Pumipintig ang kirot sa ulo ni Darvis. Tumindi pa iyon nang datnan niya sa mansion si Senyora Matilda. Tiyak nakarating dito ang balita, malamang nagkalat na ang ibang miyembro ng board at pinagsabi ang pagpunta ni Psalm sa kompanya."Totoo bang nagpunta ng kompanya ang asawa mo at itinalaga mo bilang COO? Ano'ng pumasok sa utak mo, Darvis? Ano'ng alam ng babaeng iyon sa business? Hindi porke't magaling siyang modelo noon ay magiging mahusay na rin siya sa larangan ng kalakal! Nasisiraan ka na talaga ng ulo, imbis na pagtuunan mo iyang posisyon mo, naglagay ka pa ng walang kuwentang empleyado! Humihina na ang kapit mo sa liderato ng kompanya, Darvis. Anumang oras ay pwede kang tanggalin diyan."Bumuntong-hininga siya. "Balak ikansela ng Green Tech ang partnership natin sa kanila pero dahil kay Psalm ni-reconsider nila ang plano at muling bubuksan ang negotiation. Kahit pa sabihin ninyong walang background sa business ang asawa ko pero sa pagkakataong ito'y siya ang nagsalba sa kompany
"Psalm!" Ang pagsambit na iyon ni Darvis sa pangalan ng asawa ay nalunok nito at kulang na lang ay mahulog ito sa high seat na inuupuan. Pumasok ng conference room si Psalm. Hindi tinatanggal ang suot na dark eyeglasses. Kailangan niyang maging civil kaya bawal munang makita ni Darvis ang poot na nabubuhay sa mga mata niya. Lahat ng members ng board ay nagulat din at tumayo sa kaniya-kaniyang silya. "Mrs. Florencio!""My business name is Chantal El Camino, investor of this company. I am looking forward to work with all of you, gentlemen." She addressed the board with clarity and confidence."P-Psalm," gumagaralgal ang boses ni Darvis. Buong pangungulilang hinagod ng maingat na titig si Psalm. Mabagal itong naglakad. Tila ba takot na magkamali kahit sa paghakbang at baka maglahong bigla ang dating asawa.Tumikhim si Ymir at iniharang ang sarili. "Chantal El Camino is your new COO, Psalm Hermosa might be your ex-wife but clearly she annulled your marriage so stop this drama, Darvis. Y
"Finally, I'm back..." sambit ni Pearl at hinubad ang suot na sunglasses. Naglibot sa labas ng airport ang paningin at humantong sa luxury car na naghihintay sa kaniya.In less than three months, muling siyang nagbalik ng bansa, suot ang bagong mukha at ang katauhan ni Felizz Angeliq Samaniego, heiress ng Samaniego Global Enterprise. Tikwas ang kilay at aroganteng hinintay niyang pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ng driver niyang si Martin. Sumakay siya at idiniin sa tainga ang cellphone na kanina pa nag-vibrate."Madam Daisy, nasaan na kayo?"Kasabay niya sa flight ang manghuhula kasama si Sheena. Dala ng mga ito ang anak niya.""Papunta na kami ng bahay-ampunan," sagot ni Madam Daisy."Mabuti naman. Bukas, subukan mo ulit na makipag-negotiate sa BJMP. Sabihin mong handang magbigay ng reward Samaniego Global Enterprise kung papayag sila sa pabor na hinihingi natin," instruct niyang isinandal sa headrest ang ulo. Hindi nila nailabas sa kulungan ang mga magulang niya. Bukod sa mabig
"Sa ngayon ay missing ang asawa ko, buhay siya pero hindi ko siya mahanap. Kaya hinihingi ko ang inyong tulong. Any news of her whereabouts is highly appreciated, everyone. Please, help me find my wife!" Darvis asked humbly.Isa sa mga rason kung bakit siya nagkaroon ng presscon ay para hilingin ang tulong ng media at ng komunidad mismo sa paghahanap sa mag-ina. Hindi niya matitibag ang pwersa ni Ymir Venatici. Kailangan niya ng suporta at ang masa ang tutulong sa kaniya."Nakita namin kung gaano mo kamahal ang asawa mo, Mr. Florencio. Tutulong ang media industry sa iyo sa paghahanap sa kaniya," pahayag ng isa sa mga reporter.Nagpaabot din ng kompirmasyon ang ibang networks and newspapers correspondents. "Maraming salamat sa inyong lahat, tatanawing malaking utang na loob ng Florencio Group ang inyong tulong! Once again, thank you for coming today to hear my side of the story." He dropped the final remarks. Umalis si Darvis ng lounge na puno ng determinasyon. "Now then, Venatici, th
MV QUEEN FELIZZ.Nagyaya pa si Ymir ng red wine kay Psalm pagkatapos ng dinner. Bitbit ang baso ay naglibot sila sa may pool ng barko na kaugnay lamang ng cafe. May mga pool chairs doon at ready to use towels and bathrobes na nakasampay sa mga upuan.Dinungaw ni Psalm ang tubig na kumikinang dahil sa reflection ng spotlights na roon nakatutok. Pagkuwa'y ibinaling niya ang tanaw sa latag ng tubig tila walang hangganan at nilamon ng dilim. Ang tanging tanglaw ay mga bituing maya't maya ay nagtatago sa mga ulap.Dinala ni Psalm ang wine glass sa bibig at nilagok ang natitirang laman. Gusto niyang uminom pa. Matagal ding hindi napatakan ng alak ang panlasa niya, though hindi naman siya lasinggera pero habang nagpapakabait siya bilang maybahay ni Darvis, wine ang isa sa mga pampatanggal niya ng inip tuwing hinihintay ang pag-uwi ng ex-husband mula sa trabaho."Ymir, hindi ako inosenteng babae. Annulled at may anak, kaya hindi ko maiwasang ma-insecure sa atensiyon na binibigay mo. Insecure
Pagkalabas ng banyo ay nagtungo sa may dresser si Psalm at naupo sa sofa roon. Nakalatag na sa dresser table ang vanity kit niya. "Hindi ba siya nagising?" tanong niya kay Lucille na nakabantay sa baby."Nagising siya habang naliligo kayo, Madam, pero natulog din ulit. Busog kasi. Nakakatuwa si baby, hindi madamot sa ngiti," naaaliw na komento ng katulong. Natawa si Psalm at nagsimulang mag-ayos. Niyaya siya ng dinner ni Ymir sa cafe ng barko. Naging over-acting tuloy ang pagtahip ng dibdib niya. Bigla siyang na-conscious kung ano ang isusuot. "Tutulungan ko po kayong ayusin ang buhok n'yo, Madam," alok ni Lucille na lumapit sa kaniya. Tumango siya. "Braid na lang siguro or fishtail?" "Pwede rin high ponytail, Madam, maganda kasi ang cheekbone mo, naha-higlight iyon. Naku, kinilig ako sa inyo. Gusto n'yo magpaganda para kay Doc.""Hindi, ah!" Defensive niyang tanggi. "Kapag talaga nag-aayos ang babae, standard meaning talaga na para iyon sa lalaki? Hindi ba pwedeng para lang sa s