Hindi natulog si Psalm kahit pagod na pagod siya at halos nauubos na ang lakas. Namalukot siya sa couch at niyakap ang mga tuhod. Umaga na base sa liwanag na tumatagos sa bintana. Maya-maya pa ay narinig niya ang maingay na mga yapak ng sapatos mula sa labas ng pintuan. Dalawang lalaki ang pumasok doon sa kuwarto. Parehas na pandak pero malaki ang katawan. May suot na 3D mask ang mga ito. Agad siyang sinunggaban sa magkabilang braso at iginapos ng lubid ang mga pulso niya. Kinaladkad siya palabas. Nakasalubong nila sa pasilyo ang kalbong sa palagay niya ay siyang nagmamando sa dalawa."Dumating na ba ang buyer?" tanong nito."Nasa piyer na raw," sagot ng lalaking nasa gawing kanan ni Psalm. Naamoy niya sa hininga nito ang usok ng sigarilyo at aroma ng alak na mumurahin. Naglibot ang paningin niya. Kung hindi siya nagkakamali, motel itong pinagdalhan sa kaniya. Pero hindi pa rin niya matukoy ang lokasyon. Kagabi may kausap ang kalbong lalaki at nai-record niya iyon sa cellphone pero
Sa lahat naman ng pwedeng makita ni Psalm sa police station ay si Madam Daisy pa. Pumunta siya roon para pirmahan ang affidavit na tuluyang magki-clear ng pangalan niya mula sa nakaraang paratang sa kaniya. Ang manghuhula naman ay naroon para mag-report bilang bahagi ng weekly routine nito matapos makapagpiyansa mula sa charges na isinampa niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit naniniwala pa sa iyo ang mga pulis, simula pagkabata ninyo ni Pearl lagi mo na siyang binu-bully," pasaring ni Madam Daisy na inabangan siya sa labas ng gate ng police station."Sino'ng may sabi, si Pearl din? Kung hindi mo naman nakita paano ko raw siya binully, wala kang karapatang magbigay ng opinyon mo," supalpal niya sa babae. "Gusto mo bang dagdagan ang kaso at ang moral damages na kailangan mong bayaran? Sino nga pala ang nagpiyansa sa iyo? Ang asawa ko?"Nagtagis ng mga ngipin si Madam Daisy. "Oo nga pala, ang ganda ng isla na pinuntahan nina Darvis at Pearl. Buti pa sila nakapagbakasyon, ano? Akala k
Matapos i-blowdry ang buhok ay lumabas ng banyo si Psalm. Tulog na kama niya si Chowking. Napagod siguro sa kalalaro nila. Hinubad niya ang suot na caftan at naiwan sa katawan ang manipis na negligee. Pahiga na siya nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at pumasok si Darvis. Nakalimutan pala niyang i-lock iyon. Isinuot niyang muli ang caftan at nilaso nang mabuti."Gabi na, Darvis. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa asawa.Lumapit ang lalaki. "Hon, may business trip ako bukas. Baka abutin ng ten days bago ako makauwi. Call me if you need anything, okay?"Business trip? Kasasabi lang ni Fred sa kaniya na nagbabalak daw magbakasyon ang asawa niya kasama si Pearl. Hindi pa ginawang isang buwan ng mga tampalasan."Ten days? Di ba masyado namang maikli? Baka mabibitin ka niyan, gawin mo nang one-month iyan o kaya ay isang taon."'Pwede ring huwag ka nang umuwi, huwag na kayong magpakita pa ni Pearl sa akin.'Gusto niyang idagdag.Business trip, fake. Vacation with mistress, real! H
Hinilot ni Ymir ang bridge ng ilong at bumangon mula sa couch na kinahihigaan. Two hours of sleep just not enough. Ilang gabi na ring hindi maayos ang tulog niya dahil sa pag-aasikaso ng mga proposal para sa iba't ibang partner agencies. Inabot ng doctor ang water jug sa side table at binuksan. Inubos ang natitirang laman niyon. Yumukyok siya sa pagkakaupo at hinilot naman ang batok. Sinulyapan ang cellphone. Natutukso siyang tawagan si Psalm. Marinig lang niya ang boses ng babae ay magiging okay na siya. Tumunog ang notification bell ng monitor sa itaas ng pintuan ng main office niya sa hospital. Nasa labas ang assistant niya niyang Lui. Umahon sa couch si Ymir at hinablot ang white coat. Isinuot. He released the electronic lock from the remote control. Bumukas ang pinto at pumasok ang assistant niya. "Anything good to report, Lui?" tanong niyang tinungo ang desk at may dinampot na dokumento. "May pagkilos na po sa loob ng Florencio Group," balita ni Lui at ibinigay sa kaniy
"Kuya, kanina pa kita hinihintay. Samahan mo na naman akong mag-shopping. Bibili ako ng maternity items," panunuyo ni Pearl. "Pag lumaki na itong tiyan ko mahihirapan na akong isuot ang mga damit na nasa bahay. I need to prepare."Umiikot pa rin ang galit sa utak ni Darvis at hindi man lang nabawasan. Sirang-sira ang mood niya. "Ikaw na lang muna ang mag-shopping. Next time na ako sasama," kaswal na sagot ng lalaki. Secretly, he hoped na si Psalm na lang sana ang nandito. His wife can talk sensible things with him. Tuwing nasa ganitong stressful situation siya, alam ng asawa niya kung paano siya pakakalmahin."Baka kung mapaano kami ni baby kung wala ka roon." Naupo sa armrest ng silya ang dalaga at tinukso ng kuko ang tainga niya. "Hindi naman tayo magtatagal. Sige na, please." "Pearl, may importante akong gagawin dito." Maingat niya itong itinulak paalis sa armrest ng upuan. "Ikaw talaga, daig mo pa ang naglilihi, kuya. Alam mo ba na kailangan kong mag-adjust para sa baby natin? S
Inayos ni Darvis ang suot na business suit habang naglalakad patungo sa conference room ng Mandani Corp. Narito siya para maisara na ang deal na kalahating taon din niyang pinaghahandaan. Formality na lang ang signing of contract dahil ilang business meetings na rin ang naganap sa pagitan ng dalawang kompanya. "Is everything ready, Fred?" tanong niya sa secretary na kaagapay niya sa corridor."Yes, Sir."This is his new breakthrough for Florencio Group. Ilang taon na rin niyang ni-reconsider na pasukin ang development ng hospitals at medical facilities. Nagkataong nakilala niya si Atty. Samonte, ang company focal ng Mandani Corp. Coordinated sa abogado lahat ng transaction trail nila ukol sa proyektong papasukin ng dalawang kompanya. Naka-focus ang Mandani Corp sa hospital at medical projects kaya nag-click agad ang ideya niya sa board. Ang Florencio Group ang in-charge sa development at constructions, research and studies, at iba pang components relating to physical and analytical p