Share

Chapter 4

Author: Cathy
last update Huling Na-update: 2025-12-02 13:57:13

VALERIA POV

“Papa! Alam mo ang dahilan kung bakit lubog tayo ngayun? Kilala mo kung sino ang may kasalanan!” mataas din ang boses na sagot ko dito. Muli akong naluha habang matalim ang mga matang nakatitig ito sa akin

“Ako ang may kasalanan. Alam ko, kasalanan ko ang lahat-lahat! Kung hindi lang siguro ako niluko ng mga kaibigan ko at kung hindi lang siguro ako nalulong sa sugal, hindi naman mangyayari ito eh.” Mahina ang boses na sagot nito sa akin.

Muling tumitig ang malamlam nitong mga mata sa bintana. Sa pagkakataon na ito, kitang kita ko na sa mga mat ani Papa ang matinding lungkot kaya wala sa sariling dahan-dahan akong naglakad palapit dito

“Dumating na sila, Papa! Dumating na ang bagong may-ari ng mansion at Hasyenda Fuentes kaya kailangan na nating lisanin ang lugar na ito.” Seryosong wika ko dito

Sunod-sunod naman ang pag-iling na ginawa nito kasabay ng malakas nitong pag-iyak. Iyak ng isang ama na nagpapatunay na wala na itong laban sa hamon ng buhay

“Hindi! Hindi ako aalis dito. Valeria, dito ako tumanda. Naging tahanan ko ang mansion na ito at gusto kong dito ako mamamatay.” Lumuluha nitong sambit kasabay ng mahigpit na paghawak nito sa braso ko.

Para namang tinarakan ng punyal ang puso ko dahil sa narinig ko mula dito. Hindi ako makapaniwala at the same time, natatakot ako na baka hindi kayanin ni Papa ang pagpapalayas sa amin dito sa mansion.

Tama si Papa, naging tahanan na nito ang mansion sa loob ng ilang dekada at kung pipilitin ni Carlos na paalisin kami dito, baka ito pa ang ikamatay ni Papa.

‘Valeria, gumawa ka ng paraan. Hindi tayo pwedeng umalis dito. Maawa ka! Maawa ka, anak.” Umiiyak nang wika ni Papa. Sa mga sandaling ito, para itong isang batang inagawan ng candy. Hindi naman ako nakaimik.

Naawa ako kay Papa at the same time, nagagalit ako. Hangang ngayun, sariwa pa rin kasi sa isipan ko ang kung ano ang ginawan nito noon kay Carlos.

Kung hindi siguro ito naging malupit, siguro, hindi natapos ang masayang pinagsamahan namin ni Carlos. Siguro, hindi galit sa akin si Carlos at baka nga ikinasal na kami at masaya nang nagsasama.

Pero alam ko, hindi na maibabalik ang mga nangyari na. Hindi na pwedeng lingunin ang nakaraan dahil tapos na iyun. Ang buhay ay walang rewind at kung ano man ang mga consequences sa nagawang kasalanan ni Papa, kailangan naming harapin iyun

“Maawa ka, Valeria! Kung sino man ang nakabili ng hasyenda Fuentes, makiusap ka sa kanila na huwag muna. Siguro naman makikinig siya sa iyo diba? Anak, gamitin mo ang iyung ganda! GAmitin mo ang iyung charm. Kahit anong paraan, gawin mo para hindi tayo mapaalis dito. Ayaw kong umalis dito anak. Ayaw ko!” halos maghistirikal na bigkas ni Papa sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak dahil sa narinig.

“Don Juanico! May iba pa bang alam na paraan para hindi ka mapalayas ng mansion?” nasa ganoon kaming sitwasyon kami ni Papa nang bigla na lang pumasok si Carlos. Kung nagulat ako sa biglang presensya nito, alam kong mas nagulat si Papa dito

“I-ikaw?” mahina pero puno ng takot sa boses na tanong ni Papa kay Carlos nang makita niya ito.

“Yes..it’s me! Sabi ko naman sa iyo magkikita pa tayo eh at sa muling pagkikita natin, kukunin ko na ang lahat sa iyo, Don Juanico.” Nakangising sagot ni Carlos.

"Imposible! Patay ka na! Patay ka na!" halos naghistirikal ang boses na bigkas ni Papa.

Napansin ko din ang biglang panginginig ng katawan nito. Napahawak pa ito sa dibdib na para bang nahihirapang huminga.

“Pa-Papa? Papa!” natataranta kong bigkas. May sakit sa puso si Papa at ilang araw na itong hindi nakakainom ng gamot dahil wala kaming kapera-pera. Ubos talaga ang yaman namin at mas mahirap pa kami sa daga.

“Carlos…Carlos, si Papa! Maawa ka sa kanya! Tulungan mo kami.” Puno ng takot at pakiusap na wika ko dito. Blanko lang ang expression ng mukha ni Carlos na nakatitig sa akin at pagkatapos noon, sininyasan nito ang mga kasamahan nito na nasa may pintuan na pumasok.

“Ilabas mo ang mga basura na iyan. Ngayun din!” utos ni Carlos. Nagmistulang parang hari ang tono ng boses nito at kahit na sino ang makarinig, mangingilabot talaga

‘Carlos? Hindi! Huwag!” nakikiusap kong wika lalo na at napansin kong nahihinrapan ng huminga si Papa. Walang hiya-hiya....nilapitan ko si Carlos at hinawakan ito sa braso.

“ Maawa ka Carlos, alam kong galit ka! Alam ko din ang dahilan kung bakit ka nandito ngayun. Gusto mong maghiganti diba? Gusto mong ipamukha sa amin kung sino at ano ka na ngayun? Fine…okay, sige, panalo ka na. Pero sana, sana magkaroon ka naman ng kahit na kaunting habag sa puso mo. Matanda na si Papa, may sakit at ano mang sandali, maaaring mawala na siya sa akin.” umiiyak kong bigkas.

Napansin ko naman na kaagad na napangisi si Carlos. Matalim ang mga matang tinitigan ako bago muling nagsalita.

“Maawa? Nanghihingi ka ng awa sa akin ngayun? Valeria, sabihin mo sa akin, dapat ko ba kayong kaawaan sa kabila ng ginawa sa akin ng ama mo at sa mga magulang ko? Pinatay ng hayop na iyan ang mga magulang ko pagkatapos makikiusap ka sa akin na kaawaan ko siya? No! NOooo!” galit nitong sigaw.

Lalo naman akong napahagulhol ng iyak. Masakit sa akin ang makitang nahihirapan si Papa pero mas masakit sa puso ang mga katagang binitiwan ni Carlos ngayun sa akin

Tama ito, si Papa ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang ni Carlos. Ikinulong ni Papa ang mga ito sa kamalig at walang awang sinunog.

OO, alam kong hindi iyun gawain ng isang normal na tao pero ano ang pwede kong gawin ngayun? Anak ako at ayaw ko din na makitang mamatay ang ama ko gayung kung totoosin, may iba namang paraan para madugtungan ang buhay nito eh.

‘Carlos….ano ba ang pwede kong gawin para kahit kaunti, lumambot ang puso mo sa amin? Hindi ka naman dating ganiyan ah? Hindi na ikaw ang dating Carlos na nakilala ko.” Umiiyak kong sambit. Malakas na halakhak ang pumuno sa buong silid kasabay ng malakas na paghawak ni Carlos sa magkabilaan kong balikat

“Matagal nang patay ang dating Carlos na kilala mo, Valeria. Pinatay na siya ng sarili mong ama!” nanlilisik ang mga matang sagot nito sa akin. Lalo akong nakaramdam ng takot

“Now, it’s my turn. Ako naman ngayun. Ako naman ang magpapahirap sa inyo at sisiguraduhin kong pagsisisisihan ninyo ang lahat ng pang-aapi na ginawa niyo sa mga magulang ko!” galit nitong wika sa akin. "Gusto ko na pagbayaran niyo ang ginawa niyong pagpatay sa kanila!"

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 110

    CARLOS GUERRERO POV "PA? PAPA? HUWAG MO PO AKONG IIWAN. PAPAAAA!" mabilis akong napabalikwas ng bangon nang mapansin kong para bang binabangungot si Valeria. Patuloy ito sa pagbanggit ng katagang "Papa' kaya kaagad ko itong ginising. Alam ko kasing nananaginip na naman ito. Isang panaginip na alam kong may kaugnayan sa mga nangyari sa nakaraan. "Valeria? Honey, Honey!" bigkas ko dito. Tagaktak ang pawis nito sa noo at napansin ko ang luha mula sa mga mata nito Lalo akong nakaramdam ng matinding kaba. Mukhang napapanaginipan naman ni Valeria ang nakaraan. Mukhang napapanaginipan nito ang ama nito base na din sa paulit-ulit na pagbangit nito ng katagang 'Papa'. "Valeria, gising ka. Gumising ka!" malakas kong wika. Sa pagkakataon na ito, mas nilakasan ko pa ang pagyugyog dito. Nagtagumpay naman ako dahil kaagad itong nagmulat ng mga mata at direktang tumitig sa akin "Ayos ka lang ba? Nananaginip ka yata at---- '"Carlos? Carlos? huuhuu!~" hindi ko na natuloy pa ang sasabi

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 109

    LEONARDO POV "Ano ba ang nangyayari sa iyo? Ano ang ginagawa mo?" seryosong tanong ng pinsan kong si Vida. Nadatnan ako nitong mag-isang umiinom ng alak dito sa paborito kong bar. "Leonardo, balita ko, hindi ka na daw nagpapakita sa hospital ah? Ano ba ang nangyayari sa iyo ha? Ganiyan ka na lang ba palagi? Hindi mo na inaasikaso ang sarili mo ah? Wala ka nang ibang ginawa kundi ang uminom nang uminom ng alak!" seryosong muling tanong ni Vida sa akin. Malungkot naman akong napatitig sa malayo. "LImang taon, limang taon ko siyang inagaan tapos sa isang iglap lang, bigla na lang siyang nakuha ni Carlos sa akin? Vida, sabihin mo sa akin, ano ba ang mali? Bakit hindi niya ako nagawang mahalin sa kabila ng lahat-lahat?" seryosong tanong ko dito. Muli akong nagsalin ng alak sa baso at walang pagdadalawang isip na tinungga iyun. Ilang linggo na akong walang ibang ginawa kundi ang uminom nang uminom ng alak para lang maibsan ang sama ng loob na nararamdaman ko pero ganoon pa rin. P

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 108

    VALERIA FUENTES POV MABILIS na lumipas ang mga araw. Naging mas masaya pa ang naging buhay ko sa piling ni Carlos. Kung pag-aalaga ang pag-uusapan, wala akong masabi lalo na at sobrang maalaga ni Carlos sa akin Ang kambal naman na sila Vianna Claire at Carlito Vance ay mas naging malapit sa akin. Inangkin ko na ngang mga anak ko nga sila eh. Habang nandito kami sa Manila, napapansin ko ang araw-araw na pag-alis ni Carlos ng bahay. Sa tuwing umaalis ito, palagi nitong sinasabi sa akin na sa opisina daw ang punta nito. Hindi ko alam kung saang opisina dahil nahihiya na din naman akong magtanong. Baka kasi kung ano ang isipin nito sa akin eh. Oo, mabait si Carlos sa akin pero iniiwasan ko din magtanong nang magtanong ng mga bagay na alam kong mahihirapan din akong maintindihan lalo na at may amnesia nga ako. Siguro hihintayin ko na lang ang time na muli akong makaalala. Alam kong mangyayari iyun lalo na at kasama ko na ito na walang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa akin kung ga

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 107

    VALERIA FUENTES POV "H-hindi ko maintindihan kung ano ang sinasabi ng Zara na iyun, Calos. Pero sana sa susunod, huwag mo siyang saktan." mahina pero puno ng pakiusap ang boses na sagot ko dito. "I am sorry, Valeria..masyado lang kasi akong nadala sa matindi kong emosyon kanina eh. Sa lahat ng ayaw ko ay may ibang tao na hahamak sa iyo at magsalita sa harapan mo ng hindi maganda." seryoso naman nitong sagot sa akin. "Alam ko naman iyun pero pinsan mo pa rin naman si Vida diba? Tsaka, kung sakaling wala namang katotohanan ang mga sinasabi niya, hindi ka naman dapat magalit ng ganoon eh." sagot ko din dito Pilit naman itong ngumiti sa harapan ko sabay hawak sa kamay ko at pinisil iyun 'I know and I am sorry, Valeria. Promise, last na iyun at sa susunod hindi na ako magagalit sa harapan mo. Promise. " nakangiti nitong wika sabay halik nito sa noo ko kaya naman hindi ko na mapigilan ang mapangiti. "Okay...at pasensya ka na din sa akin. Hindi ko din kasi naintindihan ang sarili

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 106

    VALERIA FUENTES POV Sa mga narinig ko mula sa babaeng nagngangalang Zara, parang napapaso akong biglang napabitaw sa pagkakakapit sa braso ni Carlos Parang isang bomba na sumabog sa pandinig ko ang huling katagang binitiwan nito. Ano daw? Noon, hindi naman talaga ako gusto nitong si Carlos? Totoo ba ito? Pero paanong nangyari iyun? Paanong hindi ako gusto nitong si Carlos eh naghahabol nga sa akin ito ngayun eh. Tsaka, may mga anak daw kami. Hindi naman siguro gagawa ng matinding efforts si Carlos kung nagsisinungaling ito eh. Wala sa sariling napatitig ako sa kambal na sila Carlito Vance at Vianna Claire. Nagtatalo na tuloy ang isipan ko kung dapat ko bang paniwalaan si Carlos or hindi "Kuya, si Perlita ang tunay na nagmamahal sa iyo. Tsaka, ano ba, limang taon na ang nakalipas pero hindi ka pa rin ba tapos sa babaeng iyan?" mapangahas na wika ni Zara at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa matinding pagkagulat nang walang pagdadalawang isip nang bigla na lang l

  • PAINFUL REVENGE: Come to Me, Senyorita   Chapter 105

    VALERIA FUENTES POV "Ahhh, Carlos! Umhhh!" malakas kong usal. Napatunayan ko na mas masarap pa rin pala ang magtalik sa ibabaw ng kama kumpara sa gilid ng falls. Mas kumportable at mas masarap Kasalukuyan akong nakatalikod kay Carlos habang nakataas ang isa kong binti. Patuloy ito sa walang humpay na pag-ulos mula sa likuran ko habang hindi naman ako magkamayaw sa kakaungol Grabe, sobrang sarap ng ginagawa nito sa akin. Ramdam ng pagkababae ko ang bawat paghugod at pagbaon nito sa akin na mas lalong nagbigay sa akin ng kakaibang ligaya at pagnanasa "Masarap ba, Valeria?" narinig kong tanong n Carlos sa akin. Tumango naman ako. "Yes! Yes, Carlos! UIhhh, sige pa, ganiyan nga! ahhh!" malakas kong usal Ilang araw pa lang pero sanay na sanay na ang katawan ko sa mga ginagawa nitong si Carlos sa akin. Siguro nga dahil kagaya nalang ng nasabi nito sa akin, palagi naman namin itong ginagawa noon eh. kaya siguro ganito! Kaya siguro kaunting himas lang din nitong si Carlos, nag-iini

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status