Binitbit ni Darvis ang briefcase at naglakad palabas ng mansion. Katatawid lamang niya ng pintuan nang tumunog ang kaniyang cellphone. Si Senyora Matilda ang tumatawag. "Yes, Mom? I'm on my way to the office.""I'll forward some photos to your inbox, tingnan mo. Mukhang gumagawa ng milagro iyang asawa mo."Nahinto siya sa paghakbang at kaagad ibinaba ang cellphone. Sunud-sunod na pumasok sa inbox niya ang photos na ipinasa ng kaniyang ina. Sina Psalm at Ymir Venatici. Kita mula sa anggulo kung paano magtitigan ang dalawa at ang emosyon sa mga mata ng doctor na tila tinugon naman ng asawa niya ng matamis na ngiti. Aburidong pumasok siyang muli sa loob ng bahay at umakyat sa guest room. "Open the door!" apura niya kay Psalm at kulang ay tadyakan na ang pinto.Binuksan iyon ng babae at nakasimangot na hinarap siya. "What's wrong with you, Darvis?" sikmat nito.Napunta ang matalim na titig ni Darvis sa cellphone na bitbit ng asawa. May kausap ba ito? Si Ymir Venatici na naman?"Sino'n
'Thank you, my husband for spending so much on me today. I feel very special.'Post ni Psalm na sinakop ang newsfeed. Naka-public iyon kaya nakikita ni Pearl kahit hindi sila friends. Bukod sa shares na pati circle of friends niya online ay nakiki-share at nag-heart react pa sa bawat photo ng jewelry sets, bags at shoes. Naninikip ang dibdib ni Pearl sa hindi birong galit. She wanted those things. Kaya siya nagpunta roon sa jewelry shop para bilhin sana ang kwintas na nakita niya noong huling pagbisita niya. Pero inubos ng kapatid niya. Pati ang type niyang LV bag at Gucci shoes ay napunta kay Psalm. So many that it surely costs millions.May comment na nag-appear sa ibaba ng post:Darvis F...Loving my wife will make me rich.Seconds pa lang at umani na rin iyon ng heart reactions mula sa netizens. Kasama na ang papuri sa mag-asawa. Going strong. Best of luck. More blessings. Congratulations for a happy family.Hindi na ma-contain ng puso ni Pearl ang dagok at paghihinagpis. Hindi s
Pinagbabato ni Pearl ang mga unan sa nakapinid na pintuan. "Impakta! Talagang sinasagad mo ang pasensya ko!" sigaw niyang mahigpit na kinuyom ang mga kamao. Bumaba siya ng kama. Hindi alintana ang nakausling tiyan at dibdib na nakabandera. Tangin panty na lang ang suot niya. Hahabulin niya si Darvis. Hindi niya ito papaalisin. Pero bago pa siya nakalabas ng pintuan ay nag-ring ang kaniyang cellphone. Binalikan niya iyon at lalong umusok ang bumbunan sa galit nang makitang si Psalm ang tumawag. Pagkalapat ng cellphone sa tainga niya ay nanuot ang tawa ng Kapatid niya mula sa kabilang linya."Ano? Iniwan ka ng asawa ko? Kawawa ka naman. Ay sorry, nasa gitna ba kayo ng romansa? Akala mo siguro ikaw lang ang marunong, no? For your information, kaya kitang higitan. Ang hindi ko lang pag-aaralan ay ang talent mong mang-agaw. Pero iyang mga arte mo at pakulo, I can do it aesthetically, more than you could ever imagine. Paano ka na lang? Mukhang walang kupas ang pagkabaliw ni Darvis, hindi
Nilagok ni Darvis ang huling shot ng wine na natira sa kaniyang baso. Hindi niya maalis ang titig kay Psalm habang kausap nito si Ymir. Wala namang ginagawa ang asawa, pero bugbog-sarado na ang puso niya sa selos. The night is getting deeper, at habang umuusad ang oras ay lalong gumaganda sa paningin niya si Psalm. Dala na rin siguro sa alak na nainom niya pero ang pakiramdam na ayaw niyang may ibang lalaki itong titingnan ay unti-unting sinisisira ang kaniyang ulo. Now, she is smiling. May sinabi sigurong nakakatuwa si Ymir Venatici. Hindi nakatiis si Darvis. Umalis siya sa pagkakasandal sa wall at nilapitan ang dalawa. Although, nasa circle of guests ang mga ito pero para bang may sariling mundo kung mag-usap. Nababasa rin niya sa mga mata ni Psalm ang pagkamangha habang nakikinig sa sinasabi ng doctor. Naging aburido na pati ang tibok ng puso niya. Hindi niya kailangan ng katibayan pagkat damang-dama niyang kursunada ni Ymir ang kaniyang asawa. "Hon," sambit niyang hinalikan ito
Center of attention si Psalm pagpasok pa lamang nila ni Darvis sa main hall ng intercontinental lounge. Marami agad ang nakapansin sa gown na suot niya. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil kabilang sa design series na nilikha niya para sa presidential daughter ang damit na suot niya ngayon. "I can't wait to have one, once it's out in the market," sabi ni Madam Lucresia, isang tv host."Thank so much, Madam." Nakipagbeso si Psalm sa babae at hinarap na rin ang iba na bumabati sa kanilang mag-asawa."I'll take you to our assigned table at babalikan ko sa labas si Pearl. Hihintayin ko siya," sabi ni Darvis matapos silang mag-pose sa photo wall at kinunan ng larawan mula sa iba't ibang anggulo."Hindi ka aalis, kadaring lang natin gusto mo agad ma-tsismis tayo?""Pero, hon-""Kung masyado kang nag-aalala kay Pearl, dapat siya na lang pala ang isinama mo rito at hindi ako."Bagsak ang mga balikat, hindi na sumubok pang humirit si Darvis. Hinatid sila ng footman sa nakareserbang table par
Nakunan ni Pearl ng picture ang gown na isusuot ni Psalm sa event. Kailangan niyang makahanap ng dress na kagaya n'on sa Amara's Fashion. Kapag galing sa AF ang gown, hindi siya pagdududahan ng mga tao. Sa halip ay iisipin ng mga bisita sa event na ginaya ng kapatid ang gown niya.Bukas na ang show room ng Amara's Fashion kahit napaaga ang dating niya. Ngumiti siya nang makita ang puntiryang gown na suot ng manniquin. Nasa entrada iyon ng mga bagong salta na volume at nakasampa sa pedestal. Nakapaloob sa pabilog na rack at napapalibutan ng glass. Moving ang manniquin at mabagal na umiikot para makita ang bawat anggulo at detalye ng gown. "Hi, I'm Pearl Hermosa," pakilala niya sa sales agent na babae."Yes, Ma'am, what can I do for you?""Bibilhin ko ang gown na iyan." Itinuro niya ang damit at ibinigay sa sales agent ang card. "I'm sorry, Ma'am, pero hindi po iyan ibinibenta. Kaya naka-enclose sa glass kasi for pre-orders pa po iyan. Narito po sa section na ito ang available gown na