Share

Chapter 40 - jerk

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-04 22:20:03

Okay na ba iyang mga sugat mo sa tuhod?" tanong ni Darvis pagkapanhik nila ng sala.

"Galos lang 'to," malamig na sagot ni Psalm at nagpatuloy sa hagdanan.

"Hon, I'm sorry. Can you tell me more of what happened to you last week?" Bumuntot ang lalaki sa kaniya.

"Tapos na iyon, wala nang saysay na balikan pa. Naresolba na rin naman ang issue. Hayaan na natin."

Sinabi naman niya ang tungkol doon noong kasagsagan ng unos para sana kompirmahin na wala siyang kasalanan pero nakinig ba sa kaniya si Darvis? Hindi. What's the use of bringing it up now? Mas may panahon pa ito para kay Pearl kaysa tulungan siyang kumalap ng katibayan gaya ng ginawa ni Ymir.

"Psalm, I'm sorry, okay?"

Huminto siya at nilingon ang asawa. "For what?"

"Hindi ko alam na ganoon ka-seryoso ang nangyari sa iyo tapos niyaya pa kita sa kompanya para ayusin ang problema."

Tumawa siya ng bahaw. "Kung pupunta man ako roon, hindi iyon para sa kompanya."

"Alam ko, pupunta ka roon para sa akin. Laging kapakanan ko ang iniisip
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Pinanginig m tlga ang laman q pearl sarap ka ilibing NG buhay s totoo lng
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Girl, ang cheap mo talaga. Halatang insecure ka sa kapatid mo. Todo effort ka na para lang mapansin pero di ka pa rin magawang mahalin ni Darvis.
goodnovel comment avatar
Aprilyn Taurus
tanga mo tlga Darvis ngpapaniwla k sa pekeng buntis n yn hay
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 53 - jailed

    Hermosa house.Hindi mapakali si Perlita. Palakad-lakad sa sala ang babae, nag-aalala at natatakot. Kanina pa sila naghihintay ng balita mula kay Roger. Ang kasunduan ay ilayo lamang sa Sto. Dominggo si Psalm at tiyaking hindi na makababalik. "Tumigil ka nga sa kaiikot diyan! Daig mo pa ang trumpo, nahihilo na ako sa kamamasid sa iyo!" saway ni Rolando sa asawa.Piniga ni Perlita ang hawak na cellphone. "Hindi ko na makontak si Roger, baka may nangyari!"Halata rin namang kabado si Rolando. Tumayo ito at pinukol ng tanaw ang pintuan. "Mag-impake ka na, aalis tayo," anito sa asawa."Sige," tarantang tumakbo patungo sa kuwarto si Perlita at dali-daling nagligpit ng mga gamit sa dalawang maleta. Pero hindi sila nakalabas ng bahay dahil dumating ang mga pulis. Panic and terror, registered in both of them the moment they saw the officers."Magandang araw ho, kayo po ba ang mag-asawang Rolando at Perlita Hermosa? May arrest warrant po kami para sa inyo sa kasong kidnapping. May karapatan

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 52 - rescue

    Hindi natulog si Psalm kahit pagod na pagod siya at halos nauubos na ang lakas. Namalukot siya sa couch at niyakap ang mga tuhod. Umaga na base sa liwanag na tumatagos sa bintana. Maya-maya pa ay narinig niya ang maingay na mga yapak ng sapatos mula sa labas ng pintuan. Dalawang lalaki ang pumasok doon sa kuwarto. Parehas na pandak pero malaki ang katawan. May suot na 3D mask ang mga ito. Agad siyang sinunggaban sa magkabilang braso at iginapos ng lubid ang mga pulso niya. Kinaladkad siya palabas. Nakasalubong nila sa pasilyo ang kalbong sa palagay niya ay siyang nagmamando sa dalawa."Dumating na ba ang buyer?" tanong nito."Nasa piyer na raw," sagot ng lalaking nasa gawing kanan ni Psalm. Naamoy niya sa hininga nito ang usok ng sigarilyo at aroma ng alak na mumurahin. Naglibot ang paningin niya. Kung hindi siya nagkakamali, motel itong pinagdalhan sa kaniya. Pero hindi pa rin niya matukoy ang lokasyon. Kagabi may kausap ang kalbong lalaki at nai-record niya iyon sa cellphone pero

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 51 - kidnap

    Sa lahat naman ng pwedeng makita ni Psalm sa police station ay si Madam Daisy pa. Pumunta siya roon para pirmahan ang affidavit na tuluyang magki-clear ng pangalan niya mula sa nakaraang paratang sa kaniya. Ang manghuhula naman ay naroon para mag-report bilang bahagi ng weekly routine nito matapos makapagpiyansa mula sa charges na isinampa niya. "Hindi ko maintindihan kung bakit naniniwala pa sa iyo ang mga pulis, simula pagkabata ninyo ni Pearl lagi mo na siyang binu-bully," pasaring ni Madam Daisy na inabangan siya sa labas ng gate ng police station."Sino'ng may sabi, si Pearl din? Kung hindi mo naman nakita paano ko raw siya binully, wala kang karapatang magbigay ng opinyon mo," supalpal niya sa babae. "Gusto mo bang dagdagan ang kaso at ang moral damages na kailangan mong bayaran? Sino nga pala ang nagpiyansa sa iyo? Ang asawa ko?"Nagtagis ng mga ngipin si Madam Daisy. "Oo nga pala, ang ganda ng isla na pinuntahan nina Darvis at Pearl. Buti pa sila nakapagbakasyon, ano? Akala k

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 50 - vacation

    Matapos i-blowdry ang buhok ay lumabas ng banyo si Psalm. Tulog na kama niya si Chowking. Napagod siguro sa kalalaro nila. Hinubad niya ang suot na caftan at naiwan sa katawan ang manipis na negligee. Pahiga na siya nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at pumasok si Darvis. Nakalimutan pala niyang i-lock iyon. Isinuot niyang muli ang caftan at nilaso nang mabuti."Gabi na, Darvis. Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya sa asawa.Lumapit ang lalaki. "Hon, may business trip ako bukas. Baka abutin ng ten days bago ako makauwi. Call me if you need anything, okay?"Business trip? Kasasabi lang ni Fred sa kaniya na nagbabalak daw magbakasyon ang asawa niya kasama si Pearl. Hindi pa ginawang isang buwan ng mga tampalasan."Ten days? Di ba masyado namang maikli? Baka mabibitin ka niyan, gawin mo nang one-month iyan o kaya ay isang taon."'Pwede ring huwag ka nang umuwi, huwag na kayong magpakita pa ni Pearl sa akin.'Gusto niyang idagdag.Business trip, fake. Vacation with mistress, real! H

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 49 - longing

    Hinilot ni Ymir ang bridge ng ilong at bumangon mula sa couch na kinahihigaan. Two hours of sleep just not enough. Ilang gabi na ring hindi maayos ang tulog niya dahil sa pag-aasikaso ng mga proposal para sa iba't ibang partner agencies. Inabot ng doctor ang water jug sa side table at binuksan. Inubos ang natitirang laman niyon. Yumukyok siya sa pagkakaupo at hinilot naman ang batok. Sinulyapan ang cellphone. Natutukso siyang tawagan si Psalm. Marinig lang niya ang boses ng babae ay magiging okay na siya. Tumunog ang notification bell ng monitor sa itaas ng pintuan ng main office niya sa hospital. Nasa labas ang assistant niya niyang Lui. Umahon sa couch si Ymir at hinablot ang white coat. Isinuot. He released the electronic lock from the remote control. Bumukas ang pinto at pumasok ang assistant niya. "Anything good to report, Lui?" tanong niyang tinungo ang desk at may dinampot na dokumento. "May pagkilos na po sa loob ng Florencio Group," balita ni Lui at ibinigay sa kaniy

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 48 - card

    "Kuya, kanina pa kita hinihintay. Samahan mo na naman akong mag-shopping. Bibili ako ng maternity items," panunuyo ni Pearl. "Pag lumaki na itong tiyan ko mahihirapan na akong isuot ang mga damit na nasa bahay. I need to prepare."Umiikot pa rin ang galit sa utak ni Darvis at hindi man lang nabawasan. Sirang-sira ang mood niya. "Ikaw na lang muna ang mag-shopping. Next time na ako sasama," kaswal na sagot ng lalaki. Secretly, he hoped na si Psalm na lang sana ang nandito. His wife can talk sensible things with him. Tuwing nasa ganitong stressful situation siya, alam ng asawa niya kung paano siya pakakalmahin."Baka kung mapaano kami ni baby kung wala ka roon." Naupo sa armrest ng silya ang dalaga at tinukso ng kuko ang tainga niya. "Hindi naman tayo magtatagal. Sige na, please." "Pearl, may importante akong gagawin dito." Maingat niya itong itinulak paalis sa armrest ng upuan. "Ikaw talaga, daig mo pa ang naglilihi, kuya. Alam mo ba na kailangan kong mag-adjust para sa baby natin? S

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status