Sagap na sagap ng mga tainga ni Darvis kung ano ang sinabi ni Psalm. Nanigas ang mga kasu-kasuan niya at nanginig ang kaniyang laman. Hindi siya makapaniwala sa pahayag na iyon ng kaniyang asawa. Mahal siya nito. Paano nito nasabi ang ganoong bagay?
Dama niya ang malamig na aura ni Psalm habang nakatitig ito sa kaniya. Naalarma ang buong sistema ni Darvis at biglang lumawak ang kahungkagan sa puso niya. Tulad ng ibon na matagal na nakahawla at naghahangad na makalaya, ang pakiramdam ng pagkatalo ay bumuhos sa kaniya at unti-unti siyang nilunod. Humakbang siya para mas makalapit pa sa asawa, hindi alintana ang kaniyang paligid at ang ibang naroon. Ikinubli niya sa kaniyang likod si Psalm at iritadong sinuyod ng tingin sina Pearl at ang mga magulang nito. "Pearl, ano'ng sinabi mo sa asawa ko?" tanong niya, mahigpit na kinuyon ang mga kamao. "Bakit ba?" malditang sikmat ni Pearl. "Wala naman akong sinabing masama sa kaniya. Siya nga itong bigla na lang sumugod dito." Nagtagis ng mga bagang si Darvis. Paano kung sinabi ng babae kay Psalm ang tungkol sa namamagitan sa kanila, siguradong nadudurog ang asawa niya. Kinain siya ng matinding pangamba. Mapapatawad ba agad siya ni Psalm? Gaano katagal niya itong susuyuin? Kailangan niya sigurong maghanda ng magandang sorpresa para lambingin ito. Mabilis lang namang humupa ang sumpong nito at may tiwala siyang kahit malaman nitong buntis si Pearl hindi siya iiwan ng asawa. Mahal na mahal siya nito at wala rin naman itong ibang mapupuntahan. Samantala, pigil ang galit na nakatitig lamang si Psalm sa likod ni Darvis. Gusto niyang ipagsigawan na alam na niya ang katotohanan at ang eskandalong kinasasangkutan ng asawa kasama ang kaniyang kapatid. Pero hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi pa. Ayaw niyang makulong sa gitna ng gusot na nilikha ng dalawa at bigyan ng pagkakataon si Darvis na pigilan siya sa kaniyang mga plano. Gugulatin niya ang lalaki. Titiyakin niyang bumagsak ito at hindi na muling makabangon. "Walang sinabi si Pearl, don't worry, medyo nagselos lang siya about something," nagsalita si Psalm at pinalaya ang matalim na buntong-hininga. Nilingon siya ni Darvis at nahawi sa anyo nito ang pag-aalala. May dinukot ito sa bulsa ng pantalon. Isang limited edition perfume na kahugis ng paru-paro ang sisidlan at gawa sa mamahaling crystal glass. Binabalot iyon ng kulay ng bahaghari dahil sa liwanag. "Ito 'yong perfume na gusto mong bilhin pero naubusan tayo roon sa showroom. I traveled half an hour to their main branch at the next town to get this." Binigay ni Darvis sa kaniya ang pabango. Talaga ba? Pumunta ito sa karatig na lungsod para lang bilhin iyon at ibigay sa kaniya? Dati, kung may iuuwi ito o may pasalubong, sobrang saya niya. Pabango man o pagkain, hindi siya nagsasayang ng segundo, ginagamit agad niya o kaya ay tinitikman. Madalas niyang sabihin 'the best ang asawa'. Pero ngayon, kahit pilitin pa niya, wala siyang mahagilap na tuwa. Malamig niyang sinipat ang pabango. "Ayaw ko na sa amoy nito, masakit sa ilong. Hindi na kasi ito 'yong original scent na minarket ng El Aroma, may hinalo na yata sila at hindi ko nagustuhan." May ibang kahulugan ang sinabi niyang iyon pero hindi naman na-gets ng asawa niya. "Okay, sabihin mo lang kung may gusto ka, ipabibili ko sa mga tao ko kahit saang shop pa iyan." Sa halip na sumagot ay sinulyapan ni Psalm si Pearl. Namumula ang mukha nito at bakas sa mga mata ang galit na halos maiiyak na ang kapatid. Nagseselos ba ito? Nakakatawa. Kabit na may karapatang magselos? Siya nga legal na asawa ay nakakayang kontrolin ang sarili kahit nasa kaniya lahat ng karapatang magalit. "Bakit ka nga pala nandito?" Muli niyang binalingan si Darvis. Umilap ang mga mata ng lalaki. Umukit doon ang anino ng panic. Pero nakabawi rin ito at kalmadong tumitig muli sa kaniya. Si Pearl naman ay lumapit at nakangiting kumapit sa braso ni Darvis. "Ate, buntis kasi ako. Nakiusap ako kay Kuya na samahan niya ako sa check-up ko ngayon. Alam mo na, malakas siya at takot sa kaniya ang lahat kaya kampante ako kung siya ang kasama ko." Nakaangat ang isang kilay at naglalaro ang panlalait sa ngiti ni Pearl. "Di ba, Kuya?" malambing nitong ungot sa lalaki. Yamot na umiling si Darvis at hinila ang braso mula sa pagkakahawak ni Pearl. "Y-yes, nakiusap siya sa akin. Pero 'wag mong mamasamain 'to, honey." Naningkit ang mga mata ni Psalm. "Nang-iinis ka ba? Alam mong galit ako diyan kay Pearl tapos pumunta ka talaga rito para samahan siyang magpa-check up?" Namutla si Pearl nang mapansin nito ang pagdilim ng mukha ni Darvis. "A-ate..." "Tumahimik ka," angil niya. "Ano, Darvis? Hindi ka mag-e-explain?" Natameme ang asawa niya. Nakakatawa. Ang head ng Florencio clan, makapangyarihan at kinatatakutan ay umurong ang dila. Halatang wala itong ma-imbentong rason. Tumikhim si Rolando na kanina pa nakamata lamang at naghihintay lang ng pagkakataong sumabat sa kanila. "Tama na nga iyan, Psalm. Parang malaking kasalanan iyang ginawa ng asawa mo. Nagmamalasakit lang siya sa kapatid mo," utas ng daddy niya. "Ganyan na ba kalala ang ugali mo?" Sumingit pa si Perlita. "Tama na!" awat ni Darvis. Hindi nakahuma si Psalm nang hawakan ng lalaki ang kamay niya. "Sino'ng nagbigay sa inyo ng pahintulot na pagsalitaan ng ganyan ang asawa ko?" Bakas ang bangis sa tono nito pero gusto niyang kilabutan dahil sa ang hirap nang paniwalaan alin man sa mga salita ng asawa niya. Natahimik ang mga magulang niya at umatras palayo. Tanging si Pearl ang nanatili sa kinatatayuan nito, nakasimangot. "Kuya, gusto lang naman ng mga magulang kong makipag-bonding kay Ate kahit ngayon lang. Wala silang masamang intention, huwag ka nang magalit, okay?" Lumambot ang mukha ni Darvis. Hindi nito maikakaila na apektado pa rin talaga ito kay Pearl pilitin man nitong itago iyon. "Aalis na kami, next time na lang kita sasamahan," nagpaalam ang lalaki at inakay na si Psalm. Pero biglang sumigaw si Pearl, saklot ang tiyan. "Ang sakit ng tiyan ko! Sobrang sakit! Ahhh...Mom, Dad! Baka may mangyari sa anak ko! Ang anak ko...tulungan n'yo kami!"Pumasada ang mga mata ni Psalm sa lahat ng dokumentong nakalatag sa table sa harap niya at sa digital files na nasa laptop. Iyon na ba lahat? Tumingin siya kay Mr. Cardona, and finance consultant niya at kay Ymir na nakaantabay roon."The money has been wired to your account, Madam. Okay na rin ang title transfer ng isla sa group of properties ni Dr. Venatici. Hindi tayo mati-trace. Updates na lang ang hihintayin mo para sa status." Report ni Mr. Cardona."Kung ganoon, oras na para sa plano ko," deklarasyon niyang ibinaling ang paningin sa labas ng bintana at tumagos hanggang sa kawalan. Oras na para sa kaniyang kamatayan. Psalm Florencio's existence will be gone."I received update from the hospital. Your sister is safe as will as the baby. Ano'ng gusto mong gawin ko sa kaniya?" singit ni Ymir na nakasandal sa window pane at nakapamulsa ang mga kamay. Nagre-reflect sa mamahaling relos na suot nito ang tilamsik ng liwanag ng araw mula sa siwang ng bintana. "Let the Florencio charge h
"Stop it, Darvis!" Umawat na si Senyor David at hinawakan sa balikat ang lalaki. "Wala kang mapapala kung papatayin mo ang hipag mo, ilalagay mo lang sa mas malalang problema ang pamilya at ang kompanya natin.""But, Dad-" umalma ni Darvis. "The baby is all a lie, daddy. Pumunta sa mansion ang boyfriend niya at inamin ang lahat sa akin! This bitch just made a fool out of me!"Nangisay na si Pearl at tumirik ang mga mata. Kulang na lang ay lumawit na ang dila. "Darwis Florencio! Pakawalan mo ang kapatid ko!" Mula sa pintuan ay matapang na sigaw ni Psalm. "Honey?" Dagling binitiwan ni Darvis si Pearl. Humandusay sa sahig ang dalaga, half-conscious. Kaagad itong dinaluhan ni Marina.Pumasok si Psalm, gwardiyado ng mahigit sampung black army at ni Dr. Ymir Venatici. Lumiit ang espasyo ng buong silid dahil sa mga ito na halos sakupin na ang kwarto. "Ang kapal ng mukha mo!" singhal ng babae. "Tingin mo mag-isang ginawa ni Pearl ang kasalanan? You have the bigger accountability because
"M-mom, wait lang-""Tigilan mo ang pagtawag sa akin niyan, nandidiri ako!" singhal ni Senyora Matilda. "You will do everything just to ruin your sister. Nilandi mo si Darvis, you make him believe na nabuntis ka niya. Hindi ako makakonekta sa mind set mo, Ms. Hermosa. Sobrang bulok ng utak mo, no, hindi lang utak kundi buong pagkatao mo." Tumayo sa inuupuang silya si Marina at lumapit kay Pearl. "Here is the result of the paternity test. Not a single drop of Darvis' blood is found in your baby's body." Hinulog nito sa harap ng dalaga ang dokumento.Napahabol doon ng tingin si Pearl at suminghap. Hindi pa siya talo. May paraan pa. Hindi naman kilala ng mga ito si Glen. "M-maniwala kayo, hindi po tunay ang result na ito! Gumawa ng pekeng paternity result si Dr. Venatici para magmukha akong masama! May relasyon kasi sila ni ate, matagal na. Heto, heto, may pictures ako!" Tarantang kinalkal niya ang loob ng bag at kinuha ang mga larawan. "S-senyora, tingnan n'yo po!" Gumapang siya papa
Kinawayan ni Psalm ang lalaking pumasok sa entrada ng restaurant. Dell Florencio. Third degree cousin ni Darvis. He is a motorbike enthusiast. Kumakarera at nangongolekta ng mga mamahaling motorsiklo. Ito ang una niyang naging kaibigan sa college at naging daan kaya nakilala niya si Darvis. Lagi itong wala sa bansa at sa Japan nagpipirmi mula nang magtapos ng pag-aaral."Kumusta, Dell?" Ngumiti siya at tumayo. "Akala ko next month pa ang uwi mo. Upo ka, um-order na ako. Favorite mo lahat nang iyan." She gestured the food.Pumasada roon ang mga mata ni Dell saka dinilaan ang ibabang labi bago ibalik ang paningin sa kaniya. "You're getting...ahm...big? No, sexier," panunudyo ng lalaki at naupo sa kaibayong silya. Agad tinikman ang finger foods. "Oo nga, bilis lumaki ng baby ko." Sinipat ni Psalm ang tiyan. "Gunggong talaga 'yong pinsan ko, no? Wala nang ginawang matino sa buhay niya mula nang makilala iyang kapatid mo," komento nito matapos lunukin ang nasa loob ng bibig. "Hayaan m
"Basta gumawa ka ng paraan!" gigil na sikmat ni Pearl kay Glen sa cellphone. "Parang may alam ang kapatid ko tungkol sa atin. Nasa akin na ang result ng paternity test, hindi anak ni Darvis ang bata! Walang kwenta 'yong doctor na kinausap mo, gago ka!" Sumigaw na ang dalaga dahil sa alimpuyo ng galit. "Ano bang gusto mong gawin ko?" Nayayamot na rin ang tono ni Glen."Pumunta ka ng mansion, baka nakatago roon ang resulta ng paternity test na hawak ni Psalm. Hanapin ko sa guest room bago pa iyon makita ni Darvis, saka natin pag-uusapan kung ano'ng sunod na gawin kapag nakuha mo na. Nasa akin naman ang original copy, hindi basta magre-release ng ibang kopya ang hospital dahil confidential ang document na ito.""Sige, pupunta ako ng mansion. Ipagdasal mong wala roon si Darvis at baka mapatay niya ako.""Tigilan mo 'ko sa drama mong iyan." Tinapos ni Pearl ang tawag at hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa sala. Pumuslit muna siya at umuwi ng Hermosa residence pagkatapos niyang makuha an
Ngumiti ng tipid si Psalm at nakipagbeso kay Marina. "Kumusta po kayo, Tita?""Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Okay ka lang ba?" Banayad na pinisil ng babae ang mga kamay niya. "I'm getting by, Tita. Maupo po tayo." Inakay niya ito patungo sa couch at pinukol ng malambing na tingin si Ymir. Sumenyas sa kaniya ang doctor na lalabas muna para bigyan sila ng privacy ni Marina."Natuyo na yata ang utak ni Darvis at wala na sa maayos na katinuan. Matagal mo na bang alam ang tungkol sa kanila ng kapatid mo?" tanong ng aunt in-law niya. "Matagal na po, Tita. Ayaw ko lang na ma-eskandalo ang buong angkan at masira ang katahimikan ko kung makikialam na ang ibang tao na wala namang mai-ambag para solusyonan ang problema namin ni Darvis. Pero honestly, wala na po akong balak bumalik sa kaniya. Magiging toxic na ang pagsasama namin kung pipilitin ko pa kahit na mapatawad ko siya. Wala kasi akong tiwala sa kaniya, Tita. ""Naintindihan kita, Psalm. Hindi ako nandito para makiusap na bumalik