Share

Chapter 60 - bad effect

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-07-12 13:01:42

"Sumama ka sa akin, mag-usap tayo..." may pagsusumamo sa tono ni Darvis at akmang hahawakan niya si Psalm.

Pero itinulak siya ni Ymir Venatici at humarang ito sa pagitan nila ng asawa, pinapakitang pinoprotektahan nito si Psalm mula sa kaniya. Naging baliktad na ngayon, sa halip na siya ang magtatanggol sa asawa niya, biglang siya ang lumalabas na kontrabida rito?

"Ano'ng gusto mong patunayan, Dr. Venatici? Problema namin ito ng asawa ko, labas ka na rito!" angil niya.

"Wala na siya sa poder mo, Darvis, palagay mo'y may karapatan ka pang obligahin siyang kausapin ka nang kayo lang? At ano ba iyang sasabihin mo sa kaniya na hindi ko pwedeng marinig? Aaminin mo na ba ang kagaguhan mo?"

Napalunok si Darvis. Mababakas sa himig ng doctor na may alam ito sa private affairs niya. May tendency bang sinabi nito kay Psalm kaya nagdesisyon ang asawa niyang umalis sa bahay nila? Pero kung alam na nga ni Psalm, bakit hindi siya nito kinompronta? Hindi niyang ipilit ang gusto sa ngayon.

He decide
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Jusko, Pearl! Nang umulan ng katangahan, hayon ka at pasayaw-sayaw pa. Sige, lipat na at nang mas lalong madiin ang pagiging kabit mo. Dagdag kaso rin yan.
goodnovel comment avatar
delia homo
naku lang talaga hutad kang pearl ka...
goodnovel comment avatar
Alas Gatacelo
Buti nga sayo darvis
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 62 - quick return

    Pabalik-balik sa utak ni Pearl ang sinabi ni Darvis na tanging si Psalm lang ang pwedeng maging reyna ng mansion. Kunti na lang ay masisira na ang utak niya sa galit at selos. Bakit ba ang hirap alisin ng kapatid niya sa sistema ng lalaki? Hindi lang iyon, para bang lahat ng eligible bachelor na pwedeng pangarapin ng mga babae ay mabilis lang kung makuha ni Psalm ang atensiyon. Wala namang special doon sa kapatid niya.Pero kailangan niyang kontrolin ang sarili. Siguro, saka lang siya matatanggap ng lubusan ni Darvis kung patay na si Psalm. Naglibot ang mga mata niya sa buong master bedroom. Dito natutulog dati ang ate niya pero ngayon ay heto siya, nakahiga sa kaparehas na kama kung saan ito humihilata. May naisip siya ideya.Kinuha niya ang cellphone at nag-selfie. Agad niyang ipinasa ang photo sa chatbox ni Psalm. Siguro naman pamilyar dito ang silid at hindi na niya kailangang sabihin na naroon siya sa kuwarto dati ay inuokupa nito kasama si Darvis.Naghintay siya na makita nito

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 61 - move in

    Naubos ni Psalm ang juice na ibinigay ni Lui sa kaniya. Nasa office pa rin siya ni Ymir at naghintay na makabalik ang doctor. Tinawagan ito kanina para sa emergency surgery. Hindi muna siya nito pinababalik sa hotel at baka inabangan daw siya ni Darvis doon. Isa sa mga staff nito ang pumunta para sunduin si Chowking at dalhin dito.Dahil sa stress at kulang sa tulog nang nagdaang gabi ay nakatulog siya sa couch. Nagising lang siya nang maramdaman ang banayad na haplos sa kaniyang noo. Binuksan niya ang mga mata."You're sweating despite the full blast air-condition. Okay ka lang ba?" Si Ymir na naka-bent sa sahig ang isang tuhod at pinunasan sa likod ng palad ang pawis niya sa noo. Maingat din nitong hinaplos ang pisngi niya.Bumangon siya. Nagkusot ng mga mata at humikab. "Sorry, nakatulog pala ako. Si Chowking!" bulalas niyang agad dinakma ang pusa na natutulog sa may paanan niya.Natawa sa kaniya ang doctor. "Naglaro kami kanina pagdating ko. She's adorable like you.""Meaning, muk

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 60 - bad effect

    "Sumama ka sa akin, mag-usap tayo..." may pagsusumamo sa tono ni Darvis at akmang hahawakan niya si Psalm.Pero itinulak siya ni Ymir Venatici at humarang ito sa pagitan nila ng asawa, pinapakitang pinoprotektahan nito si Psalm mula sa kaniya. Naging baliktad na ngayon, sa halip na siya ang magtatanggol sa asawa niya, biglang siya ang lumalabas na kontrabida rito?"Ano'ng gusto mong patunayan, Dr. Venatici? Problema namin ito ng asawa ko, labas ka na rito!" angil niya."Wala na siya sa poder mo, Darvis, palagay mo'y may karapatan ka pang obligahin siyang kausapin ka nang kayo lang? At ano ba iyang sasabihin mo sa kaniya na hindi ko pwedeng marinig? Aaminin mo na ba ang kagaguhan mo?" Napalunok si Darvis. Mababakas sa himig ng doctor na may alam ito sa private affairs niya. May tendency bang sinabi nito kay Psalm kaya nagdesisyon ang asawa niyang umalis sa bahay nila? Pero kung alam na nga ni Psalm, bakit hindi siya nito kinompronta? Hindi niyang ipilit ang gusto sa ngayon. He decide

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 59 - fight

    "Mabuti at nagdesisyon ka nang umalis ng bahay n'yo. I will send Lui to you in case you need some assistance. Do nor overdo yourself, alalahanin mong buntis ka," pahayag ni Ymir at tinanguan si Amara na pumasok ng opisina niya.Kausap ng doctor sa cellphone si Psalm. Binalita sa kaniya ng babae ang pag-alis nito ng mansion kagabi. Tumutuloy ito ngayon sa Holiday Capital Hotel. May investment doon ang babae sa pagkakaalam niya. "Okay lang ako, Ymir. Maayos na kami ni Chowking dito. Nagka-problema lang ako ng kunti sa papers niya kagabi dahil naiwan ko roon sa mansion. Buti na lang pet lover ang manager. Binigyan ng consideration si Chowking.""How about your personal provisions? I can ask Lui to buy some items for you and your cat." Itinuro ni Ymir sa pinsan ang couch. "Hindi na. Lalabas ako mamaya at isasama ko si Chowking, bibili kami ng ilang gamit.""Aabangan ka lang ni Darvis at baka mapilit ka na naman ng lalaking iyon na umuwi sa bahay ninyo. Si Lui na ang papupuntahin ko at s

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 58 - leaving him

    Gabi nang nakauwi ng mansion si Psalm. Nagtaka siya at abala ang mga katulong sa paghahakot ng kung anu-ano patungo sa rose peony garden. Tumikwas ang kilay niya nang matanaw si Darvis na papalapit. Bihis na bihis. Naka-brush up ang buhok at amoy niya ang spicy na aroma ng panlalaking cologne. Ngayon lang niya hindi na-appreciate ang angas ng asawa sa kabila ng matikas nitong tindig. "Ano'ng mayroon, Darvis?" usisa niya. Bonggang ka-dramahan na naman ba ito dahil may hihingin sa kaniya ang lalaki? Sana mali siya.Ngumiti ang lalaki. "Naghanda ako ng candle dinner para sa iyo, honey. Isipin mo nang house date natin ito. Hindi na tayo nakalalabas kaya bumabawi ako kahit dito lang sa bahay. You will love the food, lahat na niluto namin ay paborito mo.""Kinabahan ako sa iyo, kung ang isang lalaki ay basta na lang babait nang walang dahilan, dalawa lang ang tendency nón, may kasalanan siya na gusto niyang mapatawad o may pabor siyang hihilingin at desperado siyang mapagbigyan. Alin sa da

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 57 - patent

    Hermosa house.Walang tao sa sala nang pumasok si Darvis, bitbit ang shopping bags na naglalaman ng gatas at supplements para kay Pearl. He managed to sneak out and bought some on his way here. Kinukulit siya ng dalaga dahil paubos na huling supply na binili niya."Kuya, may balita na ba tungkol sa kaso ng parents ko?" Dinaluhong siya ni Pearl."Wala pa, hindi ko pa naasikaso. Alam mo namang loaded ako ngayon sa office.""Kailangan nilang makalabas bago pa ako manganak, ang pangit tingnan na ang grandparents ng baby natin ay kapwa priso, di ba?"Masakit ang ulo ni Darvis at madalas pinapalala pa ni Pearl pero hindi rin niya maaring balewalain ang dalaga. "Wala akong magagawa, Pearl. Nagtanong ako sa hepe at sinabi niyang masyadong mabigat ang kaso. Hindi eligible para sa piyansa.""Basta, ipangako mong makalalabas ang mga magulang ko, kung hindi..." naglakad si Pearl patungo sa terrace na nag-uugnay sa second floor. "Pearl, what are you doing?" marahas na angil ni Darvis at hinabol a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status