Sa isang MAdilim na abandunadong resort, ay narinig ng mga tauhan ni Diablo ang kaniyang pagsisigaw sa kuwartong inukupa niya. Nagkatinginan ang mga ito dahil sa nangyayari sa kanilang amo. Ngunit wala silang lakas ng loob na pasukin ito dahil na rin sa kadahilanang sila naman ang malalagot kapag ginawa nila iyon. "Putcha, anong nangyayari sa loob? Gabi gabi na lang yatang binabangungot si boss," nagtatakang tanong ng isa sa mga tauhan nito. "Hayaan mo na," sagot ng mas matanda nilang kasama. "Alam mo namang walang gustong makialam sa kanya kapag ganiyan na ang nangyayari, 'di ba? Gusto mo bang mawalang ng hininga? Pwess! Kami hindi, may pamilya kami kaya hayaan na lang natin siya sa loob. Magiging din naman iyan Maya Maya lang kaya wala kang dapat ikabahala."Napakamot naman ito saka nagpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng silid nito. "BITAWAN N'YO SIYA!" sigaw ng batang si diablo sa kaniyang panaginip ngunit walang nakikinig. Hawak ng isa sa mga bully ang kanyang kuya sa k
MADALING ARAW pa ang nagising na si Kariel. Ni Hindi nga niya matandaan kung nakatulog ba siya dahil buhat nang pumasok sila ng villa ay iniisip pa rin niya ang bagay o taong nakita niya. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong gumising sa kanya—isang kakaibang pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Tahimik ang paligid, maririnig lang ang marahang paghampas ng alon sa pampang at ang mahinang huni ng mga kuliglig sa labas. Unti-unti siyang bumangon mula sa kama at tumingin sa bintana. Mula roon, tanaw niya ang dagat na bahagyang sinisinagan ng buwan. Payapa at walang anumang bakas ng panganib o kung ano mang maaaring maging dahilan ng kanyang kaba.Ngunit hindi mapakali ang kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang bumaba ng kama, siniguradong hindi magigising si Darielle na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Lumabas siya ng kwarto, at sa di niya maipaliwanag na dahilan, dinala siya ng kanyang mga paa sa veranda. Doon, nagulat siya nang makitang naroon na si Darrius. Naka
MALAMIG ang simoy ng hangin nang lumabas si Kariel mula sa villa kinagabihan. Pupuntahan niya kasi si Darrius dahil nagpaalam ito saglit dahil may tatawagan daw ito. Naglakad-lakad siya hanggang makita niya ang lalaki, nakaupo sa isang wooden bench malapit sa dalampasigan. Nakatingin ito sa malawak na dagat, tila malalim ang iniisip. Sa pagtanaw niya rito, bumalik ang mga alaala—ang mga panahong akala niya'y hindi na sila muling magkakasama nang ganito. Nag-aatubili man, nilapitan niya ito. "Ang lalim na naman yata ng iniisip mo," puna niya, habang dahan-dahang umupo sa tabi nito. Nag-angat ng tingin si Darrius at bahagyang ngumiti. "Wala, iniisip ko lang . . . kung paano natin naabot ang puntong ito." Napayuko si Kariel. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito. Ang lahat ng sakit, ang lahat ng taon na nawala sa kanila. Kahit ilang beses na nilang mapag-usapan ang bagay na 'to magmula nang muli silang magtagpo ngunit tila hindi pa rin iyon nawawala sa isipan nila. "Hindi ko ri
MAAGA pa nang makarating sina Kariel, Darrius, at Darielle kasama na ang kapatid na si Kenneth dahil bakasyon at on leave ito, sa resort na pag-aari ni Kieth. Agad silang sinalubong ng mga staff na may malalapad na ngiti at magalang na pagbati. Napapalibutan ng luntiang mga puno at namumukadkad na mga bulaklak ang paligid, at ang dagat ay kumikislap sa liwanag ng umaga. Ang malamig na simoy ng hangin ay nagdala ng kakaibang saya sa kanilang lahat, lalo na kay Darielle na namamangha sa tanawin. Puti rin ang buhangin at ang linis tingnan na halatang hindi pinapababayaan ng mga naroon. “Wow, Mommy! Ang ganda dito!” bulalas ni Darielle habang hawak-hawak ang kamay ng ina. “Oo nga, anak. Parang paraiso, hindi ba?” sagot ni Kariel habang malambing na tinatapik ang ulo ng anak. “Paraiso nga ito,” sabat ni Darrius na nasa gilid lamang nila. Ngunit hindi tanawin ang tinitingnan nito kundi si Kariel. Nang magtama ang kanilang mga mata, bahagyang umiwas si Kariel, na ramdam ang pag-i
MAAGANG nagising si Kariel kinaumagahan. Agad niyang kinapa ang tabi ngunit wala doon ang anak kaya dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata. Agad siyang bumangon at nagtungo sa banyo upang tingnan kung naroon ang anak. "Darielle, anak?" dahil walang bakas na naroon ang anak, lumabas siya ng kwarto. Pagtapat niya sa veranda, natanaw niya ang anak na masayang naglalaro sa hardin kasama si Darrius. Tahimik niyang pinagmasdan ang dalawa. Para silang matagal nang magkasama. Panay ang hagikgik ng anak habang buhat-buhat ito ng ama. May kung anong kirot siyang naramdaman sa puso niya. Matagal na panahon silang nawalay sa isa’t isa, at ngayon ay unti-unti silang bumabalik sa buhay ng isa’t isa. Naputol ang pagmumuni-muni niya nang mapansin siyang nakatingin si Darrius. Ngumiti ito bago ibinaba si Darielle at tumawag, “Mommy, halika rito! Maglaro tayo kasama si Daddy, mommy!” "Oo nga, pumarini ka na at samahan kami rito!" Napasinghap siya saka napangiti. Hindi niya alam
Matapos ang emosyonal na muling pagtatagpo nina Darrius at Darielle, dinala ng pamilya si Kariel at Darrius sa dining area para sa isang espesyal na hapunan. Halatang pinaghandaan ito ng kanyang mga magulang, na tila isang paraan ng pagsuporta at tahimik na pagtanggap sa nangyari. Sa mahabang mesa, naupo si Darielle sa pagitan nina Kariel at Darrius. Panay ang kwento ng bata habang kumakain, walang tigil sa pagsasalaysay ng mga bagay na gusto niyang gawin kasama ang kanyang ama. Hindi naman iyon nagawang pigilan ni Kariel dahil alam niyang sobra ang pagkasabik ng bata bagay na napangiti na lamang siya habang pinagmamasdan ang mga ito. “Daddy, marunong ka bang magtayo ng kastilyong buhangin?” Puno ng excitement na tanong ng anak na ikinangiti ni Darrius. “Oo naman, baby. Gusto mo bang turuan kita?” Tumango naman si Darielle, bakas ang kasabikan sa kanyang mukha. “Yes! Gusto ko po! Pwede po ba bukas? Isama natin si mommy sa pagpunta sa beach resort na itinayo ni tito Kieth.”