Share

PAG-IBIG MO ANG PIPILIIN KO
PAG-IBIG MO ANG PIPILIIN KO
Author: Bb.Taklesa

CHAPTER 1: THE CHOICE SHE MADE

Hindi naman talaga umuuwi ng maaga si Cindy. Mas gusto niyang gabi ng umuwi kaysa datnan niyang maingay at magulo sa loob ng kanilang bahay.

“Cindy, anong plano mo?” Hinalikan ni William ang balikat ng babae habang nakatakip ng kumot na hanggang kilikili. Humarap ito sa lalaki at ikinawit ang kanyang mga braso sa leeg. Nagdikit ang kanilang mga labi at sinuklian iyon ni Cindy ng ubod ng tamis na ngiti.

“Puwede bang huwag nang umuwi?” Napakagat-labi pa siya at nagpa-cute ng mga mata. 

“Kanina pa tumawag si Tita Cherry. Gusto mo bang si Jackson pa ang tumawag sa akin?”

Walang nagawa ang babae. Lulugu-lugo siyang tumayo hila ang puting kumot papasok ng banyo. Sinundan siya sa loob ng lalaki at mahihinang halinghing ang sumunod. Nakangiti si William ng lumabas ng banyo kasabay ng malakas na lagaslas ng tubig.

Tumunog ang kanyang cellphone.

“I’ll call you back. Cindy is here,” Halos pabulong na sabi ng lalaki. Saktong pagbaba niya ng linya ay lumabas na walang saplot si Cindy. Sanay na siyang kumilos sa bahay ng boyfriend. Walang bakas ng hiya ang makikita sa kanyang mukha.

Nilapitan siya ni William at tinukso sa gawing likuran habang naka-brienf lang siya. Pinatuwad lang niya si Cindy at sabay na napaungol sa sarap ang dalawa.

“Cindy, baka may extra ka pang two thousand? Sa suweldo ko na lang babayaran.” But everything is just a thank you for William. Alam na ni Cindy ang mga kasunod na sasabihin ng kasintahan kapag ganito katindi ang pagromansa sa kanya.

Kung hindi lang niya mahal si William ay iisipin na niyang para siyang ginagatasan siya ng pera sa tuwing magsisiping sila. Pa-simple siyang prostitute na siya pa ang nagbabayad sa sandaling kaligayahan ng lalaki at sa ilang oras niyang pagtulog sa kanyang apartment.

Dinagdagan pa ni Cindy ng extrang five hundred pesos ang iniabot nito sa lalaki. Katumbas na iyon ng thank you. Wala nang bayaran.

“Naku, napakasuwerte ko talaga sa iyo. I can’t wait to make you, my wife,” gasgas na rin ang mga linyang iyon. Simula ng una niyang ibigay ang sarili sa lalaki noong eighteenth birthday niya ay daig pa nila ang tunay na mag-asawa. Madalas na nila itong gawin.

Nag-mature silang pareho sa piling ng isa’t isa dahil siguradong-sigurado na si Cindy sa lalaki. Si William ang nais niyang makasama habambuhay.

Matapos ihatid si Cindy sa kanto ng San Isidro ay lihim siyang nakikipagkita kay Kate Hopkins, bestfriend pa ni Cindy ngunit anak ng may-ari ng kompanyang pinagtatrabahuan niya. Hindi na nakatiis si Kate at siya na ang nagtungo sa bahay ng lalaki.

“Ano bang ginagawa ni Cindy riyan? Nagsasama na ba kayo?” pasinghal na sabi ni Kate. Niyakap na siya ni William at nilambing. Alam niya kung paano papawiin ang init ng ulo niya. Tinungo nila ang second floor.

Pagkaraan ng ilang minuto ay hinay-hinay pa ang lakad ni Cindy. Para bang gusto niyang bumalik kay William.

Nakita pa lang niya ang bakuran nila at ang mga kapitbahay sa labas ng bahay nila ay alam na niya. May nagsisigawan na naman sa kanila. Wala namang pakialam ang kanyang mga kapatid na kauuwi lang galing sa school samantalang kaninang alas tres pa ang uwian.

“Bakit ngayon ka lang?” tanong ni Cindy.

“Eh! Ikaw, Ate? Bakit ngayon ka lang?”

“Tsss, may trabaho ako. Bakit ngayon lang ba ang dismissal ninyo?” mahinang tanong ni Cindy na may kasamang pagkainis sa kapatid.

Papasok na sana ng kuwarto si Cindy. Lumabas ang ina niya. Halatang bagong iyak.

“Kumain ka na ba, Cindy?” Tumango lang ang babae. Sumunod na lumabas si Jackson. Nagbibihis ito ng malinis na damit.

“Uy, Cindy! Baka naman may pera ka diyan?” tanong ng lalaki habang bumuga ng makapal na usok mula sa kanyang sigarilyo.

“Wala pa po akong suweldo.”

“Bakit ba palagi ka na lang walang pera? Kayo pa rin ba noong boyfriend mo?” matipid na tumango ang babae.

“Opo…” sagot niya.

“Maghihiwalay rin kayo kapag pinagsawaan ka na niya. Gamitin mo ang utak mo ha! Huwag iyong puro puso tapos wala kayong pera. Palagi ka na lang kasing walang pera. Wala ka man lang maiabot sa akin.”

“Jackson!” saway ni Cherry ang lalaki. “Ano ka ba?”

“Tama naman ang sinasabi ko. Dapat sa kanya mag-asawa ng matandang mayaman na madaling mamatay. Konting giling lang sa kama ay baka bilyon na ang ibayad sa iyo.”

Tinalikuran na ni Cindy ang lalaki. Medyo bata pa ng konti ang lalaki kumpara sa kanyang ina. First love siya ng kanyang mama.

Ini-lock na ni Cindy ang pinto ng kanyang kuwarto. Matapos niyang umusal ng dasal ay humiga. Dala ng kanyang kapaguran ay napasarap ang kanyang tulog. Bandang madaling -araw ay narinig na naman niya ang paggalaw ng kanyang doorknob. Ilang saglit lang ay muling nanahimik ang buong paligid.

Kahit pagud na pagod ang katawan ni Cindy, hindi payapa ang kanyang tulog.

Ilang araw na niyang natatanggap ang mensaheng iyon.

“See me at Room 101 in Pearl Hotel. I will assure your place in the company whatever happens.”

Kinabahan siya sa mensaheng iyon. Pinakaisip niya kung ano ang dadatnan niya sa loob ng kuwarto roon.

“Puwede naman nating pag-usapan ang mga bagay-bagay.”

Maya-maya lang ay may kumatok, dinig niya ang boses ng kanyang ina.

“Baka may extra ka pang limang libo diyan.”

“Mama…” Hinawi niya ang buhok ng ina. Gigil na gigil na lumabas ng kuwarto.

“HETO ANG PERA! May gana ka bang saktan ang Mama ko. Walanghiya ka!” Inihagis niya ito sa mukha mismo ng lalaki.

“Aba’t…wala kang utang na loob! Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka magiging tao. Pagsabihan mo ‘yang anak mo! Hangga't nasa poder ko siya at magbibigay siya sa akin ng pera!”

Sinabunutan niya ang babae at saka ito itinulak.

“Kailan po ba kayo magigising sa katotohanan?” sampal ang tinamo ni Cindy mula kay Cherry.

“Mama…”

“Anak lang kita kaya huwag mo akong pagsalitaan ng ganyan.”

“Tama bang sinasaktan niya kayo? Matuto siyang rumespeto!”

Tumayo si Cindy dahil siya rin ay kailangan ng respeto sa kanyang sarili.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status