Surprise na surprise si Mahalia sa gabing iyon. Maraming nagpalakpakan, at bumati sa kaniya. Napansin din niya, parang kakaunti lang ang guest, ngunit hindi na niya nagawang itanong pa dahil lumapit sa kaniya si Sezy na lumusot lang sa maraming tao. "Happy birthday!" Patalon-talon pa itong pumunta sa kaniya at niyakap siya. Gusto niyang maiyak lalo na ng ibigay nito sa kaniya ang hawak na regalo. Tapos sunod na lumapit si Yanvi na may binigay din na regalo at halos yupiin siya sa pagyakap nito. "Happy Birthday! Thank you kasi dito ka nag-celebrate." "Woi ako din, payakap," singit ni Miarta at katulad ng dalawa yumakap din ito sa kaniya at nagbigay ng regalo. "Happy birthday sana dalaga ka na." Natawa siya. "Bakit hindi ba ako dalaga?" "Sa cute mong yan, ugali mukha, hindi halata," sabi naman nito. Tambak ang regalo ng tatlo sa kaniya tapos mayroon pang iba at pati si Ma'am Regina, may regalo din sa kaniya. "Happy Birthday Mahalia." "Nakakahiya po, pumayag kayo na dito ako ma
Kasal, ito ang pinaka-importante parte ng buhay ng lalaki at babae lalo na sa babae. Titig na titig si Mahalia sa napakaseryosong mukha ni Matteo. Kitang-kita niya, na tila ba'y napaka-importante niya sa lalaking ito. Alam niya, ilang beses na sinabi ni Matteo na mahal siya nito, ngunit minsan, ang tiwala niya ay nasisingitan ng pagdududa sa tuwing iniisip niya kung paano sila nagkakilala at kung ano ang buhay nila sa simula. Dahil sa rason na iyon, nagsalita siya. "Kasal, Matteo...Kasal, hindi na biro yan." "Exactly, hindi na biro to, dahil seryoso ako, Mahalia. Gusto kitang makasama habang buhay," anito na halos tumalon ang puso niya sa kilig, sa tuwa, kahit naroon ang pagtataka niya. "H-Hindi ka ba natatakot? Kailangan na talagang hahantong tayo sa kasal?" tanong pa niya na siyang awtomatikong pagguhit ng pagkadismaya sa mukha nito. "A-Ayaw mo ba? Wala ka bang may nararamdaman sa akin kahit konti? Mahirap ba akong mahalin?" tanong nito, animo'y nalungkot pa. Parang hindi siya
Tiningnan ni Mahalia ang Marriage contract. Unang nakita niya, pangalan ni Matteo, sunod ang pangalan niya, ngunit kumunot ang noo niya dahil ang pangalan niya doon ay, Mahalia Bianchi. "Huh? Bakit hindi Ramirez ang apelyido ko?" taka niyang tanong at tumingin rito. "Bakit? Mas gusto mo pa rin ba ang apelyido na iyon?" tanong naman nito, pasayaw-sayaw pa ang mga mata na tila naiilang tumingin sa kanya."Eh shempre diba? Apelyido ito ni Finn?" Sobrang gulong-gulo siya. "Hindi kasi bagay sa'yo ang Ramirez at apelyido yun ng babaeng never ka naman tinuring na anak. Tanggalin mo na sila sa buhay mo, Mahalia at kaya Bianchi yan, kasi shempre close kayo ni Finn, kaya mas maigi na makiapilyedo ka na lang sa kaniya," mahabang sabi nito. Bumusangot siya. "Pwede ba iyon?""Tsk! That's okay, kasi after mong mapirmahan yan, Elioconti ka na. Temporary lang iyang Bianchi. Pero wag mo na lang sabihin kay Finn ha. Sige na pirmahan mo na," paliwanag nito at tinuro ang hawak niyang papel. Kahit ma
Hinayaan ni Finn at Victoria na mag-sama ng sila lang, pinili niya munang makasama si Daphne na ngayon ay brokenhearted ulit. Malinaw na hindi pa nga ito naka-move on kay Matteo. Kapag kasi masama ang loob ng kapatid niya, wala itong ganang kumain kaya siya ang naglalagay ng pagkain sa plano nito. "Kain na, babagsak ang katawan mo kapag lagi kang ganiyan," mahinang wika niya. Tamad nitong kinuha ang kutsara at walang ganang tinusok ang karne. "Why is Matteo like that?" mahinang tanong nito. Umakto siyang walang pakialam sa tanong ngunit hindi niya maiwasang tumugon kaya naging tamad ang pakikipag-usap niya rito. "Just forget him, he's with someone else now.""I understand kung si Victoria ang pinalit niya sa akin," anito. "But there's nothing between him and Victoria. Kasi kung meron, hindi sila close ni Mahalia," paglinaw niya. Nagpatunog ito ng dila at nakabusangot na bumuntong hininga. Binaba lang nito ang tinidor at sarkastikong tumitig sa kaniya. "And even you, malapit ka sa
"Are you ready?" Kasalukuyang nakaharap sa salamin si Mahalia habang nag-aayos ng sarili. Sexy na damit na ngayon ang suot niya at si Matteo ang nagtanong kung ready na ba siya. Nagpatunog siya ng dila at ngumiti sa salamin. "Tapos na ako. San ba kasi tayo pupunta?" "Just bonding with friends, random. Check ko lang si Finn, tanong ko kung makakapunta siya," anito sabay labas ng kwarto habang ang kamay ay nagdudukot ng phone sa bulsa. Siya naman kinuha ang bag sa ibabaw ng kama, kinuha na rin niya pati ng susi ng sasakyan na nasa tabi nito. Napangiti siya sa isiping hinahanda niya ang mga bagay na kailangan ni Matteo bilang asawa at hindi babae lang. Hinayaan niya itong makipag-usap sa kanilang linya, at siya naman ay sinasara ang kwarto. Maya-maya binaba nito ang phone at lumapit sa kaniya. "Sasama daw siya?" "Oo daw, mukhang basag ang boses niya, nagkaproblema yata. Pero susunod siya, dun na lang natin siya kikitain," anito habang nilalagay naman niya sa bulsa nito ang susi ng
Napansin ni Mahalia na sinamaan ng tingin ni Finn si Matteo. Maya-maya umalis itong si Finn at siya naman binigyan ni Matteo ng pahintulot na kumuha pa ng pagkain. Magkasama naman sila ni Bree na namili ng kakanin nila. "Ano steak ka ulit?" tanong ni Bree sa kanya ng pabulong. "Ang sarap kasi eh," aniya at tinuro niya ang lasagna. "Tsaka may lasagna sila.""Don't tell me kakain ka pa ng lasagna?" animo'y gulat na tanong nito. Sinisilip pa nito ang mukha niyang tila ba'y may kinakatakahan sa kaniya. "Eh kasi...." Nagpatunog siya ng dila at napangiwi. "Alam mo ba, parang ang sarap kumain ngayon, tapos puro lahat paborito ni Matteo yung gusto kong kainin." Napansin niya ang pagbuka ng bibig nito na animo'y nagulat. Kumunot naman ang noo niya at napatanong ng, "Bakit?" Nagtikom ito ng bibig at nagpanggap na parang wala lang, sa pamamagitan ng pag-iling at sinabing, "Wala." Nagtataka man, pinili na lang niyang baliwalain ito. Nag-order na lang siya ng pagkain na gusto niya, at habang
"H-Huh...?" Tanging boses lamang na lumabas sa bibig ni Mahalia. Nanlamig ang buong katawan niya sa sinabi ni Finn. Nandoon ang tuwa na nararamdaman niya, alam niya na tuwa talaga iyon, pero naiiyak siya, kinakabahan. At sa pag-awang ng kaniyang mga labi tumulo ang luha niyang nakatitig kay Finn. Malalaking butil din ng mga luha ang pumatak mula sa mga mata ni Finn habang nakatitig sa kaniya. Hindi na niya namamalayan na nagulat din ang tatlo pa nilang kasama. Pax, Gavyn, and Bree. "W-Wait what? Sibling?" tanong ni Bree na sinisilip pa pareho ang mukha nila ni Finn. Umiling si Finn. "Hindi ko alam, pero yung DNA kasi ang nagsasabi ng totoo. Mahalia we're 99.9% siblings, kuya mo ako."Pumutok ang pag-iyak niya. Halos hindi na siya makapagsalita, hindi niya alam ang sasabihin at tanging pag-iyak lang ang nagagawa niya. Mula sa mahina, hanggang sa lumakas, at kalaunan nakapagtanong siya, "Paano, paano ako nawala sa inyo? Paano ako napunta kay Nanay?" Tila hindi na kinaya ni Finn ang
Ipinagtaka naman ni Mahalia na tatlong lalaki lamang ang bumalik. Palipat-lipat ang tingin nila ni Bree sa mga ito, Hunter, Pax and Gavyn. Kasalukuyan silang nasa lamesa at kumakain ng prutas pero dahil nakatingin sa kaniya si Hunter naging alanganin ang kaniyang pagsubo. Lumapit ito sa kaniya habang napapatanong naman si Bree ng, "So where's the two?"Hinila ni Hunter ang upuan at umupo sa tabi niya habang sumasagot si Pax ng, "Nasa baba pa, may pinag-uusapan lang.""Hmm. About Mahalia? Yeah, I get it, dapat nga silang mag-usap," ani naman ni Bree habang binubuhusan ng gatas ang strawberry ni pinaghihiwa nito sa bowl at mayroon pang mga ice. "Sasama ka ba kay Finn kung aayain ka niyang tumuloy sa unit niya?" tanong naman ni Hunter sa kaniya. Sumagot naman siya, "Shempre naman, bakit naman hindi. Diba nga kuya ko siya?" "Kahit sabihin niyang doon ka na titira?" Natigilan siya sa sinabi nito. Napatingin siya rito na bahagyang nakaawang sa mga labi at ang tanging naiboses lamang ni