Pakiramdam ni Psalm ay tinamaan siya ng kidlat sa tanghaling tapat. Sariling ama niya mismo ang nag-utos kay Darvis na hiwalayan siya? Pero ano pa nga ang aasahan niya sa mga magulang. Kailan man ay hindi siya naging paborito ng mga ito.
Nilunok na lamang niya ang sakit at pait ng pagkatalo at sinikap maging mahinahon. Kung ganoon, kasama pala ni Pearl ang mga ito. Ang ama niyang si Rolando Hermosa ay tanyag na mapagmahal na ama pero kay Pearl lamang. Ngayon habang pinagmamasdan niya ito, kitang-kita niya ang pag-aalala sa anyo nito. Dumating sina Pearl at ang mommy nila. Bakas ang tuwa sa mukha ng kapatid niya habang hinahaplos nito ang tiyan. Si Perlita naman ay inagaw ang cellphone mula kay Rolando. "Ano, Darvis? Buntis si Pearl, dala niya ang kinabukasan at tagapagmana ng angkan ng mga Florencio!" atungal ng may edad na babae. "Hindi ka pa rin ba makapagdesisyon? Ano bang nakikita mo roon kay Psalm? Mas karapat-dapat sa iyo si Pearl! Kung nag-aalala ka sa asawa mo, pwede mo naman siyang bigyan ng alimony, bigyan mo ng bahay kung gusto mo. Kung hindi mo papakasalan si Pearl, ipapa-abort namin ang bata!" sigaw ni Perlita. Mahigpit na ikinuyom ni Psalm ang mga kamao habang nakasandal sa pinagkublihang malaking haligi. Black-mail? Hindi siya makapaniwalang pati mga magulang niya ay gagawin ang ganoon para lang kay Pearl. Talaga bang wala siyang halaga sa mga ito? Si Pearl sa isang tabi ay nagkukunwaring umiiyak. Dinaluhan agad ito ng Daddy nila at inalo. Dati pa ay magaling na itong umarte ay paniwalang-paniwala ang mga tao sa paligid nila. "Huwag kang mag-alala, anak, nandito lang kami ng mommy mo." Tumango si Pearl at tipid na ngumiti. Ibinaling nito ang tingin sa mommy nila na hindi pa rin tinigilan si Darvis. "Hindi mo mahal ang anak ko? Pero tatlong buwan mo na siyang ginagalaw! Ang kapal ng mukha mong lalaki ka! Darvis! Darvis!" atungal ni Perlita. Ibinaba na siguro ni Darvis ang telepono. "Mommy," naiiyak na yumakap si Pearl sa ina. "Ano'ng gagawin ko? Sabi ni Darvis kung nakilala niya ako ng mas maaga, baka ako ang pinakasalan niya at hindi si Psalm. Pero bakit ayaw niya sa akin?" "Huwag kang mag-alala, anak, hindi titigil si mommy hangga't hindi ka papanagutan ng lalaking iyon, okay?" "Thank you, Mom... kasalanan ni Psalm lahat ng ito. Hadlang siya sa kaligayahan ko mula pa noon! Sana mamatay na siya!" "Hayaan mo, anak, oras na maisilang mo ang bata, natitiyak kong magbabago ang isip ni Darvis at papakasalan ka niya. Kunting tiis lang, okay?" Sobrang sakit para kay Psalm ang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniyang mga magulang. Pero ngayon niya napatunayan na hindi nga siya mahal ng mga ito. Minsan na niyang naiisip na baka ampon siya. Tuwing naiisip na iyon ay gumagaan ang loob niya kahit papaano. Kailangan kasi niyang bigyan ng dahilan kung paano siya tratuhin ng sarili niyang pamilya, kung hindi kasusuklaman niya ang mga ito at ayaw niya ng ganoon. Huminga siya ng malalim at inayos ang sarili. Hindi siya pwedeng magpatalo. Wala siyang panahon para ipagluksa ang sinapit niya sa kamay ng mga kaanak. Kailangan niyang bumangon. Tatagan ang kaniyang loob at tibayan ang puso niya. Sarili na lang niya ang pwede niyang asahan ngayon. Pumihit siya para tumuloy na sa appointment niya sa kaniyang OB nang di-sadyang makita siya ni Pearl. "Ate?" Nag-ugat sa sahig si Psalm. "Oh, ikaw ba iyan, Psalm?" malditang sabi ni Perlita at mabilis na nakalapit sa kaniya. Agad siyang umurong at iniharang ang kamay sa kaniyang tiyan. "Pwede ba tayong mag-usap?" "Tungkol po saan?" "Tatlong taon na kayong mag-asawa ni Darvis pero hindi mo pa rin siya nabigyan ng anak. Sa tradisyon ng pamilya natin, kasalanan iyon at ground for annulment." "Tama," sang-ayon ni Rolando. "Kung hindi sa loyalty ni Darvis baka matagal ka nang nasipa paalis ng angkan ng mga Florencio." Ground para sa annulment? Ano'ng pinagsasabi ng mga taong ito? Sarcastic siyang ngumiti. "Hindi ko alam na mayroong ganoon sa tradisyon ng pamilya natin. Teka, kasali pa ba ako sa pamilya ninyo?" malamig niyang sagot at kumawala sa pagkakahawak ng kaniyang ina. "Isa pa, matagal nang bumagsak ang kultura ng mga ninuno natin, hindi nyo na nga inabutan, Dad. Kahit ang ipaliwanag sa akin ng mabuti ay duda ako kung magagawa n'yo." Napamulagat ang mga magulang niya. Hindi agad nakapag-react. Namula nang husto sa galit ang mukha ni Rolando at agad itong nag-angat ng palad. Pero pinigilan ito ni Pearl. "Dad, kalma lang. Huwag kayong ganyan. Ako na ang kakausap sa kapatid ko." Bumaling ang babae kay Psalm at nagbigay ng pekeng ngiti. Ang mga mata nito ay naghugis tipak na buwan dahil sa pagkakasingkit. "Pasensya ka na kay Daddy, Ate ha? Ginawa lang niya ito para sa kapakanan mo. Wala ka kasing anak, nag-aalala lang siya para sa asawa mo. Paano kung malagay sa alanganin ang posisyon ni Darvis sa kompanya dahil wala siyang tagapagmana. Huwag mong sayangin ang hardwork niya." "Tama si Pearl," sabat ni Perlita. "Imbis na ipagpilitan mo 'yang sarili mo, hayaan mong pakasalan ni Darvis ang kapatid mo kaysa ibang babae ang ipapalit sa iyo ng asawa mo, baka kung saan ka pang basurahan itatapon." Gusto nang matawa ni Psalm. Nagmana talaga sa masamang mukha ang mag-inang nasa harapan niya. Hinding-hindi niya pagsisisihang umalis siya noon sa tahanan nila. Kung ganitong uri na rin lang ng magulang ang kailangan niyang habulin ang pagmamahal, mabuti pang lumayo na nang lubusan. "Ano'ng nakakatawa?" tanong ni Pearl. "Pearl, iyong-iyo na si Darvis kung gusto mo. I*****k mo sa baga't atay mo hanggang sa mabilaukan ka. Hindi ako magpapagod na ipaglaban siya. Iyon lang, kung mahal ka talaga niya makukuha mo siya, kaso lang parang hindi ganoon ang nangyayari," malamig niyang pahayag at tumalikod paalis pero nahinto siya nang magtama ang mga mata nila ng lalaking papalapit. Si Darvis.Mga opisyal mula sa provincial police office ang nag-aabang sa labas ng mansion nang dumating sina Ymir at Darvis. Kaninang umaga lang nai-serve ang search warrant. Nataranta ang mga kasambahay at ang bantay sa mansion. May ideya na siya kung para saan ang search warrant at kung sino ang nag-file ng smuggling charges sa kaniya. Laurel Golds are the tycoons operating in black market. Mukhang tama ang sinabi sa kaniya ni Ymir noong nakaraan. Tinraydor siya ni Greg. Ang gold bars na nakarating sa kanila ay hindi dumaan sa bakuran ng mga Laurel. Hindi sila nagbayad ng shipment at black tax para sa registration ng mga ginto."Why are you so guarded? Don't tell me totoo na may gold bars kang itinatagao?" kastigo ng doctor.Hinilot ni Darvis ang batok. "Mayroon sa vault. I aquired it through Wildflower Royale. But it was Greg who oversee the process. Siya rin ang nagsabi na rito sa mansion itatago," paliwanag ni Darvis kay Ymir bago pa sila nakababa ng sasakyan. Tinapik ng doctor ang balik
Tatlong lata ng mamahaling rootbeer ang nasa mesita at walang nang laman. Katabi ng mga iyon ang patong-patong na mga dokumentong tapos nang pirmahan ni Darvis. Dinampot ni Lexy ang mga lata at dinala sa kitchen. Hinulog sa trash bin na naroon. Nasa sala na si Darvis nang balikan niya. May binabasa itong papeles at habang nakaipit sa mga daliri ang stick ng nakasinding sigarilyo. Pero hinayaan lang din naman nitong masayang ang usok. Lumapit siya at kinuha sa kamay nito ang sigarilyo. Hinulog niya sa ashtray matapos patayin ang siga. "Bakit gising ka pa?" tanong nitong sinipat ang oras. Pasado alas-tres ng madaling araw. Siya pa ang tinatanong kung bakit gising pa samantalang ito naman ang nagpupuyat para mahabol ang trabaho na hindi na yata matatapos kahit biente-kuwatro oras pa itong gising. "Kagigising ko lang. Ikaw itong hindi natulog. Look at your eyes, so tired and haggard. Baka magkasakit ka niyan. Umidlip ka muna. Dito ka." Naupo siya sa couch at isenenyas dito ang kani
Hatinggabi na pero wala pa ring balik na balita sa kaniya mula kay Rigo. Piniga ni Ymir ang bitbit na cellphone at nilagok ang natitirang alak sa baso. If he can neutralize the forces of the Laurels from the black market, madali na lang ikasa ang negotiations. Sa ngayon kailangan muna niyang ma-establish na rito up-ground, he rules. Hindi siya papayag na makatawid hanggang dito sa itaas ang kapangyarihan ng Laurels. "Doc, nagising po si Madam," abiso ni Lui sa kaniya. Tumayo siya at tinunton ang connecting door. Nadatnan niyang umiinom ng tubig si Psalm."It's midnight, bakit gising ka pa?" tanong ng asawa.Lumapit siya rito at hinagkan ito sa noo. Hinaplos niya ang bilog nitong tiyan na scheduled na for caesarean section. Buti na lang at stable naman ang kalusugan nito. Two more doctors are looking after her pregnancy and ensuring her safety. "I'm waiting for Rigo's update." Naupo siya sa tabi ni Psalm at hinawakan ang kamay nito. Banayad niyang minasahe ang palad ng asawa patungo
Idinilat ni Lexy ang mga mata at napakislot dahil sa liwanag ng ilaw sa ceiling. Para siyang robot na takot igalaw ang ulo at baka bigla siyang mag-shutdown dahil sa sakit. Hindi naman marami ang nainom niya kagabi. Pero dahil sa naghalo-halo na'y nalasing siya at ngayon ay binubugbog ng hang-over ang utak niya. Kumukuryente pa ang kirot pababa ng katawan niya. Tapos ang asim ng kaniyang sikmura. Para siyang masusuka. Sumabay sa sumpong ang kaniyang hyper. "So, the drunkard princess is awake," boses ni Darvis mula sa may pintuan. "I'm not a drunkard," napangiwi siya at halos mandilim sa sakit nang maigalaw niya ang ulo para tingnan ang lalaki. "Do you need a doctor?" tanong nitong napabilis ang paglapit sa kaniya. May nilapag itong bowl sa sidetable. "Are you planning to poison yourself with those wine? Consuming more than of what you can handle is one thing tapos pinaghalo-halo mo pa? Nurse ka, you should know the risk.""Gusto ko lang namang malaman kung ano ang lasa no'ng iba,"
"Fred, what's going on over there?" tanong ni Darvis sa secretary na pinaakyat niya ng penthouse para i-check sina Lexy at Angelu. Dinig niya sa background ang maingay na boses ni Lexy. Kumakanta, tumatawa. "Chairman, nalasing po si Ma'am Lexy. Tinikman niya yata lahat ng wine na niregalo sa inyo noong inaugural assumption n'yo.""That silly girl. Okay lang ba siya?" "Kumakanta po siya. Pinapatulog daw niya si Angelu.""Gising ang anak ko?""Kagigising lang po, tulog ito nang umakyat ako rito.""Okay, I'll be here in a minute. Wrap up ko lang muna 'tong meeting ko sa kliyente. Parating si Ymir para sunduin si Angelu. Kung dederetso diyan, sabihin mong hintayin ako saglit," bilin ni Darvis kay Fred."Copy that, Chairman." Ibinaba niya ang cellphone at binalikan ang tatlong investors na ka-meeting niya. Sakto lang din tapos na ang mga itong pag-aralan kung ano ang pwedeng i-offer ng Samaniego Global para sa mga bagong business partner."We will go with this." A smile of victory land
Nakompleto nina Psalm at Mellow ang susunod na volume na ila-launch ng Amarra's fashion para sa summer runway. Matapos ang zoom meeting niya sa dalawa pang designers na tutulong kay Mellow, lumabas siya ng study room at hinanap si Ymir. Pupunta sila ngayong ng private clinic ng asawa niya. Natagpuan niya itong nakikipaglaro kina Angelu at Amella sa toy room. Naroon din si Lexy. Pumasok siya at kaagad sinalubong ni Ymir. "Done with your homework?" biro nito pumuslit ng halik sa kaniyang labi. "We're still waiting for the feedback from Amarra. By the way, di pa ba tayo aalis? Baka gagabihin na naman tayo ng uwi mamaya kung late na tayong pupunta ng clinic mo, " remind niya sa asawa. Tumango ito natatawang nilingon ang mga bata na naghahabulan kahit ang paghakbang ay parang wrong spelling na hindi mabasa. "Mas mabilis pa yatang tumakbo si Ame kaysa kay Angelu," angal niya. "Ma...mma! Pa...ppa!" tili ng batang lalaki. "Ate, pwede ba kaming sumabay ni Angelu sa inyo? Pupu