapatay na iyon, hindi mawala ang bigat sa dibdib ko.Kailangan kong mag-distract. Kaya dumiretso ako sa kusina, kung saan naamoy ko ang niluluto ni Sebastian.Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng stove, naka-roll up ang sleeves habang iniikot ang sauce sa pan. Ang composed niya pa rin kahit naka-apron lang. Parang siya yung tipong hindi mo aakalain na marunong magluto, pero eto siya—at ang ganda niyang tingnan.“Need help?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili.Tumingin siya saglit, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. “You can chop those vegetables,” sagot niya, sabay abot ng cutting board.Kinuha ko iyon at nagsimulang maghiwa. For a moment, tahimik lang kami. Pero ramdam ko yung mga sulyap niya paminsan-minsan, parang may k

  • Owned by My Cold CEO   Chapter 45

    ISABELLA’S POVTahimik ang kotse habang nagmamaneho si Sebastian papuntang grocery.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, sinusubukang huwag masyadong isipin ang nangyari kanina—ang biglaang pagkikita namin ni Adrian sa tulay at yung kaba na tumama sa dibdib ko.Alam kong naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko—hindi na, pero masakit pa rin maalala ang sugat na iniwan niya noon.Bakit ba siya nandito sa Tagaytay? Alam ko na. Mapakla akong ngumiti.Napansin kong tahimik si Sebastian sa tabi ko.“Isa…” mahina niyang tinawag, hawak pa rin ang manibela. Bahagyang lumingon sa akin.“Are you okay? May problema ba?”Napatingin ako sa kanya at pilit ngumiti.“Ah… wala naman. Bakit po?”Hindi siya agad nagsalita, pero ramdam ko, parang sinusuri niya bawat galaw ko. Bahagya lang siyang tumingin sa akin, sa mga kamay ko at pagkatapos sa aking mukha.“Hmm… just checking. You seem a bit… distracted.”

  • Owned by My Cold CEO   Chapter 44

    SIGHTSEEINGISABELLA’S POVHapon na nang lumabas kami ni Sebastian mula sa rest house. Malamig na ang simoy ng hangin, at ang langit ay kulay kahel na, parang pinipinta ng araw habang dahan-dahang lumulubog. Napagdesisyunan kasi niya na lumabas kami.“You need fresh air,” sabi niya, sabay abot ng jacket sa akin. “And maybe some calories after all the sinigang I fed you.”Napatawa ako sa sinabi niya. “Okay po, sir… I mean, Sebastian.” Naagapan ko pa ang hiya sa dulo.Tinignan lang niya ako, at sa gilid ng kanyang labi ay may bahagyang ngiti—bihirang-bihira na talaga sa dating siya.Habang naglalakad kami papunta sa parke, ramdam ko ang lamig na dumadampi sa pisngi ko at ang amoy ng damo’t bulaklak na sumasabay sa hangin.Ang paligid ay puno ng mga magkasintahang nagpi-picture, mga pamilya na namamasyal, at mga batang tumatakbo’t humahabol ng mga lobo.Sa gitna ng lahat ng iyon, naramdaman kong kakaiba ang katahimikan

  • Owned by My Cold CEO   Chapter 43

    ARRIVALISABELLA’S POVPagkarating namin sa rest house sa Tagaytay, halos hindi ko alam kung saan ako titingin. Malawak ang paligid, napapalibutan ng luntiang damo at matatayog na puno, at may malamig na simoy ng hangin na agad nagpa-relax sa akin. May mga bulaklak sa gilid ng pathway at isang modernong bahay na kulay puti, may malalaking bintanang salamin na kumikislap sa liwanag ng araw. Sa di kalayuan, tanaw naman ang mga ulap na dumadampi sa mga bundok at ang Taal Lake na kumikislap sa araw—parang nasa ibang mundo kumpara sa gulo ng siyudad.“Wow…” mahina kong salita habang bumababa ako ng sasakyan. Hindi ko mapigilang ngumiti. “Napaka-ganda naman dito.”Bahagya siyang ngumiti, tipid lang iyon pero sapat para bumilis ang tibok ng puso ko.“Good. At least you’ll have no excuse not to rest.”“Pero… sobra namang effort po nito,” pigil-kilig kong sagot. “Hindi mo na sana kailangan pang—”“I told you,” malamig ngunit maba

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status