LOGINCHELSEA PASCUAL
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang, naka-alis na ako sa bahay na iyon. Nahihirapan pa din akong irehistro sa utak kong malaya na ako at nandito na ako sa bahay ni Vander. Mga dalawang araw makalipas pagkatapos mangyari nang eksenang iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula kay mommy. Galit na galit silang dalawa ni daddy ng maikwento ko sa kanila ang tungkol sa pananakit sa ‘kin ni Axel. At sobra silang na-disappoint, dahil hindi daw nila inakalang may gano'n ugali ang lalaki. At nang mabanggit ko ang tungkol sa amin ni Vander ay nagulat din sila, at sinabi nila na bibisitahin daw nila ako dito para makipag-usap kay Vander. Nang una ay nahihiya pa ako, dahil hindi naman ako sanay na lagi kaming magkasama. Mas doble ang laki ng bahay niya, kung ikukumpara sa bahay ni Axel. Mababait din ang mga kasambahay niya, maging ang mga driver at hardinero ay mababait din. Mahigit isang linggo na rin akong nandidito, at patuloy ko pa rin na sinasanay ang sarili kong makihalubilo sa kanila. Kagaya na lamang ngayon. Bitbit ko ang aking tasa na may lamang kape, habang naglalakad patungo sa bakuran kung nasaan ang napaka-laking garden. "Good morning ma'am." Bati sa 'kin ng kasambahay na nakasalubong ko sa sala. Ngumiti lang din ako sa kanila bilang pagbati. "Good morning po ma'am." Bati sa 'kin ni Mang pitong. Ang hardinero, nakangiti akong lumapit sa kanya at agad na dumapo ang tingin ko sa bulaklak na hawak niya. "Para sa inyo po yan," bigla nitong saad at masayang iniabot sa 'kin ang iilang tangkay ng bulaklak. Ilang beses akong nagpasalamat kay mang pitong. Dahil bukod sa nasisiyahan ako sa ginawa nito ay paborito ka rin ang bulaklak na ibinigay niya sa 'kin. "Mukhang paborito niyo po ang white rose ma'am?" Pahabol niya. "Halata po ba?" pabirong banat ko sabay lingon sa kanya. Sabay kaming natawa ni Mang pitong at maya-maya lang ay nag paalam ulit siya na maiiwan muna ako saglit dahil magdidilig pa daw siya ng halaman. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkaburyo dahil mahilig din naman ako sa pag ga-garden. Kaya imbes na umalis ay nanatili lang ako doon at masayang nanonood. Nagsimulang maging malikot ang mga mata ko hanggang sa mapansin ko ang isang maliit na kubo at agad na dumapo roon ang aking mga mata. Sa sobrang kyuryusidad ko ay nag simula akong humakbang papalapit doon. At halaman lang din ang naroon. Nalalagay ito sa malilit na paso at nang mapansin kong hindi pa iyon nadidiligan ay naghanap ang ng pwedeng mapaglagyan ng tubig para madiligan ang mga halaman. "Alam kong hindi na kayo lalaki, pero kailangan niyong pa ding madiligan." Pakikipag-usap ko sa mga halaman. Habang nasa kalagitnaan ako ng ginagawa ko ay nakarinig ako ng boses ng isang babae sa aking likuran. Dahil doon ay nawala ang atensyon ko sa aking ginagawa at nang tingnan ko kung sino iyon ay agad akong nagulat, babae iyon ni Axel. At maya-maya lang ay biglang sumulpot sa kanyang likuran si Axel, dahilan para mabitawan ko ang hawak ko. Dahil sa traumang naidulot niya sa 'kin ay agad akong nakaramdaman ng takot lalo na nang magtama ang paningin naming dalawa. "Oh.. Look who's here?" nakataas kilay na usal sa 'kin ng babae. Hindi ko napansing nasa harapan ko na pala ito ay hinuhusgahan ako sa paraan ng pagtingin niya sa 'kin. "Your low class ex-fiancée is here babe." Anunsyo nito kay Axel. Sa takot ko ay halos mabuwal ako sa aking kinatatayuan at nang makita kong papalapit si Axel sa gawi ko ay mabilis akong humakbang paalis doon. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, gusto kong umiyak na hindi, at hindi ko alam kung saan ako papunta. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang hanapin si Vander. At natagpuan ko nalang ang sarili kong nasa loob ng kusina, at patuloy na nagbabaka-sakaling makita ko si Vander. Nang muli akong lumingon sa aking likuran ay nakita kong nakasunod sa'kin si Axel, dahil doon ay mas lalong dumoble ang takot at pangamba ko. "Manang... Si V-vander po?" mahinang tanong ko nang may nakasalubong akong kasambahay. Nang tingnan niya ako ay bakas sa mukha nito ang pagtataka, siguro dahil napansin niya din ang pagiging aligaga ko. "Nasa labas p-- ay nandyan na pala ma'am oh." biglang saad nito at lumagpas sa aking likuran ang kanyang tingin. Nang sundan ko ang kanyang tingin ay agad akong kumalma nang makita kong papalapit sa akin si Vander. Hindi ko na hinintay na makalapit siya sa 'kin dahil sinalubong ko na siya. "What's wrong?" Agad niyang tanong sa 'kin. Umiling lang ako at maya-maya ay nakita ko ang dalawang taong nasa likuran niya. At kamukhang-kamukha ni Vander ang lalaki na hula ko ay nasa 40's na. "Let me introduce you to my parents." bulong sa 'kin ni Vander, dahilan para mag angat ako nang tingin sa kanya. Nasa aking likuran ang kamay niya habang ginigiya ako papalapit sa mga magulang niya. "Mom, Dad. This is Chelsea, my Wife." Pag papakilala sa 'kin ni Vander. Biglang ngumiti ang ginang at gano'n nalang ang gulat ko nang bigla itong lumapit sa 'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Welcome to the family, Chelsea." magiliw na saad sa 'kin ng Daddy ni Vander. Habang ang mommy niya naman ay hindi pa rin ako pinapakawalan. "Mom, stop it. You're making her nervous." Saway nito sa kanya Ina. At doon nga ay pinakawaln na niya ako, at bigla akong tinitigan. "She's so pretty. Bakit hindi mo sinabi sa amin na nagpakasal ka na pala? Your wife deserves a grand wedding." Sermon ng mommy ni Vander sa kanya. At habang nakikinig ako sa kanilang usapan at nahagip nang paningin ko si Axel. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa amin at ilang saglit lang ay tumalikod na siya at agad na lumabas ng bahay. Ang babae niya naman ay nakasunod lang sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag at bahagya akong napatalon nang maramdaman ko ang paghaplos ni Vander sa aking likuran, dahilan para lumingon ako sa kanya. Nakayuko siya sa 'kin at mukhang kanina niya pa napapansin ang pagiging aligaga ko. "Ito na ang huling beses na makakapasok sila dito sa bahay, I will inform all the securities that they're not allowed to come here. Kaya wag ka nang kabahan pa, hindi na siya makakalapit sayo." He assures me. At sapat na iyon para mapanatag ang loob ko. Dahil alam kong po-protektahan niya talaga ako. And I'm so confident about it."PLAY WITH ME, CHELSEA" VANDER'S POINT OF VIEW The moment my shoes touched the marble floor of the lobby, everything spun. "What the hell…?" Napahawak ako sa sentido.. Para akong nalalasing. E naka-isang baso lang ako ng alak kaya nakakapagtaka. My body felt… wrong. It was too hot. My pulse was racing like I had been running for miles. I tried to steady myself on the nearest pillar. Damn it… what’s happening to me? “Mr. Rutledge?” I froze at the sound of that voice. Alessandra. She came out of the ballroom, hips swaying, with that same flirty gaze, but this time, may napansin akong kakaiba sa kislap sa mata niya at hindi ko iyon nagustuhan. Before I could move, her hand landed on my shoulder. “Are you okay? You look… flushed,” she whispered, stepping closer. The moment her fingers pressed against me, doon ko mas naramdaman ang init sa katawan ko. Para bang biglang nag-aapoy ang dugo ko. And I hated it. I hated that she was touching me. I hated that she thought she
"PLAY WITH ME, CHELSEA" VANDER’S POINT OF VIEW Ang lakas ng tugtog sa loob ng grand ballroom, pero kahit gano’n ay hindi mawala ang pakiramdam ko na may kulang. Ang daming taong nakapalibot ang mga kilalang negosyante, investors, at ilang board members na kailangan kong makipagkamay, pero wala sa kahit isa sa kanila ang atensyon ko. I took a glass of wine from a passing waiter, at agad siyang tinikmam. Hindi rin nagbabago ang ekspresyon ko habang nakatayo sa gitna ng grupo ng mga lalaki na kanina pa nagsasalita tungkol sa stocks, mergers, at kung anu-ano pang walang katapusang usapan tungkol sa negosyo. “Mr. Valderama, I heard your company is planning an expansion....” sabi ng isa habang nakangiti nang pagkalaki-laki. “Hmm,” sagot ko, mahina pero sapat para marinig nila at muli ring naging tahimik. My mind wandered. Paano na ‘yung iniwan kong buntis na asawa na ayaw tumigil sa kakilos sa bahay? Kakain na naman kaya ‘yun ng kung anong gusto niyang siya pa mismo ang gagawa
"PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA’S POINT OF VIEW Nang makapasok na kami sa loob mula sa kwarto ay agad akong umupo sa kama habang si Vander naman ay nagtungo sa walk-in closet. Narinig ko ang pagbukas ng ilaw at ang mahihinang kaluskos ng mga hanger. Maya-maya pa, lumabas siya suot ang itim na suit na parang hinulma talaga sa katawan niya. Napakagat ako ng labi habang pinapanood ko siyang isuot ang coat, pinapantayan ang laylayan, bago humarap sa salamin para ayusin ang kanyang necktie. "Grabe, kahit ilang beses ko pa siyang panoorin, hindi talaga nakakasawa... Ganito pala ang pakiramdam kapag may masarap at ubog ng gwapo kang asawa," sa isipan ko habang nakatitig sa kanya. Habang inaabot niya ang dulo ng necktie, bigla siyang nagsalita nang hindi ako tinitingnan. “Are you sure you don’t want to come with me tonight, Chelsea?” Agad na tumaas ang isang kilay ko. Ilang ulit na niya
"PLAY WITH ME, CHELSEA" CHELSEA'S POINT OF VIEW Nasa loob ako nang kusina at abala sa paggawa ng sandwich. Kumakanta pa at kung minsan ay sumasayaw at hindi mawala ang ngiti sa labi. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging maselan ang pagbubuntis ko sa punto na pati ang mga kinakain ko ay gusto kong ako ang gumawa. May pagkakataon pa na magtatalo kaming dalawa ni Vander, dahil ayaw niyang kumikilos-kilos ako rito sa bahay lalo na sa kusina kasi nga medyo malaki na ang tyan ko. Sobra siyang nag-aalala dahil habang tumatagal at mas lalong tumitigas ang ulo ko, hindi ako nakikinig sa kanya. Pero sa bandang huli ay wala din siyang nagawa, kahit na labag sa loob niya ay pinagbibigyan niya na lang ako ngunit laging naka-alalay sa akin si Manang Susan at korina. "Chelsea... pagkatapos mo riyan ay magtungo kana sa veranda, upang makapag-pahinga ka nang maayos," mahinahong wika ni Manang Susan. Kakapasok lang nito sa loob ng kusina, may mga bitbit pang gulat na tingin ko ay g
"PLAY WITH ME, CHELSEA" VANDER’S POINT OF VIEW The soft hum of the air conditioner was the only sound that filled my office. My eyes were focused on the documents spread out on my desk such as quarterly reports, contracts, and new employee files. Everything looked in order, but my mind wasn’t really on the numbers. I leaned back on my chair, rolling my pen between my fingers, when a knock echoed from the door. “Come in,” I said without looking up. The door opened quietly, and my secretary, Michael, entered holding a black folder and a tablet. “Sir, the weekly operations report and the new hire records you requested.” I nodded, gesturing for him to leave them on the desk. “Sit,” I added, noticing the hesitation in his stance. “Yes, sir.” For the next few minutes, the conversation was purely business. Michael briefed me on ongoing projects, partnership updates, and the upcoming client meeting in Hong Kong. I listened, taking notes, until something.... Someone, caught my attenti
"PLAY WITH ME, CHELSEA"CHELSEA'S POINT OF VIEW "Hey..." Mabilis ang ginawa kong paglingon sa aking likuran nang umalingawngaw ang boses ni Vander. Unang bumungad sa akin ang salubong niyong kilay, kunot ang noo at halatang naiinis. "Korina told me that Tanya, was here earlier... May ginawa na naman na siya?" direktang tanong niya, nakatitig sa mga mata ko na para bang sinisiguro niyang hindi ako magsisinungaling. Natawa ako, humakbang nang isang boses at hinawakan ang kabilang pisnge niya. "As if, naman hahayaan ko siya. You know me better than anyone else, Vander. Kung dati hinahayaan ko siyang okray-okrayin ako.. ngayon hindi na." Sagot ko. He's silent for a moment, didn't spoke even just a single word then, I felt his hands on my waist. He pulled me closer to him and I laugh when he pressed my face against his hard chest as he hugged me tight."Naniniguro lang ako. I know you can handle yourself, but you're pregnant right now. At ibang usapan na iyon, Chelsea. Ayaw kong may







