Share

Chapter 4 - Parents

Author: Redink
last update Huling Na-update: 2025-06-13 03:38:19

Noon pa man ay nakagawian na ni Pearl na agawin ang mga gamit ni Psalm, lalo na kung paborito niya. 

Dama rin niyang mas mahal ng mga magulang niya si Pearl. Madalas itong nakikipagpaligsahan sa kaniya kahit sa mga manliligaw niya. Ngayon, hindi lang simpleng damit o lipstick ang inaagaw nito. Pero hindi pa rin niya masabi sa mga magulang.

Likas siyang tahimik kaya kahit noon ay lagi siyang inaakusahan ni Pearl sa mga kasalanang hindi niya ginawa, naging masama siya sa mga mata ng kanilang parents.

"Mas matanda ka, dapat ikaw ang umunawa sa kapatid mo!" 

Lumala ang trauma niya dahil sa obvious na favoritism ng mga magulang. Kahit naman din magsalita siya, bibihira na paniniwalaan siya ng mga ito. 

Lumaki siyang inaabuso at noong nasa kolehiyo na ay nagpasya siyang umalis sa kaniyang pamilya. Doon niya nakilala si Darvis. Buo ang tiwala niya noon na walang makakaagaw sa lalaki mula sa kaniya. Pero nagkamali siya. Nakuha pa rin ito ni Pearl nang walang kahirap-hirap.

Nakagagalit isipin na nagmahal siya ng maling tao. Hindi naman siya humingi ng sobra-sobra. Katapatan lang. 

Kinuha niya ang cellphone at nag-secure ng screenshots sa chats ni Pearl sa kaniya. Aalis siya at iiwan niya si Darvis pero hindi niya patatahimikin ang dalawa. Kailangang magbayad ng mga ito. Sisirain niya ang lahat at titiyakin niyang mawawalan ng kuwenta ang dalawa.

***

Nagmamadaling pumasok ng bahay si Darvis. Inagahan niya ang uwi. Pagkapasok pa lang ng sala ay natanaw niya agad si Psalm na natutulog sa couch. Nakatagilid ito at nasa tiyan ang isang kamay na wari ba ay may pinoprotektahan. Mugto ang mga mata nito. 

Nakaramdam ng pagsisisi si Darvis. Pero hindi rin niya maaring balewalain si Pearl. Kahapon ipinasa sa kaniya ng babae ang pregnancy test result at ang prenatal check-up form. Umiyak pa habang nag-uusap sila sa phone.

Tatlong taon na rin silang kasal ni Psalm at wala pa ring anak. Kailangan niya ng tagapagmana kaya hindi na rin siguro masamang nabuntis si Peal.

Sabagay, kung ang asawa niya ang mabuntis, baka hindi niya maatim na makitang nasisira ang katawan nito. Ayos na 'yong si Pearl ang manganak. Pwede naman niyang iuwi ang bata rito sa bahay nila under adoption process after two or three years at si Psalm ang mag-aalaga.

Hindi niya maikakailang masaya siya at sa wakas magiging tatay na siya. Minsan pa niyang naisip na nawalan ng silbi sa kaniya si Psalm. Ang tatlong taon nila bilang mag-asawa ay hindi kasing-ningas at kasing-memorable sa tatlong buwan na nakasama niya si Pearl tapos binigyan pa siya ng anak.

Pero inalis niya agad sa isipan iyon dahil mahal niya ang asawa. 

Ngayon habang pinagmamasdan niya si Psalm at ang stress nitong anyo kahit tulog, may bahagi ng puso niyang kumikirot. Tatanggapin niya kung magalit ito mamaya pagkagising. 

Umuklo siya at pinangko si Psalm para dalhin sa kuwarto. Pero hindi pa man din siya nakahakbang ay nagising ang asawa niya.

"Nagising ba kita, hon?" malumanay na tanong ni Darvis. 

Kumunot ang noo niya nang mabasa ang pagtutol sa mga mata ni Psalm matapos siya nitong titigan. Disgusto ba 'yong nababasa niya sa hapo na mga mata ng asawa?

"Okay ka lang ba? Gusto mong tawagin ko ang family doctor?"

"Hindi, okay lang ako. Pagod lang." Umiwas ito ng tingin. "Pwede mo ba akong ibaba?"

"Pasensya ka na kung naghintay ka sa akin. End of the year na, kailangan kong subaybayan ang inventory of stocks ng kompanya. Alam mo 'yon, di ba?"

"Okay," malamig na tango ni Psalm. Tila ba walang interes na marinig ang kaniyang paliwanag.

"I am so sorry, honey. Pwede mo akong sampalin o kahit ano ang gusto mong gawin dahil sinira ko ang pangako ko at hindi kita nasamahan sa anniversary natin."

"Ibaba mo na lang ako, ayos lang. Naintindihan kita."

Nilapag niya ang asawa. "By the way, may gift ako para sa iyo." Kukunin na sana niya sa loob ng bulsa ang regalo nang mag-ring ang cellphone niya. 

Sinipat niya iyon at kabadong tumingin kay Psalm. Pakiramdam niya ay nakahalata na itong may ginawa siyang kababalaghan.

"Ano? Bakit hindi mo replayan iyang nag-chat sa iyo? Kailangan ko pa bang tumalikod?" sarcastic nitong pahayag.

Umiling si Darvis. "Here, ito ang gift ko para sa iyo." Binigay niya sa asawa ang kaheta. "May emergency sa opisina, kailangan kong bumalik doon," aniyang binirahan ng alis.

Deretso siya sa sasakyan na naghihintay at doon binasa ang chat ni Pearl.

"Kapal talaga ng mukha, kailan pa siya naging ganito kahusay magsinungaling?" Himutok ni Psalm nang maglaho sa paningin niya ang lalaki.

Ang panic na nakikita niya sa mga mata ni Darvis, malamang ay para iyon sa kapatid niya. May nangyari siguro. 

Nag-vibrate ang cellphone niyang nasa mesita. Si Pearl ang nag-chat. Pagkatapos ng asawa niya, siya naman ang dedemonyohin ng bruhang iyon!

Pearl: Ang sakit ng tiyan ko! Hindi ka naman magagalit kung sasamahan ako ni Kuya, di ba, Ate?

Mariing kinagat ni Psalm ang ibabang labi.

Pearl: Nga pala, binilhan ako ng singsing ni Kuya, ano kayang ibig sabihin non? Tingin ko gusto ka na niyang iwan.

Nagpasa ito ng photo ng singsing.

Pearl: Ganda ng ring no? I love it!

Ano pa ba ang bago? 

Kinuha ni Psalm ang kaheta at binuksan. Kaparehas na singsing ang laman niyon. Talipandas talaga ang lalaking iyon. Parehong singsing ang ibinigay sa asawa at kabit?

Ibinalik ni Psalm ang singsing sa kaheta at ibinalibag iyon. 

"How cheap!"

Saglit niyang ipinikit ang mga mata para aluhin ang sarili. Hindi makabubuti sa kaniya at sa baby niya ang magpatalo sa galit. Makagaganti rin siya, makikita ng dalawang iyon.

Huminga siya ng malalim at sinagot ang chat ni Pearl.

Psalm: Masarap ba kainin ang basurang itinapon ko? Ano'ng lasa niya?

Ibinaba niya ang cellphone at hindi na pinansin pa kung may reply ang kapatid niya o wala. Nagtungo siya sa kuwarto at nag-halfbath. Pagkatapos mag-ayos ng sarili ay umalis siya, pumunta ng hospital.

Nasa corridor siya sa ground floor nang marinig ang pamilyar na boses.

"Darvis, buntis si Pearl! Bakit hindi mo hiwalayan si Psalm? Mag-file ka na ng annulment at pakasalan mo si Pearl. Hahayaan mo bang magdusa ang anak mo?"

Nag-ugat sa sahig si Psalm. Ang kaniyang ama ang nagsasalita habang kausap nito sa cellphone si Darvis. 

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 7 - renown stranger

    Matiim na naglapat ang mga labi ni Psalm nang makitang kaagad dinaluhan ng mga magulang si Pearl. "Okay ka lang ba, anak?" Umiling si Pearl, kunyari hirap bumigkas ng salita dahil sa sakit. Eksaherada masyado ang acting nito at dapat ay alam iyon ni Darvis kung tunay na matalino ang asawa niya. Pero tingin ni Psalm, pati ang lalaki ay napapaniwala ng kapatid niya sa pag-iinarteng iyon. Binitiwan siya ng asawa at nilapitan nito ni Pearl. Pinangko sa mga bisig. "Huwag kang matakot, dadalhin kita sa doctor ngayon din." Yumapos ang kapatid niya sa lalaki at palihim na sumilip sa kaniya, naglalaro sa mga mata nito ang mapanuyang ngiti. Tila basurang papel na nilamukos ang puso niya. "Ano'ng sinabi mo? Di mo ba nakitang acting lang iyang ginagawa ni Pearl? Don't tell naniniwala ka talaga!" sikmat niya sa asawa. Dumaan ang inis sa mukha ni Darvis. "Acting? Ano'ng klase kang kapatid? Nasa peligro na ang buhay ni Pearl at ng baby tapos acting lang 'to para sa iyo? Tigilan mo ako d'yan sa

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 6 - Stand off

    Sagap na sagap ng mga tainga ni Darvis kung ano ang sinabi ni Psalm. Nanigas ang mga kasu-kasuan niya at nanginig ang kaniyang laman. Hindi siya makapaniwala sa pahayag na iyon ng kaniyang asawa. Mahal siya nito. Paano nito nasabi ang ganoong bagay? Dama niya ang malamig na aura ni Psalm habang nakatitig ito sa kaniya. Naalarma ang buong sistema ni Darvis at biglang lumawak ang kahungkagan sa puso niya. Tulad ng ibon na matagal na nakahawla at naghahangad na makalaya, ang pakiramdam ng pagkatalo ay bumuhos sa kaniya at unti-unti siyang nilunod. Humakbang siya para mas makalapit pa sa asawa, hindi alintana ang kaniyang paligid at ang ibang naroon. Ikinubli niya sa kaniyang likod si Psalm at iritadong sinuyod ng tingin sina Pearl at ang mga magulang nito. "Pearl, ano'ng sinabi mo sa asawa ko?" tanong niya, mahigpit na kinuyon ang mga kamao. "Bakit ba?" malditang sikmat ni Pearl. "Wala naman akong sinabing masama sa kaniya. Siya nga itong bigla na lang sumugod dito." Nagtagis ng m

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 5 - Family scheme

    Pakiramdam ni Psalm ay tinamaan siya ng kidlat sa tanghaling tapat. Sariling ama niya mismo ang nag-utos kay Darvis na hiwalayan siya? Pero ano pa nga ang aasahan niya sa mga magulang. Kailan man ay hindi siya naging paborito ng mga ito.Nilunok na lamang niya ang sakit at pait ng pagkatalo at sinikap maging mahinahon. Kung ganoon, kasama pala ni Pearl ang mga ito. Ang ama niyang si Rolando Hermosa ay tanyag na mapagmahal na ama pero kay Pearl lamang. Ngayon habang pinagmamasdan niya ito, kitang-kita niya ang pag-aalala sa anyo nito.Dumating sina Pearl at ang mommy nila. Bakas ang tuwa sa mukha ng kapatid niya habang hinahaplos nito ang tiyan. Si Perlita naman ay inagaw ang cellphone mula kay Rolando."Ano, Darvis? Buntis si Pearl, dala niya ang kinabukasan at tagapagmana ng angkan ng mga Florencio!" atungal ng may edad na babae. "Hindi ka pa rin ba makapagdesisyon? Ano bang nakikita mo roon kay Psalm? Mas karapat-dapat sa iyo si Pearl! Kung nag-aalala ka sa asawa mo, pwede mo naman

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 4 - Parents

    Noon pa man ay nakagawian na ni Pearl na agawin ang mga gamit ni Psalm, lalo na kung paborito niya. Dama rin niyang mas mahal ng mga magulang niya si Pearl. Madalas itong nakikipagpaligsahan sa kaniya kahit sa mga manliligaw niya. Ngayon, hindi lang simpleng damit o lipstick ang inaagaw nito. Pero hindi pa rin niya masabi sa mga magulang.Likas siyang tahimik kaya kahit noon ay lagi siyang inaakusahan ni Pearl sa mga kasalanang hindi niya ginawa, naging masama siya sa mga mata ng kanilang parents."Mas matanda ka, dapat ikaw ang umunawa sa kapatid mo!" Lumala ang trauma niya dahil sa obvious na favoritism ng mga magulang. Kahit naman din magsalita siya, bibihira na paniniwalaan siya ng mga ito. Lumaki siyang inaabuso at noong nasa kolehiyo na ay nagpasya siyang umalis sa kaniyang pamilya. Doon niya nakilala si Darvis. Buo ang tiwala niya noon na walang makakaagaw sa lalaki mula sa kaniya. Pero nagkamali siya. Nakuha pa rin ito ni Pearl nang walang kahirap-hirap.Nakagagalit isipin

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 3 - Growing lies

    Main Office, Florencio Group.Banaag ang iritasyon sa mukha ni Darvis ngunit agad naglaho iyon pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Psalm. Matinding ligalig ang umukit sa mga mata ng lalaki. "Hon, masyadong busy ngayon sa kompanya dahil sa pagpasok ng bagong investors. I'm sorry kung nawalan ako ng oras para samahan ka. Uuwi ako ng maaga, okay? Huwag ka nang magalit." Nilangkapan niya ng lambing ang boses.Walang sagot mula sa kabilang linya. Humigpit ang puso ni Darvis. Masyado na ba niyang napabayaan ang asawa? Huminga siya ng malalim at muli sanang magsasalita pero naunahan siya ni Psalm."Ano'ng oras ka uuwi?" Bakas ang pagod sa tono ng babae.Nakahinga siya ng maluwag at sinipat niya ang suot na relos."Six o'clock," may alanganin niyang sagot. "Okay," kaswal na tugon ni Psalm at tinapos ang tawag nang hindi man lang nagpaalam.Nang marinig ang pagkaputol ng linya ay naupo muli sa swivel chair si Darvis at bahagyang ngumiti. Clingy pa rin talaga ang asawa niya. Hindi naman

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 2 - Pregnant

    Tatlong buwan ang lumipas mula nang magdesisyon si Psalm na umalis at iwanan ang asawa. Kinailangan niyang humanap ng tiyempo dahil alam niyang may mga nakabantay sa kaniya sa mansion. Mabigat ang loob na hinimay niya lahat ng alaala ng nakaraan nila ni Darvis. Libo-libong mga larawan, daan-daang libong mga salita na nakaukit sa love letters at patong-patong na mga regalo. Itinago niya ang mga iyon sa isang ligtas na silid para ihanda bilang sorpresa kay Darvis sa araw ng kaniyang pag-alis. Isang umagang abala ang lahat sa paghahanda para sa wedding anniversary nila ni Darvis nagkaroon ng pagkakataon si Psalm na pumuslit. Kinuha niya sa pinagtataguan ang naka-impakeng mga gamit. Tahimik at mahinahon siyang lumisan sakay ng taxi na nag-deliver doon ng in-order niyang ice cream."Saan tayo, Ma'am?" tanong ng may edad na driver."Holiday Capital Hotel," matamlay niyang sagot.Ramdam niya ang mabining haplos ng pintig sa kaniyang sinapupunan. Tila ba pinalalakas ang loob niya. Oo. May

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status