Share

Chapter 4

Author: heathergray
last update Last Updated: 2025-12-09 17:04:01

Pareho kaming nakatingala sa malaki at napakataas na building na ito sa harapan namin. Pareho din kaming nakanganga habang manghang mangha sa nakikita. Ngayon lang ako nakakita ng ganito klaseng kalaking building kaya naman hindi ko mapigilang ma-amaze. Hindi lang ako sigurado kay Astrid dahil mayaman naman ang pamilya niya at may ganito rin silang kompanya.

"Ang laki at ang taas pala talaga ng empire na 'to. Sa TV ko lang 'to nakikita, e," ani Astrid at bumaling na sa akin.

"Okay lang ba ang itsura ko? Presentable naman?" Biglang tanong niya kaya nangunot ang noo ko.

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tumango. "Ayos naman. Bakit?"

"Tatiana, alam mo? Para kang taga probinsya na ngayon lang lumuwas pa maynila. Mga malalaking negosyante at minsan pa nga'y may mga artista ang nagagawi sa building na ito. Malay mo may biglang mangyari at makita tayo sa TV. Dapat maganda ako 'no!" Sambit niya at humalakhak pa.

Nang tuluyan kaming makapasok sa lobby ng empire ay mas lalo lang ang napanganga dahil sa sobrang ganda at cozy sa buong lugar. Sobrang laki ng loob at iilang mga emplyedo ang mga dumaraan suot ang kani-kanilang magagarang corporate attire.

"Miss, we're looking for Jameson Luke Montgomery. Nandito ba siya?" Dinig kong tanong ni Astrid sa babaeng nasa front desk.

Nang balingan ko sila ng tingin ay nakita ko ang pagtaas ng kilay ng babaeng ito sa kaibigan ko. Tila nais pa nitong tumawa.

"I don't mean to offend you, Ma'am, but do you have an appointment with Mr. Montgomery?" Tanong pabalik ng babaeng receptionist.

"Wala, e. Kailangan ba ay mayroon? How about the chairman, Mr. Pablo Montgomery? May importante lang na sasabihin itong kaibigan ko sa kaniya," aniya at hinila pa ako.

Saglit na sumulyap sa akin ang babaeng receptionist at umirap pa.

"I'm sorry, Ma'am, but you need to set an appointment first to talk to the chairman. Hindi basta-bastang tao ang ninanais ninyong kausapin. Makakaalis na kayo."

I raised a brow on her.

"Can't you just tell Jameson we're here? Sabihin mo ay nandito ang babaeng binuntis niya. How about that, miss?" Diretsong sambit ko sa kaniya.

Nakita ko ang pagkatigil nito na tila gulat na gulat sa sinabi ko, ngunit agad ding napalitan iyon ng nakakainsultong halakhak.

"I see. You're one of the fans of Mr. Jameson Montgomery. Ma'am, I'm sorry, but I can't tell that to sir James. Marami na hong gumamit ng ganyang rason para magkapera kaya makakaalis na ho kayo."

Nagpanting ang tainga ko dahil sa narinig ko. Ibig kong hablutin ang nakalugay niyang buhok at tusukin ang mga mata niyang patuloy ang pag-ikot sa ere. Ipakain ko kaya sa kaniya ang pregnancy test na ginamit ko nang malaman niya kung ano ang sinasabi niya?

"Miss, if I were you, I'll be careful with what I'm saying, especially since you don't even have an idea who we are. Sa oras na makausap ko ang may-ari ng empire na ito ay ikaw ang unang- unang ipatatanggal ko, Sarah," matapang na sinabi ni Astrid bago pa man ako makapagsalita.

Sinulyapan ko ang name tag na nakakabit sa kaniyang uniform at doon ko nakita ang pangalan niya. Natawa ako nang makita ko ang takot sa mga mata niya.

"Pasensya na po, Ma'am-"

"What's going on here, Sarah?"

Lahat kami ay napalingon sa lalaking nagsalita. Saglit na nangunot ang noo ko at pinakatitigan ang lalaking ito na nakatingin din sa akin sa pag-aakalang siya si Jameson, but no, hindi siya. Awra pa lang ay magkaibang magkaiba na. Plus the outifit. Hindi ganitong outfit ang sinusuot ni Jameson dahil nagbabanda ito. This is probably Jackson Lucas. Or not?

"Sir, hinahanap nila si Mr. Chairman at gusto raw pong makausap-"

"Ikaw na naman?"

Oh, yeah. Ito ang Jackson na nakaharap ko sa restaurant. Hindi iyong Jackson na iniwanan ako ng nakakaadik na halik. Kaunti na lang ay malapit na akong ma-convince na tatlo silang magkakamukha!

"Tara na nga," bulong ko kay Astrid at hinila na siya palabas.

Ngunit bago pa ako makakilos ay ramdam ko agad ang mahigpit na hawak niya sa wrist ko kaya umangat ang tingin ko sa kaniya.

"What are you doing here causing trouble again? Ano pa ba ang kailangan mo?" Mariin niyang tanong sa akin at pilit hinihinaan ang boses upang siguro ay hindi makatawag ng atensyon.

"Hindi ikaw ang ipinunta ko rito kaya bitawan mo ako," ani ko at pilit na tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin ngunit sobrang higpit no'n kaya wala akong nagawa.

"Then what do you want from my father, huh?"

"I'm not here to see your father. I'm here to see your twin brother. Bitawan mo ako!" Halos hiyaw ko sa kaniya at nagpumiglas sa hawak niya, ngunit dahil malaking lalaki siya ay wala ulit akong nagawa kaya halos murahin ko na siya.

"What's going on here?"

Muli ay sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita at doon ko na nakita ang totoong Jameson. Nakita ko ang pagbaling ng tingin nito sa kambal niya at sa kamay nitong nakahawak sa akin.

"Grabe! Pinalilibutan ako ng mga gwapo!" Dinig kong bulong ni Astrid sa gilid ko.

Akala ko ay bibitawan na ako ni Jackson nang bumaba ang kamay niya ngunit hindi nangyari kaya nilingon ko siya. Nakatingin din ito sa kambal niya habang hawak-hawak ang kamay ko. Nang tingnan ko si Jameson ay nakatingin na ito sa akin.

"Tatiana..."

Napanganga ako nang marinig ko iyon. Bigla siyang lumapit sa akin at saglit na sumulyap pa sa tiyan ko.

"I'm sorry," he uttered which surprised me.

Nangunot ang noo ko. "Huh?"

Anong nangyayari? Bakit siya nagsosorry? Bakit tila naaalala na niya ako? Ang weird ng kambal na ito, ah!

"I hope you understand why I said that the other night. I'm sorry. Let's start this in a proper way and in a way you want," pagpapatuloy niya. Nanatili lang akong nakatingala sa kaniya dahil napakatangkad nito.

Ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko dahil sa sobrang gulat sa inaakto niya ngayon.

"Anong sinasabi mo?"

"Live with me. I will take you to the mansion nang sa gano'n ay mas maalagaan ko kayo ng magiging baby natin."

Tuluyan na akong napanganga nang marinig ko iyon. Hindi pa nga ako nakakapag react ay narinig ko na ang ngisi ng Jackson na ito sa gilid ko. Hawak pa rin niya ang kamay ko.

"I see. Now I know you want the big thing instead of starting from the small thing, huh. That's what you are." Dinig kong sambit niya at tuluyan nang binitiwan ang kamay ko. Nang tingnan ko siya ay doon ko nakita kung ano ang tinutukoy niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 139

    Ilang saglit pa ay pagod na bumuntong-hininga si Jax at saglit na yumuko bago tumingin muli sa 'kin. His eyes are now tender, but there's still a hint of anger."Fine. We will. Let's go to the hotel—""What? Are you serious? Nakalimutan mo na ba kung ano nang nangyayari sa labas? Alexander and Leo Lazaro are still eyeing you, your dad, and your mom outside. You know they are just waiting for you to show up, Jax!" Amira hissed and almost grabbed Jax's arms ngunit agad na umiwas siya dahil sa biglaang pagtayo."Are you even listening to me—?!""Yes, Amira! I'm not stupid nor deaf for Christ's sake! But Tatiana's condition is more important right now," balewala niyang sagot kay Amira at tumingin kay Astrid

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 138

    "Sinabi kong huwag ka nang mag-alala 'di ba?! Sumama ka na lang sa 'kin para makita mo na rin sila. Tara na!" Nanunuya niyang sambit."Tatiana, don't you ever dare. Alam ko ang iniisip mo. He was just provoking you para sumama ka sa kanya." Mariing bulong sa 'kin ni Astrid.Sa sobrang nagngingitngit ang galit ko ay hindi ko magawang makapagsalita!"Ang gagong Jackson na 'yon ba ang ipinagmamalaki mo? Huwag kang masyadong bumilib sa putanginang 'yon! Ni hindi nga niya maipagtanggol ang sarili niyang kapatid, ikaw pa kaya?" Hiyaw niya at muling humalakhak.Tuluyan nang nagpanting ang tainga ko't mabilis na inagaw kay Astrid ang baril na hawak niya."Tatiana!" Ast

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 137

    "Hindi mo 'ko naiintindihan. Kailangang kong bumalik sa hotel." Mariin kong sambit at tiningnan siyang muli."I need to go back to the hotel! Kailangan kong . . ." I trailed off and muttered a curse frustratedly."Kailangan kong bumalik sa hotel, Jax, please! I don't know how dangerous it is to go outside, but I don't freaking care! Hayaan mo akong lumabas!" Hiyaw ko sa kanya.Our son and daughter are there, for goodness' sake!"Tatiana—!""Jackson, just go. I will go with her." Astrid cut Jax what's about to say kaya nabaling ang tingin ko sa kanya."What?" Naguguluhan kong usal.

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 136

    Sa isang iglap ay biglang nagbago ang ekspresyon niya. Nagmura siya at saglit na umiwas ng tingin sa 'kin kaya nakumpirma ko na na isa lang ito sa palusot niya para hindi ako makialam sa kung ano man ang gagawin niya.He wants revenge. At ngayong gabi niya iyon gagawin."Maghihiganti ka ba kay Alexander?""What? Of course, not!" He hissed out of frustration."Hindi ka dapat nandito, Tatiana, kaya umalis ka na." Mariin niya pang sinabi kaya hindi ako nagpatinag."I'm not going to leave unless you tell me everything. Nakita ko si Leo Lazaro kasama si Papa. This resort is owned by Alexander at alam ko ring celebration ito ng—omph!"

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 135

    "I'm not sure, but this is bad, Tatiana. May kailangan lang akong puntahan. Babalikan kita rito. Make sure Felicity and Greyson are safe. And please, don't ever ever leave hangga't wala ako." Bilin niya at nagmamadaling umalis na kaya napamura na lang ako.Kasabay ng pagtindi ng kaba ko ay ang pagdating nina Thea kasama ang dalawang anak ko na agad akong niyaya pabalik na sa hotel. Isinantabi ko muna ang mga gumugulo sa isip ko at dinala na sila sa loob.Habang pabalik kaming naglalakad patungo sa hotel, nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na pigura ng lalaki na nasa entrance ng restaurant.Dumagundong ang sistema ko nang makilala ko ito. It was Jax staring at us intently. Nang bumaling ang tingin niya sa dalawang batang nakakapit sa 'kin ay nagmadali na ako sa paglalakad para maipasok sila.Shit! Dapat talaga ay hindi na ako pumunta pa rito. At bakit narito siya? 'Di ba ay nasa kabilang resort siya?!Sumapit na ang gabi ngunit hindi pa rin nakakabalik si Red kaya lalong lumakas

  • Owned by the Billionaire's Dirty Alter Ego (SPG)   Chapter 134

    "I-I'm sorry. I just wanted to know. I'm sorry. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Patawarin mo 'ko, Jax . . .""Jackson?"I gasps softly when I heard that. Agad na nilingon ko iyon at nakita ko si Amira na takang-taka na nakatingin sa 'min."Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala. What's happening here?" Aniya at nilapitan na si Jax bago sumulyap sa 'kin."And why are you crying, Tatiana? Red's also looking for you."Mabilis kong pinalis ang mga luha ko at umiling. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko."W-wala. May sinabi lang ako sa kanya."Hindi niya iyon pinansin at bumaling kay Jax na ngayon ay blangko nang nakatingin sa 'kin. Ramdam ko ang pagkapahiya ko. I bit my lower lip to suppress my emotion and cleared my throat."J-Jax—""Let's go, Mira. I'm tired," aniya bago pa man ako makapagsalita at iginiya na ang babae palayo sa kinaroroonan ko.Muli akong napasinghap. Tuloy-tuloy na bumuhos ang luha ko nang makita ko kung paano pumulupot ang kanay niya sa maliit na baywang ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status