LOGINMabilis na lumipas ang dalawang taon...Umalis sa pagkakasubsob sa manibela ng sasakyan si Alexial at binuksan ang salamin ng bintana. Dumungaw ang pandak, mataba at mabalbas na lalaking nasa labas at sumenyas. Tumango siya. Dinampot ang baril at nilagay sa kanyang likod. Isinuot ang leather jacket.Bumaba siya ng sasakyan at sumunod sa lalaki patungo sa makipot na eskinita. Sa dulo niyon ay may abandonadong warehouse ng dating pagawaan ng papel. Ang natanggap niyang tip, doon nilalagak ng sindikato ang mga kargamento bago ibibinta."Rayven, do you have a shot?" tanong niyang hinawakan ang suot na earphones."I have. Ready to fire at your signal," sagot ng hunter na ka-partner niya sa misyong iyon."Standby." Binunot niya ang baril at tahimik na pumasok sa kinakalawang na pinto ng gate."Baba ang baril!" Isang tinig buhat sa likuran niya. Mula sa aninong kanyang nakita ay nakatutok ang baril nito sa kanyang batok."No. Stay put. I can handle this," he instructed the hunter.Binitawan
September 2007A week before Rebecca Monzanto died. Bumungad kay Alexial sa ibaba ng hagdanan si Yamraiha na nakahilata sa sahig at duguan. Hindi siya nakakilos kahit nang dumating ang ambulansiya na tinawag ng katulong at itinakbo ang kapatid sa pagamutan.The world crushed on him when the doctor said his brother is in the state of coma. Sa sobrang galit ay umuwi siya ng bahay at sinugod si Rebecca."Nagsumbong siya sa police!" bulyaw ng babae."Kaya hinulog mo sa hagdan?" Nagsukatan sila sa loob ng kwarto nito."Anong gusto mong gawin ko? Kung hindi dahil sa iyo matagal ko nang itinapon ang batang iyan. Pasalamat ka na lang at pumayag akong tumira iyan dito.""Tapos na tayo, Rebecca. Wala ka nang aasahan pa mula sa akin." He turned around to leave."You can't leave me, Alexial. You know that I can call my friend doctor and tell him to remove the oxygen from your brother's nose."Once again, he was defeated. Wala siyang nagawa kundi magmukmok sa isang sulok. Mag-isang nagdurusa at is
She is lost. Staring at the ceiling in the middle of the night, thinking nothing. She was awake during the commotion a while ago. Sa pag-uusap pa lang nina Alexial at Yamraiha ay gising na siya at dinig niya ang lahat. Nalilito siya at hindi alam ang gagawin.Malinaw sa kaguluhan kanina na siya ang dahilan. Galit si Yamraiha sa kanya at humantong iyon sa pagdukot kay Sofhie. Ang tanging konsolasyon lamang sa nangyari ay nalulutas agad ng magkakapatid ang ginawa ni Yamraiha at mukhang ligtas na si Sofhie sa panganib.Bukod doon. Nagtagal din sa utak niya ang tungkol sa nakaraan ni Alexial na nabanggit ni Yamraiha bagamat hindi detalyado. Tila, sa nakaraang iyon nag-ugat ang pagkamuhi ni Yamraiha sa mga babae na umabot hanggang sa kasalukuyan.Kanina pa niya tinatanong ang sarili kung kailangan na ba niyang umalis. Kung mananatili siya roon, baka maging mitsa iyon ng tuluyang pagkakasira ng relasyon ng magkapatid. Ayaw niyang humantong sa ganoon. Papasanin niya iyon sa kanyang konsensya
Mula sa malaking salamin sa loob ng banyo, sinilip ni Alexial ang kanyang likod. Humupa na ang pamamaga pero nag-umpisang mangitim ang mga latay at tinahing sugat. Pumipintig pa rin ang kirot at kapag walang benda ay mahapding-mahapdi dahil sa aircon lalo na kapag nawala ang epekto ng iniinom niyang pain killers."Okay ka na?" Sumilip sa pintuan si Lyam. "Lalagyan na natin ng benda."Tumango siya at umalis sa harap ng salamin. Lyam prepared the bandages and started wrapping half of his body with them after checking his wounds."Nasa loob ng kwarto si Yamraiha. Kakausapin ka raw," balita nito.Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon ng bunsong kapatid na magkausap muli para maipaliwanag niya sana rito ang naging desisyon niya. Ngayon wala nang saysay kahit anong sabihin niya rito. Mahihirapan na siyang baguhin kung ano'ng gusto nitong paniwalaan pagkatapos ng nangyari.Nasa couch si Yamraiha at naghihintay nang lumabas sila ni Lyam ng banyo."Give me a ring if you need anything," sabi ng d
Julie went to the window and pulled the curtain aside, tying its tail to the tapestry in the corner. Kakaakyat lamang ng araw sa silangan at ang nagdaang gabi ay nag-iiwan ng mga hamog na kumikinang sa dahon ng mga puno.Ngumiti siya at dumungaw sa ibaba. Wala na siyang hahanapin pa kung ganito kagandang tanawin ang bubulaga sa kanya tuwing umaga. Tila bumagsak ang ulap sa lambak na natatanaw niya. Umuusok habang unti-unting umaakyat pabalik sa kalawakan.Niluwagan niya ang sintas ng suot na robe at nilingon si Alexial na nasa kama. Is he sleeping? Seemed he is. But she got the feeling he is listening with her little movements.She just had her bath earlier. Kailangan niya iyon bago pa dumating ang mga kapatid ni Alexial pagkatapos ng agahan. Kapag sumugod ang mga iyon pakiramdam ni Julie ay nasa gitna siya ng pinakamagulong lansangan ng bansa. Only, stress-free because of their tricky treats.There are sixteen of them that she had met the last couple of days. Tanda niya ang mga mukha
It's cold. So cold. But he felt her gentle fingers raking his hair. Her lips nipping his earlobe and her warm breath in his nape. Binuksan niya ang mga mata."Good morning, sleepyhead!" masiglang bati ng magandang mukhang binangga ng kanyang paningin.His lips curved in a little smile. Must be a dream. Julie can't be here right now. Muli siyang pumikit. Pero kinagat nito ang kanyang tainga kaya napaungol siya at dumilat muli. Hindi panaginip? Nandito ang dalaga? Tinangka niyang kumilos at tumihaya mula sa pagkakataob sa kama pero kinuryente siya ng sobrang sakit na hindi niya matukoy ang pinagmumulan. Ang katawan niya'y parang senemento. Mabigat na mabigat at kumikirot."Mag-iingat ka. Magang-maga pa rin ang katawan mo, baka magdugo ang mga sugat kung pipilitin mong gumalaw," pahayag ni Julie."Julie," sambit niya."Hm? May masakit ba? Saan? Tatawagin ko ba ang doctor?" Itinago ng mapungay nitong mga mata ang pag-aalala."No. Bakit ka nandito? Nasaan ang mga bantay mo?" hindi niya mai







