CHELSEA’S POV“Ma'am. Hindi pa po kayo magdi-dinner?” Agad na tanong ni Korina, pagkapasok niya sa loob nang aking kwarto. Tahimik akong tiningnan siya at pagkalipas nang ilang segundo ay umiling ako. Ilang oras na ang lumipas simula nang makauwi na ako sa bahay, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang nakita ko sa coffee shop kanina. “Pwede naman kasing, sabihin niya na may kikitain siya. Eh hindi naman ako makikialam,” sa isip ko at hindi mapigilang mapanguso. “Ang haba na po ng nguso niyo, ma'am,” saad ni Korina sabay pumwesto sa harapan ko. Bahagya kong iniatras ang mukha ko dahil sobrang lapit niya sa ‘kin. “May iniisip lang,” palusot ko sabay nag-iwas ng tingin. “Sino? Si sir po ba?” pangungulit niya. Nang lumingon ako sa kanya ay kitang-kita ko ang mapang-asar na ngiting nasa mukha niya. At mukhang aliw na aliw siya sa pinang-gagagawa niya ngayon sa akin.“Lumayo ka nga. Ang lapit mo sa mukha mo,” asik ko at bahagyang itinulak ang mukha niya. “Uy… Si
CHELSEA PASCUAL “Wala ho talaga kayong balak magtayo ng sarili niyong Art Gallery, Ma'am?” bulong sa akin ni Korina. Isa-isa niyang tiningnan ang mga natapos kong painting na nasa loob nang kwarto ko. Siya kasi ang naatasang maglinis dito at hinayaan ko lang din siyang tingnan ang mga painting ko. “Kulang pa ang ipon ko, hindi pa iyon kakasya.” Sagot ko sa kanya. Maya-maya pa ay bigla itong lumingon sa ‘kin at bahagyang nakataas ang parehong kilay niya. “Bakit?” nagtatakang tanong ko naman sa kanya. Inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang panga at nakatingin ito sa ceiling. “Pwede niyo naman pong sabihin kay Sir Vander, asawa niyo po siya at sigurado akong tutulungan ka niya.” Suhestyon nito. Umiling-iling ako sa kanya para ipakita ang hindi ko pagsang-ayon. “Hindi na kailangan, kaya kong magpatayo ng Art Gallery gamit ang sarili kong pera.” Saad ko at kinindatan siya. Agad na nalukot ang kanyang mukha at inalis sa akin ang kanyang tingin. “M
PLAY WITH ME, CHELSEA CHELSEA PASCUAL “One month,” mahinang bulong ko habang nakatingin sa calendar nang cellphone ko. Hindi ko na, namalayan na matagal-tagal na rin pala akong nandito. Pakiramdaman ko ay parang kahapon lang nangyari lahat. Sobrang linaw pa ng mga eksenang iyon sa utak ko, at sa t'wing naaalala ko iyon ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti nang husto. I can still remember how he came to rescue me, how he save me from the hands of my b*stard fiancé. Hindi ko alam kung papaano ko ipapakita kay Vander ang pasasalamat ko. Araw-araw akong nagte-thank you sa kanya, pero pakiramdam ko ay hindi pa rin iyon sapat. “Should I kneel in front of him to show my gratitude?” bulong ko sa sarili ko. At gano'n na lang ang pamumula ng pisnge ko dahil sa hindi kaaya-ayang imahe na pumasok sa isip ko.“Engot ka talaga, Chelsea,” sa isip ko. “What are you doing?” Agad akong napalingon sa likuran ko nang marinig ko ang boses ni Vander. Sumalubong sa akin ang nagtatakang
CHELSEA PASCUAL“Is there anything you want me to buy for you?” biglang pagsulpot ni Vander sa likuran ko. Gulat akong lumingon sa kanya at bahagya akong napa-atras dahil ang lapit ko pala sa kanya.“A-ah, wala naman. Okay lang wag ka nang mag-abala pa,” nakangiting sagot ko. Maya-maya lang ay bigla nitong pinagkrus ang kanyang mga braso habang nakatingin sa ‘kin. Agad namang kumunot ang aking noo at binigyan siya nang nagtatanong na tingin.“C’mon, Chelsea. Nasa bahay ko na ikaw nakatira. Kaya kung may gusto ka ay sabihin mo sa ‘kin,” magiliw nitong saad. Hindi ko naman maiwasang makaramdam ng hiya. Tinulungan na nga niya akong makaalis sa bahay na iyon, tapos ngayon ay aabalahin ko pa siya. “Okay lang talaga, Vander.” Sagot ko. Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga. Maya-maya pa ay may bigla nitong inilabas ang kanyang wallet. At gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang iabot niya sa ‘kin ang kanyang credit card. “Hindi ka abala sa ‘kin. Simula nang sumang-a
CHELSEA PASCUAL Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang, naka-alis na ako sa bahay na iyon. Nahihirapan pa din akong irehistro sa utak kong malaya na ako at nandito na ako sa bahay ni Vander. Mga dalawang araw makalipas pagkatapos mangyari nang eksenang iyon ay nakatanggap ako ng tawag mula kay mommy. Galit na galit silang dalawa ni daddy ng maikwento ko sa kanila ang tungkol sa pananakit sa ‘kin ni Axel. At sobra silang na-disappoint, dahil hindi daw nila inakalang may gano'n ugali ang lalaki. At nang mabanggit ko ang tungkol sa amin ni Vander ay nagulat din sila, at sinabi nila na bibisitahin daw nila ako dito para makipag-usap kay Vander.Nang una ay nahihiya pa ako, dahil hindi naman ako sanay na lagi kaming magkasama. Mas doble ang laki ng bahay niya, kung ikukumpara sa bahay ni Axel. Mababait din ang mga kasambahay niya, maging ang mga driver at hardinero ay mababait din. Mahigit isang linggo na rin akong nandidito, at patuloy ko pa rin na sinasanay ang sarili kon
CHELSEA PASCUAL Kasalukuyan akong nasa hapag kainan, habang nasa harapan ko naman si Axel at tahimik na kumakain. Kahit ayaw ko siyang kasabay ay wala akong choice, kasi gutom na gutom na talaga ako. Kaya ang ginawa ko na lang ay binibilisan ko, nang sa gano'n ay makaalis na ako. "Slow down, Chelsea. Gano'n mo ba ka ayaw na makasabay akong kumain?" rinig kong asik niya. Hindi ko siya sinagot at itinuon lang ng husto ang aking atensyon sa pagkain na nasa aking pinggan. Wala akong balak na makipag-usap sa kanya, dahil alam kong magtatalo lang din kami.Hanggang sa matapos na ako ay tahimik akong tumayo at binitbit ang ginamit kong pinggan at hinatid iyon sa kusina. "Naku ma’am, dapat ay iniwan niyo na lang ho ito doon." Saad ni manang Lucy at agad na kinuha mula sa kamay ko ay pinggan. Nakangiti akong sinundan ito papasok sa loob ng kusina. Agad na bumungad sa akin ang iilang kasambahay na tahimik at kumakain sa loob. Maging ang mga personal driver ay naroon din. "Di ‘ba po may sa