공유

Chapter 29 - temptress

작가: Redink
last update 최신 업데이트: 2025-06-29 13:16:04

"Wife..." naisip ni Darvis na baka ma-frustrate si Psalm dahil sa ginawa niya. Kinabig niya ang asawa at niyakap. "Believe, what I did is for your protection."

Itinulak siya ng babae. "Proteksiyon na pala ang kahulugan ng kawalan mo ng tiwala sa akin? Bakit hindi mo na lang aminin, pinagdududahan mo ako, Darvis. Sumobra ang galing mo, hindi lang sa business, kundi pati sa pag-iisip na niloloko kita. So, ano ngayon ang gagawin mo sa mga litratong iyan?"

"Hon, hindi mo naintindihan-" naudlot ang gusto niyang sabihin.

Sinampal siya ni Psalm. Kung gaano kaliit ang palad nito, ganoon naman kalakas ang pagtama niyon sa kaniyang panga.

"Tanggalin mo ang taong umaaligid sa akin o aalis ako sa pamamahay na ito ngayon din," babala nitong pulang-pula ang mga pisngi at nag-aapoy sa galit ang mga mata.

Nagkuyom ng mga kamao si Darvis at bumuntong-hininga. Kung magmatigas siya, lalo siyang mababaon sa galit ng asawa at baka totohanin nito ang pag-alis.

Hinugot niya ang cellphone at tinawagan si
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (1)
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Kasi nga, hindi ka naman talaga mahal ni Darvis, Pearl. Kahit gago pa yang lalaking yan, malinaw pa sa sabaw ng buko na si Psalm ang mahal nya. Ikaw? pamatid gutom/uhaw ka lang. Yan lang ang role mo.
댓글 모두 보기

최신 챕터

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 60 - bad effect

    "Sumama ka sa akin, mag-usap tayo..." may pagsusumamo sa tono ni Darvis at akmang hahawakan niya si Psalm.Pero itinulak siya ni Ymir Venatici at humarang ito sa pagitan nila ng asawa, pinapakitang pinoprotektahan nito si Psalm mula sa kaniya. Naging baliktad na ngayon, sa halip na siya ang magtatanggol sa asawa niya, biglang siya ang lumalabas na kontrabida rito?"Ano'ng gusto mong patunayan, Dr. Venatici? Problema namin ito ng asawa ko, labas ka na rito!" angil niya."Wala na siya sa poder mo, Darvis, palagay mo'y may karapatan ka pang obligahin siyang kausapin ka nang kayo lang? At ano ba iyang sasabihin mo sa kaniya na hindi ko pwedeng marinig? Aaminin mo na ba ang kagaguhan mo?" Napalunok si Darvis. Mababakas sa himig ng doctor na may alam ito sa private affairs niya. May tendency bang sinabi nito kay Psalm kaya nagdesisyon ang asawa niyang umalis sa bahay nila? Pero kung alam na nga ni Psalm, bakit hindi siya nito kinompronta? Hindi niyang ipilit ang gusto sa ngayon. He decide

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 59 - fight

    "Mabuti at nagdesisyon ka nang umalis ng bahay n'yo. I will send Lui to you in case you need some assistance. Do nor overdo yourself, alalahanin mong buntis ka," pahayag ni Ymir at tinanguan si Amara na pumasok ng opisina niya.Kausap ng doctor sa cellphone si Psalm. Binalita sa kaniya ng babae ang pag-alis nito ng mansion kagabi. Tumutuloy ito ngayon sa Holiday Capital Hotel. May investment doon ang babae sa pagkakaalam niya. "Okay lang ako, Ymir. Maayos na kami ni Chowking dito. Nagka-problema lang ako ng kunti sa papers niya kagabi dahil naiwan ko roon sa mansion. Buti na lang pet lover ang manager. Binigyan ng consideration si Chowking.""How about your personal provisions? I can ask Lui to buy some items for you and your cat." Itinuro ni Ymir sa pinsan ang couch. "Hindi na. Lalabas ako mamaya at isasama ko si Chowking, bibili kami ng ilang gamit.""Aabangan ka lang ni Darvis at baka mapilit ka na naman ng lalaking iyon na umuwi sa bahay ninyo. Si Lui na ang papupuntahin ko at s

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 58 - leaving him

    Gabi nang nakauwi ng mansion si Psalm. Nagtaka siya at abala ang mga katulong sa paghahakot ng kung anu-ano patungo sa rose peony garden. Tumikwas ang kilay niya nang matanaw si Darvis na papalapit. Bihis na bihis. Naka-brush up ang buhok at amoy niya ang spicy na aroma ng panlalaking cologne. Ngayon lang niya hindi na-appreciate ang angas ng asawa sa kabila ng matikas nitong tindig. "Ano'ng mayroon, Darvis?" usisa niya. Bonggang ka-dramahan na naman ba ito dahil may hihingin sa kaniya ang lalaki? Sana mali siya.Ngumiti ang lalaki. "Naghanda ako ng candle dinner para sa iyo, honey. Isipin mo nang house date natin ito. Hindi na tayo nakalalabas kaya bumabawi ako kahit dito lang sa bahay. You will love the food, lahat na niluto namin ay paborito mo.""Kinabahan ako sa iyo, kung ang isang lalaki ay basta na lang babait nang walang dahilan, dalawa lang ang tendency nón, may kasalanan siya na gusto niyang mapatawad o may pabor siyang hihilingin at desperado siyang mapagbigyan. Alin sa da

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 57 - patent

    Hermosa house.Walang tao sa sala nang pumasok si Darvis, bitbit ang shopping bags na naglalaman ng gatas at supplements para kay Pearl. He managed to sneak out and bought some on his way here. Kinukulit siya ng dalaga dahil paubos na huling supply na binili niya."Kuya, may balita na ba tungkol sa kaso ng parents ko?" Dinaluhong siya ni Pearl."Wala pa, hindi ko pa naasikaso. Alam mo namang loaded ako ngayon sa office.""Kailangan nilang makalabas bago pa ako manganak, ang pangit tingnan na ang grandparents ng baby natin ay kapwa priso, di ba?"Masakit ang ulo ni Darvis at madalas pinapalala pa ni Pearl pero hindi rin niya maaring balewalain ang dalaga. "Wala akong magagawa, Pearl. Nagtanong ako sa hepe at sinabi niyang masyadong mabigat ang kaso. Hindi eligible para sa piyansa.""Basta, ipangako mong makalalabas ang mga magulang ko, kung hindi..." naglakad si Pearl patungo sa terrace na nag-uugnay sa second floor. "Pearl, what are you doing?" marahas na angil ni Darvis at hinabol a

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 56 - sketch the future

    "Dinala ko nga pala ang coat mo, nakalimutan kong sabihin kanina. Narito lang sa bag," sabi ni Psalm habang nasa elevator sila pababa. Ibinigay ni Ymir sa kaniya ang coat nito noong ni-rescue siya ng lalaki mula sa kidnappers niya. Nilabhan muna niya iyon at ngayon lang niya naisauli dahil lagi niyang nakakalimutan."I can give you that as a souvenir if you want," biro ng doctor. "Ayaw kong pag-isipan ka ng masama ni Darvis kapag nakita niya iyan sa bahay namin." Ibinigay niya sa lalaki ang coat. "Nakatakda na akong umalis doon, baka isipin niyang ikaw ang dahilan."Matiim siyang tinitigan ng doctor mula sa salamin ng elevator sa harap nila."Tell me, are you really okay? Given the situations of your parents and the affair of your husband to your sister, para kang nasa gitna ng apoy. Masusunog ka kung hindi mo iingatang mabuti ang sarili mo. Dapat mo ring isipin lagi ang baby na nasa tiyan mo.""Okay lang ako, Ymir. Kung hindi ko malalagpasan ito, wala akong karapatang mangarap ng ma

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 55 - design

    Ginising si Psalm ng ingay mula sa labas ng kuwarto niya. Boses ni Lucille at ang pamilyar na malditang timbre ni Pearl ang nagtatalo. Bumalikwas siya ng bangon at nagbihis. Pati si Chowking sa tabi niya ay nag-airplane ang mga tainga. Hindi sanay ang pusa sa maingay. Sensitive ito.Ipinusod niya ng meesy bun ang buhok at lumabas ng kuwarto. Humalukipkip siya at pinanood muna ang kapatid na nakipagtulakan sa dalawang katulong para makalapit sa silid niya. Eskandalosa talaga. Ito ba ang buntis? Walang pag-iingat. "Nagpapahinga pa si Madam, Ms. Hermosa. Hindi mo siya pwedeng gambalain!""Gisingin n'yo siya! Kailangan ko siyang makausap!""Ang aga-aga pa nagkakalat ka na rito?" matapang niyang sita kay Pearl.Tarantang tumingin sa kaniya ang kapatid. Tumigas ang mukha. "Ate, wala kang konsensya! Mga magulang natin sila tapos ipinakulong mo? Walang utang na loob! Hirap na hirap sila roon sa kulungan tapos ikaw narito at masyadong komportable sa buhay mo?""May magulang bang ipapadukot an

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status