"Mabuti at nagdesisyon ka nang umalis ng bahay n'yo. I will send Lui to you in case you need some assistance. Do nor overdo yourself, alalahanin mong buntis ka," pahayag ni Ymir at tinanguan si Amara na pumasok ng opisina niya.Kausap ng doctor sa cellphone si Psalm. Binalita sa kaniya ng babae ang pag-alis nito ng mansion kagabi. Tumutuloy ito ngayon sa Holiday Capital Hotel. May investment doon ang babae sa pagkakaalam niya. "Okay lang ako, Ymir. Maayos na kami ni Chowking dito. Nagka-problema lang ako ng kunti sa papers niya kagabi dahil naiwan ko roon sa mansion. Buti na lang pet lover ang manager. Binigyan ng consideration si Chowking.""How about your personal provisions? I can ask Lui to buy some items for you and your cat." Itinuro ni Ymir sa pinsan ang couch. "Hindi na. Lalabas ako mamaya at isasama ko si Chowking, bibili kami ng ilang gamit.""Aabangan ka lang ni Darvis at baka mapilit ka na naman ng lalaking iyon na umuwi sa bahay ninyo. Si Lui na ang papupuntahin ko at s
Gabi nang nakauwi ng mansion si Psalm. Nagtaka siya at abala ang mga katulong sa paghahakot ng kung anu-ano patungo sa rose peony garden. Tumikwas ang kilay niya nang matanaw si Darvis na papalapit. Bihis na bihis. Naka-brush up ang buhok at amoy niya ang spicy na aroma ng panlalaking cologne. Ngayon lang niya hindi na-appreciate ang angas ng asawa sa kabila ng matikas nitong tindig. "Ano'ng mayroon, Darvis?" usisa niya. Bonggang ka-dramahan na naman ba ito dahil may hihingin sa kaniya ang lalaki? Sana mali siya.Ngumiti ang lalaki. "Naghanda ako ng candle dinner para sa iyo, honey. Isipin mo nang house date natin ito. Hindi na tayo nakalalabas kaya bumabawi ako kahit dito lang sa bahay. You will love the food, lahat na niluto namin ay paborito mo.""Kinabahan ako sa iyo, kung ang isang lalaki ay basta na lang babait nang walang dahilan, dalawa lang ang tendency nón, may kasalanan siya na gusto niyang mapatawad o may pabor siyang hihilingin at desperado siyang mapagbigyan. Alin sa da
Hermosa house.Walang tao sa sala nang pumasok si Darvis, bitbit ang shopping bags na naglalaman ng gatas at supplements para kay Pearl. He managed to sneak out and bought some on his way here. Kinukulit siya ng dalaga dahil paubos na huling supply na binili niya."Kuya, may balita na ba tungkol sa kaso ng parents ko?" Dinaluhong siya ni Pearl."Wala pa, hindi ko pa naasikaso. Alam mo namang loaded ako ngayon sa office.""Kailangan nilang makalabas bago pa ako manganak, ang pangit tingnan na ang grandparents ng baby natin ay kapwa priso, di ba?"Masakit ang ulo ni Darvis at madalas pinapalala pa ni Pearl pero hindi rin niya maaring balewalain ang dalaga. "Wala akong magagawa, Pearl. Nagtanong ako sa hepe at sinabi niyang masyadong mabigat ang kaso. Hindi eligible para sa piyansa.""Basta, ipangako mong makalalabas ang mga magulang ko, kung hindi..." naglakad si Pearl patungo sa terrace na nag-uugnay sa second floor. "Pearl, what are you doing?" marahas na angil ni Darvis at hinabol a
"Dinala ko nga pala ang coat mo, nakalimutan kong sabihin kanina. Narito lang sa bag," sabi ni Psalm habang nasa elevator sila pababa. Ibinigay ni Ymir sa kaniya ang coat nito noong ni-rescue siya ng lalaki mula sa kidnappers niya. Nilabhan muna niya iyon at ngayon lang niya naisauli dahil lagi niyang nakakalimutan."I can give you that as a souvenir if you want," biro ng doctor. "Ayaw kong pag-isipan ka ng masama ni Darvis kapag nakita niya iyan sa bahay namin." Ibinigay niya sa lalaki ang coat. "Nakatakda na akong umalis doon, baka isipin niyang ikaw ang dahilan."Matiim siyang tinitigan ng doctor mula sa salamin ng elevator sa harap nila."Tell me, are you really okay? Given the situations of your parents and the affair of your husband to your sister, para kang nasa gitna ng apoy. Masusunog ka kung hindi mo iingatang mabuti ang sarili mo. Dapat mo ring isipin lagi ang baby na nasa tiyan mo.""Okay lang ako, Ymir. Kung hindi ko malalagpasan ito, wala akong karapatang mangarap ng ma
Ginising si Psalm ng ingay mula sa labas ng kuwarto niya. Boses ni Lucille at ang pamilyar na malditang timbre ni Pearl ang nagtatalo. Bumalikwas siya ng bangon at nagbihis. Pati si Chowking sa tabi niya ay nag-airplane ang mga tainga. Hindi sanay ang pusa sa maingay. Sensitive ito.Ipinusod niya ng meesy bun ang buhok at lumabas ng kuwarto. Humalukipkip siya at pinanood muna ang kapatid na nakipagtulakan sa dalawang katulong para makalapit sa silid niya. Eskandalosa talaga. Ito ba ang buntis? Walang pag-iingat. "Nagpapahinga pa si Madam, Ms. Hermosa. Hindi mo siya pwedeng gambalain!""Gisingin n'yo siya! Kailangan ko siyang makausap!""Ang aga-aga pa nagkakalat ka na rito?" matapang niyang sita kay Pearl.Tarantang tumingin sa kaniya ang kapatid. Tumigas ang mukha. "Ate, wala kang konsensya! Mga magulang natin sila tapos ipinakulong mo? Walang utang na loob! Hirap na hirap sila roon sa kulungan tapos ikaw narito at masyadong komportable sa buhay mo?""May magulang bang ipapadukot an
"Ano'ng sabi mo?" Halos bayolente ang naging reaction ni Pearl pagkatapos marinig ang sinabi ni Madam Daisy sa kabilang linya. "Nakita ko sila roon sa detention. Inaresto sila ng mga pulis dahil pinadukot nila si Psalm pero nahuli ýong kidnappers at itinuro ang parents mo na nag-utos daw." "Bruha talaga ang babaeng iyon! Mga magulang namin pinakulong niya? Walang utang na loob!""Ano'ng gagawin mo? Naaawa ako sa parents mo.""Magse-send ako ng pera sa bangko mo, Madam Daisy, ikaw na ang bahalang magpiyansa sa kanila.""Sige, kakausapin ko na rin ang abogadong tumulong sa akin."Tinapos ni Pearl ang tawag at gigil na timingin sa kawalan. "Mga walang silbi! Ang tatanda naý parang walang natutunan sa mundo. Gagawa ng plano palpak naman. Buti na lang di ako nagmana sa inyo, bagsak ang IQ." Nagmumurang kastigo niya sa mga magulang.Pinukol niya ng tanaw si Darvis na nasa terrace ng cottage at nakahiga sa folding bed habang nagpapaaraw. By lunch, muling tumawag sa kaniya si Madam Daisy a