Pagkalabas ng banyo ay nagtungo sa may dresser si Psalm at naupo sa sofa roon. Nakalatag na sa dresser table ang vanity kit niya. "Hindi ba siya nagising?" tanong niya kay Lucille na nakabantay sa baby."Nagising siya habang naliligo kayo, Madam, pero natulog din ulit. Busog kasi. Nakakatuwa si baby, hindi madamot sa ngiti," naaaliw na komento ng katulong. Natawa si Psalm at nagsimulang mag-ayos. Niyaya siya ng dinner ni Ymir sa cafe ng barko. Naging over-acting tuloy ang pagtahip ng dibdib niya. Bigla siyang na-conscious kung ano ang isusuot. "Tutulungan ko po kayong ayusin ang buhok n'yo, Madam," alok ni Lucille na lumapit sa kaniya. Tumango siya. "Braid na lang siguro or fishtail?" "Pwede rin high ponytail, Madam, maganda kasi ang cheekbone mo, naha-higlight iyon. Naku, kinilig ako sa inyo. Gusto n'yo magpaganda para kay Doc.""Hindi, ah!" Defensive niyang tanggi. "Kapag talaga nag-aayos ang babae, standard meaning talaga na para iyon sa lalaki? Hindi ba pwedeng para lang sa s
MV Queen FelizzReady to sail na ang barko nang dumating sila. Karga ni Ymir ang sanggol habang nakaalalay kay Psalm pasampa sa ramp si Lucille. Buhat naman ni Roy ang carrier ni Chowking at iba nilang mga gamit. Sinalubong sila ng ilan sa mga crew. Maging ang kapitan ng barko ay nagkukumahog na bumaba para personal na samahan si Ymir sa cabin nito. "Pull the anchor, Captain, and let's move out," utos ng lalaki. "Loud and clear, Doc. Everyone, to your post!" sigaw ng kapitan sa mga tripulante.Naging abala ang lahat habang silang mag-ina ay hinatid ni Ymir sa cabin na dati niyang inuokupa roon. Nakapuwesto na ang crib ng baby malapit sa kama pero hindi ibinaba ng lalaki ang sanggol. "Roy, notify the captain, double check the weather condition for the next days. Iiwasan natin kung may parating na masamang panahon," instruct nito sa bodyguard."Sige po, Doc." Lumabas si Roy matapos ayusin ang higaan at duyan ni Chowking sa sulok. Naroon na agad ang pusa at komportableng kumumpol sa c
Penthouse, Singapore."Madam, aalis na raw tayo!" apura ni Lucille na mas kabado pa kaysa kay Psalm. Umagang-umaga nang bigla na lamang magyaya si Roy na lumagak na sila pabalik ng MV Queen Felizz. Hindi muna nag-usisa si Psalm at inuna ang pagliligpit ng mga gamit nina Chowking at ng baby. "Nasa van na ba lahat? Wala nang nakalimutan?" tanong niyang karga ang anak na natutulog. "Si Chowking?""Naroon na sa van, Madam. Ipinasok ko muna sa carrier niya para hindi tumakbo." Binitbit ni Lucille ang bag niya. Sinuyod muna ni Psalm ng tingin ang buong kuwarto saka naglakad palabas. Bukas pa sana ang schedule nila paalis dahil ngayon pa mai-rerelease ng hospital ang medical records nilang mag-ina."Roy, sino'ng maiiwan dito? May mga gamit pa akong hindi nailigpit," tanong niya sa bodyguard. Nakasalang pa rin ang sketchpad niya roon sa working station. Laptop lang ang siniguro niyang dalhin."Si Jerry, Madam. Nakausap ko na siya." Binuhay ni Roy ang makina ng sasakyan. Dating sundalo at
Two months. Ang bilis gumulong ng mga araw. Nasa Singapore pa rin sina Psalm at ang mga kasama niya pero nakalabas na silang mag-ina ng hospital at namalagi sa isang penthouse na pina-arrange niya sa Cardona Financial. Unti-unti na rin niyang nababawi ang kaniyang lakas at nakagagalaw na siya nang hindi inaalala ang tahi ng kaniyang operasyon. Nakangiting sinilip niya sa loob ng crib ang sanggol na katatapos lamang dumede. Naka-loaf mood sa tabi nito si Chowking na parang kuya na nagbabantay. "Chow, ikaw muna ang magbantay kay Baby Felizz natin ha? May gagawin lang si Mommy," aniya sa pusa na naging alerto at gumalaw ang tainga nang haplusin niya ang nakamedyas na paa ng baby.Masigla niyang tinungo ang working station sa right corner ng silid at binuksan ang ilaw doon. She opened the laptop and requested a video call to Mellow. Lalagyan nila ngayon ng final touches ang designs na ipapasa nito for patent sa ilalim ng Amarra's Fashion. Ilang segundo rin bago nag-notify na tinanggap
Samaniego Luxury villa is located at the southern peak of the province. Naging tourist attraction ang buong estate dahil sa landscapes at lupaing sagana pa rin sa mga halaman at punong-kahoy. Pumasok ang sasakyan ni Ymir sa driveway matapos bumukas ang gate na electronic operated. Maayos niyang ipinarada ang asul na Bently Continental sa visitor lane sa bakuran. Isa sa mga gwardiya ang mabilis na lumapit pagkababa niya at kinuha ang susi ng sasakyan."Na-inform na si Don Romano na darating kayo, Doc. Naroon siya sa pond sa likod, puntahan n'yo na lang," abiso ng guard."Salamat," aniyang tinungo ang direksiyon ng Koi pond. Natanaw kaagad niya si Don Romano na naghahagis ng fish pellets. Malawak ang lawa at mula sa distansiya niya ay makikita na ang makulay na mga isdang naglilikot sa tubig. Ang iba ay tumatalon pa para makipag-agawan sa pagkain. "They're lovely," usal niyang banayad na humawak sa balikat ng matandang lalaking nakaupo sa foldable chair. "Dumating ka na pala, Ymir."
Florencio Mansion.Napailing na lamang si Darvis nang makita sa sala si Senyora Matilda. Madilim ang mukha at hindi na yata humupa ang sama ng loob sa kaniya. Iniwasan niyang kausapin ito nitong mga nagdaang araw dahil lagi naman silang nauuwi lang sa pagtatalo. "What brings you here, Mom?" tanong niya sa ina. "Zeta, dalhan mo 'ko ng kape," utos niya sa katulong na nakaantabay sa kanila.Mabilis itong tumalima at nagtungo sa kitchen. "Bawal na ba akong bumisita rito?" sikmat ng senyora at may disgustong sinulyapan ang wedding picture nila ni Psalm sa dingding. "Ano 'tong usap-usapang narinig ko na buhay ang asawa mo?""Yes, Mom, buhay siya." Naupo siya sa couch at ikinatang ang mga braso sa tuhod. "Ibig sabihin tinakasan ka lang? Pagkatapos ng gulo, siya pa ang may ganang gumagawa ng kalokohan at palabasing namatay siya? That vicious woman. Hindi na umayos ang utak dahil sa selos.""Kung nandito kayo para lang pagsalitaan ng masama ang asawa ko, buti pa umalis na kayo, Mommy. Magta