Kumawala sa bibig ni Psalm ang pait ng poot na ilang araw na rin niyang kinokontrol. Ang kagustuhang sabunutan ang kapatid kung sana lang ay matauhan ito kapag ginawa niya iyon. Pero sa tuwing lumalaban siya sa pisikal na paraan, imbis na mahimasmasan si Pearl, lalo itong nagrerebelde. Kaya natuto siyang magtimpi. Natuto siyang rendahan ang galit dahil hindi epektibo kahit dumugo pa ang nguso ng babaeng ito."Sa sobrang kapal ng mukha mo, masakit na sa palad ang sampalin ka," she proceeded pushing Pearl back to the interrogation room. "Huwag mo nang tangkaing tumakas, nasa labas ang black army at kapag sila ang dumampot sa iyo baka hindi ka na sisikatan ng araw." "Nababaliw ka na!" Atungal ng dalaga na lumuwa na ang mga mata sa takot. "Ano'ng katibayan mo! Wala kang ebidensiya! Wala!""Hindi ko kailangan ng ebidensiya, mayroon man ako n'on o wala makukulong ka pa rin. Ikaw ang kauna-unahang kriminal na makukulong dahil pinatay niya ang sarili. Dinaig mo ang nagbigti at nakaligtas, di
Magkahiwalay ng investigation room sina Pearl at Madam Daisy para sa interrogation. Hindi mapirmi ang mga mata ng manghuhula at panay ang ikot sa tatlong pulis na naroon. Ang nakaposas na mga kamay ay nanginginig habang nakapatong sa lamesang bakal. Lalo siyang nabaghan nang pumasok doon si Dr. Ymir Vanatici. Halos panawan siya ng ulirat nang dumako sa kaniya ang malamig nitong tingin na humihiyaw ang panganib ang kadiliman. "You may proceed, Lt. Don't mind me." Tinanguan nito ang arresting officer. Tumikhim si Lt. Carlos. "Madam Daisy, sabi mo wala kang kinalaman sa pagkamatay ni Pearl Hermosa? Pero bago ang araw na nawala siya, ikaw ang kasama niya. Maraming nakakita sa inyong dalawa at may nakapagsabing nag-aaway kayo." "Hihintayin ko muna ang abogado bago ako magsasalita," halos pabulong niyang sabi. Kahit nakayuko siya, damang-dama niya ang bigat ng titig ni Dr. Venatici. Nasasakal siya. Paliit nang paliit ang silid at para siyang nasa loob siya ng kahong nakapatong sa palad
Nangunot ang noo ni Psalm habang nakaantabay sa breaking news sa tv. Ibinalita roon ang tungkol sa bangkay na natagpuan sa isang bakanteng lote sa likod ng abandonadong gusali. Dating pagawaan ng papel ang gusaling iyon at halos isang dekada nang iniwang nakatiwangwang. - Naaagnas ang bangkay pero ayon sa report mula sa mga pagsusuri kabilang na ang resulta ng DNA test, kinilala ang bangkay na si Pearl Hermosa. Base sa initial investigation ng kapolisan, mag-iisang taon nang patay ang dalaga."Your adopted sister is trending again in maintream media and in the internet," komento ni Ymir na nilapag sa mesita ang pahayagan. Nasa headline si Pearl. "Pati ang staged death ko ay ginaya niya para lang pagtakpan ang pagpapanggap niya." Umiling siya at kinuha ang newspaper. Kung ano ang balitang nasa tv ay parehas lang ang narrative na naroon sa pahayagan. Planado. Mukhang may contact hindi lang sa police at media si Pearl, pati ang team ng medico legal para smooth na maipalabas ang balita
"Alright, Dad. Kayo na muna ang bahala kay Mom. I will inform Zeta for her nutritional diet. Gonna forward a request as well to our family nutritionist," pahayag ni Darvis. Kausap niya sa cellphone ang ama at ibinalita nito ang nangyari roon sa mansion."Hindi ka pa makakauwi?" tanong ni Senyor David."I'll be staying here for few more days, Dad. I am taking some work for online transactions, so it will be good.""Nag-alala lang ako sa iyong ina. Mas mabuti kasi kung narito ka.""Dad, bigyan natin ng panahon si Mommy para mapag-isipan ang mga ginawa niya. Hindi na pwedeng lagi natin siyang sasaluhin at pagbigyan kahit malinaw na mali ang ginagawa niya. Ngayong na-issue na ang restraining order, dapat alam na niya ang limitasyon." Dinala niya sa bibig ang sigarilyong nakaipit sa daliri at ibinuga ang usok paitaas. "I'm just worried for her. By the way, na-check mo na ba ang update tungkol sa transition si Dell? Hindi ka ba dadalo?""Hindi na, Daddy. Formality na lang iyon. Dell is tak
Sarcastic na natatawa na lang si Darvis habang umiiling. "Si Felizz Samaniego ay si Pearl Hermosa? Ginagawa kaming tanga ng babaeng iyon," matigas na angil ng lalaki pagkatapos sabihin ni Ymir ang resulta ng imbistigasyon."Ngayon mo lang ba napansin na matagal na niyang binibilog ang ulo ninyo? Dati pa, kung ano'ng sinasabi niya agad kayong naniniwala. Napaka-effective sa inyo ng acting niya kahit halatang nagsisinungaling siya," kastigo ni Psalm sa ex-husband at inirapan ito. Hindi sa bitter pa rin siya pero umiinit ang ulo niya tuwing naaalala ang nga pakulo noon ni Pearl na kinakagat agad ni Darvis. Naturingang matalino ang lalaking ito pero pagdating sa kapatid niya, hindi nagtatrabaho ng maayos ang utak. Idinaan ni Darvis sa magaspang na tikhim ang embarrassment. "What's the plan then?" tanong nito."We launched the profiling of every individual connected to her before sending her to jail. Need to mark those people with potential resources of helping her. Para wala siyang mata
"Mukha lang at pangalan ang nagbago sa iyo, pero ganoon pa rin ang ugali mo. Mas lumala pa nga. At siguro talent mo talaga iyan. Ikaw lang kasi ang may kakayahang gawin iyan," patuloy ni Psalm at dismayadong umiling. "Know what? I expected you to put up a good and decent fight after I came back from exile, Pearl. Ang gusto ko sanang makita ay magkakarera tayo sa tagumpay. Na kompetisyon nating dalawa ay para sa ikauunlad natin pareho. Na kung may nakamit ako, mayroon ka rin pero sa paraang maipagmamalaki mo. Nasaan na ang anak mo? Iniwan mo sa ampunan? Dapat sa kaniya ka nagsimula."Parang timang na humalakhak si Pearl. "Ano'ng pinagsasabi mong babae ka? Nababaliw ka na! Sino si Pearl? Why are connecting me to her? Sira-ulo ka ba?" "Talaga bang ipaglalaban mo pa rin 'yang kabuktutan ng ugali mo?" "I don't know what you're talking about!" singhal ni Pearl at lumayas na roon. Parang magnanakaw ang babaeng kumaripas pababa ng parking area. Kinailangan niyang tumakas agad doon sa hospi