Share

Chapter 108 - her death

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-08-05 21:46:59
Kinapa ni Darvis ang cellphone habang umaakyat pabalik sa master bedroom. Si Frederick ang tumatawag.

"Cancel my meetings, bukas pa ako papasok." Inunahan na niya ang secretary.

"Cancelled na po, Sir. Ibabalita ko lang na tumakas ng hospital si Ms. Pearl at hindi ngayon mahanap ng mga pulis."

"Sabihin mo sa mga pulis i-monitor ang galaw ni Madam Daisy, siguradong kokontak sa kaniya si Pearl." Saglit siyang napatingin sa screen ng cellphone dahil sa isa pang in-coming call.

It's Gregory. Inutusan niya itong pumunta ng studio para alamin kung naroon si Psalm. Wala naman siyang balak na istorbohin ang asawa. Gusto lang niyang matiyak na ligtas ito at maayos.

"Darvis, may nangyari kay Psalm," balita ng lalaking nasa kabila. "Naaksidente ang sasakyan niya. Bumaliktad sa may express bridge habang patungo siya ng Amara's Fashion."

Nahulog sa kamay ni Darvis ang cellphone. Ilang segundo rin siyang itinulos doon sa baitang na kinatatayuan at nawalan muna ng kakayahang kumilos. Inalog ng masa
Redink

Gusto kong magpasalamat ulit sa mga sumuporta at patuloy na sumusubaybay sa kuwentong ito. Dapat nga bang bigyan pa ng second chance si Darvis o mapupunta naman ang baraha sa mga kamay ni Dr. Ymir Venatici?

| 55
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (29)
goodnovel comment avatar
Racquel Peralta
doc ymir nlng dapat
goodnovel comment avatar
Lyn Santik
Para sa akin siguro pede bigyan ng second chance si mr darviss kasi lahat naman walang perpecto and then sya din ama ang pinag buntis ni sam basta tunay nagbago at pag sisi sa nagawa pede. Pero sa side naman ng doctor masabi mo na perfect sya maging husband kaso buhay pa si husband kaya bahala kana
goodnovel comment avatar
Asuncion Romano Victoria Luz
What is done is done! Second chance is uncalled for! Msakit ang lantarang betrayal at ung pgamin n hinihintay ay ndadagan p ng verbal and emotional humiliation n tiniis n Psalm.
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 120 - the next stop of her heart

    Penthouse, Singapore."Madam, aalis na raw tayo!" apura ni Lucille na mas kabado pa kaysa kay Psalm. Umagang-umaga nang bigla na lamang magyaya si Roy na lumagak na sila pabalik ng MV Queen Felizz. Hindi muna nag-usisa si Psalm at inuna ang pagliligpit ng mga gamit nina Chowking at ng baby. "Nasa van na ba lahat? Wala nang nakalimutan?" tanong niyang karga ang anak na natutulog. "Si Chowking?""Naroon na sa van, Madam. Ipinasok ko muna sa carrier niya para hindi tumakbo." Binitbit ni Lucille ang bag niya. Sinuyod muna ni Psalm ng tingin ang buong kuwarto saka naglakad palabas. Bukas pa sana ang schedule nila paalis dahil ngayon pa mai-rerelease ng hospital ang medical records nilang mag-ina."Roy, sino'ng maiiwan dito? May mga gamit pa akong hindi nailigpit," tanong niya sa bodyguard. Nakasalang pa rin ang sketchpad niya roon sa working station. Laptop lang ang siniguro niyang dalhin."Si Jerry, Madam. Nakausap ko na siya." Binuhay ni Roy ang makina ng sasakyan. Dating sundalo at

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 119 - article of separation

    Two months. Ang bilis gumulong ng mga araw. Nasa Singapore pa rin sina Psalm at ang mga kasama niya pero nakalabas na silang mag-ina ng hospital at namalagi sa isang penthouse na pina-arrange niya sa Cardona Financial. Unti-unti na rin niyang nababawi ang kaniyang lakas at nakagagalaw na siya nang hindi inaalala ang tahi ng kaniyang operasyon. Nakangiting sinilip niya sa loob ng crib ang sanggol na katatapos lamang dumede. Naka-loaf mood sa tabi nito si Chowking na parang kuya na nagbabantay. "Chow, ikaw muna ang magbantay kay Baby Felizz natin ha? May gagawin lang si Mommy," aniya sa pusa na naging alerto at gumalaw ang tainga nang haplusin niya ang nakamedyas na paa ng baby.Masigla niyang tinungo ang working station sa right corner ng silid at binuksan ang ilaw doon. She opened the laptop and requested a video call to Mellow. Lalagyan nila ngayon ng final touches ang designs na ipapasa nito for patent sa ilalim ng Amarra's Fashion. Ilang segundo rin bago nag-notify na tinanggap

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 118- marriage no more

    Samaniego Luxury villa is located at the southern peak of the province. Naging tourist attraction ang buong estate dahil sa landscapes at lupaing sagana pa rin sa mga halaman at punong-kahoy. Pumasok ang sasakyan ni Ymir sa driveway matapos bumukas ang gate na electronic operated. Maayos niyang ipinarada ang asul na Bently Continental sa visitor lane sa bakuran. Isa sa mga gwardiya ang mabilis na lumapit pagkababa niya at kinuha ang susi ng sasakyan."Na-inform na si Don Romano na darating kayo, Doc. Naroon siya sa pond sa likod, puntahan n'yo na lang," abiso ng guard."Salamat," aniyang tinungo ang direksiyon ng Koi pond. Natanaw kaagad niya si Don Romano na naghahagis ng fish pellets. Malawak ang lawa at mula sa distansiya niya ay makikita na ang makulay na mga isdang naglilikot sa tubig. Ang iba ay tumatalon pa para makipag-agawan sa pagkain. "They're lovely," usal niyang banayad na humawak sa balikat ng matandang lalaking nakaupo sa foldable chair. "Dumating ka na pala, Ymir."

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 117 - his rumored wedding

    Florencio Mansion.Napailing na lamang si Darvis nang makita sa sala si Senyora Matilda. Madilim ang mukha at hindi na yata humupa ang sama ng loob sa kaniya. Iniwasan niyang kausapin ito nitong mga nagdaang araw dahil lagi naman silang nauuwi lang sa pagtatalo. "What brings you here, Mom?" tanong niya sa ina. "Zeta, dalhan mo 'ko ng kape," utos niya sa katulong na nakaantabay sa kanila.Mabilis itong tumalima at nagtungo sa kitchen. "Bawal na ba akong bumisita rito?" sikmat ng senyora at may disgustong sinulyapan ang wedding picture nila ni Psalm sa dingding. "Ano 'tong usap-usapang narinig ko na buhay ang asawa mo?""Yes, Mom, buhay siya." Naupo siya sa couch at ikinatang ang mga braso sa tuhod. "Ibig sabihin tinakasan ka lang? Pagkatapos ng gulo, siya pa ang may ganang gumagawa ng kalokohan at palabasing namatay siya? That vicious woman. Hindi na umayos ang utak dahil sa selos.""Kung nandito kayo para lang pagsalitaan ng masama ang asawa ko, buti pa umalis na kayo, Mommy. Magta

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 116 - pregnant heiress?

    Felizz Samaniego, the portrayer is in Southern Provincial Hospital. Natanggap ni Ymir ang balita bandang alas-tres ng hapon. Si Don Francisco mismo ang tumawag sa binata. Bored niyang kinausap ang abuelo at saglit na iniwan muna ang mga papeles sa ibabaw ng desk. "I'm listening, Grandpa. Her attending physician can direct the medical records to me for access, titingnan ko kung ano'ng magagawa ko.""Sabi ni Romano biglang hinimatay si Felizz habang pumipili ng gowns para sa engagement ninyo," sabi ni Don Francisco sa kabilang linya ng telepono. "Puntahan mo at nang matiyak nating ligtas siya.""The doctors there will attend to her, Grandpa. No need for me to intervene," tahasan niyang tanggi. "Titingnan ko na lang ang records niya." Bumuntong-hininga siya. Gusto na niyang sabihin na hindi si Felizz ang babaeng iyon. "Ymir, itinakda na namin ni Romano ang kasal ninyo, three months from now. Magpakita ka naman ng interes kay Felizz.""Grandpa, I have someone else in my heart. You remem

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 115 - baby's name

    The Prince Restaurant, Singapore."Nakuha mo ba ang itinerary ni Dr. Venatici?" tanong ni Darvis kay Gregory. Kahit imposible na, sinubukan pa rin niyang ma-track ang cellphone ni Psalm. Bakasakali lang. Pero wala pa ring output sa tracker device niya. "Maliban sa biyahe niya patungong Orchard, wala na akong impormasyong nakuha pa," sagot ni Gregory at tumingin sa gawi ng entrance. "Darvis," kinalabit nito si Darvis at itinuro sa nguso ang dalawang taong pumasok ng restaurant at sinalubong ng waiter. Si Ymir Venatici, may kasamang babae sa palagay niya. Mahaba ang blonde na buhok, matangkad at naka-fashion hat at dark sunglasses. Kahit may distansiya pero umaapoy ang pulang lipstick sa labi ng babae. Inaakbayan ito ni Ymir at hinahalikan sa sentido."Tama 'yong intel mo na girlfriend niyang foreigner ang pinuntahan niya rito?" tanong ni Darvis na halata ang dismaya sa tono. Kung ganoon hindi si Psalm ang pinuntahan ng doctor. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila hanggang airport si Ym

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status