Share

Chapter 41 - support

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-05 16:28:23

Fred: Madam, pwede ba tayong magkita sa north cafe?

Chat ng secretary na nabasa ni Psalm pagkatapos ng tanghalian. Negatibong bagay na agad ang tumatakbo sa isip niya dahil sa random na mensaheng iyon. Stress at tiyak masisira lang ang araw niya kung may kinalaman sa asawa niya ang sasabihin nito pero second time na naglakas-loob si Frederick na i-reach out siya. Pwede niya sigurong pagkatiwalaan pa ng kunti ang secretary ata gagawing mata at tainga niya roon sa opisina.

Nagbihis siya at nagpaalam kay Lucille na aalis muna saglit. Pumunta siya sa location na nasa chat. Tagong table sa sulok ang puwesto ni Frederick. Kumaway ito pagpasok niya.

"Madam, nag-order na ako ng macchiato para sa inyo, upo po kayo," iniurong nito ang sofa para sa kaniya.

"Thank you, Fred, pero hindi ako magtatagal ha? May ibang appointment kasi ako. Naisingit ko lang ito dahil dahil along the way naman sa venue na pupuntahan ko ngayon."

"Yes po, Madam, hindi rin naman po ako maaring magtagal dito. May trabaho
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aviana
Tama lang wag ng ayusin ni Psalm ang relation nyo dahil napaka walang kwenta mong asawa darvis. Wala ka tlagang sinabi kay Ymir.
goodnovel comment avatar
Mercedes Castada
Go Pearl ipagmayabang mo Ang kuwintas mong fake gaya ng pagkatao mo substandard............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 42 - self-bait

    Aburidong binuksan ni Darvis ang emails mula sa kaniyang cellphone at sinagot ang iilang business transactions online. Starred as urgent ang mga iyon at dapat ay doon niya sa opisina inaasikaso. Pero buong araw siyang ginagambala ni Pearl at ayaw paalisin. Iyon ang kaibahan ng dalaga kay Psalm. Alam ng asawa niya ang halaga ng kaniyang oras sa kompanya hindi tulad ng kapatid nitong sarili lang ang iniisip. Kumunot ang noo niya nang pumasok ang notification tungkol sa international award na natanggap ni Dr. Ymir Venatici sa larangan ng medisina. Another mile, another challenge for him. Venatici is a tough opponent to beat for the range of bachelors in the country. He stood in the pinnacle of fame and wealth. Kahit sa mga tulad niyang may gap ang marriage status ay nagiging banta na ang doctor. Binasa niya ang artikulo sa ibaba ng photo ni Ymir Venatici. Naaasar talaga siya sa anino ng ngiti ng lalaki. That smug face. Para sa mga babae, ideal man ang doctor. Para sa kagaya niyang lal

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 41 - support

    Fred: Madam, pwede ba tayong magkita sa north cafe?Chat ng secretary na nabasa ni Psalm pagkatapos ng tanghalian. Negatibong bagay na agad ang tumatakbo sa isip niya dahil sa random na mensaheng iyon. Stress at tiyak masisira lang ang araw niya kung may kinalaman sa asawa niya ang sasabihin nito pero second time na naglakas-loob si Frederick na i-reach out siya. Pwede niya sigurong pagkatiwalaan pa ng kunti ang secretary ata gagawing mata at tainga niya roon sa opisina.Nagbihis siya at nagpaalam kay Lucille na aalis muna saglit. Pumunta siya sa location na nasa chat. Tagong table sa sulok ang puwesto ni Frederick. Kumaway ito pagpasok niya. "Madam, nag-order na ako ng macchiato para sa inyo, upo po kayo," iniurong nito ang sofa para sa kaniya."Thank you, Fred, pero hindi ako magtatagal ha? May ibang appointment kasi ako. Naisingit ko lang ito dahil dahil along the way naman sa venue na pupuntahan ko ngayon.""Yes po, Madam, hindi rin naman po ako maaring magtagal dito. May trabaho

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 40 - jerk

    Okay na ba iyang mga sugat mo sa tuhod?" tanong ni Darvis pagkapanhik nila ng sala. "Galos lang 'to," malamig na sagot ni Psalm at nagpatuloy sa hagdanan. "Hon, I'm sorry. Can you tell me more of what happened to you last week?" Bumuntot ang lalaki sa kaniya."Tapos na iyon, wala nang saysay na balikan pa. Naresolba na rin naman ang issue. Hayaan na natin."Sinabi naman niya ang tungkol doon noong kasagsagan ng unos para sana kompirmahin na wala siyang kasalanan pero nakinig ba sa kaniya si Darvis? Hindi. What's the use of bringing it up now? Mas may panahon pa ito para kay Pearl kaysa tulungan siyang kumalap ng katibayan gaya ng ginawa ni Ymir."Psalm, I'm sorry, okay?"Huminto siya at nilingon ang asawa. "For what?""Hindi ko alam na ganoon ka-seryoso ang nangyari sa iyo tapos niyaya pa kita sa kompanya para ayusin ang problema."Tumawa siya ng bahaw. "Kung pupunta man ako roon, hindi iyon para sa kompanya." "Alam ko, pupunta ka roon para sa akin. Laging kapakanan ko ang iniisip

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 39 - reveal

    Kahit sa police station ay may media na nag-aabang. Pagbaba pa lang nina Psalm at Darvis sa sasakyan ay dinumog na sila ng mga ito. Sinubukan siyang itago ng asawa sa likod nito habang ni-regulate ng mga pulis ang crowd para makadaan sila papasok ng presinto."Everyone, I ask for your consideration. We're still in the process of investigating the issue and we are hoping the truth will come out soon. But I assure you, my wife did not hire anyone to put the victim in this painful situation," nagsalita si Darvis. Hindi inasahan ni Psalm na dedepensahan siya ng lalaki. Pero sa halip na ma-appreciate ang ginawa nito, feeling niya'y huli na dahil nasa punto na sila na hindi na niya kayang maniwala sa anumang gesture ng kabutihan mula sa asawa."Nahuli na ang tatlong miyembro ng gang na gumahasa kay Ms. Sheena at kayo ang itinuro nila. Paano ninyo papatunayan na inosente kayo, Madam Florencio?"Nagiging agresibo na ang reporters at ayaw siyang tigilan."Sinabi ko na sa inyo na walang kinala

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 38 - power

    Na-realize ni Psalm na hindi lang siya ang mapeperwesyo kung hindi niya haharapin ang media kahit pa wala naman siyang dapat ipaliwanag. Nakakatakot kung ang social media na ang lalason sa utak ng mga tao, maski walang katibayan madidiin siya sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Tatlong araw na mula nang pumutok ang issue at halos mag-camping na sa labas ng mansion ang taga-media. Kada katulong na lumabas ay hinaharang at tinatanong. "Lalabas ako, Lucille, kakausapin ko ang press. Dito lang kayo," bilin niya sa kasambahay matapos ibigay dito si Chowking."Mag-iingat po kayo, Madam," worried na pahabol ng katulong.Pagtawid pa lamang niya sa pulta-mayor ay sinalubong siya ng kislap ng mga camera na wari ay kidlat sa gitna ng bagyo. Takbuhan ang mga reporter mula sa iba't ibang broadcasting network at nag-uunahan sa pag-umang ng microphone sa kaniya. "Ano po ang masasabi ninyo tungkol sa paratang na rape at frustrated murder?""May katotohanan ba lahat ng sinabi ni Madam Daisy?""T

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 37 - innocent

    Hinatid lang ni Darvis pauwi ang asawa. Balak niyang pumunta sana ng opisina pero natanggap niya ang tawag ni Pearl. Bakas sa tono ng dalaga ang stress. Naintindihan niya kung naapektuhan ito sa sinapit ng anak ni Madam Daisy, kaibigan nito ang biktima. Pero hindi niya mapilit ang sarili na ibigay ang buong simpatiya kung si Psalm naman ang malalagay sa alanganin. Kilala niya ang asawa. Marahil ay hindi siya gaanong pamilyar sa mga ganap noong kabataan pero sa loob ng pagsasama nila, kabisado niya ang puso nito. Likas itong may mabuting kalooban. Ang kabaitan nito ay walang sinusunod na pamantayan. Kumbinsido siya na inosente ito at napagbintangan lang sa kasalanang wala naman itong ideya. "Nandito ka na rin!" Sumalubong sa kaniya si Pearl pagpasok niya ng sala. Umiiyak na yumakap sa kaniya ang dalaga. "Takot na takot ako, Kuya. Di ko akalaing kayang gawin iyon ni Ate sa kapwa babae. Pinagahasa niya talaga si Sheena!" sumbong nito. Naiiritang itinulak niya ito palayo. "Tama na n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status