Pasensya na kung mabagal ang update. Sinikap kong makapg-update ng dalawang chapters per day. Working student po ako, hinahati ko lang ang oras ko sa school at trabaho tapos kailangan kong isingit ang pagsusulat. Kung ano lang ang mailapag ko, iyon lang talaga ang nakayanan ko sa isang araw. Hinihingi ko ang inyong pang-unawa. Maraming salamat.
Penthouse, Singapore."Madam, aalis na raw tayo!" apura ni Lucille na mas kabado pa kaysa kay Psalm. Umagang-umaga nang bigla na lamang magyaya si Roy na lumagak na sila pabalik ng MV Queen Felizz. Hindi muna nag-usisa si Psalm at inuna ang pagliligpit ng mga gamit nina Chowking at ng baby. "Nasa van na ba lahat? Wala nang nakalimutan?" tanong niyang karga ang anak na natutulog. "Si Chowking?""Naroon na sa van, Madam. Ipinasok ko muna sa carrier niya para hindi tumakbo." Binitbit ni Lucille ang bag niya. Sinuyod muna ni Psalm ng tingin ang buong kuwarto saka naglakad palabas. Bukas pa sana ang schedule nila paalis dahil ngayon pa mai-rerelease ng hospital ang medical records nilang mag-ina."Roy, sino'ng maiiwan dito? May mga gamit pa akong hindi nailigpit," tanong niya sa bodyguard. Nakasalang pa rin ang sketchpad niya roon sa working station. Laptop lang ang siniguro niyang dalhin."Si Jerry, Madam. Nakausap ko na siya." Binuhay ni Roy ang makina ng sasakyan. Dating sundalo at
Two months. Ang bilis gumulong ng mga araw. Nasa Singapore pa rin sina Psalm at ang mga kasama niya pero nakalabas na silang mag-ina ng hospital at namalagi sa isang penthouse na pina-arrange niya sa Cardona Financial. Unti-unti na rin niyang nababawi ang kaniyang lakas at nakagagalaw na siya nang hindi inaalala ang tahi ng kaniyang operasyon. Nakangiting sinilip niya sa loob ng crib ang sanggol na katatapos lamang dumede. Naka-loaf mood sa tabi nito si Chowking na parang kuya na nagbabantay. "Chow, ikaw muna ang magbantay kay Baby Felizz natin ha? May gagawin lang si Mommy," aniya sa pusa na naging alerto at gumalaw ang tainga nang haplusin niya ang nakamedyas na paa ng baby.Masigla niyang tinungo ang working station sa right corner ng silid at binuksan ang ilaw doon. She opened the laptop and requested a video call to Mellow. Lalagyan nila ngayon ng final touches ang designs na ipapasa nito for patent sa ilalim ng Amarra's Fashion. Ilang segundo rin bago nag-notify na tinanggap
Samaniego Luxury villa is located at the southern peak of the province. Naging tourist attraction ang buong estate dahil sa landscapes at lupaing sagana pa rin sa mga halaman at punong-kahoy. Pumasok ang sasakyan ni Ymir sa driveway matapos bumukas ang gate na electronic operated. Maayos niyang ipinarada ang asul na Bently Continental sa visitor lane sa bakuran. Isa sa mga gwardiya ang mabilis na lumapit pagkababa niya at kinuha ang susi ng sasakyan."Na-inform na si Don Romano na darating kayo, Doc. Naroon siya sa pond sa likod, puntahan n'yo na lang," abiso ng guard."Salamat," aniyang tinungo ang direksiyon ng Koi pond. Natanaw kaagad niya si Don Romano na naghahagis ng fish pellets. Malawak ang lawa at mula sa distansiya niya ay makikita na ang makulay na mga isdang naglilikot sa tubig. Ang iba ay tumatalon pa para makipag-agawan sa pagkain. "They're lovely," usal niyang banayad na humawak sa balikat ng matandang lalaking nakaupo sa foldable chair. "Dumating ka na pala, Ymir."
Florencio Mansion.Napailing na lamang si Darvis nang makita sa sala si Senyora Matilda. Madilim ang mukha at hindi na yata humupa ang sama ng loob sa kaniya. Iniwasan niyang kausapin ito nitong mga nagdaang araw dahil lagi naman silang nauuwi lang sa pagtatalo. "What brings you here, Mom?" tanong niya sa ina. "Zeta, dalhan mo 'ko ng kape," utos niya sa katulong na nakaantabay sa kanila.Mabilis itong tumalima at nagtungo sa kitchen. "Bawal na ba akong bumisita rito?" sikmat ng senyora at may disgustong sinulyapan ang wedding picture nila ni Psalm sa dingding. "Ano 'tong usap-usapang narinig ko na buhay ang asawa mo?""Yes, Mom, buhay siya." Naupo siya sa couch at ikinatang ang mga braso sa tuhod. "Ibig sabihin tinakasan ka lang? Pagkatapos ng gulo, siya pa ang may ganang gumagawa ng kalokohan at palabasing namatay siya? That vicious woman. Hindi na umayos ang utak dahil sa selos.""Kung nandito kayo para lang pagsalitaan ng masama ang asawa ko, buti pa umalis na kayo, Mommy. Magta
Felizz Samaniego, the portrayer is in Southern Provincial Hospital. Natanggap ni Ymir ang balita bandang alas-tres ng hapon. Si Don Francisco mismo ang tumawag sa binata. Bored niyang kinausap ang abuelo at saglit na iniwan muna ang mga papeles sa ibabaw ng desk. "I'm listening, Grandpa. Her attending physician can direct the medical records to me for access, titingnan ko kung ano'ng magagawa ko.""Sabi ni Romano biglang hinimatay si Felizz habang pumipili ng gowns para sa engagement ninyo," sabi ni Don Francisco sa kabilang linya ng telepono. "Puntahan mo at nang matiyak nating ligtas siya.""The doctors there will attend to her, Grandpa. No need for me to intervene," tahasan niyang tanggi. "Titingnan ko na lang ang records niya." Bumuntong-hininga siya. Gusto na niyang sabihin na hindi si Felizz ang babaeng iyon. "Ymir, itinakda na namin ni Romano ang kasal ninyo, three months from now. Magpakita ka naman ng interes kay Felizz.""Grandpa, I have someone else in my heart. You remem
The Prince Restaurant, Singapore."Nakuha mo ba ang itinerary ni Dr. Venatici?" tanong ni Darvis kay Gregory. Kahit imposible na, sinubukan pa rin niyang ma-track ang cellphone ni Psalm. Bakasakali lang. Pero wala pa ring output sa tracker device niya. "Maliban sa biyahe niya patungong Orchard, wala na akong impormasyong nakuha pa," sagot ni Gregory at tumingin sa gawi ng entrance. "Darvis," kinalabit nito si Darvis at itinuro sa nguso ang dalawang taong pumasok ng restaurant at sinalubong ng waiter. Si Ymir Venatici, may kasamang babae sa palagay niya. Mahaba ang blonde na buhok, matangkad at naka-fashion hat at dark sunglasses. Kahit may distansiya pero umaapoy ang pulang lipstick sa labi ng babae. Inaakbayan ito ni Ymir at hinahalikan sa sentido."Tama 'yong intel mo na girlfriend niyang foreigner ang pinuntahan niya rito?" tanong ni Darvis na halata ang dismaya sa tono. Kung ganoon hindi si Psalm ang pinuntahan ng doctor. Gayunpaman ay sinundan pa rin nila hanggang airport si Ym